DIA2: Chapter 2

3967 Words
Devin POV "Grabe, napakarami ngang mga bagong estudyante ngayong taon."- saad ni Ashlie habang nakasilip siya sa bintana rito sa loob ng bahay na tinutuluyan naming lahat dito sa Isla. "Yung iba may hawak pa nung libro ni Ylana, galing talaga ng Fiance ko!"- tuwang-tuwang saad ni Brent. Napangiti naman ako at pagkatapos ay tinignan ko si Ice na nakaupo sa sofa at nakacross-arms. Tila wala siya sa sarili niya. "May problema ba? hindi ka ba masaya na dumami pa lalo ang mga estudyante ng DIA?"- saad ko kay Ice pagkalapit ko sa kanya. Tinignan naman niya ko at pagkatapos ay bumuntonghininga siya. "Masaya naman, sadyang hindi lang maganda ang kutob ko sa mga mangyayari ngayong taon."- saad niya. Tinabihan ko naman siya sa sofa. "M- may... hindi ka magandang nararamdaman?"- saad ko. Tumango naman siya. "Hindi ko alam kung anong mangyayari kaya naman tila di ako mapakali, pero alam ko naman na malalagpasan natin ang kung ano man yun. Yung laban natin kay Tito June, isa yung napakatinding laban. Para sakin wala ng mas titindi pa doon kaya naman kung ano man 'tong nararamdaman ko ngayon, sigurado akong malalagpasan natin yun."- saad niya. Ngumiti naman ako at hinawakan siya sa kamay. "Tama ka, mag-isip lang tayo ng positibo. Sinisiguro ko sayo na kung ano man yang masama mong nararamdaman, malalagpasan natin yan. Basta lang wag tayong maghihiwalay."- saad ko. Sandali naman niya kong tinitigan at ilang sandali lang ay ngumiti na siya. "Yeah, tama ka."- saad niya sabay tayo niya at unat niya. "Magsisimula na ang pagbubukas ng klase, mabuti pang lumabas na tayo."- saad niya. Agad naman akong tumayo at hinawakan siya sa kamay. "Sabay-sabay nating harapin ang mga bagong estudyante ng DIA."- saad ko sabay tingin ko sa mga kaibigan namin na nakatingin samin at mga nakangiti. "Halika na, magpakilala na tayo sa lahat."- saad ko. Sabay-sabay naman silang tumango. "Malamang mga kating-kati na yung mga Fans ng DIA na makita ang mga bida sa libro na inilabas ni Ylana, magugulat sila sa kagandahan at kagwapuhan natin."- saad ni Ashlie. Napailing naman kami. "Ewan ko sayo."- saad ni Ice kay Ashlie sabay tingin niya sakin. "Tara na?"- saad niya. Tumango naman ako. "Then, let's go guys."- saad ni Ice. Pagkatapos nun ay sabay-sabay kaming lumabas sa bahay na aming ipinatayo rito sa isla. Pagkalabas namin, sabay-sabay na napatingin samin ang mga bagong estudyante na nasa school grounds kung saan mismong nakatayo ang bahay na ipinagawa namin. Pagkakita ng mga ito samin, nagsimula na ang mga bulungan ng mga ito. "Gosh! Sila naba yung Dark Cards Reapers?" "Ang gagwapo ng mga boys!" "Puro mga chikababes yung mga babae pre!" "Idol ko na talaga sila!" "Sino kaya diyan si King Devin?" "At sino naman kaya diyan si Ms.Darkiela? Gosh I'm super excited!"- bulong ng mga estudyanteng nadaraanan namin habang patungo kami sa lobby ng school na siyang magiging entablado namin. Pagdating namin doon, kaagad na tumayo si Tito Rey na siyang magiging emcee sa pagbubukas ng klase ngayong taon. "Magandang araw sa inyong lahat mga bagong mag-aaral ng DIA! Ako si Mr.Rey Daves, ang magiging emcee niyo ngayong pagbubukas ng klase ngayong taon na ito."- saad ni Tito Rey. Nagbulungan namang muli ang mga estudyante. "Yung Daddy ni Ms.Reign Daves! Ang kumupkop kay Ms.Darkiela!"- saad ng mga estudyante. Natawa naman si Tito Rey dahil doon. "Tama kayo, ako nga ang Daddy ni Reign at ang kumupkop kay Darkiela. Mukhang ang lahat ng mga bagong estudyante ngayon ay mga tagahanga ng DIA dahil sa libro na inilabas ng isa sa Reapers, tama ba ko?"- saad ni Tito Rey. Naghiyawan naman ang mga bagong estudyante. "Kung ganun, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Ipapakilala ko na sa inyo ang mga bida sa libro at pati na rin ang mga taong batid kong nais niyo ring makita. "- saad ni Tito Rey na mas lalong ikinahiyaw ng mga bagong estudyante. Nagkatinginan naman kaming Dark Cards Reapers at pagkatapos ay natawa na lamang kami. "Una, ipapakilala ko sa inyo ang mga grupo na tumulong sa pagbawi ng DIA. Ang unang grupo, Wolves!"- saad ni Tito Rey. Agad naman kaming napatingin sa gilid ng building ng school kung saan lumabas si Vince kasama ang mga kasamahan niya sa Wolves. Nagsigawan naman ang mga estudyante pagkalabas ng mga ito hanggang sa makatuntong na ang mga ito rito sa Lobby. "Yo."- saad samin ni Vince sabay ngiti. Isang ngiti rin naman ang isinukli naming lahat sa kanya. "Masaya kong makita kayong muli."- saad ni Vince sabay harap niya sa mga bagong estudyante ng DIA at kuha niya sa mic na nasa gilid. "Magandang araw sa inyong lahat, ako si Vincent Crewford. Ako ang pinuno ng Wolves."- pakilala ni Vince at pagkatapos ay bahagya siyang natawa ng tila medyo nanahimik ang mga estudyante. "Nabasa ko rin ang libro na inilabas ni Ylana, alam kong iba sa inyo ay inis sakin dahil sa nabasa niyo roon ukol sakin pero gusto kong sabihin sa inyo na move on na sapagkat nakamove on na kaming lahat sa past namin na yun. At isa pa, I'm no longer in love with Ice or Darkiela because I am now in a relationship with Ms.Tala Fajardo. Kilala niyo siya hindi ba? nabanggit din siya sa libro. Siya ang dahilan kung bakit buhay pa ko at lalong-lalo na ang Hari ng DIA na si Devin. So guys, bati na tayo at move on na! At isa pa, nanalo na si Devin eh, asawa na nga niya si Darkiela so bati-bati na tayo."- saad ni Vince. Natawa naman kaming Dark Cards Reapers dahil sa sinabi ni Vince. Nang makita kami ng mga estudyante na tumatawa, unti-unting naghiyawan ang mga ito kaya naman mas lalo kaming natawa. "Aish! Mukhang galit nga sila sakin ah!"- saad ni Vince pagkalapit niya samin. Napangisi naman ako. "Alam mo naman ang dahilan kung bakit diba? Nakakainis ka naman kasi talaga! Pero tulad nga nang sinabi mo kanina, move on na."- saad ko. Natawa naman si Vince sabay nagkibitbalikat. "Ewan."- saad niya. Pagkatapos magpakilala lahat ng wolves, sunod-sunod na tinawag ni Tito Rey ang iba pang mga grupong tumulong samin tulad ng Souls at Phantomrick. Pagkatapos magpakilala ng mga ito, ipinakilala naman ni Tito Rey ang tunay na mga magulang ni Ice sa mga estudyante na talaga namang hiniyawan at pinalakpakan. "Nais ko rin sanang ipakilala ang mga pamilya na tumulong kay Darkiela na mabawi ang DIA mula kay June ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila makakarating ngayon sapagkat wala sila rito ngayon sa bansa. Kaya naman, ipapakilala ko na sa inyo ngayon ang isa sa mga grupong batid kong inaabangan niyo rin. Students, please welcome. The Red Skulls!"- saad ni Tito Rey. Naghiyawan namang muli ang mga estudyante nang lumabas na sila Luis at Reigen kasama ang mga kagrupo nila. "Kamusta, my name is Reign Daves or Reigen Rogiano ng DIA. Ako ang Ate Rei ni Ice o ni Darkiela."- pakilala ni Reigen sa mga estudyante. "Ako naman si Luis, ang pinuno ng Red Skull at asawa na ngayon ni Reign at Tatay ng anak naming si Railen. Ipinapanalangin ko ang maayos at mapayapa niyong pag-aaral dito sa DIA."- saad ni Luis. Pagkatapos ni Luis magpakilala, nagpakilala naman ang iba pa sa Red Skull. Nang matapos ang pagpapakilala ng mga ito, tila lumakas ang hiyawan ng mga bagong estudyante sapagkat mukhang batid na nila na kaming Dark Cards Reapers na ang susunod na magpapakilala. Nagtinginan naman kaming lahat at pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagtungo sa gitna at kinuha ang Mic. Nagsimula ang pagpapakilala namin pakaliwa, mula kay Alex hanggang kay Ice. "Uhm.. Hello? I'm Alex Jean Rioza a.k.a Diamond of Dark Cards. I know na pinagtangkaan ko si Ice nung mga unang buwan pa lamang nilang Reapers dito sa DIA pero bati na kami ngayon at isa na kaming matalik na magkaibigan. Kaya naman no hate guys, bati tayong lahat. And also, I'm the Girlfriend of this man beside me."- saad ni Alex sabay tingin kay Grey. "Introduce yourself to them."- saad ni Alex kay Grey sabay bigay dito nung mic. "Hello, I am Grey Vasquez a.k.a Bullet of Reapers. I am Alex's boyfriend."- saad ni Grey sabay ngiti. Nagtilian naman ang mga kababaihan dahil dito, at dahil kakaiba magmahal si Alex. Nagsalita siya na ikinatahimik ng mga estudyante. "Nabasa niyo naman yata sa libro ni Ylana na pinapatay ko yung mga babaeng dumidikit sa lalaking mahal ko hindi ba? That's a warning girls."- saad ni Alex sabay ngiti. Tumahimik naman ang mga babaeng estudyante kaya't natawa kami. Si Grey naman, napakamot na lamang sa ulo niya dahil sa sinabi ni Alex. Sunod na nagpakilala pagkatapos ni Grey ay si Ashlie. "Oh? tahimik kayo 'no? Gusto ko rin kayong balaan. Pero bago yun magpapakilala muna ko, ako si Ashlie Kim Mendez a.k.a Trouble of Reapers. Ako ang asawa ni Bryan at alam ko rin na nabasa niyo sa libro ni Ylana na malantod si Bryan at isa siyang playboy na f*ckboy kaya naman nais ko kayong balaan na oras na landiin kayo ng asawa ko, WAG NA WAG niyong papatulan dahil hindi lang siya ang malalagot sakin. Pati na rin kayo. Puputulin ko ang dapat putulin at tatapyasin ko ang dapat na tapyasin gamit ang sandata kong si pink! Yan ang warning ko sa inyo at sana, tandaan niyo dahil seryoso ako. Yun lamang."- saad ni Ashlie sabay pasa niya ng mic kay Bryan na tila nanginginig sa takot dahil sa sinabi ni Ashlie. Bahagya namang nagtago si Ice sa likod ko, pagtingin ko sa kanya, pigil na pigil siya sa pagtawa. "Dahil sa kanilang dalawa ni Alex parang ayaw ko nang magpakilala lang, parang gusto ko nang mag-speech!"- bulong ni Ice. Tila napalunok naman ako. Parang may kutob na ko sa kung anong sasabihin niya... "A- ahm.. Hi! my name is Bryan Go a.k.a Black Spade of Dark Cards. I am Ashlie's Husband and.... inaamin ko na playboy na f*ckboy ako pero gusto kong sabihin sa asawa ko na hindi ako lalandi sa iba at hindi rin ako magpapalandi sa iba. Ako mismo ang puputol sa gusto niyang putulin sakin oras na hindi ko matupad ang sinabi ko ngayon, ipinapangako ko yan sa kanya at saksi kayong lahat dun lalong-lalo na ang Anak naming si Blake."- saad ni Bryan sabay tingin niya sa anak nila ni Ashlie na buhat-buhat ni Tita Rica. "Blake Anak! Always remember that a real man will never EVER gonna cheat on the woman he loves. A real man is loyal and can prove that he can fullfil his promises and can protect his girl anytime and anywhere, A real man will also never gonna let the woman he loves to cry because of him. If you can't do that, you're not a real man. Always remember that my Son."- saad ni Bryan sa anak niyang si Blake na tila naintindihan ang sinabi ng kanyang ama at nakuha pa nitong tumango at magthumbs up. "Sana narinig mabuti yun ng maganda kong Misis at sana tumigil na siya sa pagpaparinig sakin kasi kahit kailan hinding-hindi ko naisip na siya ay lokohin. Hinding-hindi ko magagawa yun sa kanya. Yun lamang."- saad ni Bryan sabay ngiti at pasa ng mic kay Ylana. "Tsk! Dami niyong dama na mag-asawa! Ipinapakita niyo pa sa lahat yung kaechosan niyo!"- saad ni Ylana sabay iling at tingin niya ng maayos sa mga baguhang estudyante. "Anyways, I am Ylana Raine Baltazar a.k.a Shadow of Reapers. Ako ang nagsulat ng librong dala ng karamihan sa inyo ngayon at gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga bumili ng libro at nagpasyang mag-enroll dito dahil doon. Muli, maraming salamat sa inyo."- saad ni Ylana. Bumalik namang muli ang mga hiyawan at palakpakan ng mga bagong estudyante dahil kay Ylana. "Ngayon, hayaan naman nating magpakilala ang Fiance kong tukmol."- saad ni Ylana sabay pasa niya ng mic kay Brent. "Magandang araw sa inyo, I am Brent Go a.k.a Red Spade. Ako ang kakambal ni Bryan at Fiance ni Ylana, salamat sa pagsuporta niyo sa librong isinulat ng Fiance ko at salamat sa pagtangkilik niyo sa istorya ng DIA. Maraming salamat."- saad ni Brent at pagkatapos ay ipinasa niya ang mic sa akin. Pagkakuha ko sa mic, tila nanahimik ang lahat at tila batid ko kung bakit.. "Sa bigla niyong pananahimik mukhang alam niyo na kung sino ako, I'm Devin Kiel El Greco a.k.a King of Dark Cards. Ikinagagalak ko kayong makitang lahat dito sa DIA bilang mga bago nitong estudyante ngayong taon. Ipinapangako namin sa inyo na hindi kayo magsisisi na napili niyong mag-aral dito. Ukol sa mga rules, may ilang rules na batid kong nabasa niyo sa libro ang nandirito pa rin at hindi namin inialis. Ang sasabihin ko lamang ngayon ay ang mga importanteng rules lamang, ang iba ay sa classroom niyo na malalaman. Una sa mga pinakaimportanteng Rule ay tuwing oras ng klase ay bawal ang mga pakalat-kalat na estudyante sa hallway o corridor ng School. Huhulihin namin ang makikitang pakalat-kalat kapag oras ng klase. Pangalawa, bawal ang kung ano mang away o sakitan na makakapag-ugat sa hindi magandang pangyayari. Wag niyong ibalik sa dati ang DIA dahil sinasabi namin sa inyo, kami mismong mga sanay nang pumatay ang makakalaban niyo. Ayaw niyo naman sigurong mangyari yun hindi ba? Pangatlo, galangin niyo ang mga seniors niyo lalong-lalo na kaming mga namamahala rito sa school. Mahalaga ang paggalang, bawal ang walang modo rito sa DIA. Pang-apat, kapag oras na nang uwian, wag nang magtatagal sa labas. Hanggang 7o'clock lamang kayong maaaring gumala-gala pa sapagkat at exactly 8o'clock ay mag-iikot kami at manghuhuli ng mga estudyante na pagala-gala at wala sa loob ng dorm nila. At ang panglima, bawal ang anumang masamang hakbang laban sa amin at sa paaralan. Kung ang dating Headmaster nga ng DIA ay natalo namin... isipin niyo na lang, kayo pa kaya?"- saad ko. Tahimik naman ang lahat, ang lahat ay tila nakikinig sa akin. "Ang kung sino mang lumabag sa kahit ano mang rules ng paaralan ay mapaparusahan. Mayroon lamang limang parusa. Ang una ay ang tinatawag na P.1 or Punishment point 1, ito ang pinakamababang parusa. Dito sa P.1 ay lilinisin niyo lamang ang buong school kasama na ang CR, Cafeteria at ang iba pa maliban na lamang sa Office. Sunod ay ang P.2, dito sa P.2 ay papadapain kayo sa tapat ng sikat ng araw ng dalawa hanggang limang oras. Sunod naman ay ang P.3, dito naman ay makakatanggap kayo ng sakit ng katawan mula sa aming Dark Cards Reapers. Ipinapaalala ko lang sa inyo, hindi kami magdadalawang isip na saktan kayo kaya naman matakot kayo. Sunod ay ang P.4, dito sa P.4 ay ikukulong kayo sa isang silid at mananatili kayo roon ng dalawang araw ng walang pagkain o kung ano. Ang silid na ito ay kilala dati sa tawag na Darkness Room at batid kong alam niyo kung ano ang Darkness room. Muntik na kong mamatay sa loob ng silid na yun dati, hindi na yun tulad ng dati ngayon ngunit hindi pa rin nun mababago ang katotohanan na maraming namatay roon at maraming bangkay ang nabulok doon. At siyempre ang panghuli, ang P.5."- saad ko sabay ngisi. "Sa P.5, tatanggalin namin kayo bilang estudyante ng DIA at pababalikin sa tunay niyong mga bahay. Kung iniisip niyong ayos lamang yun, nagkakamali kayo sapagkat sa pag-uwi niyo... hindi kayo sasakay sa eroplano. Sa isang bangka kayo sasakay na kung saan kayo mismo ang magsasagwan hanggang sa makarating kayo sa siyudad at makauwi sa inyo."- saad ko. "Ang mga rules ng DIA at ang mga parusa ay may pahintulot ng pamahalaan, kung titignan may bahid pa rin ng nakaraan ang bagong DIA kaya naman kayong mga bagong estudyante ng DIA.... magpakabait kayo at mag-enjoy kayo sa napili niyong landas."- saad ko pa sabay ayos ko ng tayo at ngiti. "Ang ibang mga bagay na dapat niyong malaman ay sa classroom niyo na malalaman, kung anong ikinaganda ng pag-aaral dito at kung anong ikinapangit ay ipaliliwanag sa inyo ng inyong mga Class Advisers at hinihiling ko na sana ay itatak niyo iyon sa isipan niyo, yun lamang."- saad ko sabay tingin ko kay Ice at bigay rito ng mic. "Your turn."- saad ko. Tinignan naman niya ko at nginitian. Pagkakuha niya sa mic, naghiyawan ang mga bagong estudyante. At ang dahilan? tulad din ng akin, tila batid na nilang si Ice ay si Ice o si Darkiela. "Magandang araw sa lahat, ako si Ice Rogiano. Ang totoo kong pangalan ay Darkiela Alyson Roque Killiano at ako ang anak nina Annaliza at Dante Killiano na kilala niyong sina Red at Black Mask. Ako rin ang may-ari ng DIA at maging ng mismong isla na kinaroroonan nito. Bukod pa roon, ako rin ang misis ni Devin na kani-kanina lang ay tinakot kayo dahil sa mga rules. Ukol doon, wala naman kayong dapat na ikatakot lalo na kung itatatak niyo sa isipan niyo ang mga rules at iyon ay susundin. Sa ganoong paraan ay hindi kayo mapaparusahan. Tulad nila Alex at Ashlie kanina ay mayroon din akong babala ukol sa asawa ko, sa libro mababasa niyo na mayroon akong demon side pero hindi ko yun nailabas nung mga panahong hawak pa ni Tito June ang DIA. Ngayon ang punto ko, oras na may malanding haliparot na kumapit sa asawa ko diyan at magtangkang sirain ang relasyon namin... sinasabi ko sa inyo, ilalabas ko ang demon side ko na hindi ko nailabas dati nung mga panahong hawak pa ng Tito kong si June ang DIA. At seryoso din ako doon, tiwala ako sa asawa ko pero sa ibang mga babaeng nakapaligid sa kanya? Wala akong tiwala."- saad ni Ice. Bahagya naman akong natawa at napailing dahil sa sinabi niya. "Ngayong nakilala niyo na kaming lahat, sisimulan na natin ang seremonya ng pagbubukas ng klase rito sa DIA ngayong taon. At para diyan, ibibigay kong muli sa asawa kong si Devin ang mikropono upang siya ang magsimula nang seremonya at magbukas ng klase rito sa DIA ngayong taon."- saad ni Ice sabay balik niya sakin nung Mic. Agad ko naman itong kinuha at pagkatapos ay sinimulan ko na ang seremonya. Nang matapos ang seremonya, agad kong opisyal na binuksan ang klase ngayong taon dito sa DIA. "Now Students, opisyal ko nang binubuksan ang klase ngayong taon dito sa DIA kaya naman magtungo na ang lahat sa kani-kanilang mga silid-aralan. Muli, maligayang pagdating sa DIA at nawa'y maayos na matapos ang klase ngayong buong taon."- saad ko. Pagkatapos nun, agad kaming nagtungo na Dark Cards Reapers sa aming opisina kasama sina Vince, Reign at Luis. "Ngayong nagsimula na muli ang klase rito sa DIA, tulad muli ng dati, alam niyo na ang gagawin."- saad ni Ice sa amin pagdating namin sa Opisina. Nagsitanguan naman kami. "Vince, gusto kong magtungo ngayon dito si Tala. Gusto kong tumulong siya satin ngayong taon kaya naman sana ay sabihan mo siya."- saad ni Ice kay Vince. Agad namang tumango si Vince. "Sure."- sagot nito. "At isa pa, kung maaari mas igihan natin ang pagbabantay sa DIA ngayon. Kapag may napansin kayong mali o kakaiba sabihin niyo agad nang magawan natin agad ng solusyon."- saad ni Ice. Nagsalita naman ako. "Dahil ba yan sa masama mong kutob? Hindi 'bat napag-usapan na natin kanina yan? Tama na ang pag-aalala."- saad ko. Bumuntonghininga naman siya. "Alam kong kung ano mang mangyari ngayong taon ay siguradong malalagpasan natin, pero mabuti pa rin na magdoble ingat tayo."- saad ni Ice sabay tingin niya kay Luis. "Ang Owls at ang iba pa, pakisabihan sila na mas igihan ang pagbabantay sa buong DIA ngayong taon. Sabihan din sila na wag masyadong maging maluwag sa mga estudyante nang sa ganun ay matakot ang mga ito at hindi makapagbalak na gumawa ng masama."- saad ni Ice kay Luis na agad din namang tumango. "At isa pa..."- saad ni Ice sabay tingin niya kay Ashlie. "Hindi ko alam kung makabubuti ba na nandito ngayon si Blake, ayoko siyang madamay kung sakali mang may mangyari na hindi maganda pero kung ayaw niyo naman siyang malayo sa inyo isa lang ang maipapayo ko sa inyo ni Bryan, wag niyong aalisin ang mga mata niyo sa kanya at wag na wag niyo siyang iiwan sa kung kani-kanino."- saad ni Ice kay Ashlie. Halata naman ang pagkagulo sa mukha nito. "B- bakit? Ano bang nangyayari?"- saad ni Ashlie. Bumuntonghininga namang muli si Ice. "Sa totoo lang may hindi maganda akong nararamdaman na mangyayari ngayong taon, at natatakot ako dun. Ayoko nang maulit yung dati kaya naman sana, gawin at tandaan niyo yung mga sinabi ko."- saad ni Ice. Nagsalita naman si Reign. "Kung ganun may masama ka rin pa lang nararamdaman, maski ako meron din kaya naman pinili kong wag isama si Railen ngayong taon dito sa DIA. Iniwan ko muna ang anak ko sa mga magulang ni Luis nang sa ganun kung may masama mang mangyari ay wala siya rito at hindi siya mapapahamak."- saad ni Reign. "Ash, anong desisyon mo? Dito lang ba si Blake o dun muna siya kila Mama?"- tanong ni Bryan kay Ashlie. Hindi naman nagsalita si Ashlie, tila nag-iisip ito. "Sinabi ko na sayo Ash, kung ayaw mong malayo sayo si Blake. Bantayan niyo siyang maigi rito."- saad ni Ice kay Ashlie. Bumuntonghininga naman si Ashlie sabay tumingin ito kay Ice. "Hindi, hindi mananatili rito si Blake. Ibibigay ko siya bukas na bukas din sa mga magulang ni Bryan, dun muna siya. Mas maganda nang maging sigurado, ayaw kong mapahamak ang Anak ko."- saad ni Ashlie. Bahagya naman siyang nginitian ni Ice. "Alam kong ayaw mong malayo sa Anak mo kaya naman pasensya na at kailangan niyang malayo sayo ngayon."- saad ni Ice. Umiling-iling naman si Ashlie. "Hindi mo kailangang humingi ng pasensya Ice, nangako ako sayo na tutulungan kita sa pagpapatakbo mo rito sa DIA at ngayong ganyan na may hindi ka magandang nararamdaman na mangyayari ngayong taon... hindi kita iiwan, tutulungan pa rin kita."- saad ni Ashlie kay Ice. Ngumiti naman si Ice. "Kaya love na love kita kahit gaga at may pagkashunga-shunga ka eh!"- saad ni Ice sabay tingin niya saming lahat. "Batid kong hindi madaling gawin 'tong hihilingin ko sa inyo pero sana.... pagbigyan niyo ko."- saad ni Ice. "Kakapalan ko na ang pagmumukha ko, kung sakali mang maulit muli ang dati. Gawin nating muli ang dati. Alam kong nung laban natin kay Tito June ay muntik nang mamatay si Vince at si Devin pero sana..... sana pagbigyan niyo pa rin ako sa hinihiling ko. Oras na mangyari ngayong taon ang nangyari dati, lumaban muli tayo nang tulad rin ng dati."- saad ni Ice. Natahimik naman ang lahat pagkatapos sabihin ni Ice yun. Ngunit ilang sandali lang ay sabay-sabay kaming nagngitian. "Oo naman! Walang problema samin yun! Willing ulit akong mag-50-50 para lang sayo!"- saad ni Vince. Kinotongan naman siya ni Reign at pagkatapos ay tinuro ako nito. Pagtingin sakin ni Vince, isang masamang tingin ang sumalubong sa kanya. "Oh? walang malisya yun! May Tala Fajardo na ko diba? Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko ay willing ulit akong mag-50-50 para lang kay Ice na kaibigan ko, yun lang yun!"- saad ni Vince. Napailing naman ako at pagkatapos ay tinignan ko si Ice na nakatingin sakin. "Sasabihin ko ulit sayo 'to, kahit anong sabihin, hilingin o iutos mo, gagawin ko. Kahit buhay ko pa ang nakataya, pero siyempre di ako papayag na mamatay. Bubuo pa tayo diba?"- saad ko sabay ngiti. Natawa naman siya. "Oo na lang."- saad niya. Naghiyawan naman yung mga tukmol na nandirito at inasar kami. Kami naman ni Ice, pinagtawanan na lamang ang pang-aasar nila. Kung ano man ang nararamdamang masama ni Ice para sa taong ito rito sa DIA, sinisiguro kong malalagpasan namin yun lalo na at merong mga taong handang tumulong samin at hindi kami kayang iwan. Hangga't sama-sama kami.... Walang hindi namin malalagpasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD