THE NEXT day came.
Derek woke up alone in the bed. Medyo nainis siya noong mabungarang wala sa tabi niya si Sapphire sa kanyang pagising. Nag-inat siya saglit bago nagpasyang bumangon at ayusin ang higaan.
Pumasok siya sa banyo para maghilamos at magmumog. Paglabas niya ay siya namang pagtunog ng kanyang cellphone. Napabuntong hininga siya bago lumapit sa bedside table at sagutin ang tawag.
"Hello, babe?" bati niya sa nobya.
"You've been ignoring me lately. Ano ba talagang pinagkakaabalahan mo riyan sa probinsiya?" iritado ang boses na tanong nito.
"Can you calm down? Sinabi ko naman sa iyong abala ako sa anak ko," pabalang niyang sagot dahil hindi niya napigilang mainis na rin sa pag-uugali nito.
"Dumating lang iyang anak mo sa buhay mo e hindi mo na ako naaalalang bigyan ng atensiyon," reklamo muli nito bago pabagsak na pinatay ang tawag.
He just ignored her nagging and dropped his phone on the bed. Aalis na sana siya sa silid noong tumunog ulit ang cellphone niya. Nagpadala sa kanya ng text message ang nobya.
Kinuha niya ang cellphone at binasa ang mensahe. Mas lalo siyang nawalan ng ganang pansinin ang kaartehan nito noong nagdedemand itong magbakasyon sila sa Siargao sa susunod na linggo.
"I'm so annoyed with her!" bulalas niya at napahilot pa siya sa kanyang sentido.
As he went downstairs, the aromatic smell of sinangag and tapa seep through his nostrils. Napapikit siya dulot ng napakabangong amoy ng nalulutong pagkain. Sininghot niya ang hangin upang sundan ang aroma, hanggang sa narating niya ang kusina.
"Ano ba, Derek? Dahan dahan ka naman sa paglalakad and watch your steps." Malinaw niyang narinig ang singhal ni Sapphire.
Awtomatikong bumukas ang kanyang mga mata at hindi niya namalayang nabundol niya ang likod nito. Ito ang nagluluto ng sinangag at tapa na kanina pa niya naaamoy at nagpapakalam sa kanyang sikmura.
"S-Sorry," utal niyang paghinging paumanhin. "Matatagalan pa ba bago mo maluto ang mga iyan?" wala sa sariling naitanong niya.
"Malapit nang maluto itong fried rice, itong tapa siguro ang kailangang hintayin ng ilan pang minuto," sagot nito sa kalmado ng boses.
"Good morning, Mama!" Pumailanlang sa kusina ang masigla at masayang tinig ng kanilang anak. "Good morning, Daddy!" He greeted both of them as he approached them and gave them both a hug.
Pagkatapos yumakap sa kanilang dalawa ay nagtungo at pumuwesto na ito sa upuan nito sa hapag kainan. Nakita niyang humagikhik ito at tila nasisiyahang madatnan silang magkasama ng ina nito.
Hindi niya alam kung paano o bakit pero naramdaman niya sa sarili ang kasiyahan noong makitang masaya ang kanilang anak. Naninibago siya sa bagong responsibilidad bilang isang ama ngunit hindi niya lubos akalain na ganito kaganda sa pakiramdam na palaging nakangiti ang anak niya.
"Breakfast is ready," animo'y kumakantang turan ni Sapphire. Inilapag nito sa hapag kainan ang mga pagkain. "Oh, Derek? Ano pang tinatayo tayo mo riyan? Maupo ka na para makapag-agahan na tayo," baling nito ng atensiyon sa kanya.
Kaagad naman siyang pumuwesto sa tabi ni Drake. Sinalinan ni Sapphire ang baso nilang mag-ama ng freshly made orange juice bago ito naupo sa kaharap nilang silya. Nagdasal muna silang tatlo. Pinangunahan ng kanilang anak ang pagdarasal.
"Papa God, thank you po sa foods sa aming table for our breakfast. Thank you rin po dahil kompleto kaming family ngayon, kasama ko po si Mama at Daddy. I am very happy po and I pray to you our good health po and safety. Amen," it was a short but sweet breakfast prayer.
Nagsimula silang kumain at naninibago rin siya sa kung gaano kaasikaso at magsilbi si Sapphire. She would fill Drake and his plate first with the foods before she gets the food for herself. Nakikinita niyang sa bawat araw na lilipas ay mas lalo niyang masasaksihan ang pagkakaroon ng mabuting loob at pagiging selfless ng dalaga.
"May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" puna nito sa kanya noong hindi niya namalayang matagal siyang nakatitig dito.
"W-Walang dumi sa mukha mo. May naalala lang ako," sagot niya at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Hindi na ito nagsalita o nagkomento pa. Nagpatuloy ito sa pagkain, maski siya ay itinuon ang pansin sa agahan.
AFTER having their breakfast, Sapphire cleaned the dining area and the kitchen. Habang ipinagpaalam ni Derek sa kanya na isasama nito ngayong araw si Drake sa company building nito. Naghahanda na ang mag-ama sa lakad ng mga ito at marami siyang ibinilin sa binata bago siya pumayag sa hiningi nitong pabor.
Saktong tapos na siyang maglinis noong makagayak ang dalawa. Hindi maikakailang anak ni Derek si Drake, magkamukhang magkamukha ang dalawa. Wala nga atang namana ang anak nila mula sa kanya.
"Mama, aalis na kami ni Daddy. Ingat ka po dito sa house kasi mag-isa ka po today. Okay, Mama?" her sweet little boy still managed to give her an advice before leaving to enjoy the day with his father.
"Do not worry, I will take care of our son. Kokontakin kita kapag may emergency," sunod namang nagsalita si Derek.
Sa kanyang anak muna siya bumaling. Niyakap niya ito at ginawaran ng halik sa noo. "Thank you sa bilin mo, my baby boy. Magpakabait ka sa opisina ng Daddy mo ha? I will see you later. Magluluto ako ng masarap na hapunan pag-uwi ninyo, especially your favorite adobo," she said with an assuring smile. Yumakap sa kanya ito at hinalikan siya sa pisngi. Hiling niya na sana kahit lumaki na ito ay ganito pa rin ito ka-sweet at maalaga sa kanya.
"Yes po, Mama. Hindi po ako magpapasaway kay Daddy," tugon nito sa kanyang bilin. She smiled again as a reply.
Matapos ang usapan nilang mag-ina ay dumako naman ang atensiyon niya kay Derek.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho at huwag kayong masyadong gabihin sa pag-uwi. And please, keep a close watch to Drake," aniya.
"Aye aye, captain," Derek jokingly answered and he even salute to her. May nasisiyahan pa itong ngisi sa mga labi dahil kinagigiliwan siya nitong asarin. "Nakabisado ko na nga ata ang lahat ng mga bilin mo kanina. I am his father, ofcourse I do not want anything bad to happen to him," turan nito upang mapanatag ang loob niya at pagkatiwalaan niya ito. "We should go now. We will be home before five noon."
The two waved goodbye at her and then went to the garage. Lumulan ang dalawa sa kotse ng binata. Bumusina muna ito bago tuluyang sumibad paalis ang sasakyan.
Napabuntong hininga siya habang nakatanaw sa papalayong kotse. Hindi siya magsisinungaling, oo ito ang pangarap niyang buhay. Ang maging isang masayang pamilya sila ngunit alam niya sa kanyang sarili na imposible iyon dahil hinding hindi siya magagawang mahalin ni Derek. Kailangan niyang tanggapin sa kanyang sarili na ang una niyang pag-ibig at hanggang ngayon ay siya pa ring laman ng puso niya ay isa lamang pangarap na mahirap abutin.
Iwinaksi niya ang isipin at nagtungo sa kanyang working room. Ipinagpatuloy niya ang paggawa ng mga panibagong desinyo. Malapit na ang deadline kung kailan siya dapat magpasa. Bubusisihin pa ito ng mga higher ups bago magkaroon ng final and offcial set of designs na irarampa sa fashion show kung saan siya ang bibida bilang fashion designer sa likod ng magagarbong likha.
Tumigil lamang siya sa trabaho noong malapit na ang tanghalian. Nagluto siya ng pasta carbonara na siyang kinain niya sa oras na iyon habang tinawagan niya si Derek at kinamusta ang anak. Behave at mabait naman daw si Drake pero maraming tanong dahil sa mga bago sigurong bagay o bagong environment na nasilayan nito. Their son is a very curious cat and he has an eye for everything. He wanted to know and discover new things. She loves that about their little boy because it is good way for him to expand his knowledge in an early age.
He worked for another two hours after her lunch. Binilisan niyang tapusin ang trabaho niya sa araw na ito dahil kailangan pa niyang mamalengke para sa ihahanda niyang hapunan nilang tatlo mamaya. Nagsabi pa man din siya sa kanyang anak na lulutuin niya ang paborito nitong putahe.
Kulang dalawang oras ang ginugol niya sa pamimili ng mga kailangan niyang sangkap sa plano niyang ihandang hapunan. Her menu is chicken adobo, pork menudo, and relyenong bangus, all are Drake's favorite. Inabala niya ang sarili sa pagluluto at hindi namalayan ang paglipas ng oras.
The clock exactly ticks at five noon when she heard Derek's car parking on the garage. She went to meet the two on the doorway. Bumukas ang pinto at pumasok ang sobra sa kasiyahang unico hijo nila. Tumatakbong lumapit ito sa kanyang gawi at yumakap sa kanya ng mahigpit.
"How's your day, baby?" she asked while looking contently on her son's face.
"I had a great and fun day, Mama! Daddy's employees are so fond of me. They played with me. Me and Daddy ate lunch with them at Jollibee because I am craving for the yummy burger and chicken joy," pagkukuwento nito habang nagniningning sa galak ang mga mata nito.
"Pumayag kang kumain kayo sa Jollibee?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Derek at ito ang kanyang binalingan.
"Well, yeah. It was our son's wish. Who am I to say no? Atsaka masarap naman pala ang mga nasa menu nila. It is just a small thing, hindi naman ako ganoon kaarte sa pagkain," kibit balikat nitong sagot na tila hindi iyon big deal.
"Salamat at pinagbibigyan mo ang anak natin. I am really grateful from the deepest of my heart. This is all I want for Drake, for him to be always happy," emosyonal at naluluha niyang saad.
"Mama, don't cry. Please," pakiusap ng anak niya habang marahang hinihila ang laylayan ng kanyang damit.
"I am not crying, baby. This is tears of joy because I always see you happy again. That is all Mama want to see," she leaned down and wiped the tear that had fallen to her cheeks. Noong magpantay sila ng kanyang anak ay nanggigigil niyang hinagkan ito sa pisngi, ilong at leeg. Nakikiliti ito humahagalpak sa tawa at pilit inilalayo ang labi niya rito.
"Mama, this is too much kiliti. Stop na po," he was laughing loudly while trying to plead her to stop in between his laughs.
Huminto naman siya at tumayo. Ginulo niya ang buhok nito. "Okay, I already stopped. Go and play muna sa playroom mo while I prepare our dinner," inutusan niya ito na kaagad siyang sinunod.
Nagpaiwan si Derek at napansin niyang titig na titig na naman ito sa kanya. Nangunot ang noo niya at pinaglagitik niya ang kanyang mga daliri sa harap ng mga mata ng binata. Kumurap ito at natauhan.
"Anong tinitingin tingin mo riyan, ha?" nagtataka niyang tanong.
He cleared his throat before speaking. "Nothing. Sige na, bumalik ka na sa kusina at baka masunog ang mga niluluto mo. Magpapalit lang ako ng damit tapos sasamahan ko si Drake," sagot nito na halatang umiiwas sa kanyang katanungan.
Nagkibit balikat na lamang siya at pumanhik muli sa kusina upang ipagpatuloy ang iniwang niluluto. Tiyak na sobrang masasarapan ang anak niya at magaganahang kumain dahil puro paborito nito ang mga ulam at putahe.