Devin's POV
"How's the construction?"- tanong sakin ni Ice pagkapasok ko sa loob ng kwarto namin.
Nilapitan ko naman siya at tinabihan siya sa sofa.
"Don't worry, it's going well. Kontrolado natin ang lahat, nakamonitor si Grey at si Alex sa mga estudyante gayun din ang iba kaya naman wala kang dapat na ipag-alala."- saad ko sabay tingin ko sa kanya ng diretso.
"Tigilan mo muna ang pag-iisip, tignan mo itsura mo, halatang problemadong-problemado ka."- saad ko.
Bumuntonghininga naman siya.
"Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin ni killer clown dun sa sinasabi niyang ibabalik niya ang DIA sa dati, pakiramdam ko kasi talaga iba ang ibig sabihin niya roon. Pakiramdam ko hindi niya ibabalik ang DIA sa dati na kung saan ay paaralan ito para sa mga nais na maging assassin, sa tingin ko iba ang ibig sabihin niya. Tulad nang sinabi ko nung nakaraan sa inyo, meron na kong ibang naiisip ukol sa sinabi niya pero wala pa kong sapat na ebidensya para masabi kong iyon nga ang nais niyang gawin dito sa DIA. Kailangan ko pang mag-imbistiga....."- saad ni Ice.
Natahimik naman ako at napaisip ukol sa sinabi niya.
Kung totoo ngang may ibang ibig sabihin si killer clown sa sinabi niyang ibabalik niya ang DIA sa dati, Ano naman yun?
Una, binigyan ni killer clown ang mga bagong estudyante ng isang madugong pagsalubong sa pagiging bago nilang mag-aaral dito sa DIA. Ginawa niya yun sa kanyang sariling paraan at bersyon.
Pangalawa, yung babala samin ng killer clown na yun. Pangatlo, yung pagpasok niya sa mga dorms ng mga estudyante at ang p*******t niya sa mga ito.
Batay sa mga ginawa na yun ni killer clown, anong naiisip ni Ice na ibang ibig sabihin ni killer clown ukol sa sinabi niyang ibabalik niya ang DIA sa dati? Isa pa, meron pa kong ipinagtataka.
Yung kumanta ng demons yung babaeng estudyante na si Joana sa music room na kung saan narinig ng lahat dahil sa ginawa ng kaibigan niya.... anong naisip ni Ice at inakala niyang may kaugnayan yun kay killer clown?
Anong nasa isip mo Ice, anong nasa isip mo..... Darkiela.
"Mag-iikot ako sa buong DIA, gusto kong maglakad-lakad para malibang naman ako."- saad niya sabay tayo.
Hinila ko naman siya ulit paupo kaya nakakunot ang noo siyang tumingin sakin.
"What?"- may pagtaas sa boses niyang sabi.
Bumuntonghininga naman ako at tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.
"Ilang beses ko bang dapat na sabihin sayo na hindi ka nag-iisa? Sabihin na natin na alam mo yun pero bakit nag-iisip ka pa rin ng mag-isa? Bakit di mo sabihin samin o kahit sa akin lang na asawa mo yang nasa isip mo? Problemadong-problemado ka at kitang-kita yun sa mukha mo, para saan pa at naging asawa mo ko kung hindi kita kayang masamahan diyan sa iniisip at pinoproblema mo. Sabihin mo sakin yang nasa isip mo at pagkatapos, dalawa tayong mag-imbistiga. Hindi yung ikaw lang ang nag-iimbistiga ng mag-isa."- saad ko.
Sandali naman siyang natahimik at pagkatapos ay ilang sandali lang ay bumuntonghininga siya at nagsalita.
"Okay, gusto mong malaman kung anong naiisip ko ukol sa sinabi ni killer clown? Gusto mong malaman kung ano yung iniisip at pinoproblema ko? Sige! sasabihin ko sayo. Pero tulad nang sinabi ko kanina at nung nakaraan, wala pa kong kasiguraduhan dito, dahil wala pa kong sapat na ebidensya."- saad niya sabay iwas niya ng tingin.
Hindi naman ako nagsalita at tumango na lamang at saka hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"Yung naiisip ko--"- saad niya na hindi niya natuloy sapagkat biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin at pumasok sina Ashlie at Ylana.
"Pasensya na sa istorbo pero may problema."- saad ni Ashlie na agad na ikinatayo ni Ice.
"Sabihin mo kung ano."- saad ni Ice.
"May nag-aaway na dalawang babaeng estudyante dun sa hallway malapit sa garden, hindi maawat nila Brent kasi ang sabi nung kaibigan nung isa sa dalawang nag-aaway na babae, may pahintulot mo raw ang pag-aaway na yun at binigyan mo pa raw ito ng kalahating minuto para mag-away."- saad ni Ashlie.
Napakunot naman ako ng noo ko dahil sa narinig ko, lalo na si Ice na napasigaw pa.
"Ano!? Anong may pahintulot ko? Hindi pa ko lumalabas ng bahay natin na 'to simula kanina! At isa pa, bakit naman ako magbibigay ng pahintulot na mag-away sila rito? Nasa rules ang bawal mag-away kaya naman hinding-hindi ko magagawa yun!"- saad ni Ice sabay lakad niya palabas ng pinto.
Agad naman akong tumayo at sinundan siya.
"Magtungo tayo dun."- saad niya.
Pagdating namin sa pinangyayarihan nung away, sakto na dumating din ang Skulls at ang iba pa.
"Ate."- saad ni Ice pagkakita niya kay Reign.
"Awatin na natin yun."- saad ni Reign.
Tumango naman si Ice at pagkatapos ay agad namin na inawat yung dalawang babaeng estudyante. Nang mapaghiwalay namin yung dalawa, agad kong tinignan ang dalawang estudyanteng ito. Yung isa walang kagalos-galos sa mukha at sa katawan. Samantalang yung isa, putok na ang nguso.
"Anong nangyayari dito!"- sigaw ni Ice sabay tingin niya sa dalawang estudyanteng nag-aaway kanina.
Agad namang sumagot ang mga ito.
"Yang babaeng yan kasi malandi! Masyadong papansin kay Isaac! Sinasabi ko sayo, sa susunod na magpapansin ka pa sa kanya, papatayin na talaga kita!"- sigaw nung babaeng putok na ang nguso.
Ngumisi naman yung babaeng kalaban niya.
"Oh talaga ba? As if naman na kaya mo! Ngayon nga tignan mo kung sinong putok ang nguso satin, hindi mo ko kaya. At isa pa, hindi ako malandi, hindi ako nagpapapansin diyan kay Isaac! Sadyang nakuha ko lang talaga ang atensyon niya dahil maganda ako."- sagot naman nung isang babae.
Nagsalita naman si Ice.
"Nag-aaway kayo ng dahil lang sa isang lalake? Hindi 'bat nasa rules na bawal ang mag-away rito! Alam niyo na siguro ang mangyayari, paparusahan namin kayo dahil sa ginawa niyong paglabag na 'to."- pagtataas ng boses ni Ice sa dalawang babaeng estudyante
Gulat naman ang mga itong napatingin sa kanya.
"P- pero... binigyan mo po kami ng pahintulot kanina! Dun po sa garden. Nakita mo po kami dun na nagpapatayan na sa tingin kaya't nilapitan mo po kami at sinabing pinapayagan mo po kaming mag-away pero 30 minutes lang po. Ang sabi mo pa po, kung sinong matalo matapos ang 30 minutes ay masu-suspinde po iyon dito sa DIA ng dalawang buwan!"- saad nung babaeng walang kagalos-galos.
Sumobra naman ang pagkakunot ng noo ni Ice dahil dito.
"Ano? Para sabihin ko sa inyo ngayon pa lamang ako lumabas sa bahay naming DCR simula kaninang umaga. Hindi ako ang nakausap niyo kanina, at kung ako man yun hinding-hindi ko kayo pag-aawayin ng katulad ng ganito."- saad ni Ice.
Mas lalo namang nagulat yung dalawang babaeng nag-away.
"P- pero.... I- ikaw po yun eh... kung hindi po ikaw yun, sino yun?"- saad nung babaeng putok ang nguso.
Nagsalita naman ako.
"Sabihin niyo, yung sinasabi niyong si Ice. Si Ice ba talaga? Nakita niyo ba ang mukha? Masasabi niyo bang si Ice talaga yun ng siguradong-sigurado?"- saad ko.
Napatingin naman ang mga ito sakin at napaisip.
"S- sa totoo lang po... hindi po. Hindi po namin nakita ang mukha nito dahil nakasuot po ito ng face mask na kulay itim. Pero parang si Ms.Ice po talaga ito dahil sa buhok po nito, pareho po sila ni Ms.Ice ng gupit at kulay ng buhok. Maiksi rin po ang gupit nito at isa pa po, naka-civilian po ito. Eh diba po kayo lamang naman po na mga nagpapatakbo rito sa DIA ang pwedeng mag-civilian na damit? Kaya ang akala po namin, si Ms.Ice yun..."- saad nung babaeng walang kagalos-galos.
Napakunot naman ako ng noo ko.
Sino yun? Bakit siya nagpanggap na si Ice? At anong purpose niya sa ginawa niyang ito?
"Lilinawin ko ang lahat. Una, hindi ako yun. Pangalawa, hinding-hindi ako kailanman mag-uutos ng katulad nun dito sa DIA. Ginawa kong normal na paaralan ang DIA dahil ayoko ng sakitan o karahasan sa pagitan niyong mga estudyante kaya naman bakit ako mag-uutos ng tulad nito? Isa pa, ako ang gumawa ng Rules, tapos ako rin ang sisira? Inuulit ko, hindi ako yung babaeng nakausap niyo kanina na nag-utos sa inyo na gawin 'to!"- saad ni Ice.
Natahimik naman ang dalawang babaeng estudyante dahil sa sinabi ni Ice. Maging ang iba pang mga nandito.
"Pero Ice, kung hindi ikaw yun.. sino yun? Meron ka bang naiisip kung sino yung nagpanggap na ikaw kanina?"- tanong ni Ashlie kay Ice.
Tinignan naman siya ni Ice at tumango.
"Oo, siya ang kalaban natin ngayon. Sa tingin ko si killer clown yun, yung babala niya satin... sa tingin ko 'eto ang ibig niyang sabihin dun."- saad ni Ice sabay tingin niya sa lahat ng mga estudyante.
"Magsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang mga klase! Ngayon na!"- sigaw ni Ice.
Tila isang mabilis na kidlat naman na nawala o naglaho ang mga estudyante.
"At kayong dalawa, sumama kayo sa Souls. Sila nang bahala sa inyong dalawa, since nalinlang lamang kayo... P.1 lang ang matatanggap niyong parusa. At sinasabi ko sa inyo, ayoko nang maulit ulit 'to. Naiintindihan niyo?"- saad ni Ice sa dalawang estudyante na nag-away.
Tumango naman ang mga ito.
"Owen, kayo nang bahala."- saad ni Ice kay Owen.
Tumango naman ito at pagkatapos ay dinala na nilang Owls ang dalawang babaeng estudyante.
Pagkaalis ng Souls kasama yung dalawang estudyante, nagsalita si Ylana.
"Ice, sabi mo si killer clown yung kanina. Sinasabi mo bang babae siya? At isa pa, ano namang purpose niya sa ginawa niyang 'to?"- saad ni Ylana.
Tinignan naman ni Ice si Ylana at pagkatapos ay tinignan niya kaming lahat.
"Oo, sa tingin ko babae siya. Una akong nagkahinala ukol sa kasarian niya nung nagbabala siya sa iniwan niyang sulat sa tapat ng opisina nating DCR. Tila galing ito sa babae dahil sa linis at ayos nito. Isa pa, ang pagkakasulat niya ay masasabi mo talagang isa itong babae."- saad ni Ice sabay tingin sakin.
"Yung pinag-uusapan natin kanina sa kwarto bago tayo pumunta rito, isa 'tong pangyayari na 'to sa kailangan kong ebidensya para dun."- saad sakin ni Ice.
Napakunot naman ako ng noo ko.
"Paano mo nasabi?"- tanong ko.
Humarap naman siya sakin ng maayos.
"Pagsama-samahin mo lahat ng mga ginawa niya, tapos isama mo yung nangyari ngayon, wala ka bang naaalala sa mga nangyari ngayon?"- saad ni Ice sabay tawa niya ng bahagya.
"Una, nagpaka-headmaster siya sa pagwewelcome sa mga estudyante. Pangalawa naman, nagpaka-Red and Black mask siya sa ginawa niyang pagbibigay ng babala. Tapos ngayon nagpaka-headmaster na naman siya dahil sa inutos niya dun sa dalawang babaeng estudyante na yun."- saad ni Ice sabay pamulsa at tingin niya kay Alex.
"Yung dalawang babae kanina, nangyari satin dati yung ginawa nila kanina. Hindi ba?"- saad ni Ice kay Alex na ikinagulo ni Alex.
"A- ano?"- naguguluhang saad ni Alex.
Natawa namang muli si Ice ng bahagya.
"Bumalik na tayo sa mga trabaho natin, ako ang roronda ngayong oras na 'to. Kita na lang tayong lahat mamaya."- saad ni Ice sabay lakad niya paalis.
Halata naman ang pagkagulo at pagkalito sa mukha nila Ashlie, Alex, Ylana at ng iba pa. Samantalang ako, napaisip na lamang dahil sa sinabi niya.
Pagsama-samahin ang mga ginawa ni killer clown kasama yung ngayon....
Una nagpaka-Headmaster ito, sunod nagpaka-Red and Black mask. Ngayon nagpaka-Headmaster na naman at inutusan yung dalawang estudyante na mag-away ngunit sa loob lamang ng kalahating minuto....
Anong ibig sabihin nun?
"Teka, Oo nga 'no! Nangyari din samin dati yung nangyari kanina! Naalala niyo nung naglaban kami dati ni Ice? Binigyan lamang kami ng kalahating minuto nun ni Headmaster tapos diba natalo ako at sinabi ng Headmaster na oras na galawin o saktan ko ang Reapers ay masususpinde ako ng dalawang buwan dito sa DIA? Tila parusa ko yun sa pagkatalo ko kay Ice, nangyari nga samin 'to dati pero hindi gaanong magkapareho.."- saad ni Alex.
Tila may bumbilya namang sumindi sa ulo ko nang marinig ko ang sinabi na yun ni Alex.
O- Oo nga 'no! Tama siya. Nangyari nga 'to dati! Yung Bloody Welcome, yung babala, tapos 'etong 30 minutes fight.... mukhang nakukuha ko na yung ibig sabihin ni Ice, mukhang nakukuha ko na kung anong naiisip niya ukol sa babala ni killer clown. Hindi kaya.....
Natawa naman ako dahil sa naisip ko kaya't napatingin sakin ang iba.
"Oh, bakit ka tumatawa diyan?"- pagtataray sakin ni Reign.
Umiling-iling naman ako.
"Masaya lang ako, kasi mukhang naintindihan at nakuha ko na kung ano mang nasa isip ng asawa ko."- saad ko sabay pamulsa ko.
Humarap naman silang saking lahat.
"Kung ganun ano!?"- sabay-sabay nilang sabi.
Nagpoker face naman ako.
"Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo, si Ice ang kausapin niyo."- saad ko sabay lakad ko paalis.
"Diyan na kayo."- saad ko sabay bilis ko sa paglalakad ko pabalik sa bahay.
Habang nasa daan ako, di ko mapigilang hindi mapangiti.
Kung yun nga ang ibig sabihin ni killer clown, madali na lamang naming masosolusyunan ang mga gagawin niya. At ang iba, maaari din naming mapigilan. Ngunit ang mahirap dito.... wala kaming ideya sa kung anong pangyayari ang ibabalik niya dahil hindi naman niya ito ipinagsunod-sunod.
Kailangan kong maisip kung ano man ang maaari niyang isunod pagkatapos ng pangyayaring ito. Nang sa ganun.... mapigilan ko yun at mabawasan ng pinoproblema ang asawa ko.
"Matatapos din 'to, unti-unti na nating nareresolba ang nangyayari. Matatapos din agad 'to sa lalong madaling panahon."- bulong ko.