DIA2: Chapter 5

1407 Words
Ice POV "Let's bring back the past Dark Cards Reapers. Sa tingin niyo, paanong let's bring back the past?"- tanong ni Ashlie na kababalik lamang dito mula sa pagdadala niya sa anak niyang si Blake sa mga magulang ng kanyang mister na si Bryan. Sumandal naman ako sa upuan na inuupuan ko. "Ang naiisip ko, nais niyang ibalik ang DIA sa dati nitong anyo. Nais niyang bumalik sa dati ang DIA na kung saan nagpapatayan ang lahat dito."- saad ko. "At hindi pwede yun! kaya naman pigilan natin ang nais na yun nung taong nakamaskara na yun."- saad ko pa. Nagtanguan naman sila. "Ice, nandito na yung babaeng estudyante."- saad ni Vince pagkapasok niya rito sa loob ng opisina naming DCR (Dark Cards Reapers). Umayos naman ako ng upo ko. "Papasukin mo."- saad ko. Tumango naman si Vince at agad na pinapasok yung babaeng estudyante. "Teka.... Ikaw!"- saad ni Ashlie pagkakita niya kay Joana. "Ice, siya yung biktima nung killer clown eklabush na yun?"- gulat na saad sakin ni Ashlie. Tumango naman ako. "Dahil sa hindi niya pagiging magaling sa daan, nangyari sa kanya ang nangyari sa kanya kahapon."- saad ko sabay tingin ko kay Vince. "Nasan na si Kris?"- tanong ko kay Vince. Agad naman itong sumagot. "Parating na."- sagot ni Vince. Ilang sandali lang..... "I'm here, kailangan niyo ko?"- saad ni Kris. "Oo, kailangan kit--- este? Kailangan ka ni Ice."- saad ni Ashlie na siniko ni Bryan. Napailing naman ako. Palaging pinariringgan ang asawa niya ukol sa paglandi tapos siya naman 'tong naglalandi.. "Kris, gusto kong ituro mo kay Joana ang daan patungo sa mga classrooms niya nang sa ganun ay hindi na siya magkaligaw-ligaw sa susunod."- saad ko kay Kris. Napataas naman ito ng kilay. "Joana?"- taka nitong sabi. Itinuro ko naman sa kanya si Joana na biglang napayuko nang tinignan niya. "Ahhh! Yung kahapon, yung sinasabi niyong sinaktan nung tinatawag niyong killer clown."- saad ni Kris sabay lapit kay Joana. "Halika, ituturo ko sayo yung daan patungo sa mga classrooms mo. Tandaan mong mabuti huh? Para hindi ka na maligaw sa susunod."- saad ni Kris sabay ngiti niya kay Joana. Namula naman ito at lalong napayuko. "O- Opo.."- naiilang nitong sagot. "Hoy Kris! bata pa yan, walang ganyanan!"- saad ni Ashlie kay Kris. Tinignan naman siya ni Kris at pagkatapos ay ito'y natawa. "What? May masama ba kong ginagawa?"- natatawang saad ni Kris kay Ashlie. Nagsalita naman si Ylana. "Masyado kang nice, ma-fall sayo yan."- saad ni Ylana na pinaglalaruan ang buhok ni Brent. Tumango-tango naman si Ashlie. "True, tapos hindi naman niya sasaluhin."- saad ni Ashlie. Sumingit naman si Bryan. "Eh bakit ka nangengealam sa kanya?"- nakangusong saad ni Bryan kay Ashlie. Ngumiwi naman si Ashlie. "Binibigyang pakahulugan mo naman yun, walang ibang ibig-sabihin yun! Inaamin kong nagka-crush ako dati kay Kris pero wala na yun. Ikaw na nga asawa ko diba? Nawasak mo na nga ang Lireo dami mo pang dama diyan."- saad ni Ashlie. Tinakpan naman ni Kris ang tenga ni Joana at pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagsalita. "May bata!"- sabay-sabay naming sabi kay Ashlie. Napataas naman siya ng kilay. "What? Di naman niya yata gets yun."- saad ni Ashlie. Napailing naman ako. "Ang mabuti pa Kris dalhin mo na si Joana at ituro mo na sa kanya ang daan."- saad ko. Tumango naman si Kris. "Mabuti pa nga."- saad ni Kris. Pagkaalis ni Kris kasama si Joana, kaagad akong nagsalita ukol sa nangyari kahapon. "Tinignan namin ni Devin ang kuha ng CCTV kahapon, totoo ang sinasabi nung babaeng estudyante na yun. Totoong naliligaw siya at napadaan sa pinto patungo sa likod ng school, may nakita siya dun kaya pumunta siya dun. Halos kinse minuto ang dumaan bago siya nakabalik dito sa loob ng school at sa mga oras na yun, sugatan na siya. Hindi nakita sa CCTV ang nangyaring p*******t sa kanya at isa pa, hindi rin nakita ang suspek. Sira ang CCTV sa likod kaya naman wala itong silbi pero ipinapaayos ko na yun ngayon para sa oras na lumitaw ulit dun ang suspek, makita at madakip natin siya agad."- saad ko. Tumango naman sila. "Grey, lahat ng mga kuha ng CCTV i-record mo at gumawa ka ng dalawang kopya. Kung hindi naman, ang sikretong silid na noon ay pinagtataguan nila Mommy, nais kong gawin natin yung secret control room, maglagay tayo ng mga tagong CCTV sa buong school na hindi kita at doon natin ikonekta sa Secret Control Room nang sa ganun ay walang makatakas sa mga mata natin. Isa pa, nais ko ring magkaroon tayo ng daan mula sa bahay na tinutuluyan natin patungo sa sikretong silid. Mahihirapan na tayong dumaan sa sikretong pinto sa garden sapagkat masyado ng maraming estudyante ang naroroon kaya't hindi na natin ito magagamit kaya ang nais ko, gumawa na lamang tayo ng isa pang pinto patungo roon. Sa basement ng bahay natin, doon natin ilagay ang sikretong pinto patungo sa sikretong silid o sikretong daanan ng DIA. Mas maganda kung doon sapagkat wala namang ibang nakakapasok sa bahay bukod sa atin."- saad ko. Nagsalita naman si Devin. "Kahit kailan napakatalino at napakagaling mo talagang mag-isip, gusto ko pareho yung dalawa mong naisip. Gawin natin yun pareho. Kung ano man ang makukuhanan ng mga sikretong CCTV na nakakonekta sa secret control room, magandang gumawa pa rin tayo ng kopya nun incase na mawala o may magbura ng isa."- saad ni Devin na sinang-ayunan din ng iba. "Tama ang Hari, mabuti pa rin talagang maging sigurado tayo."- saad ni Brent. "Kailan natin sisimulan ang plano?"- tanong ni Vince. Bumuntonghininga naman ako. "Sabihin na muna natin kila Ate Rei at sa iba pang mga grupo ang plano, pagkatapos.... simulan natin agad ito sa lalong madaling panahon."- saad ko. Nagtanguan naman silang muli. "Masusunod."- saad nila. May naalala naman ako. "Siya nga pala, yung pinto ng sikretong daan sa garden. Nais kong ikandado niyo yun, yung susi sa pagbubukas nung pinto... i-shut down niyo para kahit mapindot yun ng kung sino ay hindi yun magbukas. Ayokong may makaalam o may makadiskubre kung nasaan ang sikretong daan, iyon ang pinakamalaking sikreto ng DIA sa ngayon at ayoko yung makalabas."- saad ko. Ngumiti naman sila. "Wag kang mag-alala, makakaasa ka samin."- saad ni Vince. "At ipinapangako namin sayo yan."- saad naman ni Ashlie. Ngumiti naman ako. "Alam ko, tiwala ako sa inyo."- saad ko. xxxxxxx Reign POV "Yan ang plano?"- saad ko kay Vince pagkatapos niyang sabihin samin ang napagplanuhan nila kanina ng DCR. Tumango naman siya. "Oo, at gusto ni Ice na simulan agad yun sa lalong madaling panahon."- saad ni Vince sabay buntonghininga. "Nais ibalik nung killer clown na yun sa dati ang DIA at sa tingin ko, mukhang hindi siya mahihirapan. Ang mga bagong estudyante ngayon ng DIA ay mga tagahanga ng kwento ng DIA noong ito ay eskwelahan pa para sa mga nais na maging assassin, oras na iparating nung killer clown na yun sa mga baguhang estudyante ang tunay niyang naisin ay hindi imposibleng kampihan siya ng mga baguhang estudyante. Oras na mangyari yun, wala na, sira na ang pangarap ni Ice. Isa pa, maaari rin tayong mamatay. Maaari tayong patayin ng mga estudyante oras na utusan sila nung killer clown na yun kaya naman kailangan nating mapigilan ang killer clown na yun sa balak niya. Hindi siya maaaring magtagumpay."- saad ni Vince. Nagsalita naman si Luis. "Tila binubuhay nung killer clown na yun ang Headmaster..."- saad ni Luis. Napakuyom naman ako ng kamao. "Tama si Vince, hindi maaaring magtagumpay ang killer clown na yun. Hindi pa natin alam kung mag-isa lang ba siya o mayroon siyang kasama ngunit may kasama man siya o wala, Mas malakas tayo. Mga may karanasan na tayo kaya wag tayong magpapatalo sa killer clown na yun, hulihin natin siya at parusahan."- saad ko. Nagtanguan naman sila. "Tama ka, hindi tayo pwedeng magpatalo sa bagong kalaban ng DIA."- saad ni Vince. Hindi ako papayag na masira ang pangarap ni Ice, kailangang manatiling normal na paaralan ang DIA. Hindi ito maaaring bumalik sa dati dahil kapag nangyari yun, lahat kami ay hindi malalagay sa tahimik. Hindi kami makakabuo ng pamilya nang payapa at walang iniisip na panganib kaya naman... hindi maaaring bumalik sa dati ang DIA! "Ang mabuti pa, puntahan na natin ang DCR para mapag-usapan na ang pagsisimula ng plano."- saad ko sabay tingin ko sa mga pinuno ng ibang mga grupo tulad ng Souls at Phantomrick. Agad naman itong mga nagsitayuan. "Tayo na."- saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD