Ice POV
"Sabihin niyo, nananaginip ba ko?"- saad ni Ashlie habang nakatingin kay Ylana at Brent na naglalambingan.
Bahagya naman akong natawa.
"Natauhan na yung gaga nating kaibigan."- saad ko sabay yakap ko kay Devin na katabi ko rito sa sofa at hikab nang hikab.
"Congrats for the both of them."- saad ni Ashlie sabay tingin sa paligid.
"Teka nga, di ko pa nakikita yung asawa kong tukmol ah! Nasaan na kaya yun?"- saad ni Ashlie sabay lakad niya patungo sa pinto.
"Kanina pa rumonda yun, bakit di pa bumabalik?"- saad ni Ashlie.
"Baka naman nanginain."- saad ko.
Bigla namang sumigaw si Ashlie.
"NANGINAIN? ANONG NANGINAIN? NAMBABABAE GANUN? ABA HAYOP YUN AH! TEKA NGA MAKAKA---"- sigaw ni Ashlie na hindi niya natuloy dahil pinagtaasaan ko siya ng boses.
"Pwede bang wag kang OA diyan? Ang ibig kong sabihin baka nanginain dun sa cafeteria kasi umalis dito yun ng hindi nag-almusal kasi walang pagkain dahil tignan mo nga yung cook natin! nakikipaglandian sa Fiance niya! Paka-OA nito!"- pagtataas ko ng boses kay Ashlie sabay ayos ko ng upo.
"Ah ganun ba? Sorna naman."- saad ni Ashlie sabay peace sign.
Napailing naman ako at pagkatapos ay niyakap ko ulit 'tong katabi ko na kanina pa hikab nang hikab.
"Yung totoo, anong ginawa mo kagabi habang tulog ako at antok na antok ka diyan?"- mahina kong saad kay Devin.
Niyakap naman niya ko pabalik.
"Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya tinitigan kita magdamag."- saad niya.
Bahagya naman akong natawa.
"Tinitigan magdamag your face!"- sarkastiko at di ko naniniwalang sabi.
Hinigpitan naman niya ang pagkakayakap sakin.
"Nagsasabi ako ng totoo."- saad niya sabay bulong sakin.
"Kung ayaw mong maniwala edi wag, basta nagsasabi talaga ko ng totoo."- bulong niya sabay halik sakin sa pisngi.
Hindi naman na ko nagsalita at naniwala na lamang sa kanya.
Pero bakit parang nagsisinungaling siya?
"Oh, anong nangyari dito sa tukmol na 'to at sobrang bilis ng takbo papunta rito."- rinig kong saad ni Ashlie.
Ilang sandali lang pagkatapos sabihin ni Ashlie yun, bigla na lamang dumating ang hingal na hingal na si Bryan.
"Ice! King! M- may mga estudyante dun sa lobby! Sugatan!"- hinihingal na saad ni Bryan.
Agad naman kaming napatayo ni Devin.
"Ano!?"- gulat kong sabi.
"Paanong nangyari yun?"- tanong ni Devin kay Bryan.
Umayos naman ng tayo niya si Bryan.
"Ang sabi ng mga estudyante, pinasok sila ng isang taong nakamaskara na disenyong payaso ang itsura sa kani-kanilang mga dorm kanina bago sila pumasok, sa tingin ko yung killer clown yun."- saad ni Bryan.
Nagkatinginan naman kami ni Devin.
"Hindi maganda 'to."- saad ni Ylana sabay lapit nila ni Brent sa amin.
"Nananakit na siya, kapag tumagal 'to baka pumatay na siya."- saad pa ni Ylana.
Hindi ko naman napigilan ang sarili kong hindi mapakuyom ng kamao.
"Ilan ang mga estudyanteng sinaktan niya?"- tanong ko sabay tingin ko kay Bryan.
Agad naman itong sumagot.
"Tatlo, dalawang lalake at isang babae."- sagot ni Bryan.
Bumuntonghininga naman ako at pagkatapos ay tinignan ko si Ylana at si Brent.
"Kailangang magamot nung tatlong estudyante, gusto kong pumunta kayo dun at asikasuhin ang mga ito. Samantalang ikaw Bryan, dikitan mo na yang asawa mong praning para hindi napapraning sa kahahanap sayo. Manatili kayo rito sa bahay at magbantay kayo rito, samantalang kami ni Devin hahanapin namin sila Grey at Alex upang imbistigahan ang pangyayaring ito. Isa pa, kakausapin ko sila Ate Rei para sa mabilis na pagtatapos ng plano upang mahuli ang killer clown na yun."- saad ko sabay lakad ko palabas ng pinto.
"May plano ako para mapabilis ang konstraksyon sa bagong daan para sa sikretong silid..."- saad ko pa sabay hinto ko sa tapat ng pinto.
"Ngayon kilos na, kailangan nating matuldukan agad ang kahibangan ng killer clown na yun."- saad ko sabay kuyom ko ng kamao ko.
Nilapitan naman ako ni Devin.
"Masaya ako at tila nakokontrol mo ang pagiging pikunin mo ngayon."- saad sakin ni Devin.
Bahagya naman akong napangisi.
"I accepted this game of that stupid killer clown, dahil kumbaga sa sports... laro lang, walang pikunan."- saad ko.
Natawa naman siya.
"Okay, sabi mo eh."- saad niya.
Bumuntonghininga naman akong muli.
"Tayo na."- saad ko sabay lakad ko palabas ng bahay namin.
Agad naman akong sinundan ni Devin.
Nang mahanap namin yung dalawang mag-jowang sina Alex at Grey, agad kaming nagtungo sa silid nila Ate Rei at ipinatawag ang mga pinuno ng mga grupo na tumutulong din samin sa pagpapatakbo rito sa DIA.
Nang nandito na lahat, agad kong sinabi ang gagawin namin.
"Gusto mong magtayo ng kahit anong imprastraktura sa tapat ng bahay niyo?"- saad sakin ni Ate Rei.
Tumango naman ako.
"Tama ka, yun ang magsisilbing takip sa konstraksyon ng bagong daanan patungo sa sikretong silid. Hindi natin magawa ng maayos ang konstraksyon sa ibaba dahil malamang na magtataka ang mga estudyante kung ano yun, at oras na mangyari yun ay malaki ang posibilidad na malaman nila kung nasaan ang sikretong silid. Kung magkakaroon ng konstraksyon sa tapat ng bahay namin, iisipin ng mga estudyante na doon nagmumula ang ingay ng konstraksyon sa ilalim. Sa tingin ko magiging epektibo ito."- saad ko sabay tingin ko kay Grey at senyas dito na ibigay sakin ang laptop niya.
Agad naman itong sumunod at ibinigay sakin ang laptop niya.
"Kailangang magawa natin agad ang secret control room dahil magiging napakalaking pakinabang nun satin, panoorin niyo 'tong video."- saad ko sabay panood ko nung kuha ng CCTV kanina kila Ate Rei.
"Tulad nang nakikita niyo ngayon, galing sa dormitoryo ang killer clown na siyang kalaban natin ngayon. Ibig sabihin, isa siyang estudyante rito sa DIA. Hindi tayo pwedeng magsagawa ng checking sa mga dorm ng mga estudyante para hanapin ang maskara dahil paniguradong wala tayong makikita dahil malamang sa malamang ay sa iba niya ito itinatago, nasa libro ni Ylana ang ginawa namin dati ng Cards na pagpasok ng palihim sa mga dorms ng iba para hanapan ito ng maskara na puti upang malaman naming Cards kung sino ang mga tumutulong kila Mommy't Daddy nun. Malamang ay nabasa niya iyon at itinago niya ang maskara sa ibang lugar bilang pag-iingat sa kaya naming gawin upang mahuli siya. Kaya naman sa ngayon, ang mga kuha ng CCTV na tulad nito ang kailangan natin."- saad ko sabay sara ko sa laptop.
"Kailangan nang matapos ang konstraksyon ng bagong daan patungo sa sikretong silid upang magawa na natin ang secret control room, dahil ang mga CCTV ang pinakakailangan natin upang matapos na 'tong problema natin na 'to."- saad ko.
Sandali naman silang nanahimik ngunit ilang sandali lang, nagsalita si Ate Rei.
"Natutuwa ako at tila ang bilis mo nang mag-isip ngayon, hindi tulad ng dati na halos tumagal pa ng buwan."- saad ni Ate Rei.
Tinignan ko naman siya.
"Yun ay dahil ayoko nang maulit ang dati, ayoko ng umabot ulit sa punto na may manganib ang buhay dahil sa mabagal kong pag-iisip. Ayoko ng lumala ulit ang problema rito sa DIA."- saad ko.
Ngumiti naman si Ate at pagkatapos ay tumango-tango siya.
"Then, gawin natin ang sinabi mo kanina. Ngunit may tanong ako, anong itatayo nating imprastraktura sa tapat ng bahay niyo?"- saad ni Ate.
Nagkatinginan naman ang lahat.
Oo nga 'no.... anong itatayong imprastraktura?
"Ano bang kulang sa DIA na maaaring makapagpasaya sa mga estudyante?"- saad ni Owen.
"Kung magtatayo tayo ng bagong imprastraktura, dapat ay may pakinabang sa lahat."- saad naman ni Henrick.
"How about.... Playground!"- saad ni Tala.
Kinurot naman ito ni Vince.
"Anong tingin mo sa mga estudyante ng DIA, mga kinder? Elementary? Wag ka ngang isip bata."- saad ni Vince.
Ngumuso naman si Tala.
"Masaya kaya sa playground!"- saad ni Tala.
Nagsalita naman si Luis.
"What if swimming pool?"- saad ni Luis.
Isang malakas na batok naman ang natanggap nito mula kay Ate Rei.
"Ogags ka ba? Seriously? Swimming pool? Magtatayo ka ng swimming pool eh ang laki-laki ng dagat na nakapalibot dito sa isla! Wag shunga-shunga!"- saad ni Ate Rei kay Luis sabay cross arms nito.
"Eh anong gagawin!?"- saad ni Luis.
Nagsalita naman si Devin.
"How about computer shop/computer lab? Pero, may oras ang pagpunta at pananatili nila rito. Isa yun sa pinakakailangan ng mga estudyante rito sa DIA upang magkaroon sila ng komunikasyon sa mga magulang nila ng hindi sila nahihirapan. Isa pa, makakatulong din iyon sa kanilang pag-aaral."- saad ni Devin.
Napaisip naman kami.
"Tama ka, pwede yang naisip mo."- saad ni Ate Rei.
"Pero baka gamitin ito ng kalaban, malaking tulong sa kanya ang computer."- dugtong ni Ate Rei.
"About that, may magagawa si Grey ukol diyan."- saad ko.
Bumuntonghininga naman siya.
"Then okay, magtayo tayo ng computer shop, then may isa pa kong suhestiyon na itayo natin sa tabi nun. Magtayo tayo ng sariling school supplies shop, nang sa ganun doon na lamang bumili ang mga estudyante ng mga kailangan nila sa pag-aaral. Kikita pa tayo dun hindi tulad ng ganito na libre sila sa mga school supplies. Pagkakitaan na lamang natin iyon."- saad ni Ate Rei.
Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi niya kaya naman sumang-ayon na rin ako.
"Kung ganun sige, asikasuhin na natin agad."- saad ko.
Ngumiti naman sila.
"Sige kilos na agad! Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa."- saad ni Ate Rei sabay tayo niya mula sa kanyang pagkakaupo.
Nagtayuan din naman ang iba pa kaya't napangiti ako.
I'm so lucky to have them in my life...
"Salamat sa inyo, wag kayong mag-alala. Lalakihan ko na mga sahod niyo."- natatawa kong sabi.
Tila sabay-sabay naman silang napakamot sa kani-kanilang mga ulo.
"Ano ka ba! No need to do that! Ginagawa lang namin trabaho namin kaya kami ganito. Di mo na kailangang lakihan ang sahod namin!"- saad ni Tala.
"Pero kung willing ka talagang lakihan ang sahod namin, pwedeng 6k ang idagdag mo?"- saad ni Vince na nakatanggap ng batok mula kay Tala dahil sa sinabi niya.
Napailing naman ako.
"Hay! Magtrabaho na nga lang tayo. Let's go guys!"- saad ni Tala sabay lakad paalis.
Agad naman siyang sinundan ng iba pa.
As long as i have them, I don't have to worry.... matatapos din agad 'tong problema na 'to. Mahuhuli at malalaman din namin kung sino man ang killer clown na nanggugulo ngayon dito sa DIA. At oras na mangyari yun, payapa na muli kami.