UMUWI bandang alas onse y medya si Derek at ang kanyang anak sa bahay ni Sapphire dahil binilin siya ng dalaga na huwag mahuhuli para sa tanghalian. Naabutan nilang handa na ang pagkain sa hapag at abalang nanunuod ng palabas na ‘The Witcher’ si Sapphire sa sala.
“Mama!” tuwang tuwa at nasasabik na sigaw ni Drake pagkakita sa ina nito sabay takbo at sunggab ng yakap dito.
Hinagkan sa noo at magkabilang pisngi ni Sapphire ang kanilang anak. Niyakap nito pabalik bago humiwalay para magtanong.
“Saan kayo galing ng Daddy mo?” masuyo nitong tinanong ang unico hijo.
“Sa park po malapit sa dagat, Mama. I am happy po kasi I learn how to fly a kite!” masiglang sumagot si Drake at malalaki pa ang mga mata habang nagkukumpas kung paano niya itinuro rito ang paghawak sa lubid.
Hinaplos ni Sapphire sa buhok ang anak at kinuha nito ang kalong na face towel para punasan ang basa sa pawis na anak nila. Hindi rin niya kasi napigil kanina na magtatakbo ito sa paligid ng burol at naghabulan silang mag-ama ilang saglit pagkatapos nilang magpalipad ng saranggola. Kaya heto, pareho silang pawisan ngayon.
“So, nag-enjoy ba ang aking baby boy?” she further asked.
“Opo!” maagap na sumagot ang bata habang hinahayaan ang ina nito na punasan ang mga pawis nito sa mukha, ulo at likod.
Samantalang siya ay kusang kinuha ang nakahandang face towel sa armchair ng sofa kung saan nakaupo si Sapphire. Mukhang inihanda nito ang mga tuwalyang iyon para sa pagdating nilang mag-ama. Siya ang mismong nagpunas ng mga pawis niya sa katawan ngunit hindi niya maikakaila ang inggit sa anak na may tagapunas itong magandang isang tulad ni Sapphire.
“Mama, wipe mo rin ang pawis ni Daddy,” suhestiyon ni Drake kapagkuwan nang matapos itong mapunasan at natuyo na ang basang likod at mukha.
Bumaling sa kanya ang dalaga. Ilang segundo itong natahimik at tila tinatantiya kung susunod ba sa anak nila o mag-iisip ng paraan para tumanggi. Napako ang mata nila sa isa’t isa. Ang mga mata niya ay inaarok kung ano ang gagawin nito.
Nabigla na lamang siya nang tumayo ang dalaga at lumapit sa kinatatayuan niya sa gilid ng sofa. Kinuha nito ang hawak niyang face towel na hinayaan naman niyang dumulas sa kayang palad para makuha nito. Bahagya siyang natuod at hindi nakakilos matapos tumingkayad nito para abutin ang kanyang mukha at leeg atsaka sinimulang punasan.
“Mama is so sweet to you Daddy o,” kinikilig ang batang paslit sabay bungisngis pa at umupo sa puwesto ng ina nito kanina.
He glanced at him before winking as a sign of thank you for pushing his mother to him. He knows that their son did not ask him to stay in Sapphire’s home for one month just because he didn’t want to leave her just like that, and he knows very well that Drake has no plans of choosing him against his mother. His son is obviously planning to push them to each other so that they can somehow work things out and consider building their family together. He wanted that too. He wanted to become part of Sapphire and his son’s life. He wanted the three of them to become a complete happy family but he needs to find the best way possible to make it happen.
Alam niya rin kasi na mas malaki ang chances na tumanggi si Sapphire kung makikipag-ayos siya rito at yayaing magpakasal. Hindi pa siguro siya nito napapatawad sa pagkapanalo niya ng full custody rights sa anak nila nang magharap sila sa korte.
Kailangan niyang dahan dahanin ang kanyang kilos para bihagin ang dalaga at sa pagkakataon na iyan matitiyak niyang magiging madali na lang ang lahat ng iba pa niyang plano sa pagbuo ng pamilya nilang tatlo.