DIA2: Chapter 7

1098 Words
Devin's POV "Nakita niyo si Ice?"- tanong ko kila Ashlie pagkababa ko mula sa kwarto namin ni Ice. Nagkatinginan naman sila. "Hindi."- sagot nila. Napakunot naman ako ng noo ko. "Wala siya sa kwarto namin paggising ko, hindi niyo siya nakitang umalis?"- tanong ko. Sabay-sabay naman silang umiling. "Hindi, kanina pa kaming alas kwatro dito pero di namin siya nakita."- sagot ni Ashlie. Hindi naman ako nagsalita at nagmadali akong bumalik sa kwarto namin ni Ice at kumuha dun ng jacket. Pagkatapos, agad akong tumakbo palabas ng bahay. "King, saan ka pupunta!?"- rinig kong sigaw ni Brent. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo patungo sa opisina naming DCR sa loob ng building ng School. It's just 5am! Saan siya nagpunta? Sana nasa opisina namin siya. Pagdating ko sa tapat ng opisina naming DCR, agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob, agad ko siyang nakita na nakaupo sa upuan niya. Napabuntonghininga naman ako at agad siyang nilapitan. "Anong ginagawa mo rito? Alam mo bang tinakot mo ko? Ala singko pa lang ng madaling araw bakit ka nandito?"- kunot noo kong sabi pagkalapit ko sa kanya. Walang emosyon naman niya kong tinignan at pagkatapos ay may iniabot siya saking isang sulat. "How funny, parang ang nangyayari ngayon is tayo si Tito June tapos yang killer clown na yan ay sila Mommy't Daddy na nais mabawi ang DIA. Ang pagkakaiba lang, siya hindi pagbawi sa DIA ang sinasabi niya kundi ang pagbabalik sa DIA sa dati. Pero parang binabawi na rin niya ang DIA kasi diba, hindi naman talaga ito ang DIA. Ang tunay na DIA ay isang paaralan na kung saan naglalaro ang mga estudyante nang p*****n para sa mga buhay nila. Hindi tulad ngayon na isang normal na paaralan na lamang ang DIA."- natatawa niyang sabi. Napakunot naman ako lalo ng noo. "What are you saying?"- saad ko sabay kuha ko sa sulat at basa ng naroon. 'Nabalitaan kong nagmeeting kayo kahapon na DCR kasama ang iba pang mga katuwang mo sa pagpapatakbo nitong DIA. Nakakatawa kayo, halatang masyado kayong natatakot sa nangyayari. Alam mo Ms.Ice Rogiano o Mrs.Darkiela Alyson Roque Killiano El Greco, kahit anong gawin niyo, kahit mahanap o mahuli niyo ko, magbabalik ang DIA sa dati, At sinisiguro ko yun. Magtatagumpay ako kaya naman pag-igihan niyo pa ang pagbabantay sa buong DIA. Isa itong babala para sa inyo Ms.Ice, hulihin niyo ko kung kaya niyo.- Truly yours, the one you all are calling Killer Clown.' Pagkatapos kong basahin ang sulat, agad muli akong napatingin kay Ice na nakangisi. Yung sulat ng Killer Clown na 'to. Tama si Ice, parang ito sila Red at Black Mask dati tapos kami.. kami naman si Headmaster June. Natatandaan ko ang babala dati ng mga magulang ni Ice kay Headmaster June, may pagkakapareho yun sa sulat na 'to. "I think alam ko na kung anong ibig niyang sabihin sa pagbabalik sa DIA sa dati, pero hindi pa ko dun sigurado. May hihintayin pa muna akong pangyayari na makakapagpatunay sa hinuha ko."- saad ni Ice sabay tawa niya ng bahagya. "Binabaliw ako ng killer clown na yan, pagbibigyan ko siya sa gusto niya. Makikipaglaro ako sa kanya pero wag siyang magkakamaling magpahuli sakin dahil sinasabi ko, papatayin ko siya ng paulit-ulit tulad ng sinabi mo sakin."- saad ni Ice sabay kuyom niya sa mga kamao niya. Nilukot ko naman yung sulat at pagkatapos ay hinila ko yung upuan ko at yun ay itinabi sa kanya. "Ice."- saad ko sabay upo ko sa upuan ko at harap ko sa kanya sa akin. "Alam kong naiinis ka sa killer clown na yan, pero sana wag kang magpadalos-dalos. Ayokong may mangyari sayong masama. Baka kapag nagpadalos-dalos ka at nagpadala ka diyan sa inis mo... baka may hindi magandang mangyari sayo. Isantabi mo yang nararamdaman mong galit, pagtulungan natin 'tong problema okay?"- saad ko sa kanya sabay buntonghininga ko. "Kapag nagpadala ka sa kanya, ibig sabihin nun talo ka niya. Ipakita mo na wala lang sayo yang pananakot niya tutal handa ka namang tanggapin yang hamon niya edi go! Makipaglaro tayo sa kanya ng sama-sama. Tandaan mong may mga kasama ka at di ka nag-iisa, wag kang kumilos, magdesisyon o kung ano pa ng mag-isa ka lang. Ayokong mapahamak ka."- saad ko. Sandali naman siyang nanahimik at pagkatapos ay bumuntonghininga siya at tumango. "Oo, naiintindihan ko. Tatandaan ko yan."- saad niya. "Hindi ko lang kasi mapigilan na hindi sarilinin 'tong problema, ako ang may-ari ng DIA kaya naman kung ano mang problema nito... dapat ako ang nag-aasikaso. Nakalimutan ko na, Oo at ako nga ang may-ari pero may mga kasama ako sa pagpapatakbo nito. At kayo yun kaya pasensya na. Wag kang mag-alala, sa susunod na may ganito ulit na mangyari sasabihin ko yun sa inyo at pagkatapos sama-sama tayong magdesisyon ukol doon. Hindi ko na yun sasarilinin."- saad pa ni Ice sabay ngiti. Ngumiti naman ako at pagkatapos ay ginulo ko ng bahagya ang buhok niya. "That's my wife."- saad ko sabay halik ko sa kanya sa noo. "Halika na, bumalik na tayo dun sa bahay. At kung maaari matulog ka ulit pagbalik natin dun, pagpahingahin mo ang sarili mo, kami nang bahala rito sa DIA."- saad ko. Kumunot naman ang noo niya at pagkatapos ay umiling-iling siya. "Ayoko, unfair kung ako lang ang magpapahinga. What if ganito na lang, diba sabi mo wag akong magpapadala dun sa killer clown? At sabi mo rin hindi ako nag-iisa. So dapat hindi lang ako ang magpadala sa kanila, maging kayo rin dapat. Magpahinga tayong lahat ngayong araw, walang maglilibot sa buong DIA, walang manghuhuli, walang magtatrabaho. Sinuspinde ko ang pasok ng mga estudyante kahapon at pinagbawalan ko silang lumabas sa kani-kanilang mga Dorm, tila ikinulong ko silang lahat kahapon kaya naman bumawi tayo ngayon. Palayain natin silang lahat ngayon, hayaan natin silang magpagala-gala ngayon sa DIA pero ang mga CCTV wag papatayin. Kailangan pa ring may nakamonitor sa kanilang lahat at oras na may hindi magandang mangyari, kailangang rumisponde tayo agad kahit tila day off natin."- saad niya. Napangiti naman ako lalo dahil sa naisip niya. "Pwede! Pwede yang naisip mo. Sabihin natin sa iba, pero... ano namang gagawin nating dalawa buong maghapon?"- mapagbiro kong sabi. Hinawakan naman niya ko sa magkabila kong pisngi. "Matutulog tayo buong maghapon."- sagot niya sabay tayo at lakad paalis. Ngumuso naman ako. "Matutulog lang? Ayoko nun!"- reklamo ko sabay tayo rin at sunod sa kanya. Natawa naman siya. "Edi pagplanuhan natin, bumalik na muna tayo sa bahay."- saad niya sabay bukas niya sa pinto. Tumango-tango naman ako. "Okay!"- saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD