Ice POV
"How's the school?"- tanong sakin ni Tito Daniel thru video call.
Ngumiti naman ako.
"So far..... it's fine."- saad ko.
Napakunot naman ito ng noo.
"You sounds like there's something bad is going to happen... what it is?"- tanong ni Tito.
Bumuntonghininga naman ako.
"I just felt that..... mauulit muli ang nakaraan Tito."- saad ko sabay ayos ko nang upo ko at ngiti kay Tito Daniel.
"But don't worry Tito, binabantayan na namin ng maigi ang DIA. And if anything becomes worst, I already know what to do."- saad ko.
Tumango-tango naman si Tito.
"Okay, we're just here and ready to help you like before."- saad ni Tito.
Ngumiti naman akong muli.
"Opo."- saad ko.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Devin.
"Si Dad ba yan?"- saad niya pagkakita niya sakin na may kausap sa laptop.
Tumango naman ako.
"Yup!"- sagot ko.
Agad naman siyang lumapit sakin at kinausap ang Daddy niya.
"Dad, kailan ka ba uuwi? Help us here."- saad ni Devin sa Daddy niya.
Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso.
"Dev, okay lang. Hayaan mo muna si Tito Daniel na magbakasyon sa ibang bansa! Wala pa namang nangyayari eh."- saad ko.
Tinignan naman ako ni Devin.
"So hihintayin pa nating may mangyari? Hindi dapat siya umalis para magbakasyon, hindi pwede yun dapat---"- saad ni Devin na hindi natuloy ang sasabihin ng sumimangot ako.
Bumuntonghininga naman siya.
"Okay fine."- saad niya sabay tingin niya sa Daddy niya sa laptop.
"Sige Dad, diyan ka muna. Tatawag na lang kami kapag kailangan ka na namin, pero umuwi ka kaagad oras na mangyari yun ah!"- saad ni Devin kay Tito Daniel.
Tumango naman ito.
"Oo naman, makakaasa kayo ni Ice."- saad ni Tito Daniel sabay ngiti.
"So paano? maliligo na ko sa beach kaya paalam na. Magpapakasaya na ko rito hangga't may oras pa."- saad ni Tito Daniel.
Natawa naman ako habang si Devin, nailing na lang.
"Sige po Tito, enjoy po."- saad ko.
"Sige."- sagot nito.
Pagkatapos nun, agad na naming tinapos ang video call at sinara ang laptop.
"Nakapag-ikot ka na sa buong school?"- tanong ko kay Devin sabay tayo ko mula sa pagkakaupo ko.
Tumango naman siya sabay umarte na tila pagod na pagod.
"Oo, sobrang napagod nga ko eh. Tapos sumakit pa yung paa ko, ang laki kaya sobra ng DIA! Grabe!"- daing niya sabay upo niya sa desk ko at hawak pa sa paa niya.
Ngumiti naman ako.
"Ganun ba? Kawawa naman pala yung mister ko. Sa pagkakaalam ko sanay ka na sa pag-iikot sa DIA kasi diba yun yung tungkulin mo dati simula ng maging Hari ka rito? Di ka pa rin pala sanay kaya sumakit ang paa mo ngayon."- may pagkasarkastiko kong sabi sabay hawak ko sa paa niya.
"Akong bahala, hihilutin ko 'tong paa mo nang mawala yung sakit."- saad ko sabay ngiti.
"Talaga? Ang bait naman talaga ng mis----- Aray! Aray ko!"- sigaw niya nang pilipitin ko yung paa niya.
"Alam mo ikaw umi-style ka na naman eh! Sabi sayo wag kang dumikitdikit kay Bryan at naiimpluwensyahan ka niya ng mga galawan na nauuwi sa paglalandian eh! Akala mo mabibiktima mo ko? Hoy! Nasabihan na ko ni Ashlie! Oh yan, sweet ko 'no? I love you Devin ko."- saad ko habang pinipilipit ko pa rin ang paa niya.
Sigaw naman siya nang sigaw.
"Aray ko! Tama na! Masakit! Sorry na! Di na ko ulit magtatangka! Araaay!"- sigaw niya.
Binitawan ko naman na yung paa niya at pagkatapos ay tumayo ako ng maayos. Siya naman, nagpatihulog sa sahig at nagpagulong-gulong doon habang hawak ang paa niya.
Napailing naman ako.
"Haist. Ayoko nang ginagaya mo yung mga galawan ni Bryan, masyadong corny! At isa pa, hindi ikaw si Bryan, ikaw si Devin! Gawin mo sarili mong style."- saad ko.
Bigla naman siyang tumayo at binuhat ako.
"O- Oy! Anong gagawin mo!"- saad ko nang buhatin niya ko ng buhat pangkargador.
Ngumisi naman siya.
"Third honeymoon."- saad niya sabay lakad patungo sa kwarto rito sa loob ng opisina ng school.
Nagpumiglas naman ako.
"Ayokoo! Devin! Tanghaling tapat ano ba! Isa pa yung injection ko wala nang talab yun! di pa ko nakakapagpa-inject ulit kaya bitawan mo ko! Nahahawa ka na talaga diyan kay Bryan! Devin!!"- sigaw ko.
Huminto naman siya sa paglalakad sabay nagsalita.
"Kiss ko na lang."- saad niya.
"Ibaba mo muna ko."- saad ko.
"Heh! Ayoko nga. Tapos ano? Pagbaba ko sayo uupakan mo ko ulit? Pasensya na mahal kong Misis pero alam ko na rin galawan mo.
Ginagaya mo si Ashlie diba? Hindi ka rin sakin uubra."- saad niya sabay patuloy nya sa paglalakad.
Pesteng yawa!! Lord ibalik niyo asawa ko sa dati! Alisin niyo sa kanya yung ispirito ni Bryan nang sa ganun ay alisin ko rin sa sarili ko ang isipirito ni Ashlie! Ibalik niyo yung dating Devin!!
Bigla namang bumukas ang pinto ng opisina bago tuluyang makapasok si Devin sa loob ng kwarto kaya naman huminto siya ulit sa paglalakad.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun.
Saviorrrr T^T
"Ahm, busy pala kayo, pero saka na yan! May estudyanteng sugatan dun sa may tapat ng dating darkness room at may nakasulat na mensahe sa likod ng uniform niya."- rinig kong saad ni Brent.
Ibinaba naman ako ni Devin mula sa pagkakabuhat niya sakin.
"Anong sabi mo? Anong mensahe?"- saad ko agad pagkababa sakin ni Devin.
"Ang mabuti pa, pumunta tayo dun at tignan natin."- saad ni Devin.
Tumango naman ako at muling bumuntonghininga.
"Mabuti pa nga."- saad ko.
Mukhang simula na..... sinasabi ko na nga ba! mukhang may hindi talaga magandang mangyayari.
~
"Tumabi kayo!"- sigaw ni Brent sa mga estudyanteng nakaharang.
Agad namang itong nagtabihan kaya't nakita ko ang sinasabi ni Brent na estudyanteng sugatan. Nakasalampak ito sa sahig at tila takot na takot.
Napakunot naman ang noo ko nang mamukhaan ko ito.
"Teka.... ikaw yung kahapon, yung babaeng pinalusot ni Ashlie."- saad ko.
Takot at umiiyak naman itong tumingin sakin.
Napakadami niyang galos sa mukha at sa braso. May dugo rin sa gilid ng labi niya. Sinong may gawa nito!!
"M- Ms. Ice..... n- natatakot po ako! Natatakot po ako!"- umiiyak nitong sabi.
Nilapitan ko naman ito at pagkatapos ay umupo ako upang malebelan siya.
"Sinong gumawa sayo nito?"- tanong ko.
Umiling-iling naman ito.
"N- nakamaskara po ito... h- hindi ko po alam kung sino yun! N- nakamaskara siya..."- umiiyak na sagot nitong babae.
Napakunot naman ako ng noo ko.
Maskara?
"Anong itsura ng maskara? Tsaka, alam mo ba kung babae o lalake ito? Nakita mo ba ang hubog ng katawan?"- saad ko.
Umiling-iling naman itong muli.
"H- hindi ko po alam kung anong kasarian niya, h- hindi ko po nakita ang hubog ng katawan niya p- pero nakita ko po yung maskara na suot niya. P- payaso... isang maskara na payaso!"- saad nitong babae.
Napakunot namang muli ako ng noo.
"Payaso?"- saad ko.
Tumango naman ako.
"Opo!"- sagot nito.
"Is that person trying to portray killer clown? Pero hindi eh, kasi hindi naman yata siya killer dahil hindi ka niya pinatay."- saad ni Brent.
"Tch. Hindi naman talaga killer ang mga killer clowns na trending this days, nananakot lang sila. Pranksters kung tawagin ng iba."- saad ni Devin sabay lakad niya patungo sa likuran nitong babae at basa sa nakasulat sa likod nito.
"Let's bring back the past Dark Cards Reapers..."- basa ni Devin sa nakasulat sa likod nitong babae.
Napakuyom naman ako ng mga kamao ko.
Sa mensaheng yang, mukhang mauulit nga muli ang nangyari dati.....
Tumayo naman ako at pagkatapos ay hinarap ko ang mga estudyante na nandirito.
"Magsibalik na kayo sa mga klase niyo, kami nang bahala rito!"- saad ko sa mga ito.
Agad naman akong sinunod ng mga ito kaya't tinignan ko si Brent.
"Buhatin mo yang babae, dalhin siya sa clinic upang magamot. May mga itatanong pa ko sa kanya pagdating dun."- saad ko.
Tumango naman si Brent at agad na sinunod ang sinabi ko.
"Ice."- tawag sakin ni Devin.
Tinignan ko naman siya.
"Simula na 'to kaya pagbutihin pa natin lalo ang pag-iingat at pagbabantay."- saad ko.
Tumango naman siya.
"Sige."- saad niya.
Bumuntonghininga naman ako.
"Tara na sa Clinic."- saad ko.
xxxxxxx
Devin POV
"Anong pangalan mo?"- tanong ni Ice sa babae.
Agad naman itong sumagot.
"J- Joana po...."- sagot nito.
"Joana, pwede mo bang sabihin samin kung paano ka sinaktan nung sinasabi mong nakamaskara ng payaso?"- saad ni Ice rito.
Tumango naman ito at pagkatapos ay ikinuwento niya kung paano siya sinaktan nung taong nakamaskara ng payaso.
Pagkatapos magkwento nitong babaeng nagngangalang Joana, agad na napatingin sakin si Ice.
"Mag-usap tayo."- saad sakin ni Ice sabay tingin niya dun sa Joana.
"Magpahinga ka na, bukas pumunta ka sa opisina namin. Bukas ko na sasabihin kung bakit."- saad ni Ice dun sa Joana sabay lapit niya sakin.
"Tara na."- saad sakin ni Ice sabay alis.
Agad naman akong sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami sa hallway, bigla syang nagsalita.
"Iniisip ko kung anong gustong mangyari nung taong nanakit na yun kay Joana, kung nais niyang ibalik sa dati ang DIA.... bakit at para saan? Pero saka ko na lang iisipin ang kasagutan diyan sa tanong na yan, sa ngayon puntahan muna natin si Grey. May gusto akong makita sa CCTV."- saad ni Ice.
Napabuntonghininga naman ako.
Tsss... bakit ba may ganitong istorbo na nangyayari? Gusto ko nang bumuo kami ng mga anak! Mahuli lang namin 'tong nanggugulo na 'to sa DIA malilintikan siya!
"Pinaghihinalaan mo ba yung babaeng estudyante na yun?"- saad ko.
Tinignan naman ako ni Ice.
"Hindi naman sa ganun, pero nais ko pa ring kumpirmahin ang mga sinabi niya."- sagot ni Ice.
"Ang sabi niya naliligaw na naman siya, katulad kahapon nang makita siya ni Ashlie na kasama si Blake. Patungo raw siya sa music room ngunit hindi niya alam ang daan patungo roon at pagkatapos ay hindi sinasadyang napadaan siya sa pinto patungo sa likod nitong school, pagdaan daw niya dun ay may nakita siyang isang tao kaya't nilapitan niya iyon upang doon ay magpatulong patungo sa music room ngunit pagharap sa kanya nung taong yun ay nakita niyang nakasuot ito ng maskara na payaso ang disensyo. Natakot siya at nang magtangka siyang umalis ay doon na siya nito sinaktan at pagkatapos ay sinulatan ang likod ng kanyang uniform, pagkatapos sa kanyang gawin iyon nung taong nakamaskara ay agad daw itong umalis at siya naman, naglakad siya patungo sana sa opisina natin upang humingi sana ng tulong ngunit inabutan siya ng bell at nakita siya ng mga estudyante sa tapat ng dating darkness room kung saan din natin siya nakita. Ang mga sinabi niyang yun ay nais kong kumpirmahin, nagpapakasigurado lang ako."- saad ni Ice sabay hinto niya sa paglalakad at harap sakin.
Huminto rin naman ako sa paglalakad.
"Gusto kong matapos agad 'tong nagsisimula nating problema na 'to, dahil tulad mo gusto ko na ring magkaanak at malagay sa tahimik. Kaya naman, kumilos na agad tayo at agapan na natin agad ang mga mangyayari."- saad niya.
Sandali naman akong natahimik at pagkatapos ay napangiti ako sabay hinawakan siya sa magkabilang balikat niya.
"Kung ganun naman pala, sige gawin natin ang gusto mo. Hulihin natin agad yung taong nakamaskara na yun at pigilan siyang gawin ang nais niya."- saad ko.
Ngumiti naman siya.
"Lagot sakin yung taong yun, dahil sa kanya bawal pa tayong bumuo! Babaliin ko ang mga buto niya."- saad ko.
Natawa naman siya at pagkatapos ay mahina niya kong sinampal.
"Sira ulo!"- saad niya sabay iling.
"Ang mabuti pa, tara na dun kay Grey. Nang sa ganun malaman na natin kung totoo yung sinasabi nung babae at kung totoo naman, titignan natin kung saan nagtungo yung taong nakamaskara para mabalian mo na ng buto."- saad ni Ice.
Ngumiti naman ako sabay binuhat siya ng buhat pangkasal.
"Oy! Ano na naman 'to! Ibaba mo ko!"- sigaw niya.
Ngumisi naman ako.
"Pupuntahan natin si Grey ng mabilis, kumapit ka!"- saad ko sabay takbo ko habang buhat siya.
Napatili naman siya dahil dito kaya't natawa ako.
Damn! i really love this girl. Isinusumpa kong matatapos agad 'tong problema namin nang sa ganun magkaroon na ko ng isang prinsipe o prinsesa na mula sa kanya.
I swear that.