DIA2: Chapter 6

1796 Words
Ice POV "Darkielaaaaaa!"- sigaw ni Tala pagkakita niya sakin. Nakangiti ko naman siyang sinalubong dito sa gate ng DIA. "Grabe! Namiss kita!"- saad ni Tala sabay yakap sakin. Natawa naman ako. "Ikaw talaga, ilang araw lang tayong hindi nagkita!."- tumatawa kong sabi. Umayos naman siya ng tayo sabay ngumuso. "Siyempre naman! ganun talaga."- saad niya sabay cross arms. Bigla namang dumating ang hinihingal na si Vince at diretsong lumapit kay Tala. "P- pasensya na! di kita nasalubong..."- hinihingal nitong sabi. Ngumiwi naman si Tala. "Anong ginawa mo?"- walang emosyong saad ni Tala kay Vince. Napakamot naman sa ulo nya si Vince. "Naglibot ako sa buong DIA."- sagot ni Vince. Bigla namang ngumiti si Tala at inakbayan si Vince. "Yun naman pala! akala ko may ginagawa kang katarantaduhan nako lang!"- saad ni Tala kay Vince sabay bigay dito ng mga bag niya. "Ikaw na magdala, ang bigat eh! Nang magkasilbi naman yang mga muscles mo."- saad ni Tala sabay lapit sakin. "Tara Kiela, sa cafeteria tayo, nagugutom ako eh! Kain tayo."- saad sakin ni Tala sabay kapit sakin sa braso. Tumango naman ako. "Okay."- sagot ko. "Teka! Iiwan niyo ko? Sama ako!"- saad ni Vince. Tinignan naman siya ni Tala. "Dalhin mo muna yan sa kwarto ko rito then sumunod ka samin sa cafeteria, ready mo wallet mo kasi ikaw yung magbabayad."- nakangiting sabi ni Tala kay Vince. Tila nasamid naman si Vince. "Ano? Ako magbabayad? Ang Ginto kaya ng halaga ng mga pagkain dito!"- reklamo ni Vince. Tinignan naman siya ng masama ni Tala. "Nagrereklamo ka?"- saad ni Tala kay Vince habang nakatingin dito ng masama. Hindi naman nakapalag si Vince. "Sabi ko nga ikaw masusunod eh..."- saad ni Vince. Natawa naman ako. "Friendship goals na ba tayo? Medyo under natin mga Asawa't boyfriend natin?"- natatawa kong sabi. Kumontra naman si Vince. "Anong medyo? Under niyo talaga kami!"- saad ni Vince sabay buhat niya sa mga bag ni Tala. "Dadalhin ko na 'to dun, hintayin niyo ko sa cafeteria."- saad ni Vince. Natatawa naman kaming tumango ni Tala. "Okay."- sagot naming dalawa ni Tala. Pagkaalis ni Vince, agad kaming tumungo ni Tala sa Cafeteria upang kumain. Wala pang mga estudyante sapagkat masyado pang maaga at hindi pa simula ang klase. "Sabi sakin ni Vince binansagan niyo raw na killer clown yung kalaban niyo ngayon, sa tingin mo Kiela.... may kasamahan kaya siya o siya lang mag-isa?"- saad sakin ni Tala sabay inom niya ng kape. Nagkibitbalikat naman ako. "Hindi ako sigurado, isang beses pa lamang naman kasi siyang nagpapakita. Sa ngayon, masasabi kong siguro mag-isa lang siya pero wag tayong pakasisiguro, hindi siya maglalakas ng loob na gumawa ng kilos dito sa DIA ng siya lang mag-isa lalo pa at nandito tayong mga nagbabantay rito."- sagot ko. Tumango-tango naman si Tala. "Tama ka, pero mag-isa man o may kasama man yang killer clown na yan, mahuhuli at malalagot siya satin. Hindi siya makakatakas."- saad ni Tala. Bahagya naman akong ngumiti. "Hindi ako papayag na bumalik sa dati ang DIA, hinding-hindi."- saad ko. Pagkasabi ko nun, saktong dumating si Vince. "Ice, hinahanap ka ni Devin. Sinabi kong nandito ka kasama si Tala, sabi niya may gagawin lang daw siya tapos pupunta rin siya rito."- sabi sakin ni Vince sabay upo niya sa tabi ni Tala na kumakain ng Spaghetti. Nagkibitbalikat naman ako. "Okay."- sagot ko. Tinignan naman ni Vince si Tala na ang baboy kumain ng spaghetti. "Haayy! Ayusin mo nga pagkain mo diyan! Ang baboy mo."- saway ni Vince kay Tala sabay kuha nito ng tissue at punas sa gilid ng labi ni Tala na puro sauce ng spaghetti. Sumama naman ang mukha ni Tala. "Bakit mo pinunasan! Didilaan ko yun eh!"- pagtataas ng boses ni Tala kay Vince. "Yak! Kadiri ka, buti nga pinunasan ko eh! Hindi ko ginaya si Devin nung kasal nila ni Ice na hinalikan si Ice para tanggalin yung icing ng cake sa labi ni Ice."- saad ni Vince na tila humina pa ang boses sa huli. Hinampas naman siya ni Tala. "Taenang 'to! Sinong mas baboy satin diyan? Iniisip mo eh 'no."- saad ni Tala kay Vince sabay kain niya ulit ng spaghetti. "Oh, yan na naman. May sauce ka na naman sa gilid ng labi mo. Halika nga, tanggalin natin yan."- saad ni Vince sabay halik sana kay Tala ng salpakan siya ng tinapay ni Tala sa bibig. "Shut up!"- saad ni Tala. Natawa naman ako dahil sa kanilang dalawa. "Alam niyo, di ko inakalang magkakatuluyan kayong dalawa eh. Pinagtripan ko lang kayo nun dati nung inasar ko kayo sa isa't-isa, away kasi kayo nang away nakakarindi kayong dalawa. Di ko akalain na magkakatuluyan nga kayo at ngayon ayan, nakuha niyo pang maglandian sa harapan ko. Sungalngalin ko kayong parehas eh, nawawalan ako ng ganang kumain dahil sa inyo."- sarkastiko kong sabi sabay iling. Agad naman silang umayos. "Sorry na! 'Eto naman ang bitter! May asawa ka na diba? Mas malala pa nga ginagawa niyo ni Devin eh."- saad ni Tala sabay siko kay Vince. "Kaya nga."- pag-sang ayon ni Vince sa sinabi ni Tala. Napangiwi naman ako. "Atlis kami alam namin yung salitang 'Private' Hindi kami naglalandian sa harapan ng ibang tao, eh kayo? Excuse me naman sakin diba? Tsaka alam ko namang nagmamahalan kayo, wag niyo nang ipahalata. Natutulad kayo sa mga malalanding magjowa sa daan eh, masyadong PDA."- saad ko sabay irap ko sa kanila at cross arms. Tila nataranta naman sila at pinaypayan ako gamit ang tray na nasa gilid. "At 'eto na po mga kaibigan, napipikon na siya! Napakashort tempered talaga!"- saad ni Tala na tila ginaya pa ang boses ni Mike Enriquez. Bumuntonghininga naman ako at pagkatapos ay tumingin sa orasan. "Tapusin na natin ang pagkain, tapos ikaw Vince bayaran mo na 'to. 15 minutes na lang tutunog na ang bell at magsisipasukan na ang mga estudyante, kailangang makapaglibot tayo agad sa buong paaralan oras na magsimula na ang klase."- sabi ko sabay kuha ko sa tinidor. Tumango naman si Vince. "Masusunod!"- saad ni Vince sabay tayo at punta agad sa counter. Pagkaalis ni Vince, nagsalita si Tala. "Buti ka pa eh, mas sinusunod ka nung loko na yan. Ako minsan pahirapan!"- nakangiwing saad ni Tala sabay subo niya ng spaghetti. Bahagya naman akong napailing. "Nagseselos ka ba? maging mas nakakatakot ka lang tapos subukan mong maging pikunin hindi ka na mahihirapang pasunurin siya agad."- sabi ko sabay kain rin ng spaghetti. Umiling-iling naman siya. "Hindi ako nagseselos, pero.... susubukan ko yang sinabi mo."- saad ni Tala sabay ngiti. Ngumiti rin naman ako at pagkatapos ay hindi na ko nagsalita. Makalipas ang ilang minuto, tapos na kaming kumain kaya naman agad kaming tumayo at naghandang umalis ng Cafeteria. "2 minutes na lang, tara na. Simulan na nating maglibot sa DIA para matapos tayo agad, pasensya ka na Tala pero mamaya ka na lang magpahinga. Ayos lang naman sayo yun diba?"- saad ko kay Tala. Tumango naman siya. "Oo naman, no prob!"- sagot niya. Ngumiti naman ako. "Tara na."- haya ko sa kanila. Maglalakad na sana kami paalis ng cafeteria ng biglang dumating si Devin na hingal na hingal. "Ice!"- hinihingal nitong sabi pagkalapit sakin. Napakunot naman ako ng noo. "Bakit hingal na hingal ka? Anong nangyari may problema ba?"- kinakabahan kong tanong. Tumango naman siya. "Yung killer clown, nakuhanan siya ng CCTV kagabi rito sa loob ng paaralan. Hindi nakita sa CCTV kung saan siya nanggaling pero may ginawa siya rito sa loob."- sagot ni Devin. Nagkatinginan naman kami nila Tala. "A- ano? Anong ginawa niya?"- tanong ko sabay tingin ko ulit kay Devin. Bigla namang tumunog ang bell sa buong paaralan, ibig-sabihin pasukan na. "s**t!"- mura ni Devin. Mas lalo naman akong napakunot ng noo. "B- bakit? Ano ba? Anong nangyayari?"- tanong ko. Seryoso naman akong tinignan ni Devin. "Yung killer clown na yun, may inilagay siyang mga plastik ng dugo sa locker ng mga bagong estudyante. Nilagyan niya ang lahat ng locker ng mga bagong estudyante ng DIA."- sagot ni Devin. Ilang sandali lang pagkatapos niyang sabihin yun, nakarinig kami nang tilian ng mga estudyante mula sa hallway kung saan naroroon ang mga locker ng mga estudyante. Agad naman kaming napatakbo at tinignan kung anong nangyayari, pagtingin namin... "D*mmit!"- mura ni Devin. May dugong lumalabas mula sa mga locker ng mga bagong estudyante, at kumakalat yun ngayon sa Hallway. Nataranta naman ako. "Vince, tawagin sila Ate Rei, ang DCR at ang iba pa!"- utos ko kay Vince. Agad naman itong kumilos. "O- Oo!"- sagot nito sabay takbo paalis. "Tala, sabihin sa mga Janitor na linisin agad itong hallway at ang mga locker ng mga estudyante. Isususpende ko muna ang pasok ngayon."- saad ko. Agad namang kumilos si Tala. "Masusunod!"- saad nito sabay alis. Tinignan ko naman si Devin na papalapit sa isang locker. "Ice tignan mo 'to."- saad nya sabay pakita sakin ng likod ng pinto ng locker. Pagtingin ko, may nakasulat doon. Welcome Newbies, isang MADUGONG pagbati sa inyo. Napahawak naman ako sa sintido ko at pinakalma ang sarili ko. "Mag-usap tayo nila Ate Rei at ng iba pa."- saad ko kay Devin sabay lakad ko paalis. Nag-iinit ang ulo ko! "Ice."- rinig kong tawag sakin ni Devin. Huminto naman ako sa paglalakad at tinignan siya. "Chill, easy ka lang okay?"- saad sakin ni Devin sabay lapit at hawak niya sakin sa magkabila kong balikat. Bumuntonghininga naman ako. "Bakit kasi nangyayari 'to eh! Sino ba yung hinayupak na killer clown na yun? Bakit ba siya nanggugulo? Anong kailangan niya! Gusto ba niya ng laban? Harapin niya ko at pagbibigyan ko siya!"- banas kong sabi sabay tingin ko sa gilid. Hinawakan naman niya ko sa pisngi at iniharap muli sa kanya. "Kumalma ka muna, sinisiguro ko sayo na makakaharap natin siya at sa oras na yun... malalaman natin kung ano mang gusto niya. Pero sana puro ganyan lang ang gawin niya, wag sana siyang kukuha ng buhay ng mga estudyante rito dahil oras na gawin niya yun. Ilang beses natin siyang papatayin at pagbabayarin sa mga ginawa at gagawin pa lamang niya."- saad ni Devin sabay buntonghininga at ngiti ng bahagya. "Ang mabuti pa tayo na sa opisina, hintayin natin dun ang iba pa tapos pag-usapan natin 'tong nangyari ngayon at kung anong gagawin natin."- saad pa niya. Tumango naman ako at ngumiti rin ng bahagya. "Sige."- sagot ko. Hinawakan naman niya ko sa kamay ko. "Tara na."- saad niya sabay hila sakin paalis. Hindi naman na ko nagsalita pa at nagpahila na lang sa kanya. Sa ngayon susubukan ko munang kumalma, pero oras na lumala 'tong nangyayari ngayon dito sa DIA..... anong gagawin ko? Natatakot ako na baka maulit ang dati na hindi agad ako nakaisip ng paraan at kinailangan pang maghirap ni Devin. Kailangang maagapan namin 'tong nangyayari bago pa 'to lumala. Sa ngayon, yun ang dapat naming gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD