Chapter 12

531 Words
MALAPIT na ang tanghalian ng magpasyang umuwi ni Sapphire sa kanyang bahay. Nagpaalam siya sa kanyang ina at binilin ito na ikamusta siya sa kanyang ama na nasa bukid pa rin. Pagkarating niya sa bahay niya ay nagtaka siya matapos maabutan na walang tao. Nangunot ang kanyang noo at umibis sa kanyang sasakyan. Pumasok siya sa loob at nakumpirma niyang umalis ang mag-ama. Hindi niya nakontrol na mag-alala at mag-isip ng negatibo na baka tinangay na ni Derek ang anak niya at itinikas para ilayo sa kanya. Nagpipigil sa inis na kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng dala niyang medium size bag. Hinanap niya sa kanyang contacts ang numero ng binata at kaagad tinawagan. Wala pang ilang segundo ng sinagot nito ang tawag niya. “Hello,” bungad nito at kasabay ng pagsasalita nito ay maririnig niya ang ihip ng hangin na tila nasa bundok o mataas na lugar ang kausap. “Nasaan ka? Kasama mo ba si Drake?” magkasunod niyang tanong at naalala niyang tumingin sa ikalawang palapag sa direksiyon ng silid ng kanilang anak. Mabilis siyang naglakad at tinungo ang silid, pagbukas niya sa pinto ay wala roon si Drake maging sa playground nito na kanya ring chineck. “Dinala mo ang bata? Nasaan kayo ha? Bakit hindi ka man lang nagpaalam?” iritado at medyo nagtaas ang boses na muli siyang nagtanong. Hindi nito magawang makasagot agad dahil tila abala ito sa kabilang linya. Narinig niya ang halakhak nito maging ng kanilang anak. Tila may pinagkakaabalahan sila at hindi man lang siyang inimporma ng binata sa lakad ng mga ito. “Derek?” she called out his name. Hindi nama siya nabigong kunin ang atensiyon nito. “Yeah? Uh… We went here in the children’s park near the sea. Just a thirty minutes’ drive from your home,” nagawa nitong sumagot na halatang nawiwili ang boses nito. Mukhang nag-eenjoy ito sa pinagkakaabalahan nilang mag-ama. Mas lalo tuloy siyang na-curious kung ano ang ginagawa ng mga ito. “I am sorry if I forgot to text you about it,” he remembered to apologize. Masyado itong okupado para kausapin siya ng maayos. “Alright. Just be home not too late for lunch,” she gave him instruction then ended the call. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at tila nabunutan ng tinik ang kanyang lalamunan. Habang hindi pa naproproseso ang apela niya sa korte patungkol sa pagbawi ng kustodiya ng kanyang anak ay hindi niya hahayaang makuha ito ni Derek at mailayo. Nananaig ang pagnanais niyang manalo ngayon sa kahit na anong paraan dahil hindi niya hahayaang sa ibang babae mapunta ang responsibilidad niya bilang ina - sa babaeng napipintong pakasalan ni Derek. Hindi niya isusuko ang anak dahil tanging ito lamang ang kinakapitan niyang lakas para magpatuloy sa buhay araw-araw. Masyado niya itong mahal para pakawalan at siya ang nag-iisa nitong ina, walang sinuman ang makakaagaw sa papel niyang iyon sa buhay ng anak niya. Muli siyang bumalik sa unang palapag para tumungo sa kusina at maghanda ng tanghalian. She have one hour to prepare lunch, base sa kanyang tantiya at siyang aasahan niyang pagdating ng mag-ama galing sa parke na pinasyalan ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD