DIA2: Chapter 15

1774 Words
Devin POV "Devinnnn!"- rinig kong sigaw ni Ice mula sa banyo. Nataranta naman ako at agad na napatayo mula sa higaan. "Ice! Bakit? Anong nangyayari!?"- taranta kong sabi sabay takbo ko papasok sa banyo. Pagkapasok ko sa loob, agad siyang napatingin sakin. "Bakit? Anong problema? Positive? Buntis ka?"- saad ko. Nagpoker face naman siya. "Hindi."- saad niya sabay lakad niya palapit sakin. "Negative."- saad niya sabay ngisi. "Haayy! Akala ko Juntis na ko, buti na lang hindi. Over thinking lang yata ako kaya palaging masama yung pakiramdam ko."- saad ni Ice sabay bigay sakin ng hawak niyang PT at kindat sakin. Sumimangot naman ako. Akala ko pa naman nakalusot na ko... "Oh? Bakit nakasimangot ka diyan?"- saad sakin ni Ice. Agad naman akong umayos. "Wala, wala 'to."- saad ko sabay ngiti. Tinaasan naman niya ko ng kilay. "Wala? Pero bakit sa tingin ko disappointed ka kasi di ako buntis?"- saad niya. Agad naman akong dumipensa. "Huh? Hindi ah! Hindi ako disappointed. Naiintindihan ko kung bakit ayaw mo pang magbuntis kaya naman bakit naman ako madi-disappoint?"- saad ko sabay lapag ko nung PT sa lababo at hugas ko ng kamay. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga. "Sige, sinabi mo eh. Di ko na ipagpipilitan yung akin kasi baka mag-away pa tayo."- saad niya sabay alis. Napapikit naman ako. Inaamin kong nadisappoint talaga ako, kahit sinabi ko dati na naiintindihan ko yung rason niya kung bakit ayaw pa niyang magbuntis ay hindi ko pa rin talaga maiwasan na hindi malungkot. Ang tagal na naming kasal, gusto ko nang magkaanak.... "Mamaya pumunta ka sa paliparan, ngayon darating yung mga computers na binili natin para sa comshop."- rinig kong saad ni Ice. Dumilat naman ako sabay umayos ng tayo. "Maglilibot na ko sa DIA."- rinig ko pang saad niya at pagkatapos ay nakarinig ako nang pagbukas at pagsara ng pinto. Napabuntonghininga naman ako. "Habang tumatagal mas lalo siyang nagiging Bossy..."- saad ko at pagkatapos ay napailing na lamang ako. "Mahal mo eh, ginusto mo! Ngayon magtiis ka."- saad ko sabay labas ko sa banyo at lakad ko pabalik sa higaan. "Di ko na alam ang gagawin ko sayo Ice..."- saad ko pa. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Bryan. "King!"- sigaw nito pagkapasok dito sa loob ng kwarto namin ni Ice. Walang gana ko naman siyang tinignan. Nakapangbasketball ito na damit. "Problema mo."- walang gana kong sabi. "Naghahaya ng basketball sila Luis kasama ang iba sa Skulls dun sa gym kasama ang Wolves, Phantomrick at Souls. Pampatanggal stress daw."- saad ni Bryan. Ngumiwi naman ako. "Stress? Wala naman siyang masyadong ginagawa para ma-stress siya."- saad ko. Kumamot naman sa ulo niya si Bryan. "Ganito kasi yun King, hindi dahil sa nangyayari ngayon dito sa DIA kaya siya na-stress. Stress siya sa asawa niya."- mahinang saad ni Bryan sabay sara niya ng kaunti sa pinto. "Actually King, maski kami ni Brent stress din sa mga asawa namin. Well si Brent hindi pa niya asawa si Ylana pero parang ganun na rin yun. Grabe sila maka-under King! Akala ko nga simula nung nagalit ako magbabago na ng tuluyan si Ashlie lalo na at nangako siya pero wala pa rin eh, under pa rin talaga ako. Pati si Brent! di pa rin talaga namin kaya yung dalawa."- saad ni Bryan. Pagkarinig ko nun, agad akong tumayo at nagpalit ng damit na pangbasketball. "Tara na sa gym."- saad ko sabay suot ko ng sapatos. "Eh? Bored ka lang ba King kaya ka pumayag na magbasketball o stress ka rin?"- tanong sakin ni Bryan. Tinignan ko naman siya. "Stress din ako tulad niyo."- sagot ko sabay patuloy ko sa pagsasapatos. "Habang tumatagal di ko na makaya si Ice, sumobra pagiging Bossy niya. Kapag kinontra mo mapipikon agad. Di ko na alam ang gagawin ko sa kanya."- saad ko sabay ayos ko ng upo ko. "Mas matindi na siya ngayon sa asawa mo, kung si Ashlie mabunganga kaya di mo malabanan.. Si Ice iba. Tingin pa lang niya di mo na agad gugustuhing pumalag o lumaban."- saad ko pa. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Bryan. "Ah Oo nga pala, napapansin ko nga nitong mga nakarang araw King masyadong seryoso si Ice. Ni hindi ko na nga siya nakikitang ngumingiti eh! Lalo na ang tumawa."- saad ni Bryan. Ngumiwi naman ako. "Ganun naman talaga siya, ang kaso nga lang ngayon sumobra naman siya."- saad ko sabay tayo ko. "Tara na, kailangan nating maglibang."- saad ko. Tumango naman si Bryan. Pagdating namin sa Gym, nandun na ang mga lalaki ng Skulls at maging ang Wolves. Nagtaka naman ako ng di ko makita ang kahit isang miyembro ng Souls at Phantomrick. "Nasan ang Phantomrick tsaka Souls? Akala ko kasali sila?"- tanong ko. Nagtawanan naman sila Luis. "Nandun, pinaglinis ng misis mo."- sagot ni Luis. "Huh? Saan?"- kunot noo kong sabi. "Sa buong school, nakita kasi sila ni Ice na nagbabatuhan ng basura sa hallway habang papunta rito. Eh mukhang mainit ulo ng misis mo kaya yun pinarusahan. Buong school ang ipinalinis."- sagot ni Luis. Di naman ako nakapagsalita. "Ano bang nangyari? nag-away ba kayo?"- tanong sakin ni Vince. Umiling-iling naman ako. "Hindi, hindi naman humantong dun kasi umiwas siya. Pero kahit naman di siya umiwas di pa rin yun hahantong sa away kasi ako ang iiwas."- saad ko. Napailing naman si Luis. "Yang si Ice, napapansin ko nag-iiba ng kaunti yung ugali niya. Bantayan mong mabuti yang misis mo at baka tuluyang magbago. Grabe! mas nakakatakot pa siya sayo."- saad ni Luis sabay dribble niya sa hawak niyang bola. Hindi naman ako nagsalita. "Anyway, tara! Laro na tayo nang mawala kahit sandali yang mga problema natin sa mga Misis natin."- saad ni Luis. This time, nagsalita na ko. "Bakit? ano bang problema mo sa misis mo?"- tanong ko kay Luis. Ngumiwi naman si Luis. "Nakalusot na naman ako Pre, yun naglilihi na! Sakit sa ulo ng paglilihi niya, kung ano-ano yung hinihingi. Minsan nga di ko malaman kung anong pagkain yung gusto niya, minsan kasi naghahanap siya ng pagkain na sa tingin ko ay hindi naman nag-eexist."- saad ni Luis. Sumama naman ang mukha ko. "O- oh bakit?"- tanong sakin ni Luis. Bumuntonghininga naman ako. "Buti ka pa nga eh, pangalawang anak niyo na yan. Kami ni Ice wala pa."- sagot ko sabay kuha ko sa hawak niyang bola. "Tara na, magsimula na tayo. Maghati na tayo sa grupo."- saad ko. Di naman na sila nagsalita pa tungkol sa pinag-uusapan namin at sumunod na lamang sa sinabi ko. "Game!"- saad ni Luis. Pagkatapos nun, agad kaming nagteam-up. Since 11 kaming lahat napagpasiyahan namin na mag-5v5 na lang at yung isa na matitira ang magiging referee at scorer. Sa Team A, Magkakampi kami nila Brent, Bryan, Vince at Kris. Sa Team B naman sila Luis, Vin, Xandro, Jess at Julian. At ang natira na isa na si Rai ang naging Referee at Scorer. "Kung anong Team ang matatalo yun ang maglilinis ng Gym, deal?"- saad ni Luis. Tumango naman ako. "Deal."- sagot ko. "Let's start!"- sigaw ni Luis. Tinignan ko naman si Brent. "Brent, jump ball."- saad ko kay Brent. Tumango naman ito. "Sisimulan ko na ang laro, in 3, 2, 1 Go!"- sigaw ni Rai sabay pito at hagis sa bola pataas. Agad namang tumalon si Brent at si Luis para makuha ang bola pero dahil mas matangkad na ngayon si Brent kay Luis at mas malakas si Brent, kami agad ang nakakuha ng bola. Sa team namin agad ang bola. "Team A! pumuntos tayo agad!"- sigaw ko. Tumango naman sila. "Aye aye!"- sagot nila. "King!"- sigaw ni Bryan sabay pasa sakin ng bola. Sumigaw naman si Luis. "Ako magbabantay kay Devin, bantayan niyo yung iba!"- sigaw ni Luis sa mga kagrupo niya na agad siyang sinunod. Ngumisi naman ako. "Hindi 'to p*****n, pero kahit ganun.... di mo pa rin ako matatalo."- saad ko habang dinidribble ko yung bola. Ngumisi rin naman si Luis. "Then let's see."- saad ni Luis. Ngumisi naman akong muli at pagkatapos, sumeryoso ako. "Here I go."- saad ko sabay dribble ko ng malakas sa bola ng back and fort. Nang tignan niya ang bola, dun na ko mabilis na kumilos para makalusot sa dipensa niya na napagtagumpayan ko naman. "Sh*t!"- rinig kong mura ni Luis ng malusutan ko siya. "King!"- sigaw ni Bryan. Tinignan ko naman siya, sinesenyasan niya kong ipasa sa kanya yung bola. May naisip naman ako. "Bryan!"- sigaw ko sabay pasa ko kunwari ng bola kay Bryan. Nang magtangkang harangan at agawin sakin ni Luis ang bola, napangisi na lang ako. "What the!"- saad ni Luis ng huminto ako sa pagtakbo, idribble sandali ang bola at ishoot ang bola sa ring. "Shoot! 2 points!"- sigaw ni Rai. Sumigaw naman sila Bryan at Brent. "Yeah! Ayos!"- sigaw ng kambal. Tinignan ko naman si Luis. "Di ka pa rin nagbabago, ang dali mo pa ring utuin."- saad ko. Ngumisi naman siya. "Sadyang di ko lang talaga mabasa ang kung ano mang nasa isip mo, ang hirap mong basahin."- saad niya. Bahagya naman akong ngumiwi. "Ewan, ipagpatuloy na lang natin yung laro."- saad ko. Hindi naman nagsalita si Luis at kinuha na lamang ang bola. Pagkatapos nun, nagsimula muli ang laro. This time, nakila Luis ang bola. "Team B! This time tayo naman ang pumuntos!"- sigaw ni Luis ng.... "In your dreams."- saad ko sabay agaw ko sa bola at takbo ko papunta sa ring namin habang nagdidribble. Tinangka naman nila kong habulin ng team niya pero huli na, nashoot ko na yung bola. "Yes!"- sigaw ng mga kakampi ko. Bahagya naman akong napangiti. "Haayy... maging alerto ka."- saad ko kay Luis. Nagulat naman kami ng bigla na lang may nagsigawan. Pagtingin namin, may mga estudyante na rito sa gym. At may patuloy pa na nagdadatingan. "Bakit may mga estudyante rito? Anong oras na ba?"- tanong ko. Agad namang tinignan nila Vince ang oras. "Break time na ng mga estudyante."- sagot sakin ni Vince. Nagsalita naman si Luis. "Maganda 'to! may mga audience na tayo!"- saad ni Luis. Bahagya naman akong napailing. "Pero bantayan niyo yung oras, baka malibang yung mga estudyante at hindi na bumalik sa mga klase nila mamaya. Tayo mismo ang magpapabalik sa kanila sa mga klase nila."- saad ko. "Eh 'pano kung tayo ang malibang?"- saad ni Bryan. Binatukan naman siya ni Brent. "Nagtatanong ka pa, eh isa lang naman ang sagot diyan."- saad ni Brent. "Ano?"- tanong ni Bryan. "Edi yari tayo sa mga Girls!"- sabay na sagot nila Vince at Luis. Bahagya naman akong natawa. "Ang mabuti pa, tara na, magseryoso na tayong lahat, pumuntos na kayo ngayon."- saad ko kay Luis at sa Team nya. Ngumisi naman sila. "Game."- sagot nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD