Chapter 8

1880 Words
IT WAS a wonderful dinner for Sapphire especially that her son loves all the dishes she prepared for the three of them. Marami rin ang nakain ni Derek, that is why she assumes that he also liked what she cooked for tonight. Nagrepresenta ang binata na ito ang maglilinis sa dining area at kusina. Ramdam niya ang kapaguran ng kanyang katawan kung kaya't pumayag siya at hinayaan ito sa nais nitong gawin. Sabay silang umakyat sa ikalawang palapag ng anak niya. Inasikaso niya muna ito, she bathed him, helped him put on his pajamas and she only left when he was brushing his teeth. Pumasok siya sa sarili niyang silid at nagtungo sa closet niya upang ihanda ang kanyang tuwalya at isusuot na damit pantulog. Hindi niya tinagalan ang pagligo at paglinis sa kanyang ngipin. She chose to wear a decent pajamas. Naupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror, pinahiran niya ng lotion ang katawan, blinower niya ang kanyang basang buhok hanggang sa matuyo, at nag-apply ng beauty products sa kanyang mukha. Pagkatapos ng kaniyang night routine ay inayos na niya ang mga gamit sa ibabaw ng mesa ng kanyang vanity mirror. Doon lamang niya napansin ang isang latest women's magazine sa tabi ng kanyang mga make ups. Noong isang araw pa dumating ang magazine na ito ngunit nakaligtaan niyang pagtuunan ng pansin at basahin para maging updated siya sa mga showbiz news. Kinuha niya iyon at binuklat buklat habang naghahanap ng interesadong artikulo na magandang basahin. And that's when something caught her eyes. Mr. Derek Velasco to tie the knot with current model girlfriend Kate Ponciano? She raised her right eyebrow as she reads further about the content of the said showbiz news article. Hindi siya magsisinungaling sa sarili, nakaramdam siya ng pagkadismaya. Naging dahilan ang balitang ito upang maalala niyang umapila sa korteng ipawalang bisa ang pagkakapanalo ni Derek sa kustodiya ng kanilang anak. Hindi siya makakapayag na ibang babae ang magpapalaki at mag-aaruga kay Drake. Wala ring kasiguraduhan kung mabuting tao ang babaeng ito na nalalapit pakasalan ni Derek. Napabuntong hininga siya at pabagsak na ibinaba sa mesa ang magazine. Hinilot niya ang kanyang sentido bago kinuha ang cellphone niya sa loob ng drawer sa gitnang gilid ng vanity table. Hinanap niya ang numero ng bagong abogadong gusto niyang humawak sa kanyang pag-apila sa korte. She dialed the number and in just a few rings, he picked up the call. "Good evening, Ms. Arcillo. Bakit kayo napatawag?" bungad ni Atty. Harrith sa kanya. The old man in his mid-50's is known to be an excellent and competitive lawyer. He has won cases against influential and wealthy personalities. "I want to file an appeal to win back the custody of my son from Derek Velasco tomorrow," walang paliguy ligoy niyang sagot dito. "I get it. Magkita na lamang tayo sa korte bukas kung ganoon," anito at hinayaan niyang ito na mismo ang pumatay sa tawag. She put her cellphone back in her drawer before walking to her bed. Hindi pa siya tuluyang nakalapit sa kanyang kama nang eksaktong bumukas ang pinto at iluwa niyon si Derek. He looks happy and excited. Sinimangutan niya ito at inirapan. Hindi niya ito pinansin o kinibo. Dumiretso siyang naupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang head massager na nakapatong sa bedside table. While using the massager to relax her head, Derek suddenly spoke. "Mayroon ba akong hindi magandang nagawa? You are acting cold towards me. What is the matter?" he asked in a curious tone. "Ikakasal ka na pala pero nagawa mo pang ipagpilitang matulog sa iisang kama kasama ako. Don't you think you are being unfair?" walang pagpipigil sa sariling kinumpronta niya ito. Nangunot ang noo nito at tila hindi alam kung patungkol saan ang kanyang sinasabi. "What are you talking about? Me marrying someone? Who would that be? I only have girlfriend but fiancee. Nah," saad nito upang pabulaanan ang kaniyang paratang. Itinigil niya ang ginagawa niya at hinarap ito. "Then who's Kate Ponciano who just dropped the news all over a women's magazine?" she raised another question. "Read the article in that magazine," utos niya sabay nguso sa kinaroroonan ng babasahin. Sinundan ng binata ang direksiyon ng nguso niya. Pagkatapos nitong makita ang magazine ay kinuha nito iyon at hinanap ang pahina tungkol sa sinasabi niyang napabalitaang ikakasal na ito. "Oh! Fvck!" he cursed hard on the air when he finally read the news. "Kate knew that I will never settle down with her. What is she trying to do now?" halata ang iritasyon sa boses nito. "Malay ko ba sa inyo. Bakit hindi siya ang tanungin mo? Baka may topak," pagsasatinig niya sa laman ng isip. "At kahit girlfriend mo lang iyang babaeng iyan sana matuto kang respetuhin siya at hindi kung kani kaninong babae tumatabi sa kama," she even added. She saw him smirked. "So kani kaninong babae ka lang? Alam mo naman walang malisya ang pagtabi ko sa iyo. Nagkaroon tayo ng kondisyon, remember? I will sleep on this comfortable bed for the whole duration of my stay here or I will force to bring home my son since I won the custody anyway," he retorted. Pinaalala rin nito ang naging dahilan kung bakit napilitan siyang hayaan itong tumuloy dito sa kanyang silid. "Screw you," she whispered and then rolled her eyes at him. Ipinatong niya pabalik ang head massager sa bedside table at naiinis siyang humiga sa kama. Nawalan siya ng ganang kausapin si Derek. LUMABAS sa silid ni Sapphire si Derek at tinawagan niya kaagad si Kate. He wanted to confirm that it was really her who dropped the statement which is not really true. He was shocked with the news. Mabuti at nasabi ni Sapphire sa kanya ang patungkol doon. Kung hindi niya nalaman ay nunkang wala siyang kamalay malay na ikakasal na pala siya at pinagpi piyestahan pa ng media. "Hey, babe. Why'd you call? Namimiss mo na ba ako?" Kate answered the call and even tried to be sweet talking with him. "Can you tell me why did you release an statement that we are getting married soon? Are you out of your mind? Bakit ka magbibigay ng balita sa media nang walang katotohanan?" diretsahan niya itong kwinestiyon. Ilang segundong tahimik sa kabilang linya, hindi ito nakaimik at naghahagilap ng sasabihin. "Babe, doon din naman ang patutunguhan natin, hindi ba?" hindi nito sinagot ang mga tanong niya bagkus nais nitong ilihis ang usapin. "Kung doon ang patutunguhan natin e bakit mo ako pinangunahan? Ni hindi nga ako nagpropose sa iyo at wala nga sa mga usapan natin ang tungkol sa kasal. Come on! Alam kong alam mo noong nasa dating stage pa lang tayo na hindi ako commitment type na tao at basta basta na lang magse settle down," diretsahang saad niya. He heard her cry on the other line. "I am sorry, babe. Do not worry about it. Let me fix this tomorrow. I promise that it will be all cleared out from the news and medias," she was trying to negotiate but he had enough of her attitudes and selfishness. "No. Nakakasawa at nakakasakal ka na, Kate. Ang gusto kong mangyari ay malinis ang pangalan ko sa pekeng anunsiyong ipinagbigay alam mo sa publiko at nalathala pa talaga sa women's magazine. If you can't comply until tomorrow then I will take over. Kilala mo naman ako kapag ako ang kikilos. Mapapahiya ka ng todo," he expressed how he felt towards their relationship and warned her. "Please, babe. We can still work things out. I'll promise not to spend too much again or release any untruthful information. Hindi na rin kita gagamitin para makapasok sa extravagant parties for elites or para makakuha ng VIP passes," she was begging and using her 'paawa effect' to persuade him. "Puro ka pangakong napapako. Ikaw na mismo ang nagsabi ng mga gawain mong dahilan kung bakit hindi kailanman sumagi sa isip ko na pakasalan ka," prangkang turan niya. "I am breaking up with you. We are over. Bye," at sinundan niya pa nang pagsasabi sa kanyang pinal na desisyon. Hindi na niya ito hinintay na magsalita pa, he pressed the end call button and returned back to Sapphire's room. Nadatnan niyang tulog na ang dalaga. Minabuti na lamang niyang ihanda ang kanyang toiletries, tuwalya at pajamas bago niya tinungo ang banyo. He bathed and changed into his clothes. Matapos mapatuyo ang buhok niya ay nahiga na siya sa tabi ni Sapphire, although there's still the pillows between them. MAAGANG naghanda ng almusal si Sapphire kinabukasan. Inihanda niya ang agahan ng mag-ama sa hapag kainan at tinakpan iyon ng cloche. She left a note and pasted it on the refrigerator's door. Pagkatapos gumayak ay umalis siya ng kaniyang bahay lulan ng kotse niya. She's on her way to meet her lawyer at the court today. Iyon ang usapan nila kagabi. She needs to take action on getting back her son to her side. Hindi siya makakapayag na lalaki ito sa poder ng ama nito kasama ang magiging madrasta nito. She met her lawyer on the front of the courthouse. Sabay silang pumasok sa loob. They went on to process in filing an appeal. Maayos, walang problema at hindi gaanong nagtagal noong maipasa nila ang apela. Umalis na siya pagkatapos noon at hinayaang ang abogado niya ay umasikaso sa lahat. Mula sa courthouse ay bumisita siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Katatapos mag-almusal ng kanyang nanay at tatay. Naabutan pa niyang naghahanda ang ama niya upang tumungo sa bukid at simulan na naman ang araw nito sa pagtatrabaho sa kanilang bukirin. Nakakapagsustento naman siya ng sapat sa mga ito pero makulit ang ama niya, ayaw pa rin nitong tumigil sa pagkayod. Nagpaalam siya ama niya at umalis na ito. Samantalang naiwan siya sa sala kasama ang kanyang ina. "Kumusta na, anak? Bakit mag-isa kang dumalaw ngayon? Nasaan ang apo ko?"tatlong magkakasunod nitong tanong. "What happened for the past days is a long story, Ma. But to cut it short, Derek is currently staying in my house as per Drake's request. Iyon ang pakiusap ng anak namin bago siya tuluyang sumama sa ama niya. Hindi ko alam kung paano ipinaliwanag ni Derek sa kanya ang lahat pero mukhang hindi gaanong naiintindihan ni Drake ang mga nangyayari. Maybe, our son thought that he's making a way for us to become a complete family," she confessed to her mother. Walang naging reaskiyon ang kaniyang ina. Tahimik ito at marahan siyang tinapik sa balikat. "Mahal na mahal ka ng apo ko, anak. Sa tingin ko hindi talaga niya naiintindihan ang sitwasyon. Nakiusap lamang siguro siya sa ama niya sa pag-aakalang magbabago ang isip nito," malumanay na wika ng kanyang ina. "Siyanga po pala, kagagaling ko po sa korte para isampa ang apila para bawiin ang kustodiya ng anak ko," naalala niyang sabihin ang nilakad niya kanina bago siya nagtungo rito. "Kakayanin natin ito, anak. Mababawi rin natin ang aking pinakamamahal na apo," pagpapalakas ng loob nito sa kanya. Ngumiti siya at niyakap ito. Moments like this with her mother makes her show her weak side. Ito ang naging sandalan niya simula pa man noong siya'y bata pa. She will always be grateful to God for giving her the most sacrificial and the best mother in the world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD