Ylana POV
"Brent, nakita mo yung notebook ko?"- tanong ko kay Brent habang hinahalungkat ko yung drawer ko.
"Notebook mo? Anong notebook?"- tanong niya.
Umayos naman ako ng tayo at pagkatapos ay tinignan ko siya.
"Yung notebook ko, alam mo yun! Yung sa Library dati?"- saad ko.
Napaisip naman siya.
"Ahh! Yung puro drawings mo ng mga idol mo?"- saad niya.
Tumango naman ako.
"Nawawala eh, di ko makita."- saad ko.
Inalis naman niya sakin ang mga tingin niya at ibinalik yun sa binabasa niyang libro.
"Hindi, hindi ko nakita. Diba ikaw ang nagtatabi nun? Malay ko dun. Gamit mo yun kaya dapat pinapahalagahan mo hindi yung ang burara mo, tignan mo nga yung mga gamit mo sa pagiging Writer mo. Puro nakakalat, kababae mong tao napakaburara mo."- saad niya.
Sumama naman ang mukha ko.
"Bwiset ka! Edi ikaw nang masinop!"- banas kong sabi sabay sara ko sa drawer ko at padabog na lumabas sa kwarto namin.
Narinig ko naman siyang tinawag ang pangalan ko pero di ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad paalis.
Pesteng lalake yun! Tama bang yun ang sabihin niya sakin? Hugutin at buhulin ko intestine niya eh!
"Oh? 'Bat ganyan pagmumukha mo?"- tanong sakin ni Ashlie nang magkasalubong kami sa pinto.
Papasok siya ako naman palabas.
"Nakakabwiset yung magaling kong fiance eh! Siya nang masinop ako nang hindi! Imbis na tulungan ako sa paghahanap nung nawawala kong notebook pinangaralan pa ko. Peste siya!"- banas kong sabi.
Bahagya naman siyang natawa.
"Anong nakakatawa!?"- pagtataas ko ng boses kay Ashlie.
Ngumiwi naman siya.
"Well, if I were Brent yun din ang gagawin ko. Ugali mo talagang maging burara, wala ng bago dun."- saad ni Ashlie sabay hawak niya sakin sa balikat.
"Wag mong sabihing peste si Brent, matinong tao yan. Di tulad nung kakambal niya na siyang tunay na peste! Swerte mo nga at yan ang napunta sayo eh! Palit kaya tayo, sayo na lang si Bry tas sakin si Brent."- saad ni Ashlie na may pataas-taas pa ng kilay.
Isang malakas na batok naman ang natanggap niya mula sakin.
"Gago!"- mura ko sa kanya sabay tabig ko sa kamay niya na nasa balikat ko.
"Hindi ka nakakatulong! Makaalis na nga."- banas kong sabi sabay alis ko at tungo sa DIA.
Tatambay na lang muna ko sa Library, kailangan ko yung atmosphere dun! Oras na lumamig ang ulo ko dun na lang ako lalabas. At yung magaling kong Fiance na yun... babanatan ko siya!
Habang nasa Hallway, nakasalubong ko si Alex na nagmamasid sa buong paligid. Break Time ng mga estudyante ngayon kaya't maraming nasa labas.
"Oh Ylana, 'san ka pupunta?"- tanong sakin ni Alex sabay hinto niya sa paglalakad.
Huminto rin naman ako at pagkatapos ay sinagot siya.
"Sa lugar kung saan lalamig ang ulo ko, sa Library."- sagot ko.
Bahagya naman siyang napakunot ng kilay.
"Why? Nag-away ba kayo ni Brent?"- tanong niya.
Ngumiwi naman ako at bahagyang tumango.
"Alam mo di ko talaga maintindihan ugali nun, buti pa si Bryan basa mo agad yung ugali. Eh si Brent? ang gulo! Minsan ang emotero, childish at napakakulit. Pero madalas masungit, trashtalker at walang pake. Ano bang problema ng lalaking yun!"- banas kong sabi sabay cross arms.
Tila natawa naman si Alex.
"Hindi ka pa nasasanay sa kanya? Ako sanay na sanay na. Malupit mood wings ng taong yun, minsan lang siya magpapansin, yung tipong magsasalita siya, kakausapin ka niya, tatawa siya tapos yung ayun nga! Ang nice niya. Madalas nice siya, lalo na pagdating samin. Siya palagi nagpapagaan ng atmosphere saming Cards pero yung totoong ugali niya? Ayan yun, itinatago niya lang yan. He's your fiance but you still didn't know him, Oh? I know the reason... kaunting oras nga lang pala ang ibinibigay mo sa kanya. You have so much time on writing stories and to others that you like but for him? I think you didn't. So ang payo ko sayo, bigyan mo rin kasi ng pansin yung tao. Parang ipinapakita mo kasi sa kanya na hindi siya mahalaga sayo tapos parang napilitan ka lang kaya ka magpapakasal sa kanya. Give him some of your time, yun ang solusyon diyan sa problema niyo."- saad sakin ni Alex.
Natahimik naman ako.
Well... she's right, wala nga kong oras para kay Brent. Puro ako pagsusulat ng istorya dahil gusto kong ituloy yung pagiging writer ko. Kung hindi naman pagsusulat ng istorya, ang pag-aasikaso naman sa DIA at ang pakikipag-bonding sa mga kaibigan ko ang inaatupag ko. Inaamin ko rin na hindi ko pa nga siya lubusang kilala, maybe I should give him some of my time like what Alex said. Because if I don't..... maybe he'll give up like what the other men do.
"You're right, I'll remember and do that."- saad ko kay Alex.
Natawa naman siya ng tuluyan at pagkatapos ay hinampas ako.
"So you're scared of losing him right? Akala ko magmamatigas ka like you always do because you always want to keep your cool image. I'm surprised to see that side of yours but anyways, goodluck."- saad ni Alex.
Napahawak naman ako sa braso kong hinampas niya.
Ang sakit..
"Yeah! Yeah! Whatever!"- saad ko sabay irap ko sa kanya.
"Oh, si Ice."- saad ni Alex.
Tinignan ko naman siya at ang tinitignan Mya. Pagtingin ko, si Ice papalapit samin.
"Ginagawa niyo at nakatayo kayo rito?"- tanong ni Ice pagkalapit nya samin ni Alex.
"Sumasayaw kami, diba Lex?"- sarkastiko kong sabi.
Binatukan naman niya ko.
"At ginaganyan mo na ko ngayon?"- pagtataray niya.
Napahawak naman ako sa ulo ko.
Taena strike 2! Kanina si Alex ngayon naman si Ice.
"May LQ kasi sila ni Brent kaya ganyan."- saad ni Alex.
"So dapat idamay ako ganun?"- saad ni Ice sabay cross arms at taas niya ng kilay niya.
Napangiwi naman ako.
"Sensya na! Grabe sakit nun ah!"- saad ko sabay hawak ko sa ulo ko.
Pagkasabi ko nun, bigla na lamang tumunog ang mga speakers. Nagkatinginan naman kami nila Ice dahil dun.
"Ano yun?"- saad ni Ice.
Kinamaya-maya lang, may narinig kaming kumakanta.
"T- teka... sa music room ba yun? Sinong nag-on ng pagkakakonekta ng mga speakers sa music room?"- saad ni Ice sabay lakad niya paalis.
Tinignan ko naman si Alex at sinenyasan itong sundan namin si Ice.
"Diba nasa libro mo Ylana yang tungkol sa music room na pwedeng ikonekta sa mga speakers? Baka estudyante yun."- saad ni Alex habang nasa daan kami.
"Tama ka."- saad ko sabay tingin ko kay Ice.
"Sabihin na nga nating ganun, di naman ako galit tungkol sa ginagawa na 'to nang kung sino mang estudyante ang naroon. Ang ipinagtataka ko ay yung kinakanta niya ngayon, kinukutuban ako."- saad ni Ice.
Natahimik naman kami ni Alex.
Yung kinakanta ng kung sino mang estudyante na yun ngayon ay walang iba kundi ang kinanta ni Ice dati nung mga panahong estudyante pa kami rito sa DIA at di pa namin alam na si Ice ay si Darkiela. Yung kanta na dahilan kaya't pinarusahan ni Devin si Ice dahil sa maling pagkakaunawa nito sa lyrics ng kanta. Demons...
"Mukhang tama ang hinala ko, pero hindi ko pa masasabing tama talaga hangga't hindi ko pa nakakausap yung kumakanta ngayon."- saad ni Ice.
Napakunot naman ako ng noo.
"Anong hinala?"- tanong ko.
"Sasabihin ko rin yun sa inyo, sa ngayon gusto ko muna yung kumpirmahin."- saad ni Ice.
Hindi naman na ko nagsalita at nanahimik na lang. Pagdating namin sa music room, naabutan namin si Devin na nasa tapat ng pintuan ng music room.
"Dev."- saad ni Ice pagkakita niya sa asawa.
Nilapitan namin kami nito agad.
"May dalawang estudyante sa loob, at kilala natin ang isa."- saad ni Devin.
Napakunot naman ng noo si Ice.
"Sino?"- tanong nito.
"Si Joana."- sagot ni Devin.
Pagkasagot ni Devin, agad na naglakad si Ice papasok sa music room. Agad din naman namin siyang sinundan.
Pagpasok namin sa loob, tumambad samin si Joana na nasa harapan ng piano at isa pang babaeng estudyante na nandito sa may gilid ng pinto kung nasaan ang buton na nagbubukas at nagpapatay ng koneksyon ng mga speakers dito sa loob ng music room.
"Joana."- saad ni Ice na ikinatigil ni Joana sa pagkanta at ikinatingin nito samin.
"M- Ms.Ice... b- bakit po kayo nandito?"- gulat na saad ni Joana samin.
Tinignan ko naman yung babaeng nandito sa gilid ng pinto na nakayuko.
"Joana, alam mo bang naririnig ka ng lahat sa pagkanta mo?"- saad ni Ice kay Joana.
Nanlalaki ang mga mata naman itong nagsalita dahil sa kanyang narinig.
"W- what? H- uow??"- gulat nitong saad.
Nilapitan ko naman yung babaeng nasa gilid ng pinto at pagkatapos ay in-off ko yung buton para mamatay na ang pagkakakonekta ng mga speakers dito sa music room.
"Nandito ka sa harap ng buton so it means ikaw ang dahilan kung bakit narinig ng lahat si Joana na kumakanta, sa reaksyon niya halatang hindi ka niya inutusan kaya naman bakit mo pinakelaman 'tong buton?"- tanong ko rito sa babae.
Agad naman itong humingi ng tawad.
"P- pasensya na po! Nabasa ko po kasi 'to sa libro mo, na-curious lang po ako kaya pinindot ko, sorry po!"- paghingi ng tawad nitong babae.
Bumuntonghininga naman ako at pagkatapos ay tinignan ko si Ice na nakatingin dito sa babae.
"Bukod diyan may isa pa kong gustong malaman, pero hindi mula sayo. Kundi sayo Joana.."- saad ni Ice sabay tingin niya kay Joana.
"Yung kinanta mo, sabihin mo sakin ang dahilan kung bakit yun ang kinanta mo."- saad ni Ice kay Joana.
Nataranta naman ito at agad na sumagot.
"N- nabasa ko po kasi sa libro ni Ms.Ylana na kinanta mo po yun at yung kantang yun din ang naging theme song niyo sa isa't-isa ni Sir.Devin. Idol na idol ko po kayo kaya po inaral ko yung kanta at naging paborito ko rin."- sagot ni Joana.
"Ganun ba...."- saad ni Ice sabay tingin nito samin nila Alex at Devin.
"Bumalik na kayo sa mga klase niyo, at ayoko nang maulit 'to, naiintindihan niyo?"- saad ni Ice sabay tingin niya kay Joana at sa kaibigan nito.
Agad namang lumapit si Joana sa kanyang kaibigan at sabay silang nagbigay samin ng galang.
"Opo, masusunod po. Pasensya na po talaga, aalis na po kami. Tara na Jena."- saad ni Joana.
Wala namang nagsalita ni isa samin nila Ice kaya't nagmadaling umalis si Joana kasama ang kanyang kaibigan na Jena ang pangalan ayon sa sinabi ni Joana.
"Kung ganun mukhang mali ako sa hinala ko, coincidence lang yata ang nangyayari."- saad ni Ice nang maiwan na lamang kaming apat dito.
Tinignan naman siya ni Devin.
"Yung tungkol diyan, pwede bang sabihin mo na samin? Ano yung sinasabi mong hinala mo."- saad ni Devin kay Ice.
Bumuntonghininga naman si Ice at pagkatapos ay hinarap niya kami ng maayos.
"Hindi pa, hindi ko pa pwedeng sabihin. Pero sasabihin ko rin naman sa inyo 'to sa tamang panahon."- saad ni Ice sabay ngiti.
Hindi naman kami nagsalita at hinayaan na lamang siya dahil batid namin na kapag sinabi niya, gagawin niya. Isa pa, tila nangyari na rin ito dati samin, ayun yung mga panahong iniwan niya kami rito sa DIA nila Ashlie at Grey at inakala naming hindi na niya kami babalikan pero yun pala.. may kinumpirma lamang siya kaya siya umalis. Hindi siya samin nagsabi agad nun dahil ang gusto niya makumpirma niya muna iyon bago niya ito ipaalam samin. Tiwala ako sa kanya at ganun din ang iba kaya mananahimik na lang muna kami.
"Anyways..."- saad ni Ice sabay harap niya kay Devin at pameywang.
"Pumunta ako rito dahil akala ko konektado 'to sa hinala ko tungkol sa banta ng killer clown na yun. Ikaw, anong ipinunta mo rito? Hindi naman pwedeng magpaparusa ka dahil diba paborito mo na rin yung demons at wala naman sa rules ang nagbabawal na kumanta sa music room kahit pa rinig ng lahat dito sa DIA? Magpaliwanag ka!"- saad ni Ice kay Devin.
Bigla namang nagpoker face si Devin at pagkatapos ay inakbayan niya si Ice.
"Pinaghihinalaan mo ba kong may hindi magandang ginagawa? Pwes! tumigil ka na sa paghihinala. Pumunta ako rito hindi para magparusa, napadaan lang ako rito nang kumanta siya tapos napahinto ako kasi naalala ko yung dati. Yung ikaw, yung kinanta mo 'to tapos basta! Yun na yun! Wag na nating alalahanin naiinis ako. Umalis na lang tayo rito tapos uwi muna tayo sa bahay, napagod ako sa pagroronda."- saad ni Devin sabay hawak niya sa kamay ni Ice at hila rito paalis.
Bahagya naman akong napangiti dahil sa kanilang dalawa.
"H- hoy! Sandali lang! Ylana, Alex, kita na lang tayo mamaya!"- sigaw ni Ice.
Tumango naman kami ni Alex.
"Sige!"- sigaw din namin ni Alex.
Nang mawala yung dalawang mag-asawa, nagkatinginan na lamang kami ni Alex at sabay na napailing.
"Ang sweet nila 'no? Kung dati halos walang landian ngayon nag-uumapaw na. I wonder kung kailan ulit maglalandi sakin si Grey, bihira lang kasi eh. Ako yung madalas manglandi, may pagkamahiyain pa rin kasi yung loko."- saad ni Alex sabay cross arms at tingin sakin.
"Sa inyo ni Brent malamang siya yung palaging nanlalandi tapos ikaw hindi, at pusta ko tuwing nanlalandi siya di mo siya pinapansin at minsan sinisigawan at sinusungitan mo pa."- saad sakin ni Alex.
Sandali naman akong natahimik dahil sa sinabi niya pero agad din naman akong nagsalita.
"T-- tama ka, kaya naman aalis na ko!"- saad ko sabay lakad ko paalis ng music room.
"Oh, saan ka pupunta?"- tanong sakin ni Alex.
Tinignan ko naman siya.
"Aayusin ko yung problema namin ni Brent."- sagot ko kay Alex sabay ngiti ko ng bahagya.
Ngumiti naman si Alex sabay umayos ng tayo.
"Okay, do your best."- saad niya.
Tumango naman ako at pagkatapos ay umalis na at naglakad pabalik sa bahay.
Mali ako, masyado akong ma-pride at sarili ko lang ang iniisip ko kaya palagi kong nakakawawa si Brent. Kailangan kong maayos ang problema, susubukan ko na ngayong maging mabait na fiance sa kanya. Mali, hindi ko susubukan... Gagawin ko.
Pagbalik ko sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto namin at hinanap siya.
"Brent?"- tawag ko sa kanya sabay tingin ko sa paligid ng kwarto namin pero wala siya.
Nasaan siya?
"Brent!?"- tawag ko ulit sa kanya.
Nakarinig naman ako ng kalabog mula sa ilalim ng malaki naming higaan. Pagtingin ko dun, nakita ko siyang lumabas mula roon. Agad ko naman siyang nilapitan.
"Anong ginagawa mo sa ilalim? Sinaniban ka na naman ba ng masamang ispirito? Tignan mo nga yung damit mo ang dumi na! Puti pa naman!"- saad ko sa kanya.
Hindi naman siya nagsalita, nakatitig lang siya sakin.
"Oh? Bakit nakatitig ka diyan?"- pagtataray ko.
Bigla naman siyang ngumiwi.
"Nagulat lang ako, mukhang ikaw kasi yung sinaniban ng ispirito sating dalawa. Kung makapag-react ka tungkol sa damit ko akala mo naman ikaw yung naglalaba, ako kaya yung naglalaba! At isa pa, kailan ka pa naging concern sa mga pinaggagagawa ko? dati nga nung sumayaw ako sa Mall di mo ko pinansin. Iniwan mo pa ko."- saad niya.
Nagpoker face naman ako.
"Kasi mukha kang tanga nun, pinagtitinginan ka ng mga tao tapos may naririnig pa kong gwapong timang na trying hard sumayaw ka raw. Nagpanggap lang akong hindi kita kilala para di ako madamay sa kahihiyan na ginagawa mo, pero kung alam mo lang inabangan ko yung mga taong pinagtawanan ka. Lalo na yung mga babae, nakatanggap sila ng isang matinding reward mula sakin."- saad ko.
Di naman siya nagpatalo.
"Eh yung dati! Yung nalasing ako ng sobra nung nagpa-inom si Ice! Iniwan mo ko nun sa sahig sa ibaba ng bahay nila. Di mo man lang ako inihiga kahit sa sofa tsaka kinumutan!"- saad niya.
"Sa sofa kita inihiga nun, sadyang nahulog ka lang dahil sa sobrang kalasingan mo."- sagot ko.
"Eh paano naman yung nandun tayo sa bahay? Nagpa-pool party satin nun si Mama, after nung party na yun nagkasakit ako kinabukasan. Di mo man lang ako inalagaan, ni hindi ka nga nagpakita sakin nung mga araw na may sakit ako eh!"- saad niya.
"Pumupunta ako sa bahay niyo, palagi pa nga kong may dalang pagkain ang kaso tuwing pupunta na ko sa kwarto mo hinaharangan ako ng Mama mo at kinukuha sakin yung dala ko. Siya na lang daw ang mag-aasikaso sayo kasi baka kapag ako raw baka mahawaan mo lang daw ako ng sakit mo. Ayaw raw niyang mangyari yun kasi gusto raw niyang lagi akong healthy."- saad ko.
Magsasalita pa sana siya ulit nang takpan ko na yung bibig niya.
"Wag ka nang magsalita pa ng tungkol diyan sa sinasabi mong wala akong concern sayo kasi Meron! Meron akong concern sayo okay? Ngayon sabihin mo sakin kung anong ginagawa mo sa ilalim ng higaan."- saad ko.
Tinanggal naman niya yung pagkakatakip ko sa bibig niya sabay sinagot ang tanong ko.
"Naalala ko kasi na ipinatong mo nung nakaraang gabi yung notebook mo na hinahanap mo rito sa mini drawer sa tabi ng higaan natin. Naisip ko baka nalaglag yun at napunta sa ilalim ng higaan kaya tinignan ko at heto nakita ko, nasa ilalim lang yan ng higaan, mata kasi ang ipinanghahanap hindi bibig."- saad niya sabay abot sakin ng notebook habang hindi siya sakin nakatingin.
Tinignan ko naman yung notebook ko at pagkatapos ay ibinalik ko ulit ang mga tingin ko sa kanya.
"So kailangan talaga may pangaral pa? Para kang si Daddy eh."- saad ko sabay kuha ko sa notebook ko at lagay nun sa loob ng drawer ko.
"Pasaway ka kasi, para kang bata."- saad niya sabay hubad niya sa t-shirt niya.
Ngumiwi naman ako.
"Whatever."- saad ko sabay bagsak ko ng katawan ko sa higaan namin.
"Oh? 'Bat ka nakahiga diyan? Wala ka nang gagawin? Diba araw-araw busy ka?"- sarkastiko niyang sabi.
Napapoker face naman akong muli.
Hayop 'to! So ganito pala siya, mukhang mas matindi pa sakin.
Umupo naman ako at pagkatapos ay hinila ko siya pahiga.
"Uy! Anong ginagawa mo!"- saad niya.
Niyakap ko naman siya at pagkatapos ay nagsimula na kong humingi ng tawad.
"Sorry."- saad ko habang nakatingin sa kanya ng diretso sa mga mata.
Nagulat naman siya.
"A- anong sabi mo?"- saad niya.
"Sorry kasi palagi akong busy sa iba tapos wala akong oras para sayo. Sorry kasi parang hindi tayo engaged. Sorry kung hindi ako sweet na tao. Sorry kung ma-pride ako. Sorry din kasi madalas kitang tinatarayan at sinusungitan. Sorry kung parang ina-under kita. Sorry kung nakakababa sa pagkalalake mo yung ugali ko at yung ginagawa ko sayo. Sorry sa lahat, di na mauulit yun. Di ko na yun gagawin. Na-realize ko na maling-mali talaga ako at tsaka natakot ako na baka hindi mo na ko kayanin at maghanap ka na ng iba like Damn! Makakapatay ulit ako after two years! Sorry, sorry kung gago 'tong fiance mo."- saad ko sabay subsob ko ng mukha ko sa dibdib niya.
"Susubukan kong magbago, hindi..... hindi ko susubukan.."- saad ko sabay tingin ko ulit sa kanya ng diretso sa mata.
"Gagawin ko."- saad ko.
Hindi naman siya nagsalita, sa halip... isang malalim at matagal na halik ang ibinigay niya sakin. Hindi naman ako pumalag at tinugunan na lamang siya.
"Damn! Akala ko hanggang ikasal tayo ganun pa rin ang mangyayari. Salamat at mukhang nauntog ka, I love you Ylana ko."- saad niya sabay halik na naman sakin sa labi.
Napangiti naman ako pagkatapos.
"Si Alex at Ice ang dahilan kaya magpasalamat ka sa kanila, isama mo na rin pala si Ashlie. Naalala ko rin kasi yung sinabi niya sakin dati kaya naman nakapagdesisyon akong magbago para sating dalawa."- saad ko.
Kumunot naman ang noo niya.
"Ano?"- tanong niya.
"Ang pride, parang panty lang yan. Walang mangyayari satin kung hindi ko ibababa."- sagot ko sabay tawa ko ng bahagya.
"Natakot ako na baka di mag-work out ang relasyon natin dahil sakin at sa napakataas kong pride. Natakot akong baka di matuloy ang kasal natin kaya ito, magbabago na ko. Ibababa ko na yung pride ko, di ko na iisipin yung cool image ko when it comes to you. Kaya naman itaas mo na yung bandera mo, sumusuko na ko."- saad ko.
Halata naman ang kasiyahan sa mukha niya.
"Damn! Mukhang sasambahin ko nito sila Alex, Ashlie at Ice dahil sa naitulong nila."- saad ni Brent sabay tawa rin niya ng bahagya.
"Pero Ylana, gusto ko na malaman mo na hindi mauuwi sa hiwalayan yung problema natin. Oo at sobrang tampong-tampo ako sayo dahil sa ginagawa mo sakin, minsan gusto kitang lamunin bilang parusa ko sayo! Wag mo kong tawanan seryoso ako dun. Minsan naiisip ko yun pero di ko yun ginagawa, kasi may tiwala ako sayo. Alam kong hindi mo gustong maghiwalay tayo, alam kong mangyayari yung ganito kaya lang di ko inexpect na ganito katindi yung gagawin mo, sobrang saya ko!"- tuwang-tuwa niyang sabi sabay yakap sakin ng mahigpit.
Hinampas ko naman siya ng mahina sa beywang.
"Di ako makahinga!"- reklamo ko.
Natawa naman siya at agad niyang niluwagan ang pagkakayakap sakin.
"Basta Ylana ko, hindi tayo maghihiwalay. Ina-under mo man ako, iibabaw at ibabaw pa rin ako sayo."- saad niya sabay ngisi.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.
Gago 'to ah!
"Tarantado!"- saad ko.
Hinalikan naman niya ko sa noo.
"I love you."- saad niya.
Ngumiti naman ako ulit.
"I love you more."- saad ko sabay higpit ko sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Mamaya ko na gagawin yung tungkulin ko rito sa DIA, sayo muna ngayon yung oras ko."- saad ko sabay subsob ko ulit ng mukha ko sa dibdib niya at pasimpleng patong ko ng mga kamay ko sa anim niyang pandesal.
Mainggit kayo please!
Hinalikan naman niya ko sa ulo ko.
"Okay, i'll cherish it since this is the first time you gave me some of your time since we got engaged."- saad niya.
Hindi naman ako nagsalita at napangiti na lang.
Hindi ko alam kung bakit at kung paano kami nahulog sa isa't-isa pero ang mahalaga mahal na mahal namin ang isa't-isa at di namin kayang mawalay sa isa't-isa.
Pero wala pa rin talagang forever... char!