DIA2: Chapter 12

3744 Words
Devin POV "Anong sa tingin niyo, natakot siya sa babala mo Ice kaya nanahimik siya bigla?"- tanong ni Ashlie kay Ice. Umiling-iling naman si Ice. "Hindi, may iba akong hinuha. Hindi 'bat pagkatapos magbabala ng Headmaster dati ay nanahimik bigla ang Headmaster? Sa tingin ko ay ginaya niya ang pananahimik ng Headmaster na yun at pagkatapos.... baka ibalik nga niya yung laro dati, yung tungkol sa pin."- sagot ni Ice. Nagsalita naman si Bryan. "Grabe, wala ng kasiguraduhan ang mga nangyayari ngayon."- saad ni Bryan. Tinignan ko naman siya. "Kaya dapat mag-ingat tayo, lalo na at tinanggap natin ang laro ni Killer Clown. Hindi natin alam at wala tayong kasiguraduhan sa susunod niyang ibabalik na pangyayari ngayon dito sa DIA."- saad ko sabay tingin ko sa kanilang lahat. "Buwan na ang lumipas, Valentines Day na ngayon. Hangga't hindi pa natatapos ang araw na 'to wag tayong papakampante. Lalo na bukas.."- saad ko pa. Tumayo naman si Ice mula sa kinauupuan niya at saka nagsalita. "Tama si Devin, pero sa ngayon.. tulad nang sinabi ni Devin. Valentines Day ngayon, busy ang mga estudyante sa labas dahil sa mga booths at school activities. Ihinto muna natin ang pagpupulong na 'to at lumabas na tayo, magmasid tayo sa labas at baka may gawing kalokohan si Killer Clown na hindi natin alam kung ano. Alam niyo na kung saan kayo pupwesto hindi ba?"- saad ni Ice. Nagsitayuan at nagsitanguan naman ang lahat. "Kung ganun sige na, magkita na lang tayo mamaya."- saad ni Ice. Hindi naman na nagsalita ang lahat at umalis na lamang upang sundin ang sinabi ni Ice. Pagkaalis ng iba, dalawa na lamang kaming naiwan dito. Sinamantala ko naman ito para sabihin sa kanya ang kanina ko pa nais sabihin habang nagpupulong kami. "Ice."- tawag ko sa kanya. Agad naman siyang humarap sakin. "Oh bakit?"- tanong niya. Nilapitan ko naman siya at nginitian. "Mamayang 5o'clock, pumunta ka sa tapat ng gate. May ibibigay ako sayo."- saad ko. Ngumiti naman siya at hinampas ako ng mahina. "May paregalo para ngayong Valentines Day si Mayor!"- natatawa niyang sabi sabay tango niya. "Okay, ako rin may ibibigay ako sayo."- saad niya sabay ngiti pa lalo. Natawa naman ako at pinisil siya sa pisngi. "Kita na lang tayo mamaya, don't be late ah?"- saad ko. Inirapan naman niya ko. "Hindi ba dapat ako ang nagsasasabi niyan? Ikaw kaya palaging late satin."- saad niya. Napakamot naman ako sa ulo ko. "Oo nga pala 'no? Oh sarili ko, don't be late ah!"- biro ko. Hinampas naman niya ko ulit. "Umalis ka na nga! bantayan mo na yung mga nagbabasketball dun sa Gym. Pupunta na ko sa terrace ng school para magmasid sa school grounds."- saad niya. Hinalikan ko naman siya sa pisngi ng mabilisan. "Okay."- sagot ko sabay lakad ko paalis. "Don't be late ah!"- natatawa niyang sabi. Tumangotango naman ako. "Yes my queen."- sagot ko. Pagkatapos nun, lumabas na ko ng opisina at nagtungo sa Gym kung saan nagaganap ang labanan sa basketball ng bawat section. Kung sa ibang paaralan ay kadalasang June ang pagbabalik sa klase, dito sa DIA ay January. Isa yun sa mga hindi namin binago o inalis dito sa DIA. January ang simula ng klase at nagtatapos ito ng October kaya naman dito sa DIA, nakakapagcelebrate agad ng Valentines day ang mga estudyante kahit tila kakasimula pa lamang ng klase. "Flowers at 'etong letter... "- mahina kong saad sabay kuha ko sa isang pulang envelope na nasa bulsa ng pantalon ko sa likod. "Sana masiyahan siya sa munti kong regalo na 'to."- saad ko sabay ngiti ko at balik ko sa envelope sa bulsa ko sa likod. "King!"- rinig kong tawag sakin ng kambal na sina Bryan at Brent habang naglalakad ako sa hallway patungo sa gym. Huminto naman ako sa paglalakad at agad na tumingin sa kinaroroonan nila. Pagtingin ko... "King!"- saad ni Bryan habang ngiting-ngiti at may bitbit na dalawang paper bag na punong-puno ng mga tsokolate. Gayun din si Brent. Napataas naman ako ng kilay dahil sa itsura nila. "Ano yan, nagtitinda kayo ng tsokolate?"- tanong ko. Umiling-iling naman sila sabay nagsalita. "Hindi, bigay samin ng mga estudyante!"- sabay nilang sabi. Nang marinig ko yun, napapoker face na lang ako. "Ahhh.. so anong kailangan niyo sakin at tinawag niyo ko?"- tanong ko. Ngumiti naman sila ng sabay. "Kasi King may MGA naghahanap sayo."- sabay na naman nilang sabi. Napataas naman akong muli ng kilay. "Naghahanap? Sino?"- tanong ko. Umalis naman sila sa harapan ko sabay itinuro ang mga estudyante na may mga hawak na mga tsokolate at tila handang-handang kuyugin ako. "Sila!"- sabay na naman na sabi ng kambal. Nanlaki naman ang mga mata ko sabay napalunok ng laway. "D*mmit! Mga bwiset kayo!"- saad ko sa kambal sabay takbo ko ng mabilis paalis. "KING!"- rinig kong sigaw ng kambal pero di ko sila nilingon at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. "SIR DEVIN! HINTAYIN MO KAMI!!"- rinig kong sigaw ng mga estudyante. Mas lalo ko namang binilisan sa pagtakbo. Kapag naabutan ako ng mga estudyante na 'to paniguradong malalamog ako! F*ck this! Ngayon lang nangyari sakin 'to! Ngayon na may ASAWA na ko! Anong nasa isip nitong mga estudyante na 'to at hinahabol nila ko ngayon para maibigay sakin ang mga regalo nila? Tulad nang sinabi ko kanina may asawa na ko at mahal na mahal ko yun! Hindi na ko binata para sa mga ganyan!!! "SIR DEVIN!!!"- sigaw ng mga estudyanteng humahabol sakin. F*ck!! Kailangan ko ng mapagtataguan!! Tumakbo lang ako nang tumakbo pero pakiramdam ko napakalayo ng opisina at hanggang ngayon ay di pa rin ako makarating dun. Nang di ko na kayang tumakbo, huminto ako sa pagtakbo at hinarap ng seryoso ang mga estudyanteng humahabol sakin na agad huminto sa pagtakbo ng makita ang itsura ko. "I want to f*cking end this, kung gusto niyong tanggapin ko yang mga regalo niyo then be calm. Ibigay niyo sakin ng maayos, walang mangkukuyog, at pumila kayo ng maayos."- seryoso kong sabi. Tumili naman sila at sa isang iglap lang, mga nakapila na sila ng maayos. Tsss...Bakit di ko agad naisip 'to kanina? Nagpakapagod pa ko sa pagtakbo. "Sige na, bilisan niyo lang at may kailangan pa kong gawin."- saad ko. Hindi ko makita ang dulo ng pila, paniguradong marami akong matatanggap nito. Kanino ko kaya ibibigay? kapag ibinigay ko kasi kay Ice lahat baka sapakin lang ako nun. Baka akalaing pinapataba ko siya.. "A- ahmm... Sir Devin... para po sa inyo."- saad ng isa sa mga estudyante habang nakayuko. Agad ko namang kinuha yung box at nagpasalamat. "Salamat."- saad ko. Mas yumuko naman ito ng todo. "A- ahmm.. m- may tanong po ako.."- saad nito. Napakunot naman ako ng noo. "Ano."- walang gana kong sabi. Tsss... ayaw ko talaga ng mga ganito. "Gaano niyo po kamahal si Ms.Ice? "- tanong nito habang yukong-yuko. Mas lalo naman akong napakunot ng noo dahil sa itinanong nito. Anong klaseng tanong 'to? At bakit naman niya natanong? "Hindi ko alam kung bakit mo tinatanong 'to pero sasagutin pa rin kita. Mahal na mahal ko ang Asawa ko nang higit pa sa sobra."- sagot ko. Narinig ko naman ito na tumawa. "Bakit ka tumatawa?"- medyo irita kong saad. Anong problema nitong estudyante na 'to? At isa pa, kanina pa siya nakayuko. "Isa pa, bakit ka nakayuko? Umayos ka."- saad ko. Mas lalo naman itong tumawa. "Higit pa sa sobra, pero bakit tila napaka-iksi lamang ng mensahe mo para sa kanya? Parang hindi mo yun naipakita rito sa sulat. Kulang!"- saad niya sabay labas niya ng isang pulang envelope na pamilyar sakin. Napahawak naman ako sa bulsa ko sa likuran, nang wala akong makapa dun. Gulat kong tinignan muli ang estudyanteng nasa harapan ko na nakayuko pa rin. "Pano napunta sayo yan!"- saad ko sabay kuha ko sana sa envelope na hawak niya ng bigla na lamang itong tumakbo. "Kung kaya mo."- saad nito sabay taas nito sa kanyang ulo. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang itsura nito. Natatakpan ng face mask ang kalahating mukha nito na may disenyong mga ngipin, samantalang ang kalahati pa ang sa may ilong at matang bahagi ay may pustura na tulad ng sa payaso. Ang kalaban! "Ikaw!"- sigaw ko sabay takbo ko para habulin ito. Tumawa naman ito sabay tumakbo ng sobrang bilis. Sh*t! si Killer Clown yun!! At talaga namang nagawa pa niyang magpalit ng itsura ah! "Makinig kayo! Pumunta kayo ngayon sa Lobby at harangan niyo ang daan dun ngayon na! Nandito si Killer Clown at patungo siya doon, bilisan niyong magtungo sa lobby!"- saad ko sa DCR at sa iba pa sa walkie talkie ko. Agad naman silang sumunod. "Roger that!"- sagot nila. Hindi pwedeng mawala sa paningin ko 'tong taong 'to. Pagkakataon na 'to para mahuli siya nang sa ganun matigil na ang problema namin ngayon dito sa DIA. "Dev!"- rinig kong tawag sakin ni Ice mula sa walkie talkie. "Ice!"- saad ko. "Dev! Makinig ka sakin, hindi siya dapat makarating sa school grounds! Oras na makarating siya sa school grounds mahihirapan na tayong mahuli siya! Maraming mga estudyante ngayon sa labas!"- saad ni Ice. Nahigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa walkie talkie. "D*mmit! Malapit na siyang makalabas sa school building. Makakarating na siya sa school grounds!"- saad ko. "Hindi pwede 'to! Bababa ako!"- saad ni Ice sabay patay niya sa walkie talkie. Sh*t! Sh*t! Di ko mapipigilan si Killer Clown na makarating sa school grounds! Napakabilis niyang tumakbo!! "Mga estudyante! Harangan niyo si Killer Clown!!"- sigaw ko sa mga estudyanteng nasa hallway. Pero imbis na sundin ako, tumabi pa ang mga ito at binigyan ng daan ang kalaban. F*ck! Kanina pa ko napapamura! Nakakainis! Natatakot ang mga estudyante na masaktan!! Nagpatuloy ang habulan hanggang sa, tuluyan nang nakapunta sa school grounds si Killer Clown na kung saan ay napakaraming mga estudyante. Napasabunot naman ako sa sarili ko ng mawala ito sa paningin ko. "D*mmit!!"- sigaw ko. "Ice, nawala say sa paningin ko. Nakarating siya rito sa school grounds."- nagpipigil ng galit kong sabi. Kung hindi lang naubos ang stamina ko kanina sa pagtakbo ko palayo sa mga estudyante edi sana naabutan ko si Killer Clown! Bwiset!! "Wag niyo na siyang habulin, pumunta na lamang kayong lahat sa Opisina. Bilisan niyo, magkita tayo dun."- saad ni Ice sa walkie talkie. Bumuntonghininga naman ako upang mapakalma ko ang sarili ko. "Roger that."- saad ko. Yung sulat ko para kay Ice, hindi ko nabawi kay Killer Clown! Nakuha niya siguro yun nung tumatakbo ako patakas sa mga estudyante na kung saan ay humalo siya kanina at tila nakihabol din sakin. Nalaglag ko siguro yun habang tumatakbo... Bwiset!! Mababawian din kita sa ginawa mong 'to ikaw na payaso ka. Ako mismo ang huhuli sayo, ipinapangako ko yan. xxxxxxx Ice POV "Ano? Nakisalo siya sa mga estudyanteng humabol sayo na nais kang bigyan ng regalo?"- gulat kong saad pagkatapos kong marinig ang kwento ni Devin. Tumango naman ito bilang sagot. "Oo, at nasa unahan pa siya ng pinapila ko ang mga estudyante. Nung una hindi ko alam na siya yun, nakayuko kasi siya. Nalaman ko lang na si Killer Clown pala yun nung itinaas na niya ang ulo niya. Alam mo Ice di ko mapigilang di mag-isip eh, di ko alam kung sadyang natatakot lang ang mga estudyante na madamay rito sa problema natin kay Killer Clown o baka naman ay pabor o kampi sila rito! Una, paano siya nakahalo sa mga humahabol sakin na mga estudyante ng walang nakakapansin sa kanya na kahit isa sa mga humahabol sakin na yun? Pangalawa, yung mga inutusan ko na harangan si Killer Clown... Imbis na humarang tumabi pa! Binigyan pa nila ng daan si Killer Clown! Yung totoo? Anong nangyayari dito sa DIA ngayon."- saad ni Devin. Umayos naman ako ng upo ko at hinawakan siya sa kamay. "Kumalma ka."- saad ko kay Devin sabay buntonghininga ko at tingin ko kay Grey. "Anong nasa kuha ng mga CCTV?"- tanong ko kay Grey. Isinara naman ni Grey ang laptop niya sabay seryosong tumingin sakin. "Nakahalo na talaga si Killer Clown sa mga estudyante umpisa pa lang, mula sa paglapit ng mga estudyante sa kambal para tanungin ang mga ito sa kinaroroonan ni Devin hanggang sa matagpuan nila ito ay nakahalo na sa kanila si Killer Clown. Ngunit sa tingin ko ay hindi talaga ito alam ng mga estudyante sapagkat nakapwesto siya sa likod at nakayuko."- saad ni Grey sabay bukas niyang muli sa laptop niya at pakita samin ng isang kuha ng CCTV. "Dito naman sa kuha ng CCTV na 'to, dito niyo makikita kung paanong nasa unahan siya ng pila. Nang pinapila ni Devin ang mga estudyante, mabilis siyang nagtungo sa harapan kaya naman siya ang nasa unahan."- saad ni Grey. Tumangotango naman ako. "Kung ganun magaling siyang magtago, at ayon diyan sa ipinakita mo.. napakabilis din niyang kumilos."- saad ko. Nagsalita naman si Ate Rei. "May isa pa kong napansin."- saad ni Ate Rei sabay ayos niya ng upo. "Bukod sa magaling siyang magtago at mabilis siyang kumilos, meron pang isa pa. Tignan niyo nung tumakbo siya ng akmang kukunin ni Devin sa kanya ang hawak niyang envelope, tila.... pamilyar.."- saad ni Ate Rei. Tinignan ko naman ang sinasabi niya. "Ninja?"- saad ni Tala. Napahawak naman ako sa baba ko. Tama si Tala, Ninja... parang ninja ito tumakbo.... "Oh? Tignan niyo oh, parang Ninja talaga siyang tumakbo. Tignan niyo yung takbo niya nang habulin na sya ni Devin!"- saad ni Tala. Tinignan ko naman ang asawa ko na nakakuyom ang mga kamao habang nakatingin sa laptop ni Grey. Galit na galit ito. "Ayos lang na hindi mo siya naabutan, napigilan o nahuli."- saad ko kay Devin na ikinatahimik ng lahat at ikinatingin nilang lahat sakin. "Pero pagkakataon na yun, tignan mo sa kuha ng CCTV oh! Nasa harapan ko na siya!"- saad ni Devin. Umiling-iling naman ako. "Oo nga at nasa harapan mo na siya pero hindi mo naman alam na siya yun. Makinig ka, hindi mo man siya naabutan, napigilan o nahuli... may nakuha naman tayong impormasyon ukol sa kanya na maaari nating magamit upang matukoy ang pagkakakilanlan niya."- saad ko. Napakunot naman siya ng noo. "Impormasyon?"- kunot noo niyang sabi. Tumango naman ako sabay umayos ng upo. "Sa nakita natin magaling siyang magtago at mautak siya. Nagtago siya o pumuwesto siya sa likod ng mga estudyante nang sa ganun ay hindi siya mapansin ng mga ito isa pa, abala ang mga estudyante sa paghahanap kay Devin kaya naman hindi talaga siya mapapansin ng mga ito. Pangalawa, mabilis siyang kumilos at pangatlo, para siyang Ninja. Sa mga nakita natin na yun sa kanya mula sa kuha ng CCTV may nahinuha ako. Si Killer Clown ay hindi isang normal lang na estudyante dito sa DIA, sabihin na nating tulad natin siya."- saad ko. Natahimik naman sila dahil sa sinabi kong yun. "Magagamit natin ang nalaman natin na yun."- saad ko pa. Nagsalita naman si Ashlie. "P- pero... paano naman?"- saad ni Ashlie. "Kung sino man ang estudyante na tila tulad natin na marunong makipaglaban at may kakayahang tila tulad ng sa atin, may posibilidad na si Killer Clown yun. Tama ba ko?"- saad ni Ylana. Tinignan ko naman siya at tumango. "Oo, aalamin natin kung sino sa mga estudyante ng DIA ang may mga kakayahang tulad ng atin. At kung sino man ang mga estudyante na yun, iimbistigahan natin silang lahat. Aalamin natin kung sino sa mga yun si Killer Clown dahil sigurado ako, hindi lamang iisang estudyante ang may kakayahan na tulad ng atin."- saad ko. "Pero paano naman natin aalamin? Kung yan ang gagawin natin sa tingin ko ay dapat na hindi tayo magpahalata. Pero anong paraan naman ang nararapat na gawin na hindi mahahalata ng kahit na sino ang tunay nating pakay?"- saad ni Vince. Tinignan ko naman ang lahat dito sa opisina at pagkatapos ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Dahil isang estudyante si Killer Clown, 'eto ang naisip kong gawin. Ibabalik ko ang isa sa mga pinag-aaralan dati rito sa DIA. Ibabalik ko ang asignatura na kung saan, tinuturuan ang lahat na makipaglaban ng pisikal."- saad ko. Nagkatingin naman silang lahat. "Ibabalik mo ang Taekwando?"- saad ni Vince. Tumango naman ako. "Oo pero yung ngayon, may iba tayong idadagdag. Hindi lang basta taekwando, may kasama narin na mga Ninja Skills. Palalabasin natin na isa lamang itong physical activity pero ang totoo, aalamin natin kung sino ang magaling dito."- saad ko. Tila sang-ayon naman sila sa sinabi ko dahil sa mga itsura nila. "Maganda yang naisip mo, hindi maitatago ni Killer Clown ang kakayahan niya sa ganun. Mailalabas niya yun sa klase."- saad ni Ate Rei. Bahagya naman akong ngumiti. "Tama."- saad ko. "Ang Dark Cards ang nangunguna dati doon pero hindi naman maaari na sila na lamang ang maging guro para doon kaya naman kakausapin ko sila Mama, magpapahanap ako sa kanila ng maaaring guro para sa ibabalik natin na asignatura dito sa DIA."- saad ko. "No need."- saad ni Tala. Napatingin naman kami sa kanya. "May kilala ako, mahusay siya at mapagkakatiwalaan."- saad ni Tala. "Teka! Lalake ba yan?"- saad ni Vince. Ngumiwi naman si Tala. "Babae! Babae siya!"- sagot ni Tala sabay iling-iling at tingin sakin. "Bukas na bukas din papapuntahin ko na siya rito, sinisiguro kong maaasahan natin siya."- saad sakin ni Tala. Tumango naman ako. "Sige, tiwala ako sayo."- saad ko sabay ngiti ko sa kanilang lahat. "Hindi man natin nahuli si Killer Clown ngayon, may nakuha naman tayo na maaari nating magamit upang mahuli na siya ng tuluyan. Hulihin na natin siya sa pagkakataong ito."- saad ko. Nagtanguan naman sila. "Masusunod!"- sagot nila. Ngumiti naman ako ng todo. "Sige na, magdiwang na kayo ngayon ng Valentines. Lumabas na si Killer Clown, sa tingin ko hindi na ulit siya lalabas mamaya kaya naman tama na muna ang pagbabantay. Magdiwang muna tayo ngayong araw ng mga puso."- saad ko. Bigla naman silang nagtayuan at lumapit sakin sabay isa-isang nagbigay ng mga Tsokolate. "Happy Valentines Day Darkiela!"- sabay-sabay nilang sabi. Sandali naman akong natulala at pagkatapos, natawa na lamang ako. "Yung totoo? Binili, ginawa o ibinigay lang sa inyo ng mga estudyante 'to?"- saad ko. Nagtawanan naman sila. "Ice naman! Alam mo na yung sagot, wag ka nang magtanong!"- saad ni Ashlie. Napailing naman ako. "Salamat, mamaya na ko babawi wala pa kong natatanggap mula sa mga estudyante eh."- biro ko. Muli naman silang natawa. "Kahit di mo na kami bigyan ng kung ano ngayong araw, maging masaya lang tayong lahat ngayon ayos na!"- saad ni Vince. Ngumiti naman ako. "Edi ano pang hinihintay niyo? Mag-enjoy na kayo! Kita tayo mamayang gabi sa pageant."- saad ko. Ngumiti naman sila. "Roger!"- saad nila. Pagkatapos nun, kaagad silang umalis. Nang wala na sila, napatingin ako sa mister ko na tila sobrang sama ng mukha. Tila sobrang laki ng pinoproblema nito. "Uy. Ayos ka lang? Diba sabi ko okay nga lang na di mo nahabol si Killer Clown? Bakit ganyan itsura mo?"- saad ko. Ngumiwi naman siya. "Tss.. hindi ko kasi matanggap, lalo na at yung envelope na nasa kamay niya kanina... akin yun eh! May laman yun na sulat para sayo tapos... nawala! Kinuha nung bwiset na Killer Clown na yun."- saad niya. Bahagya naman akong natawa dahil sa sinabi niya. "Nangyari na naman ah, yung nawala yung sulat na para sakin.."- sarkastiko kong sabi sabay lapit ko ng upuan ko kay Devin. "Nakakatawa, pati ba naman yung pangyayaring yun ginaya niya? So nagpaka-immature na Devin Kiel El Greco naman siya ngayon."- saad ko sabay dikwatro. "Nice.."- natatawa kong sabi. Ginulo-gulo naman niya ang buhok niya. "Tch! Hindi nakakatawa."- saad niya sabay tayo at tungo sa isang drawer dito sa opisina at kuha doon ng isang bulaklak na pamilyar sakin. "Alam kong ang weird na magbigay ng ganitong klase ng bulaklak ngayong Valentines pero magbibigay pa rin ako dahil ayaw mo sa pula o kung ano mang kulay ng rosas."- saad ni Devin sabay lapit ulit sakin. "Happy Valentines Day Mrs.Darkiela Alyson Killiano El Greco, dun ko sana 'to gagawin sa gate ang kaso wala eh. Nambwiset si Killer Clown."- saad niya sabay kamot niya sa ulo niya at bigay sakin ng tatlong pirasong itim na rosas. Agad at nakangiti ko naman itong kinuha. "Good choice, kahit Valentines ayaw ko pa rin sa pula. Gusto ko pa rin ng kulay itim. At isa pa, ayos lang kahit di mo sa gate ginawa 'to. Kahit saang lugar mo pa gawin 'to ayos lang sakin basta ang mahalaga nag-effort ka."- saad ko sabay tayo ko at kuha ko ng isang maliit na kahon sa bulsa ko. "Oh, para sayo."- saad ko sabay bigay ko sa kanya nung kahon. Agad naman nya itong kinuha at binuksan. "I- Ice..."- nanlalaki ang mga mata niyang sabi pagkakita niya sa laman nung kahon. Kinindatan ko naman siya. "Pambawi yan para sa dalawang Valentines na pinalagpas ko."- saad ko. Mabilis naman niya na ibinalik sakin ang ibinigay ko sa kanya. "No Ice, ang mahal niyan! Di ko yan matatanggap."- saad niya. Natawa naman ako at ibinigay ulit sa kanya yung kahon. "Ano ka ba! para satin din yan. Tanggapin mo na, gusto mo yan diba? At gusto ko rin ang kotse na yan *smirk* May Ferrari na tayo."- nakangisi kong sabi. "Pero Ice--"- saad niya na hindi niya natuloy dahil tinakpan ko ang bibig niya. "No buts, just accept it. Nasa paliparan ang kotse, pwede mong subukan kung gusto mo. Yan ang susi, itago mong mabuti."- saad ko. Ngumiti naman siya at niyakap ako. "Nakakahiya man dahil kalalaki kong tao ako pa 'tong niregaluhan ng babae ng isang mamahaling sasakyan, tatanggapin ko na. Dahil tulad nga nang sinabi mo kanina, para satin din yung kotse na yun. Thank you Ice, I love you. Pasensya ka na kung yan lang regalo ko sayo ngayon, babawi ako next year."- saad niya. Niyakap ko naman siya pabalik. "Nah, naregaluhan mo na ko ng isang resort sa Manila tsaka ng isang mamahaling cellphone. Tama na yun. Sa totoo nga kulang pa 'tong kotse na regalo ko dun sa mga ibinigay mo dati."- natatawa kong sabi. Umayos naman siya ng tayo sabay pinisil ang pisngi ko. "Oo na lang, basta Ice tandaan mo na mahal na mahal na mahal kita. Higit pa sa sobra."- saad niya. Ngumiti naman ako. "Ako rin."- sagot ko. "Try natin yung mga booth sa labas."- saad niya. Tumango naman ako. "Sure!"- sagot ko. "Dun tayo sa Marriage booth."- saad niya sabay ngiti nyang muli. "Magpakasal tayo ulit."- saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD