IKatlong Kabanata

2043 Words
 Pagdating ni Carlo sa kanilang bahay ang tanging naratnan niya ay ang kanyang amaing batugan. Tuwing Miyerkules umuuwi ito sa bahay nila. Sa katotohanan, alam na alam na niya ang araw kung kelan si Berto nasa bahay nila. Si Berto ay may totoong pamilya. Dahil sa mabulaklak nitong mga dila, isa si Josepina sa mga naniwala at naloko. Kahit alam na ni Josepina ang katotohanang may totoong pamilya ito, ipinagpatuloy parin nito ang pakikipagrelasyon kay Berto. Sa umpisa mabait si Berto ngunit hindi nagtagal lumabas ang tunay na kulay at ugali nito. Ang lahat ay inaasa kay Josepina, sa madaling salita miyembero ito ng PAL na ang ibig sabihin ay PALAMUNIN.                   Sa likod bahay dumaan si Carlo para di siya mapansin o mamalayan ni Berto, ngunit nagulat siya dahil ito ay nasa kusina at nagbubungkal ng makakain. Dahil sa wala itong makitang pagkain, inis itong bumalik ng sala, pasalampak na naupo sa upoan at walang tigil sa kahihithit buga na animo chimineya ang bibig sa tuwing pagbuga nito ng usok. Hindi nakatiis si Carlo na sawayin ang kanyang amaing si Berto, dahil hindi niya gusto ang amoy ng sigarilyo.   “Tsong Berto, huwag naman ho kayo dito sa loob ng bahay manigarilyo ang sama ng amoy.” “Aba! Galing mo ah! Pinagsasabihan mo ba ako!?” “Di naman ho sa ganun, magkakasakit kami sa ginagawa mong yan eh.” “Peste kang bata ka! Huwag mo akong pakialaman dahil buhay ko to!” “Eh paanong di kayo pakikialaman, bahay namin to.” “Tarantado ka ah! Halika nga rito!!!” Hindi namalayan ni Carlo na nasa likod na niya si Berto, bigla siya nitong kinutusan ng ubod ng lakas. “ARAAAAYYY!!!!” pasigaw na sabi ni Carlo.   Dahil sa sakit na naramdaman niya, itinulak niya ang amain upang di na muli pa siyang masaktan, ngunit mabilis ito kumilos. Nahablot nito ang uniporme niya at sabay hinila siya at sinikmuraan ng ubod lakas. Napilipit sa sakit si Carlo, halos di siya makahinga at napaupo siya sa lapag. Hindi parin nakuntento si Berto, tinadyakan pa nito si Carlo sa bandang tagiliran na mas nagpadagdag sa nararamdaman nitong sakit sa katawan. Ngunit hindi naman papayag si Carlo na basta basta na lamang siya sasaktan ng taong di naman niya kadugo. Kaya kahit umiiyak, luhaan at masyado pang masakit ang nararamdaman ng katawan niya, bumangon siya ng mabilis at sa ganun sitwasyon inundayan naman siya ng isang malakas na suntok ni Berto ngunit sa pagkakataong ito, kanya itong nailagan. Napangisi siya ng konti dahil kahit papaano ay nakailag siya. Ngunit sa sunod na bigwas ng kamao ni Berto, hindi na niya ito naiwasan, biglang dumapo sa panga niya ang kamao nito at bigla siyang nabuwal sa sahig na dugoan ang bibig. Sobrang sakit ang narmadaman niya. Ano nga ba ang laban ng mura niyang katawan sa kinakasama ng kanyang ina, na kung titingnan ang katawan nito ay bato – bato. Hindi parin siya tinigilan sa Berto, sipa, tadyak, suntok na kasabay nito ay nagmumura pa.  Tumigil lamang ito nang mapagod ito ng husto at makitang tila isa isang lantang gulay.                   Halos di makabangon si Carlo sa kanyang kinabagsakan, iyak siya ng iyak. Duguan at maraming galos at pasa ang buo niyang katawan. Sa ganung sitwasyon siya nadatnan nina lola Basyon at Josepina mula sa karinderya nito. Patakbong dumulog sa kinalalagyan ni Carlo ang kanyang lola at ina. Umiiyak at hindi alam ang gagawin.     “Anak, sino ang may gawa nito sayo?” “Josepina! Magtatanong ka pa!” Di walang iba ang demonyo mong kinakasama!” pasigaw na saad ni lola Basyon. “Ano ba ang nangyari anak at umabot nanaman kayo sa ganito?” pagtatanong ni Josepina habang inaalalayan nito ang kanyag anak na makapasok sa kuwarto nito upang magamot ang sugat at mga pasa sa katawan. “Ma, bakit kasi ayaw ninyo pa yan hiwalayan! Bakit ba nagtitiyaga kayo sa lalaking iyon!” mahabang pagtatanong ni Carlo sa ina.   Hindi na lamang kumibo si Josepina sa tinuran ng anak ang tanging ginawa niya ang kumuha ng maligamgam na tubig at ito ay nilagyan ng alcohol para malinis ang sugat ng kanyang anak. Si lola Basyon naman ay nasa kusina upang maghanda ng hapunan nila. Siya naman ang dating ng dalawa pang kapatid ni Carlo.   “Mano po lola.” Sabay na pagbati at halik nina Sunshine at Roy sa kamay ng kanilang lola.   Sa pagdaan nina Sunshine sa kuwarto ng kanilang kuya, nasilayan nila na ginagamot ito ng kanilang ina. Alam na naman niya kung sino nanaman ang may kagagawan ng mga sugat at pasa sa kuya nila.   “Ma, huwag mo na po papuntahin dito ang tatay.” Si Sunshine yun. “Oo nga ma! Tingnan mo ang nangyayari kay kuya, alam naman natin na di sila magkasundo.” Segunda ni Roy. “Huwag kayong makialam sa hindi ninyo problema mga anak. Problema ko to at ako ang magbibigay solusyon sa problema ko. Naiintindihan ninyo ba ako.” Mahabang turan ni Josepina sa mga anak niya.   “Shine, Roy, kaya ko pa naman. Huwag kayong mag-alala, magtitiis ako para sainyo. Wala na nga akong tatay tapos mawawalan din kayo. Ayaw ko ng ganun alam naman ninyo yun diba?” mahabang paliwanag ni Carlo sa kanyang mga nakakabatang kapatid.   “Sure ka kuya?” si Roy yun. “Oo, sure ako!” “Ang bait mo talaga kuya, lagi mong iniisip ang kapakanan namin ni Roy kaya nga mahal na mahal ka namin kahit iba ang tatay mo sa tatay namin.” Mahabang sabi ni Sunshine at sabay na yumakap ang dalawang nakakabatang kapatid niya sa kanya.   Kahit masakit pa ang mga sugat at pasa sa kanyang katawan, napangiti na lamang si Carlo sa kinilos ng kanyang mga kapatid. Mahal na mahal niya si Sunshine at Roy, isa ito sa mga dahilan kung bakit siya nagpupursige at nagsisikap sa buhay. Ang maiangat at maialis sa hirap ang kanyang pamilya at bukod sa pangarap na yun may mas  malaking dahilan pa ang kanyang pagsisikap ngunit sinasaloob na lamang niya ito. Ni minsan hindi siya katulad ng iba na kinukuwento kung ano ang nasa puso at isip niya. Ang tanging naakaalam ng lahat ng kanyang agam – agam sa buhay ay ang kanyang mga matalik na kaibigan na si Edward, Marilyn, Darwin at Paul. Bihira silang magkita ni Edward dahil ito ay nag-aaral sa syudad na di tulad nila na nag-aaral sa bayan nila mismo. Ngunit hindi ibig sabihin na di na sila nagkikita o nagkakausap man lang.  Tuwing Biernes o Sabado nagkakausap sila at nagkakasama lalong lalo na kung sila ay pupunta sa sa bukid upang manguha ng mga bungang kahoy at kasama na dun ang niyog, upang ang iba ay ibenta at ang iba naman ay pinagsasaluhan nilang magkakaibigan at inuuwi ang iba sa kani-kanilang pamilya. Ganoon kasimple ang pamumuhay sa bayan nina Carlo, Edward, Marilyn, Darwin at Paul. Simple ngunit alam nila na sila ay masaya lalong lalo na kapag araw ng Linggo. Kapag araw ng Linggo nagkakayakagan ang magkakaibigan na maligo sa ilog. Ang ilog na iyon ay matatagpuan sa isang liblib na lugar na kung saan babagtasin ang kahabaan ng matarik na bundok. Inaabot sina Carlo sa paglalakad ng mahigit kinse minute. Siyempre pa, dahil sanay na sila sa paglalakad dahil nasa baryo sila nakatira, hindi na nila inaalintana ang pagod. Bagkus, habang naglalakad sila namimitas pa sila ng mga bayabas at ito ay kinakain nila habang sila ay naglalakad. Hindi nagtagal sila ay nakarating sa ilog. Mabato ngunit makikita na ang tubig nito ay mala kristal sa sobrang linis at linaw. Malaking pasasalamat na lamang nila, at hindi pa iyon natutuklasan ng ibang tao o lalo pa nang mga bakasyonista, dahil kung hindi malamang hindi nila masasarili ang lugar at paniguradong sobrang dami sana ng tao sa oras na iyon. Nagpahinga lamang ng ilang minute ang magkakaibigan at pagkatapos sila ay lumusong na sa tubig na ubod ng lamig.  Makikita na tila walang problema ang magkakaibigan, masaya at nagtatawanan na nagtatampisaw sa ilog. Tanging maririnig ang mga huni ng ibon at ang echo ng kanilang mga tinig at halakhak sa oras na iyon. “Edward, balita ko muntik ka nang maka iskor dun sa chicks sa kabilang baryo.” “At sino naman na magaling ang nagkuwento niyan saiyo Paul?” “Basta! Huwag mo nang alamin kung sino. Totoo ba?” Tanong ni Paul kay Edward. “Sus! Huwag kang magpapaniwala sa mga nababalitaan mo. Sa itsura kong ito may papatol kaya?” Pagtatanggol ni Edward sa kanyang sarili. “Huh, painosente ka pa brod! Ikaw pa! Sa ating mga magkakaibigan ikaw ang lapitin at matinik sa lahat.” Pangbubuska ni  Carlo kay Edward. “Hoy! Grabe kayo kay Edward. Pinagtulungan na ninyo ni Paul. Hahahaha.” Basta ako Edward kakampi mo ako.”  Pagtatanggol ni Darwin kay Edward. Sa ganoong klaseng usapan ang bawat isa ay hindi nagkakapikonan dahil kilala na nila ang isa’t isa. Dahil naniniwala sila na kapag pikon ay lagging talo.  Pagkatapos ng ilang oras, sila ay nagkaayaan ng umuwi dahil hindi sila pwedeng abutin ng alas kwatro ng hapon sa paliligo sa ilog, may mga kanya – kanya pa silang mga gawain sa bahay na dapat gawin. Bukod dun, bukas ay Lunes at may pasok silang lahat sa eskwelahan. Kaya hindi nagtagal sila ay muling naglakad upang umuwi na. Sa pag-uwi nilang yun sila ay may mga dalang gulay na kung saan ito ay kinuha nila sa mga dinaraanan nila at ang iba naman ay mula sa tabi ng ilog. Habang sila ay naglalakad masaya silang nagkakantahan.   Kwentuhan na kabulastugan Hindi malilimutan ang asaran Na mayroong pikunan Lalo na rin ang unang niligawan Unang kabiguan At dyan nagseseryoso ang usapan Ang pagdadamayan Nang tunay at tapat na Kaibigan O mga buang Kaibigan Lubhang maaasahan Oh Di na tayo pabata Edad mo di nahahalata Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa Pero kahit ganun Barkadang matatag hanggang sa ngayon Minsan man magkita Tiyak may kwela Yan ang aking mga tropa Inuman na pangmagdamagan Minsan inaabot pa ng ayaan Na kung saan-saan Na para bang walang kinabukasan At kahahantungan At dyan nagseseryoso ang usapan Ang pagpapayuhan Nang tunay at tapat na Kaibigan O mga baliw Kaibigan Namang nakakaaliw Oh Di na tayo pabata Edad mo di nahahalata Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa Pero kahit ganun Barkadang matatag hanggang sa ngayon Minsan man magkita Tiyak may kwela Yan ang aking mga tropa Di na tayo pabata Edad mo di nahahalata Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa   Paulit ulit nilang kinakanta ang kanta ng Siakol, nariyan pa na may nasisintunado pero di nila inaalintana yun basta ang alam nila masaya sila sa oras at hapon na iyon. Eksaktong alas tres ng hapon nakauwi na ang bawat isa. Siyempre pa, pagakatapos magbanlaw ng katawan si Carlo, nagumpisa na siyang magluto ng hapunan ng sa gayon maaga silang makakain at maaga din makatulog dahil lahat sila ay may pasok sa eskwela. Sa ganoong sitwasyon at gawain, makikitang ganado si Carlo sa kanyang ginagawa, pakanta kanta at minsan pasipol sipol pa siya habang nagluluto. Sabi nga ng mga matatanda, kapag masaya at nasa puso ang pagluluto siguradong masarap ang kalalalabasan o resulta ng nilulutong ulam. Hindi rin nagtagal sa pagluluto ng ulam si Carlo at dumating na ang kanyang mga kapatid, nanay at lola. Si Sunshine ang naghain ng pagkain sa mesa at sabay sabay na niyang tinawag ang kanyang mga kapatid, nanay at lola. Siyempre pa hindi nanila aasahan na makakabaya nila ang kanilang tatay sa hapunan dahil once in a blue moon lang naman iyon dumating.  Masayang dumulog sa hapag kainan ang pamilya ni Carlo at bago sila nag-umpisa kumain sila ay sabay sabay na nanalangin para sa magpasalamat sa biyayang kanilang natatangap araw – araw. Pagkatapos magdasal, nagumpisa na silang kumain at katulad ng nakasanayan nariyan na sila ay minsan na nagkukuwentohan, at ang bagay na iyon ay hindi maaalis sa kaugalian ng mga Pilipino. Pagkatapos kumain, ang bunsong kapatid nina Carlo ang naghugasan ng pinagkainan.  Dahil alas syete na nang gabi ang lahat ay tumungo na sa kanilang mga kwarto upang matulog. Nahiga at nakatulog si Carlo na may mga  ngiti sa labi na animo walang mga nangyari sa mga nagdaang araw.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD