Devin POV
"Guys! Dalawang puntos na lang tabla na!"- sigaw ni Luis sa mga ka-Team niya.
Nilapitan naman ako ng mga ka-Team ko.
"Dev, anong gagawin natin? 1 minute na lang."- mahinang saad sakin ni Vince.
Tinignan ko naman ang oras.
"Kaya pa yan, di tayo matatalo."- saad ko sabay punas ko sa pawis ko.
"Nasa atin ang bola, hindi nila yun pwedeng maagaw. Ibigay niyo sakin ang bola."- saad ko.
Nagkatinginan naman sila at pagkatapos ay sabay-sabay silang nagtanguan.
"Roger!"- sagot nila.
"Okay! isang minuto na lang at matatapos na ang laro sa pagitan ng Team A at B. Sino kayang mananalo!"- saad ni Rai na naka-mic na ngayon.
Nagsigawan naman ang mga estudyanteng nanonood. Halos napuno na ang buong Gym...
"Team A! Team A!"
"Team B kaya niyo yan!"
"Sir Devin!!!"
"Tapusin na natin 'to."- saad ko kila Luis.
Pagkatapos nun, nagsimula muli ang laban namin sa basketball nila Luis.
"Wag niyo silang hayaang makapuntos!"- sigaw ni Luis.
Mas lalo namang lumakas ang hiyawan at sigawan ng mga estudyante nang ipasa sakin ni Vince ang bola.
"Huling paghaharap natin para sa larong 'to, wag mong ubusin ang oras. Pumuntos ka."- saad sakin ni Luis habang mahigpit akong binabantayan.
Humakbang naman ako pasulong.
"Wag kang mag-alala, hindi yan ang plano kong gawin."- saad ko sabay dribble ko ulit sa bola at hakbang paatras.
"Pupuntos ako."- saad ko sabay porma ko ng pang-three point shot.
"Hindi ka magtatagumpay!"- saad ni Luis sabay talon ng umikot ako patungo sa gilid at mula doon ay ishinoot ko ang bola na........ pumasok.
"Times up! Team A wins!"- sigaw ni Rai.
Nagsigawan naman ang mga estudyanteng nanonood. Lalo na ang mga kakampi ko.
"Nanalo tayo! HAHA! Lilinisin nila 'tong Gym! Bawal humingi ng tulong sa mga janitor ah!"- tuwang-tuwang saad ni Vince kila Luis.
Ngumiwi naman ang mga ito sabay tumango.
"Oo."- sagot ni Luis sabay tingin sakin.
"Grabe, hanggang sa sports ba naman hindi kita kaya? Lahat ng tira mo pumasok, ni isa walang pumalya!"- saad sakin ni Luis.
Bahagya naman akong ngumisi.
"Hindi lang kasi basta laro ang basketball, habang naglalaro ako.. tila nag-aaral din ako. Sinusukat ko ang layo o distansya ko sa ring maging ang pwersa ko. Sinisiguro kong tama lang ang pwersang pinakakawalan ko para pumasok ang bola sa ring."- saad ko.
Napailing naman sila.
"Iba talaga kapag matalino, the best ka talaga!"- saad ni Luis.
Natawa naman ako ng bahagya.
"Ako pa ba?"- saad ko.
Pagkasabi ko nun, bigla na lamang bumukas ng pagkalakas-lakas ang pintuan ng gym at iniluwal nun sila Ashlie, Ylana at Tala na may mga bahid ng dugo sa damit.
Natahimik naman ang lahat ng mga estudyante, samantalang kami nila Luis. Kinabahan kami at agad na tinanong yung tatlo.
"Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Anong nangyari?"- kinakabahan kong sabi.
Naluluha namang sumagot si Ashlie.
"D- Dev... Luis.... Si Ice tsaka si Ate Rei, m- may nangyaring hindi maganda eh!"- naluluhang saad ni Ashlie.
Mas lalo naman akong kinabahan.
"Anong nangyari!!"- sigaw ko.
Sumagot naman si Tala.
"K- kailangan ng Doctor... s- si Ice, may saksak siya ng kutsilyo sa braso t- tapos si Ate Rei... si Ate Rei, dinudugo! Luis baka makunan si Ate Rei!"- saad ni Tala.
Nataranta naman kami ni Luis at agad kaming napatakbo palapit kila Ashlie.
"Nasan sila!"- sigaw ko kila Ashlie.
"S- sa Garden!"- sagot naman agad ng mga ito.
Tinignan ko naman si Vince.
"Sabihin mo sa mga kagrupo mo na rito lang sila, wag kamo silang magpalabas ng kahit isang estudyante. Isarado lahat ng daanan!"- saad ko kay Vince.
Tumango naman ito agad.
"Sige."- sagot ni Vince.
Napakuyom naman ako ng kamao ko.
"Tara Luis!"- saad ko sabay takbo ko paalis.
Agad naman akong sinundan ni Luis kasama ng iba pa.
Pagdating namin sa garden, naabutan namin dun si Ice na tinatapalan ng Nurse ng school ang dumudugong kanang braso at si Reign naman na may umaagos na dugo sa mga binti na inaasikaso naman ni Prof.China.
"Ice!"
"Reign!"
Sabay na sigaw namin ni Luis sabay lapit namin sa mga misis namin.
"Ice! Anong nangyari!"- nag-aalala kong tanong kay Ice.
Hindi naman niya ko nasagot ng biglang sumigaw si Prof.China.
"Buhatin niyo si Reign, dalhin niyo sa clinic! Maililigtas pa ang anak niya!"- sigaw ni Prof.China.
Bigla namang tumayo si Ice.
"P- prof, si Ate! Iligtas mo si Ate!"- saad ni Ice kay Prof.China.
Tinignan naman siya ni Prof.China at tumango.
"Oo, at pagkatapos niya, Ikaw naman. Mabilis lang 'to."- saad ni Prof.China sabay tingin kila Luis.
"Bilisan niyo!"- sigaw ni Prof.China.
Agad namang kumilos sila Luis. Pagkaalis nila, kinausap ko ulit si Ice.
"Ice, anong nangyari?"- tanong ko kay Ice.
Tinignan naman niya ko at pagkatapos ay isang malakas na sampal ang natanggap ko.
"Kasalan niyo kung bakit nangyari 'to!"- saad niya sabay tabig niya sakin at lakad niya paalis.
"M- Ma'am Darkiela!"- sigaw ng Nurse sabay habol nito kay Ice.
Hindi naman ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko.
B- bakit niya kami sinisisi.... anong nangyari!?
xxxxxxx
Ice POV
"Tss... bakit ba atat na atat na siyang magkaanak? Mabuti sana kung siya lang ang maghihirap mas okay! Kaso hindi eh! Bwiset!"- banas kong sabi habang naglalakad ako sa hallway.
Tch! naiintindihan daw niya ko. Yeah right! Yun yung sinabi niya sakin dati pero hindi naman yun yung ipinapakita niya! Nakakabwiset siya!
"Oy! Kalat niyo 'to itapon niyo!"- rinig kong sigaw ng mga grupo ng mga kalalakihan.
Agad naman akong napatingin sa mga ito, pagtingin ko.. ang Phantomrick at ang Souls, mga nakapangbasketball na damit ang mga ito.
"Kakapal niyo ah! Hiningi niyo samin yang mga pagkain kaya ngayon yung mga balat niyan hindi na amin, inyo na yan kaya dapat kayo ang magtapon niyan!"- pagtataas ng boses ni Owen kila Henric at sa grupo nito.
Natatawa namang sumagot si Henric.
"Pagkain lang yung hiningi namin hindi yung mga balat! Itapon niyo yan!"- saad ni Henrick sabay bato nila ng Phantomrick sa mga hawak nilang balat ng pagkain sa Souls.
Pinulot naman ng Souls ang mga kalat at pagkatapos ay ibinato nila pabalik sa Phantomrick ang mga ito.
"'Bat di niyo itapon!"- saad ni Owen.
Pagkatapos nun, nagsimula na silang magbatuhan ng mga basura habang nagtatawanan.
Tahimik ko naman silang nilapitan. Nung una, tila hindi pa nila ko napapansin o nakikita. Hanggang sa makaramdam si Owen.
"I- Ice.."- saad ni Owen.
Walang emosyon ko naman silang tinignan maging ang mga kalat sa sahig ng hallway na gawa nila.
Nang makita nilang nakatingin ako sa mga kalat nila, agad nila yung pinulot at tinapon sa basurahan na malapit sa kanila.
"A- ahm? R- roronda ka na ba?"- saad sakin ni Owen sabay siko niya kay Henrick na nakayuko.
Agad naman itong nag-angat ng ulo at tinignan ako.
"M- mamaya pa yung oras ng pagronda namin kaya.. maglalaro muna kami ng basketball pampatanggal ng bored."- saad ni Henrick at pagkatapos ay sabay-sabay silang nagngitian sakin.
Muli, walang emosyon ko ulit silang tinignan na lahat.
"Library, Training room, Hallway, Cafeteria, lahat ng mga classroom sa Third Floor."- walang emosyon kong sabi.
Sabay-sabay naman silang napakunot ang noo at pagkatapos ay sandali silang nagkatinginan.
"A- ano yang sinasabi mo?"- naguguluhang saad ni Owen.
"Pumunta kayo sa janitor closet, kunin niyo yung mga gamit doon at pagkatapos.. yung mga lugar na binanggit ko, linisin niyo yun. Walang maglalaro ng basketball hangga't hindi niyo natatapos linisin yung mga lugar na binanggit ko."- saad ko kasabay ng pagkunot ng noo ko.
"Kapag hindi niyo ginawa, babawasan ko na lamang ang mga sahod niyo."- saad ko sabay lakad ko paalis.
Habang naglalakad ako paalis, narinig ko pa silang nagsisihan. Tss... well sorry to them, nagpakita sila sakin ng ganun nang mainit ang ulo ko!
Pagkadaan ko sa garden, may nakita akong mga estudyante na nakatambay. At kilala ko ang isa dun. Nilapitan ko naman ang mga ito at agad naman nila kong napansin.
"Ms.Ice."- nakangiting salubong sakin ni Joana.
Tinignan ko naman siya at ang mga kasama niya.
"Anong ginagawa niyo rito? hindi 'bat oras ng klase?"- malamig kong sabi sa mga ito.
Agad namang sumagot si Joana.
"Ahm, wala po kasi yung Prof namin. Nakakabagot po kasi sa classroom kaya po lumabas po kami, b- bawal po ba?"- saad ni Joana.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan kung may text akong natanggap. Pagtingin ko, may isa akong natanggap mula sa isang Prof dito sa DIA na nagsasabing hindi siya makakapagturo ngayon dahil nilalagnat siya.
Tinignan ko naman ulit si Joana
"No, walang rule na nagsasabing bawal kayong lumabas kapag wala kayong Prof."- saad ko sabay tago ko sa cellphone ko.
"Basta wag lang kayong gagawa ng kung anong kalokohan, ayokong magtatatakbo o magharutan kayo sa tapat ng mga classrooms. Makakaistorbo kayo sa mga nagkaklase."- saad ko.
Tumango naman si Joana at ang mga kaklase niya.
"Opo!"- sagot ng mga ito.
Hindi naman na ko nagsalita at tinalikuran na lamang sila para umalis. Saktong pagtalikod ko, nakita ko si Ate Rei na papalapit sakin.
Halata ang kasiyahan sa mukha nito.
"Ice!"- masaya nitong sabi pagkalapit sakin
Bahagya naman akong ngumiti.
Hindi maganda ang mood ko ngayon pero hindi naman pwede na madamay si Ate sa init ng ulo ko lalo pa at tila sobrang saya niya.
"Oh? Ang saya mo yata sobra, may.... maganda bang nangyari?"- tanong ko kay Ate.
Tumango naman ito at pagkatapos ay agad akong hinila patungo sa kabilang bahagi ng Garden.
"Actually, nung nakaraang-nakaraang araw ko pa alam 'to pero di lang namin agad ibinalita ni Luis kasi medyo nagdalawang isip pa kami, pero ngayon nakapagdesisyon na ko at napagdesisyunan kong ibalita ko na sa inyo. Sayo!"- saad ni Ate Rei sabay ngiti niya.
"Ice, magkakaroon na ng kapatid si Railen!"- masayang saad ni Ate Rei na tila kinikilig pa.
Nawala naman ang ngiti ko.
B- buntis siya? Tsss... bakit ba ayaw akong lubayan ng usaping buntis!?
"A- ano... b- buntis ka?"- gulat kong sabi.
Tumango naman si Ate Rei sabay hinampas ako.
"Anong klaseng reaksyon yan? Alam mo, ipinapanalangin ko na sana lalaki naman 'tong pangalawa. Gusto ko talaga ng anak na lalaki kahit na ang daming nagsasabi na sakit daw sa ulo ang magkaroon ng anak na lalaki."- saad ni Ate sabay upo niya sa upuan na malapit samin.
Agad ko naman siyang tinabihan at pagkatapos ay kinausap ko siya ng seryoso.
"P- pero diba Ate... parang hindi ayos na buntis ka tapos nandito ka sa DIA na kung saan may nagaganap na naman na problema? B- baka mapahamak ka, samahan mo na lang kaya muna si Railen dun sa mga magulang ni Luis? mas maganda kasi na may titingin sayo at may kasama ka."- saad ko.
Sandali naman akong tinitigan ni Ate Rei at pagkatapos ay bumuntonghininga siya.
"Sabi na yan ang sasabihin mo, yan yung dahilan kung bakit medyo nagdalawang isip pa kami ni Luis na ibalita 'tong pagbubuntis ko ulit."- saad ni Ate Rei sabay tingin niya ng diretso sakin sa mata.
"Ice, no need, dito lang ako sa DIA, magiging ayos lang ako rito okay? Alam mo, napapansin ko na tila nawawala yung Ice na gusto namin. Hindi mo ba napapansin? medyo nagbabago ka, masyado mong siniseryoso ang mga nangyayari ngayon dahil natatakot ka. Alam mo ba na sa tingin ko ay naduduwag ka kaya ka sobrang natatakot at kaya ka sobrang nagseseryoso? Ice, pinagdaanan mo na 'to at nalagpasan mo yun kaya naman hindi mo kailangang matakot, wake up Ice! bumalik ka sa sarili mo. Kumalma ka lang okay?"- saad sakin ni Ate Rei sabay buntonghininga niya ulit.
"Alam mo bang tuwing nagroronda si Devin dito sa DIA ay dumadaan siya minsan sa dorm naming Skulls? At tuwing pumupunta siya samin ay palagi siyang may daing. At iisa palagi ang lumalabas sa bibig niya, iisang daing lang palagi."- saad ni Ate Rei sabay mimic niya kay Devin.
"Gusto ko nang magkaanak! Kaso ayaw pa ni Ice dahil sa nangyayari daw ngayon sa DIA. Nakakainis! Nung first two years namin bilang mag-asawa ang dami din niyang dahilan, dati puro walang kwentang dahilan. Ngayon aaminin kong may kwenta yung dahilan niya, may sense kumbaga! kaya lang ang tagal na naming kasal eh! Gusto ko nang magkaanak."- saad ni Ate Rei habang ginagaya ang boses at arte ni Devin.
Tila tumiklop naman ang dila ko at hindi ako nakapagsalita.
"Dahil sa daing na yun ni Devin, nagdalawang isip tuloy kami ni Luis na ibalita sayo na buntis ako nung nalaman ko na buntis nga ko. Alam mo Ice tama si Devin eh, ang tagal niyo ng kasal. Bigyan mo na siya ng anak at wag ka nang mag-inarte diyan nako! Baka mamaya maghanap ng ibang aanakan yun sige ka, hindi mo alam ang takbo ng utak ng asawa mo. Oo nga at mahal na mahal ka niya pero di mo rin masasabi na di niya gagawin sayo yung sinabi ko, napupuno rin ang isang tao Ice. Ikaw nga madalas kang mapuno diba? Kaya naman sige na at lumunok ka na ng pakwan para lumubo na yang tiyan mo. Wag mong seryosohin ang problema ngayon ng DIA, mawawala rin yan."- saad ni Ate Rei.
Hindi naman ako muling nakapagsalita at napayuko na lamang ng bahagya.
Tama si Ate Rei, lahat ng sinabi niya... tama. Ano bang ginagawa mo Ice? Bakit ka ganyan!? Gumising ka nga!
"M- Ms.Ice... Ms.Reign!"- rinig kong sigaw ni Joana at ng mga kaklase niya.
Agad naman akong napatingin sa mga ito.
"S- si Killer Clown!"- sigaw ni Joana.
Agad naman akong napatingin sa tinitignan niya at ng mga kaklase niya at pagkatapos ay agad akong napatayo nang makita ko ang kalaban ngayon ng DIA na may hawak ng kutsilyo.
"Ikaw!"- saad ko at pagkatapos ay nagpakaalerto ako.
Itinagilid naman nito ang ulo niya habang nakatingin sakin.
"Huh? Ako?"- sarkastiko nitong sabi sabay tawa.
"Kung inaakala mo na ako yung una at pangalawang Killer Clown na nanggulo rito sa paaralan na 'to, nagkakamali kayo. Sabihin na natin na.... ako yung pangatlo."- saad nito sabay ngiti, taas sa hawak niyang kutsilyo at takbo patungo sakin.
Agad naman akong dumipensa at hinawakan siya sa wrist niya nang makalapit siya upang pigilan siyang masaksak ako.
Nagtilian naman ang mga estudyanteng nandito sa takot.
"J- Joana! tawagin niyo ang iba sa DCR bilisan niyo!"- sigaw ko.
"O- Opo!"- rinig kong sagot ni Joana at pagkatapos ay nakita kong tumakbo na sila ng mga kaklase niya paalis.
"Oooo... resbak. Ang tanong, aabot kaya sila?"- saad ni Killer Clown sabay tawa.
"Layuan mo si Ice!"- rinig kong saad ni Ate Rei mula sa likuran ko.
Bigla naman akong itinulak ni Killer Clown kaya naman nawalan ako ng balanse at tumama ako kay Ate Rei na agad akong nasalo at inalalayan.
"Sabihin mo, anong ibig mong sabihin sa sinabi mong hindi ikaw ang una at pangalawang Killer Clown?"- tanong ni Ate Rei kay Killer Clown.
Muli naman itong tumawa.
"Hindi pa ba obvious? Hindi lang isa si Killer Clown, marami sila. At ako, ako ang pangatlo."- saad nito sabay taas niya sa kamay niya.
"Una, yung unang Killer Clown. Nakamaskara ito na takip ang buong mukha at ang maskara payaso ang disenyo. Yung pangalawa, nakaface mask ito na tumatakip sa ibabang parte ng mukha niya habang ang itaas na parte ng mukha niya ay may pustura ng pasayo. At ako, ang pangatlo.. walang ano mang maskara na tumatakip sa mukha ko pero ang buong mukha ko ay natatakpan naman ng pustura ng isang payaso."- saad ni Killer Clown sabay tawa ulit.
"Bukod sa una, sa pangalawa at sakin na pangatlo... marami pa kayong makikilala, iba't-ibang uri ng payaso. Iisa lang ang adhikain namin pero ang ugali namin ay magkakaiba. Kung yung una ay minor lang ang p*******t at ang pangalawa ay hindi nananakit, ibahin niyo ko. Ako, nananakit ako. Nananakit ako ng todo!"- saad nito sabay sugod sakin ulit.
Agad naman akong tumakbo palayo kay Ate upang hindi ito madamay.
"Ice!"- sigaw ni Ate Rei ng muntik na kong tamaan ng kutsilyo ng pangatlong Killer Clown na 'to.
D*mmit! Kung ganun marami sila, hindi lang iisa si Killer Clown. At Kung ganitong marami sila paano pa ko kakalma? Tama lang na seryosohin ko 'tong problema ngayon ng DIA at tama lang na hindi pa ko magbuntis. Tama lang ang ikinikilos at inaarte ko!
"Kung marami pala kayo, anong itatawag namin sa inyo? Dapat ba namin kayong bigyan ng numbering?"- sarkastiko kong sabi sa pangatlong Killer Clown na 'to habang umiiwas ako sa mga atake niya.
Bigla naman itong tumawa.
"Good idea! Then tawagin mo kong KC3, short for Killer Clown 3!"- saad nito sabay amba na naman sakin ng saksak ng makaiwas ako pero....
"Ice!"- sigaw ni Ate Rei ng madaplisan ako sa braso.
Lalapit sana siya sakin pero agad akong sumigaw.
"Wag kang lalapit! Wag kang mangengealam dito Ate hindi pwede!"- sigaw ko.
Agad namang huminto si Ate at pagkatapos ay kitang-kita sa mukha nito ang sobrang pagkabahala at pagkainis. Tila naluluha rin ito.
"Oh, bakit di mo siya patulungin sayo? Gusto niyang makisali rito bakit hindi mo hayaan?"- saad ni KC3 at pagkatapos ay tila may bumbilyang umilaw sa ulo nito at bigla siyang tumawa.
"Ahh! Alam ko kung bakit. Narinig ko kanina, buntis ka hindi ba? Reign Daves."- saad ni Killer Clown sabay tingin niya kay Ate.
Tila naistatwa naman si Ate sa kinatatayuan niya.
"Buntis ka kaya naman ayaw kang payagan ni Ice na makipaglaban, tama ba ko?"- saad ni Killer Clown sabay ngisi at harap niya kay Ate Rei.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng magsimulang maglakad si KC3 palapit kay Ate Rei.
"A- anong gagawin mo! Tumigil ka!!"- sigaw ko sabay sugod ko kay KC3 upang mapigilan ito sa paglapit kay Ate Rei.
Agad naman ako nitong tinignan at pagkatapos ay isang sobrang lakas na sipa ang natanggap ko sa tagiliran ng bigla itong umikot at bigyan ako ng isang mababang side whip kick na sapat lamang ang baba upang sa tagiliran ako tamaan.
Sa lakas ng pwersa niya, tila tumalsik ako sa gilid at doon ay bumagsak.
"I- Ice!!"- rinig kong sigaw ulit ni Ate Rei.
Napahawak naman ako sa tagiliran ko sa sakit.
F*ck it! Ang lakas niya!
"Isa akong mahusay na blackbelter, hindi ako kaya ng isang tulad mo."- rinig kong saad ni KC3.
Namimilipit sa sakit ko naman itong tinignan at pagkatapos ay nakita ko itong papalapit kay Ate Rei na nagsimula ng humakbang paatras.
H- hindi 'to maaari!
"H- hindi! Ate Rei!"- sigaw ko sabay tayo ko.
Saktong pagtayo ko, bigla na lamang tumakbo si KC3 patungo kay Ate Rei at binigyan ito ng isang malakas na flying kick sa tiyan.
Naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang tumalsik si Ate Rei at tumama ang likod sa batong upuan dito sa Garden.
"ATE!!"- sigaw ko kasabay ng pagkuyom ko sa mga kamao ko at takbo ko patungo kay Ate Rei nang harangan ako bigla ng kalaban at bigyan na naman ako ng isang side whip kick sa tagiliran.
Muli naman akong bumagsak dahil sa lakas nito.
F*ck! F*ck! F*ck! Bakit ang lakas niya? Hindi ko siya kaya! Si Ate Rei!! Paano ko maililigtas si Ate Rei!? Bakit napakahina ko!?
"Uulitin ko, hindi mo ko kaya. Mahina ka."- saad ni KC3 sakin sabay lakad niya palapit kay Ate Rei at sipa ulit dito sa tiyan.
Napasigaw naman si Ate Rei dahil dito.
"Ate!!"- sigaw ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"*smirk* Ngayon Darkiela Alyson Roque Killiano. Tignan mo kung paano ko patayin ang anak ng Ate mo! Dahil 'to sa kahinaan mo!!"- sigaw ni KC3 sabay sipa ulit sa tiyan ni Ate Rei na ikinadahilan ng muling pagsigaw ni Ate Rei at pamimilipit nito.
Pinilit ko namang tumayo upang pigilan ang pangatlong Killer Clown na 'to sa ginagawa niya.
"T- tumigil ka!!"- sigaw ko sabay suntok ko sana dito sa kalaban ng bigla ako nitong harapin at saksakin sa braso.
"Ice!"- sigaw ni Ate Rei na lumuluha na ngayon.
Itinulak naman ako ng kalaban na ikinadahilan ng muli ko na namang pagkabagsak. Pagkabagsak ko, nakita kong may dugong umaagos sa binti ni Ate Rei na pinipilit tumayo.
"I- Ice!"- lumuluhang saad ni Ate Rei kasabay ng pagbagsak niya dahil sa panghihina niya.
Napakuyom naman ako ng kamao ko kasabay ng tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.
Kasalanan ko 'to! Napakahina ko! Sobrang hina ko!!
"*smirk* Sobra akong nadisappoint Darkiela, kung sa bagay, hindi naman ikaw ang nakapatay sa Tito mong si June, ang asawa mo ang nakagawa nun hindi ba? Dati pa lang, mahina ka na talaga. Kung tutuusin.... Isa kang pabigat."- sarkastikong saad ni KC3 sabay tawa niya.
"Kuntento na ko sa ginawa ko, aalis na ko. Tandaan niyo kong dalawa dahil lalabas ulit ako rito sa DIA. At sa susunod na paglabas ko, maaaring pumatay na ko."- saad ni KC3 sabay ngiti at lakad paalis.
"Hanggang sa muli."- saad nito sabay tawa ulit at alis.
Napasabunot naman ako sa sarili ko sa sobrang inis.
"Dammit!!"- sigaw ko sabay upo ko at hawak ko sa kutsilyong nakatarak sa braso ko.
Pumikit naman ako at dahan-dahan yung hinugot.
"Aaaarrgghhhh!!"- sigaw ko habang hinuhugot ko yung kutsilyo mula sa braso ko.
Pagkahugot ko rito, agad ko itong binitawan at gumapang palapit kay Ate Rei.
"A-- Ate..."- lumuluha kong saad habang hindi ko malaman ang gagawin ko.
"Jusko! Ang anak mo!"- lumuluha kong saad sabay sigaw ko.
"Tulong! Tulungan niyo kami!!"- lumuluha kong sigaw.
Lumuluha namang hinawakan ni Ate Rei ang braso ko.
"A-- ang braso mo..."- lumuluha nitong saad.
Umiling-iling naman ako.
"W-- wala 'to! Wag mong intindihin 'to! Ikaw ang dapat na intindihin! Ang anak mo Ate jusko! TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!!"- sigaw ko ulit.
"Ice!!"- rinig kong tawag sakin ni Ashlie.
Agad ko naman siyang nilingon, kasama niya si Ylana at Tala.
"S- si Ate Rei! Tulungan niyo si Ate Rei!"- lumuluha kong sabi.
Patakbo naman silang lumapit samin.
"P- patawad! Huli kaming nakarating!"- natatarantang saad ni Ashlie.
"Jusko! Anong gagawin ko!"- naluluha nitong saad sabay kuha nito sa walkie talkie niya at contact sa iba pero....
"D*mn! Bakit ayaw nilang sumagot!"- mura ni Ashlie sabay kuha niya sa cellphone niya at dial doon ng numero.
"Prof! Pumunta ka ngayon dito sa garden bilisan mo! Isama mo yung Nurse at magdala kayo ng first aid kit please Prof! Pakibilisan! Malalaman mo kung bakit pagdating dito sa garden kaya bilisan mo na Prof! Bilis!!"- lumuluhang saad ni Ashlie sa kausap niya sa cellphone niya na sa tingin ko ay si Prof.China.
"Reign!? naririnig mo ba ko Reign!"- sigaw ni Tala.
Agad naman akong napatingin kay Ate Reign na tila nawawalan ng malay.
"Ate! Ate!"- sigaw ko.
"I- Ice.. m- may saksak ka.."- saad sakin ni Ylana.
Umiling-iling naman ako.
"Wag niyo kong isipin, si Ate Rei! si Ate Rei ang isipin niyo!"- lumuluha kong sabi sabay hawak ko kay Tala.
"Tala! Iligtas mo si Ate pati ang anak niya pakiusap! Tala iligtas mo sila!"- lumuluha kong saad.
"P- pero Ice, wala akong alam sa paggagamot sa buntis. I- ikaw, ikaw magagamot kita pero si Reign... hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya."- saad ni Tala.
Napasabunot naman akong muli sa sarili ko.
"Hindi! Ate Rei! Ate!!"- lumuluha kong saad.
Ilang sandali lang, dumating na si Prof.China kasama ang Nurse ng school.
"Jusko!"- gulat nitong saad pagkakita nito samin ni Ate Rei.
"T- tawagin niyo ang iba! Bilisan niyo!"- sigaw ni Prof.China kila Ashlie, Ylana at Tala.
Agad namang tumayo yung tatlo at sinunod si Prof.China.
"Nurse, tapalan mo yung sugat ni Ice bilisan mo!"- sigaw ni Prof.China sa nurse na agad kumilos.
"Anong nangyari dito? Anong nangyari sa inyo?"- tanong sakin ni Prof.China habang pinupulsuhan si Ate Rei.
Lumuluha ko naman siyang sinagot.
"P- Prof... yung kalaban namin ngayon. Hindi lang iisa, marami sila! Yung nakaharap namin kanina ni Ate Rei, siya ang pangatlong Killer Clown. Napakalakas niya, hindi ko siya kaya."- lumuluha kong sabi sabay hawak ko sa noo ko.
"Prof. Buntis si Ate, nalaman ng pangatlong killer clown yun kaya naman sa tiyan niya ito tinira nang tinira. At ako, wala man lang akong nagawa!"- saad ko sabay sabunot ko sa sarili ko.
"Sa tingin ko ako lang ang target niya, kaya naman bakit kailangang idamay pa niya si Ate!"- saad ko.
Hinawakan naman ako ni Prof.China sa balikat.
"Wag ka nang umiyak, nagdudugo lang lalo ang sugat mo. Kaya kong gamutin si Reign dahil may alam ako sa panggagamot sa buntis, maliligtas pa ang anak niya.. pati siya."- saad ni Prof.China.
Tinignan ko naman siya.
"Mukhang sinamantala ng Killer Clown na yun ang pagkakataon na 'to na kung saan walang tao at nasa gym ang lahat upang atakihin ka, pero dahil kasama mo si Reign.. maging siya dinamay na."- saad ni Prof.China.
Napakunot naman ako ng noo ko.
"A- ano? Anong nasa gym ang lahat?"- naguguluhan kong sabi.
Tinignan naman ako ni Prof.China.
"Hindi mo alam? Naglalaro ng basketball ngayon ang Skulls, Wolves at Cards. Hindi tumunog kanina ang bell para sa breaktime kaya naman pinalabas na lamang naming mga professor ang mga estudyante para makakain sila pero nang malaman nilang naglalaro nga ang tatlong grupo sa gymnasium ng basketball, halos lahat ng estudyante ng DIA nagtungo dun. Nasa Gym ang lahat."- sagot ni Prof.China.
Hindi naman ako nakapagsalita.
N- nasa gymnasium ang lahat... at dahil dun nagkalakas ng loob yung pangatlong Killer Clown na yun na lumabas at atakihin ako at maging si Ate dahil batid niyang walang tutulong sakin.. ganun ba?
Nasa third floor ang Souls at Phantomrick, nasa gym naman ang Wolves, Skulls at Cards, sila Ashlie, Ylana at Tala naman naglilibot sa DIA at nasa iba't-ibang parte ng paaralan nung mga oras na yun at sila Alex at Grey naman ay binabantayan ang konstraksyon sa ibaba.
Sinamantala ng pangatlong Killer Clown na yun ang pagkakataon upang malabanan at masaktan ako ng walang humaharang, dinamay niya si Ate Rei dahil paniguradong nalungkot siya sa kahinaan ko kaya't naghanap siya ng ibang mapaglilibangan na talaga namang naenjoy niya.
D*mmit! Kung marami lang sanang tao sa paligid, kung nasa paligid lang din sana ang iba pa hindi sana mangyayari 'to! Inaamin kong dahil sa kahinaan ko kaya naman nagkaganito kami ni Ate Rei pero ang pinakadapat talaga na sisihin dito ay yung mga bwiset na naglalaro ng basketball sa gym!
Sila na dahilan kung bakit walang katao-tao dito sa paligid.. sila na dahilan kung bakit nagkalakas ng loob lumabas ang KC3 na yun! Sila.... sila na nagdala samin ng kapahamakan ngayon!
"Ice!"
"Reign!"
Rinig kong sigaw ni Devin at ni Luis. Hindi ko naman sila tinignan o nilingon. Dumating na sila..
"Ice! Anong nangyari!"- nag-aalalang tanong sakin ni Devin.
Sasagutin ko sana siya kasabay ng paninisi ko sa kanila ng biglang sumigaw si Prof.China.
"Buhatin niyo si Reign, dalhin niyo sa clinic! Maililigtas pa ang anak niya!"- sigaw ni Prof.China.
Tumayo naman ako.
"P- Prof, si Ate! Iligtas mo si Ate!"- saad ko kay Prof.China.
Tinignan naman ako ni Prof.China sabay tumango.
"Oo, at pagkatapos niya, Ikaw naman. Mabilis lang 'to."- saad ni Prof.China sakin sabay tingin niya kila Luis.
"Bilisan niyo!"- sigaw ni Prof.China.
Agad namang kumilos sila Luis, pagkaalis nila kasama ang iba pa. Narinig kong nagsalita ulit ang magaling kong mister.
"Ice, anong nangyari?"- tanong sakin ni Devin.
Tinignan ko naman siya at pagkatapos ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.
"Kasalan niyo kung bakit nangyari 'to!"- saad ko sabay tabig ko sa kanya at lakad ko paalis.
Narinig ko namang tinawag ako ng Nurse.
"M- Ma'am Darkiela!"- sigaw ng Nurse sabay habol sakin.
Hindi ko naman ito pinansin.
Sila.... sila ang may pinakatunay na may kasalanan kung bakit nangyari 'to! Tama, hindi lang ako ang may kasalanan! Kundi sila rin!