bc

BINATA SA DALAMPASIGAN

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
lighthearted
ambitious
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Kailan ba matatapos ang kalungkotan na naradarama ng isang tao? Hanggan kailan kaya matatagpuan ang pinaka-importanteng bahagi ng buhay dalawang taong parehong nangangarap na matagpuan ang bawat isa? Ilan lamang yan sa mga katanungan na laging nasa isipan nina Carlo at Anton.

chap-preview
Free preview
Unang Kabanata
Bata pa lamang si Carlo ay namulat na siya na walang ama. Panganay siya sa magkakapatid ngunit iba ang ama niya, sa ama ng dalawa niyang nakakabatang kapatid. Gayun pa man, mahal nila ang bawat isa. Ngunit hindi maalis sa kanyang sarili ang malungkot at mainggit sa ibang binatilyo na may amang kinagisnan. Sa tuwing tatanungin niya ang kaniyang ina, ang tanging isasagot nito ay patay na o dili kaya mananahimik na lamang ito. Kaya wala din siyang magawa, na manatiling manahimik na lang. Lagi siyang nasa dalampasigan at pinagmamasdan ang paglubog ng araw na kung saan bigla na lamang tumutulo ang kanyang masaganang luha. Humihikbi, nagdaramdam. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi alam ng kanyang ina. At pag lumubog na ang araw, siya naman ang oras ng kanyang pag uwi sa kanilang munting tahanan.   "Carlo, saan ka nanaman galing? " tanong ng kanyang lola. "Diyan lang po sa tabing dagat, nagpapahangin. " sagot ni Carlo. "Ah mabuti pa tulungan mo akong maghain ng pagkain sa lamesa ng tayo ay makapag hapunan na. " "Opo lola. " magalang na sagot ni Carlo.   Pagkatapos maghain sa lamesa tinawag na ni Carlo ang kanyang dalawang nakababatang kapatid at sakto din at dumating na rin ang kanyang ina mula sa bayan. "oy, halina kayo ang sabay - sabay n tayong magsikain. " aya ni lola Basyon. Sabay - sabay na nagdasal sina Carlo bago kumain. Ganon lagi ang sistema ng kanilang buhay. Makikitang sa harap ng hapag kainan ay may kulang. Ngunit, ni isa ay walang kumikibo. At kahit isa walang nagsasalita kung ano nga ba ang kulang talaga. Tahimik na kumakain at ang tanging pinag-uusapan ay tungkol sa mga nangyari sa loob ng paaralan. Pagkatapos kumain, si Sunshine ang nagligpit ng kanilang pinagkainan at naghugas. Si Carlo naman ay nasa kanyang kuwarto at nagbabasa ng bibliya at pagkatapos magdadasal bago matulog.     Kinabukasan nagising na lamang si Carlo sa isang ingay mula sa labas ng bahay. At sigurado siyang kung sino na naman ang dahilan ng ingay na yaon. Pungas - pungas siyang bumangon sa kaniyang higaan at binuksan ang bintana at sinilip ang nasa labas kung tama ba ng kanyang hinila na ang nagsisimula ng ingay ay ang lalaking kinakasama ng kanyang ina, na siyang ama ni Sunshine at Roy.   "Ma, ang ingay ninyo po. Nakakahiya sa kapitbahay." "Hoy, huwag kang makikialam dito Carlo. " sagot ng kinakasama ng kanyang ina. "Tito, talaga namang nakakahiya ah. Tingnan ninyo ang sarili mo at lasing na lasing kayo." "Aba! Lintek kang bata ka! Pakialamero! " "Berto, huwag mong idamay ang anak ko! Totoo namang nakakahiya sa mga kapitbahay! " Sigaw ni Josepina, ang nanay ni Carlo. "heh! Pare-pareho kayong mga walang kuwenta. Nasaan ba si Sunshine? Sunshine!!!?? Ipagtimpla mo ako ng kape!   Pupungas - pungas na tumakbo papuntang kusina si Sunshine upang ipagtimpla ng kape ang kanyang ama. Alam niya ang ugali nito lalo pa kung ito ay lasing. Pagkatimpla niya ng kape dali dali niya itong ibinigay sa ama na ngayon ay nakasalampak sa upuan sa sala.  "Pa, kape ninyo ho".  " mabuti pa tong anak ko, isang tawag lang mabilis kumilos. Di katulad saiyo Josepina walang kakuwenta kuwenta. Hahahahahah! "   Hindi na lamang umimik si Josepina para mas lalo hindi lumaki ang gulo. Si Carlo naman, ay nagasikaso ng kanyang sarili dahil maaga siyang papasok ng paaralan.   Pagkatapos ng sampung minutong pag-aasikaso, nagmamadaling nagpaalam si Carlo sa kanyang ina at kanyang lola, dahil medyo malayo - layo din ang lalakarin niya patungo sa sakayan ng jeep papunta sa kanyang paaralan. Lakad takbo ang kanyang ginagawa... Medyo hinihingal siya dahil ang daanan pababa ay pabulosok, sapagkat ang bahay nila ay nasa bandang bundok. Agad agad siyang sumakay ng jeep kahit hingal na hingal pa siya at pawisan. Hindi pwedeng siya ay malate sa klase, dahil siya ang nakatoka sa pagrereport sa asignaturang Filipino.     Sakto ang pagdating ni Carlo sa paaralan nila. Katatapos lamang ng flag ceremony at hindi rin siya late na late. Sa loob ng classroom ang ingay ng bawat isa. Akala mo maraming taon na hindi nagkita - kita. Isinawalang bahala lahat ng iyon ni Carlo, dahil inaayos niya ang kanyang mga visual aids na gagamitin sa kanyang pagrereport. Mayamaya pa, nagsitahimik ang mga kamag-aral niya, pagtingin niya sa harapan ng room alam na niya kung anong dahilan kung bakit naging tahimik bigla ang kanilang klase. Sapagkat dumating na si Ginang Reyes.   "Magandang umaga sainyong lahat! " "Magandang umaga din po Ginang Reyes! " sabay sabay na bati ng mga mag-aaral na nasa ikalambing isang baytang ng Senior High School. "Carlo Morales, handa ka na ba saiyong pag-uulat? " "Opo mam, handang handa na po ako." sagot ni Carlo kay Ginang Reyes. "okay, pwede ka nang magumpisa sa pag-uulat at ako naman ay dito mauupo sa bandang likuran upang makinig lamang sa paguulat mo. At kayo naman class, makinig ng husto dahil pagkatapos ni Carlo mag-ulat kayo ay magtatanong sa kanya at kung wala kayong katanungan si Carlo ang magtatanong sainyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mahabang paliwananag ni ginang Morales. "Yes mam!" sabay sabay na sagot nng magaaral.   Matapos ang isang oras na pag-uulat pinuri si carlo ng kanyang guro at kanyang kamag-aral. "napakahusay Carlo! " puri ng guro ni Carlo habang pumapalakpak. "Bay, galing mo ah... " puri ni Dexter. "siyempre, walang tatalo sa kanya " segunda mano naman ni Marilyn ang matalik na kaibigang babae ni Carlo.   Makikita sa loob ng campus na ang lahat ay abala sa kanya kanyang gawain. Nariyan na may nagbabasa ng libro, o dili naman kaya’y nagbabasa sa w*****d. May naglalaro ng mobile legend. May grupong sumasayaw, may kumakanta at nariyan din ang asaran ng bawat isa. Ang lahat ng iyan ay makikita at mararanasan lamang ng mga mag-aaral. Ngunit sa sitwasyon ng seksyon nina Carlo doble kayod sa pag-aaral dahil sila ay nasa Senior High School na.  Sila ay nasa grade 11 na sumasailalim sa track na CSS. Hindi nila kailangang magpatumpik tumpik lang lalo pa di lamang sa major subject nila sila nahihirapan, nandiyan pa ang Practical Research 1 na kung saan kailangang nilang magaral ng mabuti dahil kung hindi, yari sila. Pwedeng dahil sa subject na yun ay pwede silang bumagsak at maging irregular na estudyante pagdating ng pangalawang semestre. Kaya sa tuwing may bakantemg oras si Carlo, imbes na makipagkuwenuhan dumadako siya sa library para makapag advance reading nang sa gayon sa tuwing may recitation makakasagot siya ng tama.   "kailangan kong magsunog ng kilay para sa pangarap ko. " wika ni Carlo sa kanyang sarili.   Kringggg... malakas na tunog ng bell na hudyat na ng uwian ng mga estudyante. Makikita na ang bawat isa ay nagmamadaling lumabas mula sa loob ng silid – aralan. Ang iba naman ay may kaut-u-tang dila, ang iba naman ay naiwan sa looob ng classroom upang maglinis.  Laking pasasalamat ni Carlo na di sila ang nakatoka sa paglilinis sa araw ng Lunes. Kaya naman may panahon pa siyang maturuan ang kanyang kaibigan. Dahil isa ito sa kanyang ginagawang sideline upang may pandagdag sa kanyang gastusin sa paaralan. Dahil alam ni Carlo na sila ay isang simple at nagmula sa mahirap na pamilya at walang kinagisnan na ama. Ang kanyang ina naman daw, mula ng ito ay dumating sa probinsiya ay walang ginawa kung hindi ang sumama sa kanyang mga kaibigan kung saan mayroong sayawan. Sa madaling salita, ang halos nagpalaki kay Carlo ay kanyang Tiyahin at lola. Ngunit hindi porke ganoon ang naging sitwasyon ng kanyang ina, alam niyang mahal na mahal siya nito at hindi naman ito nagkukulang na siya ay gabayan at maibigay ang mga pangangailangan niya mula pa noong siya ay bata pa. Wala siyang sinisisi sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Oo, nariyan na nagdaramdam siya dahil naiinggit siya sa mga kasing edad niya na buo ang pamilya at may kinagisnang ama. Ngunit siya ay walang kinagisnang ama, mula nang siya ay magkaisip. Tandang tanda niya pa ang lahat ng siya ay nasa elementarya pa lamang. Isa siya sa tampulan ng mga tukso ng kanyang mga kapwa bata.   “Putok sa buho! Sigaw ng isang bata. “Carlo Kabote! Panunukso din ng isa sa mga kamag – aral niya.   Nais niyang lumaban o gumanti. Nais niya itong sapakin ngunit lagi niyang iniisip ang tagubilin ng kanyan lola, tiyahin at lalong lalo na ng kanyang inang si Josepina.   “Anak, huwag mo silang papatulan. Basta ang ilagay mo diyan sa puso at isip mo na hindi ka putok sa buho o isang kabote na bigla na lamang na sumulpot sa mundo. Nais naming na lumaki kang matino at mabait na bata.”  Yan ay isa lamang sa mga mahabang pagpapaalala ng kanyang ina.   Ano nga ba ang magagawa niya kung hindi ang laging sundin ang tagubilin nila sa kaniya. Ang maging mabait at may takot sa Diyos.  Sa ganoong sitwasyon hindi niya namalayan na nandun na pala si Darwin at Paul.   “Brod, parang ang lalim ng iniisip mo ah.” Ani Darwin. “Oo nga, parang alam na naming kung ano nanaman ang nasa isip mo.” Mahabang pagsang-ayon ni Paul sa tinuran ni Darwin. “Huh! Nariyan na pala kayo!” pagkakagulat na tugon ni Carlo. “Emo nanaman ba bro?”  sabay na tanong ni Darwin at Paul kay Carlo. “Sus, daming tanong, umpisihan na natin ang pag-aaral, oops!  Huwag kakalimutan ang talent fee ko ha. Alam naman ninyo bro ang sitwasyong meron ako. Hahahahaha!” malakas na tawa ni Carlo. “Oo naman! Kung di dahil sa tulong mo siguradong lagi kaming lagapak sa Filipino at English. Tugon nina Paul at Darwin.   Isa sa pinagpapasalamat ni Carlo sa Panginoon, ay ang pagkakaroon ng mga mababait na kaibigan na marunong siyang unawain. Dati sa tuwing tinutulungan niya sina Darwin at Paul di naman siya humihingi ng kapalit o bayad. Ang dalawa ang siyang nagkusa na magbigay sa kanya dahil daw hindi dapat masayang ang kanyang pagod sa pagtuturo sa dalawa. Sa madaling sabi siya ang personal tutor ng kaniyang mga tropa. Si Paul at Darwin ay parehong anak na may kaya sa buhay na mas piniling mag-aral sa pampublikong paaralan dahil mas ninanais nilang makasalamuha ang mga katulad ni Carlo. Totoong tao at kaibigan na di katulad ng ibang nasa pampribadong paaralan na pagpapanggap ang ginagawa. Pagkatapos ng isang oras na pagtuturo o pagtutor kay Darwin at Paul sabay nitong inaabot ang pera. At laging nagpapasalamat sa dalawa. Dahil ang binibigay ng mga ito ay nagagamit na niya bilang pamasahe sa dyip o dili naman kaya para sa mga project niya sa paaralan. `Ngunit sa hapong iyon hindi si Carlo sasakay sa pampasaherong dyip dahil nangako si Paul na siya ay ihahatid gamit ang motor nito. Laking tuwa ni Carlo, dahil kahit papaano siya ay makakapagtipid sa araw na yon. Sabay sabay na silang lumabas ng campus at paglabas sa gate saktong nandun na ang sundo ni Darwin at si Paul at Carlo naman at dumiretso na sa motor.   “Mga tol, mauuna na ako sainyo!” pasigaw na paalam ni Darwin kina Carlo at Paul. “Oo brod! Ingat kayo!” Sabay na sagot nina Paul at Carlo.   Alas singko ‘y medya na nang hapon nakarating si Carlo sa kanilang bahay, at pasalamat siya dahil hinatid siya ng kanyang kaibigan. Dahil kung hindi malamang nakasabit nanaman siya sa dyip.  Pagdating ni Carlo wala doon ang kanyang lola at dalawang nakakabatang kapatid. Ang tanging nadatnan niya ay ang kanyang step father. Nakahilata ito sa upoan habang nanonood ng telebisyon. Hindi niya ito pinansin dahil hindi niya ito kasundo at lalong lalo na ayaw niya ang ugali nito. Hindi niya gusto ang ugali nito at hindi niya alam kung ano nga ba ang nagustuhan ng kanyang ina sa lalaking nakahiga sa sofang yari sa kawayan. O sadyang tanga lamang sa pag-ibig ang kanyang ina at ito ay madaling umibig at maloko ng kahit na sinong lalaki? Hindi tuloy nakawala sa isip niya kung talaga bang minahal ng kanyang ama ang kanyang ina. Dahil kung mahal ng ama niya ang kanyang nanay sana ay buo sila ngayon at masaya. Sana hindi siya sa salat sa lahat ng bagay maging sa materyal man o sa pagmamahal ng isang ama.   Ni minsan ay hindi naranasan ni Carlo ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ama. Oo minahal siya ng kanyang lolo ng ito ay nabubuhay pa. Subalit iba pa rin ang pagmamahal mula sa tunay na magulang o tunay na ama. Habang nasa loob siya ng kaniyang kuwarto hindi maalis sa isip niya ang maraming katanungang hanggang ngayon ay hindi sinasagot ng kanyang ina. Sa tuwing magtatanong siya ni minsan ay di ito tumitingin sa kanyang mga mata. Ang tanging alam lang niya ay pinanganak siya sa Maynila at pagkatapos daw nun siya ay inuwi sa probinsiya dahil wala sa kanyang mag-aalaga noong siya ay sanggol pa lamang. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na isinilanang siya na kulang sa buwan. Kaya nga pagkatapos ng apat na buwan mula nang siya ay maialis sa incubator nagdesisyon ang nanay niya na iuwi sa probinsiya. Pero bakit hindi kasama ang kanyang tatay? Ano nga ba ang dahilan ng lahat ng ito. Mga tanong na hindi masagot sagot mula pa noong siya ay nasa grade four hanggang ngayong nasa Senior High School na siya. Sa ganoong sitwasyon na pagmumunimuni, hindi namalayan ni Carlo na siya ay nakatulog na pala. Kung titingnan sa pagkakatulog si Carlo, tila anghel na may maamong mukha at walang nababakas na pighati sa kanyang puso at walang gumugulo sa kanyang isipan.                          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.8K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
27.0K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook