Ylana POV
"Ang sabi ni Ice, magcelebrate raw ng Valentines. Eh bakit tayo nasa Library! Anong gagawin natin dito?"- angal ni Brent.
Napapoker face naman ako.
"Wag ka ngang maingay, alam mo ng nasa library tayo ang ingay mo pa."- saad ko
Tinignan naman niya ko.
"Wala namang tao eh!"- saad niya.
"Tss... kahit na, nasa library ka pa rin."- saad ko sabay lumbaba.
Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Ylana, umalis na tayo rito. Paano tayo makakapagcelebrate ng Valentines kung nandito tayo?"- emote niya.
Tinignan ko naman siya ng diretso sa mga mata niya.
"Bakit, kapag nagcecelebrate ng Valentines saan ba dapat naroroon ang magkasintahan? Ang alam ko pwede namang magcelebrate ng Valentines sa kahit saang lugar at ako, dito ko gusto! Dito sa Library na 'to rito sa DIA."- saad ko.
Sinabunutan naman niya sarili niya.
"Oo, kahit saan nga pwedeng magcelebrate ng Valentines! Eh paano naman natin macecelebrate ang Valentines dito? Anong gagawin natin magbabasa ng mga Libro? Ylana naman eh!"- angal pa rin niya.
Pinakalma ko naman ang sarili ko.
Chill Ylana, chill ka lang... wag kang mainis sa Fiance mong di makaramdam!
"May tanong ako sayo."- nakapoker face kong sabi kay Brent.
"Ano?"- saad niya agad.
"2 years ago, nasaan tayong dalawa nung Valentines nung mga panahong yun?"- tanong ko kay Brent.
Napakunot naman siya ng noo.
"Huh? Dito sa Library, nandito tayo nun sa Library dito sa D---"- sagot ni Brent na hindi niya natuloy dahil mukhang nakuha niya na ang nasa isip ko.
"Teka.... g- gusto mo bang dito tayo magcelebrate ng Valentines ngayong taon dito sa Library na 'to kung saan nagsimula ang lahat satin? Ganun ba?"- saad niya.
Ngumiti naman ako at tumango.
"Oo, dito sa Library kung saan kita hinabol dahil sa kagustuhan kong banatan ka at dito sa Library na kung saan nakulong tayong dalawa."- saad ko sabay kuha ko sa backpack na kanina pa nandito sa tabi ng upuan na inuupuan ko.
Kanina ko pa inilagay 'to rito, talagang plinano ko ang mangyayari ngayon.
"Kaninang madaling araw habang natutulog pa ang lahat, gumising ako para gawin 'to."- saad ko sabay labas ko ng isang di kalakihang kahon mula sa bag.
Agad naman niyang kinuha ang kahon at yun ay binuksan. Nang makita niya ang laman, natawa siya.
"Seriously? Isang bookshelf na cake?"- natatawa niyang sabi.
Tumango naman ako.
"Oo, sobrang laki kasi talaga ng parte ng Library at ng mga bookshelf nito. Tuwing inaalala ko yung dati natatawa na lang ako."- saad ko sabay ngiti ko.
"Siya nga pala, yung picture dati na ginamit mo sakin pangblackmail.. nakita ko nasa phone mo pa rin, hindi ko binura kasi isa yun sa mga ala-ala ng nakaraan at ayokong mawala ang mga tulad nun, ayokong mawala ang mga bagay na may kaugnayan sa magandang nangyari dati. Sabihin na natin na dahil dun sa picture na yun ay napahirapan mo ko pero kahit ganun ayoko pa rin talagang mawala yun. Parte yun ng nakakatawang nakaraan natin kaya wag na wag mo yung buburahin. Naiintindihan mo?"- saad ko.
Tumango naman siya agad at ngumiti.
"Oo, naiintindihan ko."- saad niya sabay pahid niya sakin ng icing ng cake sa labi ko.
"Hey Ano ba! meron akong dalang platito tsaka kutsara dito, ang baboy mo!"- saad ko sabay dila ko sana sa icing na nasa labi ko nang hawakan niya ko sa magkabila kong pisngi at iharap sa kanya.
Natigilan naman ako dahil dun.
Okay? Anong drama naman 'to.
"Since adik ka sa koreans, gagawin kong mala-KDrama 'tong scene na 'to."- saad niya.
Napakunoot naman ako ng noo ko.
"Ano?"- kunot noo kong sabi.
Ngumiti naman siyang muli at pagkatapos bigla niya kong hinalikan sa labi.
Sandali naman akong natigilan dahil dun pero di nagtagal, tumugon rin ako sa mga halik niya.
"Ylana, pagkatapos ng taon na 'to... papakasalan na kita, kung sina Ashlie at Bryan nagpakasal ng January 22 at sina Ice at Devin naman ay January 23, tayo naman January 24. Humanay tayo sa kanila."- natatawa niyang sabi habang nakadikit ang noo niya sa noo ko.
Napangiti naman ako.
What's with this guy? Nakakainis siya! Seriously? I really hate this kind of scene pero sa nangyayari ngayon d*mmit! Hindi ko maiwasang hindi kiligin!
"Okay, kung yan ang gusto mo."- nakangiti kong sabi.
Hinalikan naman niya ko sa noo ko.
"Mahal kita Ylana ko, I love you in English, Je t'aime in French, 'Te amo in Italian, Aishiteru in Japanese and Saranghae in Korean. Lagi mong tatandaan yan."- saad niya sabay yakap sakin.
Niyakap ko naman siya pabalik.
"Makakaasa ka."- saad ko.
Pagkatapos kong sabihin yan, nagulat kami ng bigla na lang bumukas ang isa sa mga bintana dito sa Library at pumasok mula doon ang nakakasilaw na liwanag.
"What the! Sinong nagbukas ng bintana!"- saad ni Brent at pagkatapos ay sabay kaming napatingin dun sa may bintana.
Pagkatingin namin, agad kaming napatayo dahil sa taong nakita namin na nakasilip dun at may hawak na baseball bat.
"You know what? I thought Ylana is a cool and cold woman. But after what I saw a while ago, I'm so very dissapointed at her. What is that? Where's your cool and cold side? Is it sleeping? Oh! i know a way to wake that up. Can I push this?"- mapagbirong saad ng walang iba kundi si killer clown na itinapat ang hawak niyang baseball bat sa isang book shelf dito sa Library.
Napalunok at napakuyom naman ako ng kamao ko.
Ano 'to? Bakit siya nandito? Kung ganun mali ang hinuha ni Ice na hindi na ito lalabas sa mga oras na 'to dahil lumabas na ito kanina... But Sh*t! Anong gagawin ko? Kailangang mahuli namin ngayon ni Brent ang taong 'to. Mag-isip ka Ylana....
"A- anong ginagawa mo rito?"- saad ni Brent kay Killer Clown.
Tumawa naman ito.
"Chill, I'm just celebrating. It's Valentines day right? And this is how I celebrate my Valentines, by ruining everyone's celebration."- saad ni Killer Clown.
Mas lalo naman akong napakuyom ng kamao dahil sa sinabi niya.
"So kung ganun, isa ka palang dakilang bitter. I see, mahilig ka siguro sa ampalaya. Siguro nga kaya ka nakamaskara at nakamake-up ng ganyan kasi siguro mukha kang ampalaya kaya naman itinatago mo yang mukha mo. Am I right?"- sarkastiko kong sabi sabay palihim kong kuha sa kutsilyo na nasa bag na gagamitin ko sana panghiwa ng cake.
Nasa ikalawang palapag ng DIA ang library at nasa labas siya ng bintana nito kaya ibig sabihin..... tila nagpapaka-Spiderman siya ngayon. Kung aatakihin ko siya ngayon sa pwesto niya, wala siyang tatakbuhan. Dalawa lang ang pagpipilian nya, it's either hayaan niyang mahuli namin siya o..... tumalon siya paibaba. Medyo mataas ang ikalawang palapag na 'to ng DIA kaya naman oras na tumalon siya paibaba, maaari siyang mapilayan. Kapag nangyari yun may posibilidad pa rin ba na mahuli namin siya? naiisip ko na baka hindi siya makatakbo patakas dahil sa pilay na aabutin niya once na tumalon siya paibaba pero... dahil sa wala ng kasiguraduhan ang mga nangyayari ngayon, nag-aalangan ako. Nag-aalangan ako ng sobra...
"Gosh! I'm so glad that you came back to your senses Ms.Ylana! but what you just said right now about my face is so very annoying! Yeah you're a beauty but you don't have the right to judge anyone's face because you're not a judge."- saad niya sabay tingin sakin ng matiim.
"And because of that... you made me mad. I suddenly want to crash that face of yours."- saad niya.
Napakunot naman ako sobra ng noo ko dahil sa galit.
So this is our enemy... ayoko sa ugali niya!
"Una sa lahat, wala ka sa Amerika. Nasa Pilipinas ka kaya magtagalog ka. Pangalawa, sa tingin mo ba hahayaan kong gawin mo yun sa Fiance ko? Dumaan ka muna sakin."- saad ni Brent.
Tinignan naman siya ni Killer Clown.
"Brent Go a.k.a Red Spade of Dark Cards. Isa ako sa mga babaeng humahanga sa inyong tatlong lalake ng Dark Cards, noong nababasa ko pa lamang kayo sa libro naiinlove na ko sa inyo.. ngayon pa kaya na nakita ko na kayo in person? Gosh! ang gagwapo niyo."- saad ni Killer Clown sabay tawa.
"Anyways, I don't have any intention of fighting and hurting you two. Pumunta lang ako rito ngayon sa Library para sa isang bagay na gusto kong gawin dito ang kaso... nakakandado yung pinto kaya naman naisipan kong dito na lang dumaan sa bintana. But since nandito kayo at kaya ko namang gawin mula dito sa pwesto ko yung pakay ko, di na ko papasok sa loob. Dito na lang ako sa labas ng bintana."- saad ni Killer Clown.
Hinanda ko naman ang hawak kong kutsilyo kasabay ng pagkunot ng noo ko.
"Sabihin mo, anong pakay mo rito."- saad ko.
Isang maling galaw lang niya, hindi ako mag-aalangang patayin siya. Itong hawak kong kutsilyo, paliliparin ko 'to diretso sa ulo niya.
"Anong pakay ko?"- saad niya sabay taas niya sa baseball bat na hawak niya.
"Ito."- saad niya sabay tulak niya sa isang bookshelf na malapit sa kanya gamit ang hawak niyang baseball bat at talon niya paibaba.
Nanlaki naman ang mga mata ko at titignan ko sana kung anong nangyari sa kanya pagkatalon niya paibaba ng bigla akong hilahin ni Brent patungo sa gilid.
"Ylana!"- sigaw ni Brent sabay hila sakin patungo sa gilid.
Pagkatapos niyang gawin yun, mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong isa-isang nagbagsakan ang mga bookshelves dito sa loob ng library na tila mga domino...
"Ayos ka lang?"- tanong sakin ni Brent.
Tinignan ko naman siya at dahan-dahan na tumango.
"O- Oo."- sagot ko sabay tingin ko sa mga bookshelves na nagbagsakan dahil sa ginawa ni Killer Clown.
A- ano 'tong ginawa niya? B- bakit niya 'to ginawa?
"Kailangang malaman ng iba 'to, lalo na ni Ice at ng Hari. Sabihin natin sa kanila ang nangyari dito."- saad ni Brent sabay lakad na sana paalis nang hawakan ko siya sa braso niya at pigilan.
"Sandali..."- saad ko habang nakatingin pa rin sa mga bookshelves na nagbagsakan.
"Bakit?"- tanong ni Brent.
Tinignan ko naman siya.
"Yung pakay niya rito sa Library ngayon, naiintindihan ko na.."- saad ko.
Napakunot naman siya ng noo.
"Anong sinasabi mo?"- tanong niya.
Bahagya naman akong natawa.
"Hindi 'bat ibinabalik ni Killer Clown ang mga pangyayari dati? Ibig sabihin, itong ginawa niya ngayon.. ibinalik lang niya ang nangyari dati, at alam mo kung ano yun."- saad ko.
Nanlaki naman ang mga mata ni Brent nang marealize niya ang nasa isip ko.
"I- ibig sabihin, ang pakay niya rito ay patumbahin ang mga bookshelves na tila parang isang domino na... ginawa mo dati sa kagustuhan mong mabanatan ako?"- saad ni Brent.
Tumango naman ako.
"Tumpak."- saad ko sabay tawa ko ng tuluyan.
"Anong sabi niya kanina? Ugali niya talagang manira ng isang Valentines Celebration? I don't think na nasira niya ang sa atin. In fact, tila napaganda pa niya."- saad ko sabay ngisi.
Nakita ko namang napalunok ng laway niya si Brent.
"A- ano yang iniisip mo?"- saad ni Brent.
"Well, I think it's time para makabawi naman ako sa ginawa mo sakin dati. Sabi mo kanina love na love mo ko diba? sapat naman yata na dahilan yun para sundin mo yung gusto ko."- may pagkasarkastiko kong sabi kay Brent.
Nanlaki namang muli ang mga mata niya.
"Sinasabi mo bang ayusin ko 'tong mga bookshelves na 'to? No way!"- angal niya.
Ngumisi naman ako.
"Yes way! Kung ako nga nakayanan kong ayusin yan 2 years ago ng mag-isa eh! Ikaw pa kaya? Isipin mo na lang ang pagkakaiba natin, Ako.. babae ako, samantalang ikaw, lalake ka. Kaya naman sige na, ayusin mo na yan para masaya."- saad ko sabay ngiti.
"Ikaw lang masisiyahan dito eh! Ako hindi!"- reklamo niya.
Tinapiktapik ko naman siya sa balikat niya.
"Diba sabi kapag mahal mo pasayahin mo? Kaya sige na, mahal mo ko so pasayahin mo ko, at mapapasaya mo ko ngayon kapag inayos mo yang mga bookshelves so kilos na nang matapos ka kaagad."- saad ko sabay lakad ko patungo sa mga upuan na hindi nabagsakan ng mga bookshelves.
Napasabunot namang muli sa sarili niya si Brent.
"Oras na mahuli yung Killer Clown na yun, malalagot siya sakin."- rinig kong saad ni Brent.
Bahagya naman akong natawa dahil dun at pagkatapos, napatingin na lamang ako sa hawak kong kutsilyo.
Ibinalik ni Killer Clown yung pangyayari na may kaugnayan sa sulat na para kay Ice, tapos ngayon ibinalik naman niya 'tong pangyayari na 'to rito sa Library.. ibig sabihin ba nun ibabalik niya talaga ang laro na may kaugnayan sa pin? Tama ba ang hinala nila Ice na ibabalik ni Killer Clown ang laro na yun? Bukas na yun, pero ang tanong..... kung ibabalik nga ni Killer Clown ang laro na yun bukas.. paano naman niya maibabalik yun?
"Tss... kailangang malaman ni Ice ang nangyari ngayon dahil mukhang ibabalik talaga ng Killer Clown na yun ang laro dati na may kaugnayan sa Pin, at hindi pwedeng mangyari yun dahil sa laro na yun, meron ding mga namatay..."- mahina kong saad na kung saan ako lang ang makakarinig.
Hindi pwedeng may mamatay na mga estudyante ngayong taon kaya naman kailangan naming mapigilan si Killer Clown sa gagawin niya kung sakali mang tama ang hinala namin.
Hindi siya dapat magtagumpay.