Ice POV
"Sa tingin mo, anong susunod niyang gagawin pagkatapos nung ginawa niya nung isang araw? May naisip ka na ba?"- tanong sakin ni Devin.
Bumuntonghininga naman ako sabay umiling.
"Hindi ko alam, iniisip ko kung anong pwede niyang isunod pagkatapos nun pero kahit anong gawin kong isip hindi ko pa rin mahulaan kung anong pwede niyang isunod. Masyadong maraming nangyari dati...."- saad ko sabay tingin ko sa kanya.
"Hangga't hindi pa natatapos ang construction sa ibaba, kailangan muna nating magawan ng ibang paraan ang problema natin ngayon dito sa DIA kaya naman hindi ako titigil sa pag-iisip."- saad ko.
Bumuntonghininga naman siya at pagkatapos ay lumapit siya sakin.
"Binasa ko ang libro ni Ylana kagabi, at nabasa ko dun na pagkatapos ng laban niyo ni Alex, ang sumunod na pangyayari dun ay ang pag-uutos satin ng Headmaster na magsagawa ng checking sa likod ng lahat ng mga babaeng estudyante ng DIA. Pagkatapos nun, natagpuan mo si Reign. Sunod naman ay ang pagbibigay ng babala ng Headmaster sa lahat, pagkatapos nun wala ng nangyari. Yun na yung panahong biglang nanahimik ang Headmaster, sunod ay yung Foundation at Valentines Day na kung saan doon sinabi ng Headmaster ang larong ipinagawa niya satin kinabukasan. Yung sa pin, naaalala mo pa? Yung larong yun, may mga namatay din dun sa laro na yun. Isa yun sa mga maaari niyang ibalik pero kung ibabalik niya yun, anong version naman ang gagawin niya..."- saad ni Devin.
Napaisip naman ako.
Yung laro na yun... sa laro na yun ay binigyan ng isang pin ang bawat estudyante na mayroong pangalan nila. Kailangan nila yung ingatan dahil kung hindi makukuha yun ng kung sino mang nakabunot sa kanila. Sa larong yun ay ang Dark Cards ang nabunot naming Reapers, at tinalo namin sila dun. Kung uulitin ni Killer Clown ang pangyayari na yun ngayon dito sa DIA... paano niya gagawin? Anong version ang gagawin niya.
"Ice may naisip ako."- biglang saad ni Devin.
Tinignan ko naman siya.
"A- anong naisip mo?"- tanong ko.
Tinignan naman niya ko ng diretso.
"Tutal hindi natin mahulaan kung anong sunod niyang gagawin, ano kaya kung.... tayo ang magsimula ngayon ng kilos? Unahan natin siya."- saad ni Devin.
Napakunot naman ako ng noo.
"P- paanong unahan?"- naguguluhan kong sabi.
Ngumiti naman siya.
"Hindi 'bat bago nangyari yung laro na ukol sa pin ay nagbigay muna ang Headmaster ng isang babala? Ano kaya kung, magbigay tayo ng babala ngayon. Pero ang gawin natin ay ang sariling version din natin, imbis na babala para sa mga estudyante... babala na para kay Killer Clown ang gagawin natin. Oras na gawin natin yun, papasok sa isip niya na handa tayong makipaglaro sa kanya, na gusto natin na makipaglaro sa kanya dahil sinasabayan o tinutugunan natin siya rito sa laro niya, oras na pumasok sa isip niya yun malaki ang posibilidad na ang sunod niyang gawin ay may kaugnay sa laro na ukol sa mga pin. At isipin mo Ice, kung yun ang gagawin niya.. maaari nating mapigilan yun."- saad ni Devin.
Sandali naman akong natahimik.
Tama sya, maaari ang hinuha niya. Pero ang tanong........ uubra kaya? Oras ba na magbigay ako ng babala sa Killer Clown na yun.... ang laro dati na may kaugnayan sa mga pin ba ang isusunod niyang ibalik dito sa DIA?
Kahit medyo nangangamba at nagdadalawang isip ako, sumang-ayon na lamang ako sa suhestiyon ng asawa ko.
"Sige, gawin natin yang sinabi mo."- saad ko.
Bahala na kung anong mangyari, mangyari man o hindi ang hinuha o ang plano ni Devin... mahuhuli at mahuhuli pa rin namin ang kalaban.
"Kung ganun tayo na sa opisina, simulan na natin ang plano."- saad ni Devin.
Tumango naman ako.
"Sige."- saad ko.
~
Ashlie POV
"Ano ba kasi yang sasabihin mo at kailangang pumunta pa tayo sa cafeteria?"- irita kong sabi kay Bryan na hilahila ako papunta sa cafeteria.
Seryoso naman niya kong tinignan.
"Pwedeng manahimik ka na lang? Kahit kailan ang ingay mo talaga."- irita rin niyang sabi.
Huminto naman ako sa paglalakad at binawi sa kanya ang kamay ko kaya naman napahinto rin siya sabay tinignan ako.
"At ginaganyan mo na ko ngayon? Anong meron at tila lumalaban ka sakin ngayon?"- banas kong sabi.
Napahawak naman siya sa ulo niya at halatang nagpipigil say ng inis.
"Pwede ba? Tumigil ka muna diyan sa kakaganyan mo! Seryoso 'to oh! Kailangan ba talaga na sa lahat ng oras ina-under mo ko? Kailangan ba na sa lahat ng oras ako ang kawawa? Ngayon alam ko na kung bakit di kayo magkasundo ni Ylana eh! Pareho kayo ng ugali, hindi kayo astig, nakakainis kayo! nakakababa kayo ng pagkalalake."- banas niyang sabi sabay iling-iling.
"Kung galit ka at gusto mong lumaban sakin dahil sa sinabi ko ngayon, magsosolo na lang ako sa pagpaplano para sa ikabubuti nitong DIA at para makatulong ako sa Hari at kay Ice."- banas niyang sabi sabay talikod sakin at lakad paalis.
"Ang hirap sa inyo ang tataas ng pride niyo, hindi porket hinahayaan lang kitang i-under ako aaraw-arawin, maya't-maya at oras-oras mo nang gagawin. Nakakababa at nakakasakit ka ng Ego!"- saad ni Bryan habang naglalakad siya paalis.
Sandali naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko.
Ooppss? T- teka... seryoso siya... galit siya! Ibig-sabihin... s- sobra na ba ko? D*mmit! Hayuf ka Ashlieeee!
"S- sandali Bry!"- sigaw ko sabay habol ko sa kanya.
Gaga ka talaga Ashlie! Pinupuna mo si Ylana hindi mo alam at dama na tila ikaw rin pala ginagawa mo yung ginagawa niya sa Fiance niya! Tangna! Ngayon lang naglabas ng sama ng loob si Bryan sakin takte! Anong gagawin ko? Paanong pagpapaamo? Kinakabahan ako juskooo! May anak kami!!
"Bry! Uyy! S- sorry na. I- Ikaw kasi eh! Bigla-bigla kang nanghihila, kakatapos ko lang rumonda at gusto kong magpahinga tapos bigla ka na lang susulpot at manghihila. Bakit ba kasi kailangan pa nating pumunta sa Cafeteria? A- ano bang meron dun? Uyyy.. Sorry na!"- pag-aamo ko sa kanya.
Takte! Bihira lang magtampo 'to. Kapag nagtatampo 'to matindi, may halong kamanyakan ang parusang matatanggap mo minsan pero ngayon anong gagawin niya? matinding tampo 'to dahil naglabas siya ng sama ng loob! Lord wag naman sanang mangyari 'tong naiisip ko! May anak kami! Paano si Blake!!!
Tinignan naman niya ko sabay inirapan.
"Tangina naman kasi! Gusto ko lang naman pumunta tayo sa Cafeteria tapos mag-isip tayo dun ng paraang makakatulong kila Ice at sa Hari! Gusto ko lang na balikan natin yung dati tapos ikaw nag-iskandalo ka na agad. Ano bang problema mo at lagi kang highblood pagdating sakin!"- pagtataas niya ng boses.
Oh Sh*t! Ashlie naman eh! Maglalambing lang pala siya, gusto lang pala niyang ibalik yung dati sinigaw-sigawan mo na agad! Oh ngayon paamuhin mo yan! Maghirap ka ngayon!!
"S- eorry na, sorry na nga eh! E- eh ano kasi..... takte! Aamin na nga ko! Tsss... S- sa totoo lang, natatakot kasi ako sayo kaya naman lagi kitang sinusungitan, tinatarayan o sabihin na natin na ina-under. Natatakot ako sa pwede mong gawin kaya naman ipinapakita ko sayo na hindi ako basta-basta at oras na gawin mo yung nasa isip ko mayayari o malalagot ka talaga. Kaya lang.... mukhang nasobrahan at nasanay ako sa palagi kong ginagawa sayo na kahit nangako ka na sakin.... di ko pa rin magawa na maging kampante. Lalo na ngayon, medyo tumaba ako dahil sa panganganak at di ko nabalik sa dati yung katawan ko, natatakot lang ako sayo."- pagsasabi ko ng totoo.
Kinabahan naman ako ng bigla niyang itinaas ang kamay niya at akmang sasampalin ako kaya naman napapikit ako. Naghintay ako na dumampi ang kamay niya sa pisngi ko pero.... wala akong naramdaman kaya naman napamulat ulit ako.
"Sira ulo ka talaga, akala mo ba sasampalin kita? Di ko gagawin yun. Kahit kailan di kita magagawang saktan."- saad niya sabay hawak niya sa pisngi ko at halik sakin ng mabilisan sa labi.
"Uulitin ko yung sinabi ko nung pagbubukas ng klase rito sa DIA ngayong taon, inaamin ko na playboy at f*ckboy ako pero gusto kong sabihin sayo na hindi ako lalandi sa iba at hindi rin ako magpapalandi sa iba. Ako mismo ang puputol sa gusto mong putulin sakin oras na hindi ko matupad ang sinabi kong iyon. Tandaan mo yan! At please lang, tama na ang pag-iisip ng negatibo kasi kahit maging obese ka pa, kahit pumangit ka pa, ikaw pa rin si Ashlie na asawa ko, Ina ni Blake at mahal na mahal ko. Okay?"- saad niya.
Bumuntonghininga naman ako at tumango.
"Okay."- sagot ko.
Taena! Buti na lang! Nakahinga na ko ng maluwag hoooooooo!!!
"Isa pa, sa isang relasyon, mahalaga ang tiwala. Magtiwala ka sakin hindi lang dahil sa asawa mo ko kundi dahil sa mapagkakatiwalaan mo ko."- saad niya.
Ngumiti naman ako at tumangong muli.
"Tara na sa Cafeteria."- saad niya sabay hila sana sakin ulit patungong cafeteria ng biglang tumunog ang mga speakers at narinig sa buong eskwelahan ang boses ni Ice.
"Magandang araw sa lahat ng nandito sa DIA, nais kong makinig ang lahat sa sasabihin ko at lalong-lalo na.... ang taong nanggugulo ngayon dito sa DIA na pinangalanan naming Killer Clown. Ang nangyayari ngayon dito sa DIA ay isang nakakatuwang pangyayari na hindi magtatagal ay matutuldukan din agad. Makinig ka Killer Clown, nakakatuwa ang naisip mong gawing laro dito sa DIA kaya naman handa kaming makipaglaro sayo pero, meron lang akong isang babala. Galingan mo sa larong ito dahil oras na matalo ka namin, pagsisisihan mong sinimulan mo 'to. Oo at masasaktan mo ang mga students namin but you can't kill them because once you do that, we'll hunt and kill you even you're dead. Isa itong babala para sayo, you'll bring the past back? Then go! You can't beat us because we know what happened in the past as we're there, how 'bout you? It's free to give up. Palalagpasin namin ang mga una mong ginawa, pero kung matigas ka at gusto mo talagang makipaglaro. Then goodluck, that's all."- saad ni Ice.
Nagkatinginan naman kami ni Bryan.
"A- ano yun?"- saad ni Bryan.
"Hindi ko alam, ang mabuti pa, puntahan natin sila Ice at tanungin."- saad ko.
Tumango naman si Bryan.
"Sige."- sagot niya.
Pagkatapos nun ay madali kaming tumakbo patungo sa kinaroroonan nila Ice.
Ice, ano yun? Anong plano mo at ginawa mo yun? Anong ibig sabihin ng babalang yun?