SAPPHIRE cooked dinner after the small argument between her and Derek. Sadyang mapilit ang binata na ayaw nitong tumuloy sa maid's room. Sa huli, napapapayag siya nitong sa kuwarto niya ito matutulog sa isang buwang pananatili nito sa kanyang bahay.
They had a peaceful meal together with their son. Siya ulit ang naglinis sa kusina pagkatapos nilang kumain. Nanunuod sa sala ang mag-ama noong umakyat siya sa kanyang silid upang maligo. She took a cold shower and changed into her night gown.
Nagulat na lamang siya noong nabungaran niya sa loob ng kanyang silid si Derek paglabas niya sa banyo.
"If you don't want to sleep with me then you can have the maid's room all by yourself," arogante nitong saad.
Nadatnan niya ang binata na abala sa pag-aayos ng mga gamit nito sa kalahating bahagi ng kanyang closet. Ngunit hindi nakaligtas sa mga mata niya ang paghagod ng tingin nito sa kanyang katawan.
"That red night gown is hot on you," he complimented with accompanying smirk on his face.
Magsasalita pa sana siya ngunit nilagpasan na siya nito at tuluy tuloy na pumasok sa banyo bitbit ang tuwalya at toiletries nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang naiinis na nagpapadyak sa sahig.
"He's irritating as hell!" she blurted out.
Iwinaksi niya ang inis dito at tinungo na lamang niya ang kanyang vanity table. She applied her favorite beauty products on her face and lastly put on her scented lotion on her body. Ito ang nakagawian niya sa tuwing naghahanda sa pagtulog.
Kung hindi lang talaga siya pinagbantaan nitong ilalayo ngayon si Drake ay baka nasipa na niya ito palabas kanina.
Bago siya mahiga ay nilagyan muna niya ng unan ang pagitan ng kama. Sa kanang bahagi siya matutulog samantalang sa kaliwa si Derek.
"Why are you putting pillows on the middle? Parang hindi naman natin nagawang matulog sa iisang kama noon," puna ng binata na kalalabas sa banyo at nagpupunas ng buhok. Tanging pajama pants ang suot nito. She was tempted upon seeing his well-built body. Napalunok siya at kumurap upang pigilang matukso lalo.
"T-That is the point. Noon iyon. Matagal nang nangyari," kontra niya sa sinabi nito.
Hindi ito nagsalita pa at tahimik na lumapit sa closet. Kinuha nito ang hanger upang isampay doon ang tuwalya nito bago ibalik sa pagkakasabit sa hook.
Naupo ito sa gilid ng kama, wala pa ring imik, at nakatalikod sa gawi niya. Kung kaya't ang likod lamang nito ang kanyang nakikita.
"Bakit natahimik ka na riyan? Ano bang iniisip mo?" hindi niya napigilang magtanong.
Umikot ito paharap sa kanya. Titig na titig ang mga mata nitong walang emosyon. Kumabog ng mabilis ang puso niya dahil sa nerbiyos at kaba.
"M-May problema ba? Bakit ganiyan mo ako titigan?" utal niyang tanong ulit.
"I have many things in mind right now. Few of those many things are the questions I long to ask you," turan nito sa malumanay na boses.
"Puwede mo naman akong tanungin ngayon. Sasagutin ko," matapang niyang pagbibigay pabor dito.
"Hindi ka magsisinungaling?" may pag-aalinlangan nitong paninigurado.
"Magiging tapat ako at pawang katotohanan ang isasagot ko. Para saan pa na magsisinungaling ako ngayon," diretsahan niyang wika.
"First question, why did you fake your identity when we met in Japan?" wala na itong paliguy-ligoy at kaagad sinimulan ang pagtatanong.
"Kasi alam kong kinamumuhian mo ako bilang si Sapphire your great ugly stalker. Natakot ako na baka hindi mo ako pansinin sa oras na magpakilala ako kaya naisip kong ibahin na lang ang pangalan ko sa gabing iyon," walang pag-aalinlangan siyang sumagot.
"And why are you in Japan anyway?" he brought up another question.
"Doon ka na tumira, hindi ba? At ilang taon kang hindi bumabalik sa Pilipinas. Ako naman itong si gaga na nasasabik sa iyo kaya nagpasya akong magbakasyon sa Japan para hanapin at makita ka," she spoke directly from the heart and from what is the truth. This is the only chance she can clarify things with him.
Tumikhim muna si Derek bago nagpatuloy sa interogasyon. "Do you really plan to seduce me that night?" ang naging bagong katanungan nito ang nagpatulala sa kanya saglit at hindi siya kaagad nakaimik. Ngayon lang din niya napagtanto ang kalandiang iyon na nagawa niya sa tanang buhay niya.
Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi bago nagkalakas loob na basagin ang katahimikan. "Wala iyon sa plano ko pero hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa katawang lupa ko at umukilkil sa utak ko na dapat sa gabing iyon ay mapasaakin ka — either by hook or by crook," she confessed.
Isang namamanghang tingin ang rumehistro sa mukha ng binata. "Then why did you left me even before morning came? Kung gusto mo palang mapasaiyo ako, bakit bigla kang nang-iwan ng walang pasabi?" bumalik ito sa pagiging seryoso at tumaas din ang tono ng pagtatanong nito.
"I have to," tipid niyang turan sa namamaos na boses.
"Why?" agaran nitong pagkuwestiyon.
"I chose my career over you," lumabas ang kasagutan sa kanyang mga labi na nagpamaang kay Derek. "Nakatanggap ako ng email mula sa sikat na clothing brand sa Paris noong mismong gabi matapos may mangyari sa atin. My job application for the vacant position in that company was accepted and I was given only forty-eight hours to report personally to their office. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at iniwan kita para lumipad sa Paris. Napagtanto ko rin na mas importante ang pangarap ko kaysa sa pagnanais na makuha ang puso mo," she explained herself.
"You could have still told me about it, right? Pero hindi mo ginawa. Itinago mo pa nga ang pagbubuntis mo sa anak natin," pagsasatinig nito sa hinanakit. Mukhang hindi pa rin humuhupa ang pait at galit nitong nararamdaman sa kanya.
"I-I am sorry," utal at tanging nasambit niya. "Alam kong isang malaking pagkakamali ang pagtatago ko sa iyo tungkol kay Drake. Tahimik at masaya na kasi ang buhay naming mag-ina noon. Naisip ko rin na ayokong makaistorbo sa buhay mo dahil ang dami kong nababalitaang papalit palit ka ng mga girlfriends," muli siyang nagbitaw ng pahayag.
"Para lamang ba sa pansarili mong interes ang hindi pagsasabi sa akin ng tungkol sa anak natin? Do you realize how selfish you are?" he blurted out again his suppressed feelings.
"H-Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Kung pagiging makasarili sa iyo ang ginawa ko puwes wala na akong mababago sa pananaw mong iyan. Ang gusto ko lang malaman mo ay ginawa ko iyon para protektahan ang anak natin. Ayokong ipangalandakan diyan sa mga papalit palit mong mga nobya na may anak ka sa pagkabinata tapos kamumuhian nila si Drake. Gusto ko lang na malagay sa tahimik ang buhay naming mag-ina," ipinagtanggol niya ang sarili mula sa akusasyon.
Doon natapos ang usapan nilang dalawa. Walang ni isa ang nangahas na umimik pa sa kanila. Sabay silang bumiling patalikod sa isa't isa. Alam niyang hindi siya nagsisisi sa anumang nagawa niya sa nakaraan. Kung kailangan ay uulitin niya iyong gawin dahil tiwala siya sa kanyang sarili na para iyon sa kapakanan ng kanyang unico hijo.
THE NEXT morning, Derek woke up first before Sapphire. He realized how he misunderstood her for the past years. Pero masakit pa rin sa kanyang damdamin ang ginawa nitong pang-iiwan sa kanya at pagtatago ng katotohanan. Ang pinagkaiba lamang pagkatapos ng kanilang usapan kagabi ay gumaan ng kaunti ang mabigat niyang isipin at dalahin. Kahit papaano nalaman niya rin ang dahilan nito at hindi magtatagal mapapatawad niya rin ito.
He went downstairs, straight to the kitchen. Para makabawi sa mag-ina ay nais niyang gawan ang mga ito ng agahan. He chose to make egg tarts for the sweet, then the main dishes are tapa and egg fried rice. He made fresh orange juice for their drinks.
It was not long before the two, Sapphire and their son, woke up. Magkasunod na dumating ang mga ito sa kusina. Pareho pang pupungas pungas ang mga ito at halatang inaantok.
"Y-You made breakfast again?" utal na puna ni Sapphire.
"Yes. I want to make up for the both of you," diretsahan niyang sagot sa dalaga habang hinuhubad niya ang suot na apron. Pagkatanggal sa nakaharang na saplot ay tumambad ang hubo't hubad niyang pang-itaas na katawan.
"Good morning, Mama," malambing na sumabad sa kanila si Drake. Una nitong binati ang ina at nagpahalik naman dito si Sapphire sa pisngi. Sumunod na lumapit sa kanya ito upang siya naman ang lambingin. "Good morning, Daddy," he greeted him while he leaned down so his son could kiss him on the cheeks.
Aaminin niyang unti unti siyang nasasanay sa buhay may pamilya. Magaan at sobrang saya sa pakiramdam. Isang bagay na parang biglang kumumpleto sa buhay niya.
"Good morning din, my boy," he greeted him back as he ushered him to sit on his chair. Ginulo niya rin ang buhok nito bago sinalinan ng pagkain at inumin ang baso't pinggan nito.
"Siyangapala, may trabaho ka ba ngayong araw?" biglang nagtanong si Sapphire. Nakaupo na ito sa harapan nilang mag-ama at nagsimula ring maghain ng pagkain sa sarili nitong plato.
"Wala naman akong gaanong gagawin ngayon. I'm free for the whole day. Why?" sumagot siya at nagtatakang nagtanong din.
"I'll be very busy kasi at baka hindi ko gaanong maasikaso si Drake. Gusto ko sanang humingi ng pabor na kung maaari ikaw na muna ang bahala sa kanya. Marami pa kasi akong tatapusing mga final designs na kailangan kong ipasa sa company na pinagtatrabahuan ko. I was only given a week to comply," pagbibigay alam sa kanya ng dalaga.
"Okay. No problem. I can handle my son and take full responsibility," tila isang maliit na bagay ang hinihinging pabor nito na pumayag siya.
"Tsaka I'm a big boy na, Mama," singit pang saad ni Drake.
"Yes I know, anak," malumanay na tugon ni Sapphire sa bata. She seems to agree just to avoid making him feel bad about his statement.
Pumasok kaagad sa working at sewing room nito si Sapphire pagkatapos nilang mag-agahan. Sila tuloy mag-ama ang naghugas at nagligpit ng kanilang mga pinagkainan. It was fun because he was doing it with his son.
"Daddy, can you teach me how to ride a bicycle?" biglang nakiusap ang anak niya noong nagpapahinga sila saglit sa sala at nanunuod ng cartoons na palabas sa telebisyon.
"Yes. Why not?" he agreed immediately. "Malawak naman ang garden ninyo rito kaya perfect para maturuan kitang mag-bike."
"Pero, Daddy," akala niya matutuwa ito sa kanyang pagpayag ngunit nalungkot ito. Napayuko pa ito at tila nahihiyang magsabi.
"What's the matter?" he asked full of concern in his voice.
"Wala na iyong bike ko po. Sira na at hindi pa nakabibili ng bago si Mama," pagsasabi nito sa bagay na ikinalungkot nito at problemang iniisip.
Napangiti siya at ginulo ang buhok nito tulad ng kanyang nakagawian sa tuwing natutuwa siya sa asal nito.
"Hindi iyan problema, anak. Let's go," he cheered him up and then pulled him up the couch. Inaya niya ito patungong garahe, papunta sa kanyang kotse.
"Saan tayo pupunta, Daddy? Baka magalit si Mama kasi hindi tayo nagpaalam sa kanya," pagsasatinig nito sa agam agam.
"Hindi magagalit ang mama mo dahil ibinilin ka niya sa akin. At bibili lang naman tayo ng bike," pagpapanatag niya sa loob nito.
Pumasok sila sa kanyang sasakyan. Umalis sila at nagtungo sa pinakamalapit na bicycle shop. Maraming magagandang klase ng bisekleta roon. Hinayaan niyang pumili ng bike niya ang anak niya habang siya ay tumingin din ng bike nila ni Sapphire.
After buying their bicycles, he drove back home. Saktong nakarating sila sa bahay at inaayos nila ang mga nabili nilang bisekleta noong lumabas si Sapphire. Nakita nito ang ginagawa nila. Natuwa rin ito noong matanggap ang regalo niyang kabibili nilang bike para rito.
Hindi nakapaghintay si Drake at kaagad itong lumulan sa bike nito. Ginabayan at tinuruan niya naman ang anak hanggang sa lubos siyang humanga dahil mabilis itong natuto. Kaya na nitong sakyan ang bike nito mag-isa habang pabalik balik at pumapalibot sa hardin.
"Do you want to learn how to ride a bike too?" bumaling siya kay Sapphire na matamang nakamasid sa anak nila.
"S-Sige. Para hindi sayang ang pagbili mo nitong bisekleta. Pero saglit lang kasi babalik din ako sa trabaho ko mamaya. Nagpahangin lang ako saglit dito sa labas," pumayag ito at pumwesto sa bike nito samantalang nakaalalay siya rito.
"Steady ka lang at relax," payo niya. Ginawa naman nito at ginabayan niya ito sa pag pedal. Noong maramdaman niyang kaya na nitong balansehin mag-isa ang bike ay unti unti niya itong binitawan. Ngunit hindi niya lubos akalain na magugulat ito sa ginawa niyang pagbitaw sa bike dahil nag panic ito. Napabitaw ito sa manibela at sumemplang ang bike nito. Tumakbo siya kaagad upang saluhin ito bago pa man ito mahulog sa damuhan.
He succeeded. Nasalo niya si Sapphire at nakadagan na ito sa kanya habang siya ang nakahiga sa damo. Ang likod niya tuloy ang masakit. Mabuti na lamang dahil nakaangat ang ulo niya at hindi kasama sa tumama sa matigas na lupa.
"Ayos ka lang, Derek?" puno ng pag-aalala ang boses na untag sa kanya ni Sapphire.
"Mama! Daddy!" their son called out for them as he was running to approach them.
Sabay silang tumayong dalawa mula sa pagkakatumba sa damuhan. Pinagpag nila ang kanya kanyang mga damit at katawan.
"I'm fine," ilang minuto ang lumipas bago niya nagawang sumagot sa tanong ni Sapphire.
"How about your head? How's your back?" tanong muli nito. "Hindi ba masakit?"
"Daddy, ayos ka lang po?" even Drake asked with so much concern in his tone.
"Hey, you two, I swear I'm fine," saway niya sa mag-ina at ngumiti pa siya upang alisin ang pag-aalala ng mga ito.
"Pumasok na muna kayo sa loob kung ganoon. Let me make some snacks na rin," yakag sa kanilang mag-ama ni Sapphire at nauna itong pumasok sa loob.
Sabay silang nagkibit balikat ni Drake at abot taenga ang mga ngiti nilang sinundan ang dalaga papasok sa bahay.