Ashlie POV
"Anak, doon ka na muna kila Lola mo okay? It's so dangerous here kasi eh, let's talk na lang thru video call."- saad ko sa anak ko.
Ngumuso naman ito bago tumango.
"Okay...."- malungkot nitong sabi.
Bahagya naman akong ngumiti.
Mabuti na lamang matalino at masunuring bata itong anak ko kaya walang problema.
"Ash, sigurado kavba na ikaw lang ang magdadala kay Blake kila Mama?"- rinig kong tanong ni Bryan mula sa likod.
Agad ko naman siyang hinarap.
"Oo, maiwan ka rito at tulungan mo silang bantayan maigi ang DIA. Mabilis lang naman ang biyahe makakabalik din ako agad dito."- saad ko.
Bumuntonghininga naman siya at pagkatapos ay tinignan niya si Blake.
"Blake, come here buddy."- saad ni Bryan.
Agad namang lumapit sa kanya si Blake.
"Wag kang magpapasaway kila Lola ah? Tama na yung ako lang yung naging dahilan ng sakit ng ulo nila. Pakabait ka dun."- saad ni Bryan kay Blake.
Tumangotango naman ang anak namin.
"Yes! Daddy."- sagot nito.
Ngumiti naman si Bryan at pagkatapos ay tumingin siya ulit sakin.
"Ikaw naman pagdala mo kay Blake dun umalis ka na agad sa bahay, alam mo namang tuwing nakikita ka ni Mama halos ayaw ka na niyang paalisin at dinadaldalan ka niya ng sobra."- saad ni Bryan.
Natawa naman ako.
"Alam ko na gagawin ko, sisiguraduhin kong di niya ko makikita."- saad ko.
Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Bryan kaya't napakunot ako ng noo.
"Bakit?"- kunot noo kong sabi.
"Kung ano mang mangyari ngayong taon, siguraduhin nating makikita pa rin tayo ng anak natin na buhay pagkatapos. At isa pa...."- saad niya sabay higit niya sakin sa bewang.
"Susundan pa natin siya ngayong taon din mismo, kaya bawal mamatay. Dito tayo gagawa kasi diba? nandun siya kila Mama walang epal sa pagla-loving-loving natin."- saad niya sabay ngiti niya ng todo.
Napailing naman ako.
"Wag ka ngang ano diyan! Marinig ng anak mo yang sinasabi mo nako lang!"- saad ko.
Isinubsob naman niya ang mukha niya sa leeg ko.
"Eeeee... kasi naman eh! Laging epal si Blake! sa kwarto laging tumatabi satin sa pagtulog. Kung hindi siya sa kwarto eepal sa kahit saang lugar kasi bigla-bigla na lang siyang sumusulpot, ganyan ba talaga anak ng parehong professional sa pakikipaglaban at pakikipagpatayan? Ninja?"- saad niya sabay ayos niya ng tayo.
"Hindi na ko magugulat kung paglaki ni Blake mas magaling pa satin yan makipaglaban."- saad ni Bryan.
Natawa naman ako.
"How I wish na sana ganun nga nang sa ganun ay maprotektahan niya ng sigurado ang sarili niya at maging ang mga mahahalagang tao sa paligid niya."- saad ko sabay hawak ko sa magkabilang pisngi ni Bryan.
"Dadalhin ko na si Blake sa mga magulang mo nang sa ganun mawala muna yung epal sa pagla-loving-loving natin na sinasabi mo."- saad ko sabay halik ko sa kanya ng mabilisan sa labi.
"Blake anak, let's go na."- saad ko sabay tingin ko sa kinaroroonan ni Blake nang......
"Nasaan si Blake?"- saad ko sabay tingin ko sa paligid ngunit........ wala ang anak ko.
Napahiwalay naman sakin agad si Bryan.
"Nandito lang siya kanina!"- saad ni Bryan sabay tingin niya sa paligid.
Nang di niya rin makita si Blake, agad niyang kinuha ang cellphone niya at dial doon ng numero.
"Tsk! Nakapatay ang cellphone ni Grey."- saad ni Bryan sabay tingin sakin at hawak sakin sa magkabilang balikat.
"Pupuntahan ko si Grey, titignan namin ang mga CCTV. Subukan mong hanapin si Blake habang papunta ako kay Grey."- saad ni Bryan.
Kinakabahan naman akong tumango.
"S- sige."- saad ko.
Pagkaalis ni Bryan, agad akong napatakbo upang hanapin ang anak ko.
"Blake! Anak!"- sigaw ko habang tumitingin-tingin sa paligid.
Dammit! 'Eto na ba yung masamang kutob ni Ice? Nagsimula na agad? Diyos ko wag naman sana!
"Baby where are you!"- sigaw ko ulit.
"Nasaan ang anak ko? di pa dapat siya nakakalayo..."- kinakabahan kong sabi sabay liko ko sa corridor.
Pagliko ko, isang batang lalaki na nakatalikod ang nahagip ng mata ko. May kasama itong babae.
"Blake!"- sigaw ko sabay takbo ko palapit sa mga ito.
"Mommy!"- saad ni Blake pagkalapit ko sa kanila ng kasama niyang babae.
Agad ko naman siyang hinila palapit sakin at binuhat.
"Bakit ka umalis! Alam mo bang tinakot mo kami ng Daddy mo!?"- saad ko sa anak ko.
Ngumuso naman ito sabay yumuko.
"Sorry Mommy, I just want to wonder here alone."- saad nito sabay yakap sakin.
Napabuntonghininga naman ako at pagkatapos ay napatingin ako sa babaeng kasama ng anak ko.
Nakauniform ito ibig-sabihin, estudyante ito ng DIA.
"Bakit wala ka sa classroom mo? Oras ng klase ngayon. At bakit mo kasama ang anak ko?"- saad ko rito.
Tila nataranta naman ito.
"P- pasensya na po Ms.Ashlie! Naliligaw po kasi ako, di ko po alam kung nasaan ang room ko. Pasensya na po, wag niyo po akong parusahan please po! Kaya ko po kasama ang anak mo kasi po nakita ko po siyang naglalakad mag-isa, nag-alala lang po ako sa kanya sa pag-aakalang naliligaw rin po siya kaya po kinuha ko siya upang sana ay ibalik sa inyo pero 'eto na po...... nakita mo na po siya."- saad ng babae na todo ang pagyuko-yuko habang humihingi ng pasensya.
Napapoker face naman ako.
"Una, tumigil ka na sa pagyuko-yuko mo diyan. Korean kaba? Japanese o ano? Pangalawa, may mapa sa dingding ng mga corridors every floor. Bakit hindi ka tumingin doon? At pangatlo, kahit dalawang taon pa lamang ang anak ko kabisado na niya ang DIA kaya imposibleng maligaw siya rito."- saad ko.
Napatingin naman ito sakin at pagkatapos ay napakamot ito sa kanyang ulo.
"W- well, Half-Japanese po ako and tama po kayo, di po ako marunong tumingin sa mapa... at pasensya na po ulit, di ko naman po kasi alam na kabisado po pala ng anak mo po ang buong paaralan. Pasensya na po ulit!"- saad nito sabay yuko na naman.
Sinabi nang tumigil na sa pagyuko eh! oh well, hayaan ko na lang. Half-Japanese raw siya eh.
"What's your name."- walang gana kong sabi.
Nanlalaki ang mga mata naman itong tumingin sakin.
"Waahh! Paparusahan mo po ba ko? Wag po please po Ms.Ashlie! naliligaw po talaga ako kaya wala po ako sa klase ngayon."- pagmamakaawa nitong babae na lumuhod pa.
Napahawak naman ako sa ulo ko.
Seriously? Tinatanong ko lang yung pangalan niya! Aisshh!!
"Tinatanong ko lang yung pangalan mo, hindi kita parurusahan."- saad ko.
Nag-angat naman ito agad ng ulo at tinignan ako.
"T- talaga po?"- saad nito sabay tayo at ngiti.
"Kung ganun ako po si Joana Katsuki, nice to meet you po Ms.Ashlie! Number 1 fan po ako ng DIA at ng Dark Cards Reapers! Ang aastig niyo po!"- tila kinikilig na saad nitong babae na Joana nga raw ang pangalan.
Bahagya naman akong napangiwi.
Ewan ko kung bakit pero nawiweirduhan ako sa kanya, medyo creepy siya.
"Salamat."- saad ko sabay ayos ko ng tayo.
"Palalampasin kita ngayon dahil mukha namang nagsasabi ka ng totoo, ibigay mo sakin sched mo. Titignan ko kung anong room ka at sasamahan kita patungo roon."- saad ko.
Tila kuminang naman ang mga mata nito.
"Talaga po? Salamat po!"- saad nito sabay bigay niya sakin ng isang papel kung saan nakalagay ang schedule niya.
Pagkatingin ko, bahagya akong napangiti ng makita kong..... ang dati naming silid ang silid niya.
"Ang silid na 'to..."- saad ko sabay balik ko sa kanya ng schedule niya.
"Ang silid mo, yan ang dati naming silid ng Reapers at ni Bryan na mister ko. Sumunod ka sakin, dadalhin kita diyan at ako na rin ang bahalang kumausap sa teacher mo para di ka pagalitan."- saad ko.
Muli, tila kuminang muli ang mga mata niya.
"Waaahhh! Salamat po Ms.Ashlie! thank you po!"- tili nito.
Napailing naman ako.
"Wag kang maingay, makaistorbo ka sa mga nagkaklase sa palapag na 'to."- saad ko sabay lakad.
"Halika, sundan mo na ko."- saad ko.
Kaagad naman itong sumunod sakin. Nang madala ko na sa Classroom niya si Joana, kaagad akong nagtungo sa opisina naming Dark Cards Reapers buhat si Blake. Pagdating doon, naabutan ko silang lahat na nakatingin sa laptop ni Grey ngunit kaagad silang tumingin sakin pagkapasok ko.
"Blake anak!"- saad ni Bryan pagkakita niya kay Blake sabay lapit samin.
"Ikaw na bata ka! Bakit ka umalis!"- saad ni Bryan sabay kuha niya kay Blake mula sakin.
Agad namang nagsorry sa kanya ang anak namin.
"Sorry Daddy..."- saad ni Blake.
Bumuntonghininga naman si Bryan.
"Don't do it again next time okay?"- saad ni Bryan kay Blake.
Tumango naman si Blake.
"Yes Daddy."- sagot nito.
"Ash."- rinig kong tawag sakin ni Ice.
Agad ko naman siyang tinignan.
"Nakita namin ang nangyari, bakit mo pinalusot yung babae?"- saad sakin ni Ice.
Agad naman akong sumagot.
"Sabi niya naliligaw raw siya, hindi raw siya marunong tumingin ng mapa kaya di siya nag-abalang tignan ang mapa sa hallway. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya pinalampas ko isa pa, natuwa ako sa concern niya sa anak ko. Wag kang mag-alala, sa susunod di na ko magiging maluwag sa mga estudyante, una at huli na agad yung ngayon."- saad ko.
Bumuntonghininga naman siya.
"Sige, sinabi mo eh."- saad niya sabay upo niya sa sofa na nandito sa loob ng opisina.
"Ang mabuti pa umalis na kayo ni Blake, kapag nagtagal pa kayo rito baka maulit ulit yung kanina tapos di niyo na siya makita kaya sige na, dalhin mo na siya sa mga magulang nila Bryan at Brent."- saad ni Ice.
Tumango naman ako.
"Sige."- saad ko.
"Baby, let's go na."- saad ko.
Agad namang ibinaba ni Bryan si Blake na agad lumapit sakin.
"Babalik din ako agad."- saad ko habang nakatingin ako kay Ice.
Tumango naman siya.
"Mag-iingat kayo sa biyahe."- saad niya.
Ngumiti naman ako at pagkatapos ay umalis na ko kasama ang anak ko upang ibigay muna ito sa kanyang lolo at lola.
Isang taon lang tayong maghihiwalay Anak, pagkatapos nun magkakasama na ulit tayong tatlo ni Daddy mo. Sa ngayon, hayaan mo muna kaming tulungan ang Ninang Ice mo na protektahan ang DIA. Matatapos din agad ito....
"Mommy, I want to have a sister. A younger sister!"- saad ni Blake.
Natawa naman ako.
"You want a younger sister?"- saad ko.
Tumango naman ito.
"Yes!"- sagot nito.
Napangiti naman ako.
"Okay Baby, as you wish."- saad ko.