Chapter 9

518 Words
NAIINIS na ibinato ni Kate Winslett ang kanyang hawak na bote ng alak. Nabasag ito sa dingding at lumikha ng ingay. Kumalat ang bubog sa sahig ngunit wala siyang pakialam. Nakaupo siya ngayon sa sahig ng kanyang silid sa gilid ng kanyang kama dito sa inuupahan niyang condo unit sa Makati. Napasabunot siya sa kanyang buhok atsaka marahas na pinulot ang resibo na nasa tabi niya, ang kapirasong papel na naglalaman ng kanyang outstanding balance from her credit cards na dahilan nang pag-aalburuto niya. Kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos niya sa nakaraang dalawang buwan kung hindi manganganib na ma-freeze ang bank credit accounts niya. Pero saan siya kukuha ngayon nang ipambabayad sa naipong utang niya sa bangko at ang pangtustos sa mga luho niya kung nakipaghiwalay na sa kanya ang mayamang nobyo, ang sikat na business tycoon si Derek Velasco. Nakilala niya ang binata sa Japan two years ago at doon nagsimula ang kanilang relasyon, siya ang dumadalaw sa Japan sapagkat doon ito naka-base at kamakailan lang umuwi para magbakasyon dito sa Pilipinas. Nanghingi lang naman siya ng oras dito dahil nakalimutan na siya nito matapos parang kabuteng sumulpot sa eksena ang anak nito. Natiyempuhan niyang bad mood ito sa paglalabas niya ng balitang engage na sila at malapit na silang ikasal, plano niya iyon para ma-pressure sana ito. But to her dismay her plan did not work out, he ended up breaking up with her. He even wanted her to clear the news she spread all over the magazines or else her reputation will be at brink. “I hate this life!” sigaw niya sabay kawag ng kanyang mga paa sa sahig at sabunot muli sa kanyang buhok. Ang frustration na nararamdaman niya ay hindi niya magawang kontrolin dulot ng mga problemang pinagdaraanan niya ngayon. “Argh!” she shrieked loudly which echoed in her bedroom. Ano ba ang dapat niyang gawin para bumalik sa kanya ang binata? Sobrang kailangan niya ito ngayon dahil sa napakalaking problema niyang pangpinansiyal. “Should I just seduce him? Hindi pa siya tumanggi sa akin sa kama ni isang beses,” pagsasatinig niya sa ideyang pumasok sa kanyang isipan. “But the problem is how will I find his exact location? Alam kong nasa Ilocos Sur siya pero saang banda?” Ngayon lamang niya napagtanto na hindi man lang niya alam ang address ng tirahan nito sa probinsiya. Tumayo siya at nameywang. Nagpabalik balik siya nang lakad sa magkabilang sulok habang nag-iisip ng paraan. And then something popped up in her brilliant mind. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo para maligo. Nagbihis siya at lumabas ng kanyang unit pagkatapos makagayak. Sumakay siya sa kanyang kotse at pinaarangkada iyon sa kalsada papuntang company building ni Derek sa Binondo. Narating niya ang destinasyon. Nagparking siya sa parking lot sa harap ng building bago nagmamadaling nagtungo sa lobby. Kilala siya ng mga empleyado ng binata dahil ipinakilala siya nito noong magkaroon ng team building ang kompanya nito sa Japan. “Good morning, Ma’am Kate,” binati siya ng front desk receptionist. “What can I do for you?” sunod itong nagtanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD