DEREK TOOK a day off from his work just to prepare his son's room. Nais niyang maging handa ang lahat bukas na susunduin at kukunin niya ang anak kay Sapphire. He won the custody battle and he won't waste anymore time to get his son by his side.
Naisip niyang ilang taon din ang nasayang na hindi niya naibigay dito ang pagmamahal at aruga ng isang ama. He wanted to gave him that affection, attention, and love. Hanggang ngayon may galit pa rin siyang nararamdaman kay Sapphire sa pagtatago ng identidad nito noong nagtagpo sila sa Japan at lalong lalo na ang pagtatago nito sa pagbubuntis nito.
"Would you like a darker blue or a lighter blue on this side, Sir?" untag ng interior designer na binayaran niya upang tulungan siya sa pag-aayos ng silid.
"Lighter blue would be the best. Gusto ko na maaliwalas at spacious ang magiging silid ng anak ko. I like your ideas but thank you for asking me about which color of the paint to use on the walls," sagot niya.
"No worries, Sir," tipid na tugon nito at bumaling sa mga kasamahan nitong construction workers. Naabala na ang mga ito sa pag-aayos ng bawat sulok ng silid, at ang paglalagay ng mga gamit sa loob.
Ang ginawa niya ay obserbahan ang trabaho ng mga ito at panaka-nakang nagbibigay ng kaunting suhestiyon sa dapat baguhing ayos.
It was exactly three in the afternoon when all of the work was done. Nagpaalam ang interior designer at ang mga kasama nitong trabahador. Sinabi nitong handa na ang silid bukas at madaling matuyo ang pinturang ginamit ng mga ito.
He thanked them as he ushered them out of his house. He paid them through bank account transfer.
Pagbalik niya sa loob ng kanyang tahanan ay tumunog ang kanyang cellphone na nakapaibabaw sa mesita sa sala. Lumapit siya roon at sinagot ang tawag. Mabilis niyang sinipat nang tingin ang screen ng aparato at nakitang ang girlfriend niya ang caller. Napameywang siya bago sinagot ang tawag.
"Yes? Hello?" bungad niya sa kasintahan.
"I've been calling you since eight in the morning. Why don't you pick up your phone?" reklamo kaagad ang ipinambungad nito, lalo pa't naiirita ang boses nito.
"I'm busy," walang gana at tipid niyang tugon.
He heard her heaved a deep sigh loudly. "Ano ba iyang mas importanteng bagay na inaatupag mo riyan sa Ilocos Sur? Iniwan mo ako rito sa Manila ng wala man lang pasabi. This is the worst," birada pa nito.
"Winslett, can you please stop nagging me right now? Ang mas importanteng bagay na inaatupag ko ngayon dito sa probinsiya ay ang anak ko," he blurted out what keeps him busy.
Narinig niya ang pagsinghap nito sa kabilang linya. "What?" malakas nitong tanong at tila hindi naniniwala. "What did you just say?" muli nitong tanong.
"You heard it right. Abala ako sa anak ko ngayon," pag-uulit niya sa unang sinabi.
"P-Paano?" utal nitong bulalas. "I mean, you never mentioned me about this when we started dating years ago."
"I'm sorry babe. I just found out that I had a son recently. Hindi ko alam na may nabuntis ako five years ago at itinago iyon ng babae sa akin," he confessed.
Muli itong nagbuntong hininga. Alam niyang prinoproseso ng utak nito ang mga isiniwalat niya. "Can you come back here in Manila so we can discuss this? Natatakot ako na agawin ka ng mag-inang iyan sa akin," she then demanded.
"I can't, babe. Naipanalo ko ang custody sa anak ko sa korte at kukunin ko na siya sa poder ko bukas. I'm busy working with it."
"Yeah. Whatever," masungit na tugon ng kanyang kasintahan at binabaan siya ng tawag. Mukhang nagtampo ito ng todo.
Ipinagkibit balikat niya iyon at ibinulsa ang kanyang cellphone. He returned back to his son's room to have a final look at it. He was impressed and he was excited to bring his son here tomorrow.
BUMALIKWAS nang bangon si Sapphire mula sa isang masamang panaginip na wala na si Drake sa kanyang bahay. Mabilis siyang lumabas sa kanyang silid at kaagad tumungo sa silid ng anak. And to her surprise, wala roon ang anak niya!
Napasabunot ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng kanyang buhok. Nanginig rin siya sa nerbiyos at takot na nagkatotoo ang kanyang panaginip. She immediately rushed downstairs while shouting her son's name.
"Drake! Anak!" hysterical niyang sigaw sa nanginginig na boses. "Drake!" mas nilakasan niya ang pagtawag dito habang unti unting nanghina ang kanyang mga tuhod. Napaluhod siya sa sahig ng sala.
"Mama?" nagtatakang tawag ng anak niya sa kanya.
Nag-angat siya nang tingin sa harapan at nagningning ang mga mata niya. Nagsilaglagan ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Hinila niya ito at mahigpit na niyakap.
"Where have you been? God! Tinakot mo ako, anak. Akala ko iniwan mo na ako," dire-diretso niyang hayag.
Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang ulo at ang marahan nitong paghalik sa kanyang noo.
"Nasa kusina lang ako, Mama," wika ng kanyang anak.
"You woke up very late," pumailanlang ang baritonong boses ng pamilyar na tao. Nagmula ang tinig di kalayuan sa likuran ng kanyang anak.
Nangunot ang noo niya at bumaling sa nagsalita. She was shocked to find out who it was.
"D-Derek?" nanlaki ang mga matang namutawi ang pangalan ng binata sa kanyang bibig.
"Who else?" sarkastiko nitong tanong.
"Bakit ka narito?" tanong niya pabalik sa matapang na tono.
"I've won the custody battle, right? Ano sa tingin mo ang gagawin ko rito?" imbes na sagutin ang tanong niya ay binigyan pa siya nito ng palaisipan. Nalungkot siya matapos mapagtanto ang ibig nitong sabihin.
"I-I get it," sumusukong turan niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa anak.
"Daddy, came early today po. Mahimbing ang tulog mo, Mama, kaya hindi ka namin ginising. You look very tired and we want you to have enough rest. Kami na lang ni Daddy ang nagluto ng breakfast and we ate together. Nagluluto na nga po kami ng lunch," masayang nagkuwento si Drake na mukhang proud sa ama nito.
Doon lamang niya napansing nakasuot ng apron ang dalawa. She glanced at the wall clock hanging above the couch in the living room. Napakagat siya sa pang-ibabang labi nang makitang alas onse na pala at malapit na ang pananghalian.
"I'm sorry, baby. Sobrang late akong natulog kagabi dahil marami akong tinapos at in-adjust sa mga designs ko," paghinging paumanhin niya sa anak.
"I understand po, Mama," magalang na tugon nito.
But then he heard Derek tsked. "I can't believe this. Paano mo naaalagaan ng tama ang anak ko sa nakaraang limang taon kung irresponsible ka naman pala," panghuhusga nito sa kakayahan niya bilang ina. "Kung hindi pala ako dumating edi nagutom ang anak ko dahil hindi ka nagseset ng alarm clock para mapakain sa tamang oras ang anak ko," matigas at mariin pa nitong saad.
Napamaang siya sa mga sinabi nito. "This was the first time that this happened. Kung hindi ka dumating edi sana ginising ako ng anak ko tulad ng nakagawian namin. My son is my alarm clock," sumbat niya.
"Mama. Daddy. Nag-aaway po ba kayo?" emosyonal at naiiyak na tanong ni Drake.
"Hindi," sabay silang sumagot ng binata.
"Then why are shouting at each other?" tanong uli ng anak nila.
"I'll just check the pasta. Baka ma-overcook," Derek found an excuse and left the room.
Siya naman ay ibinaling ang atensiyon sa anak. She smiled at him before she stood up. Ginulo niya ang buhok nito.
"Pasensiya ka na kung nagsigawan kami ng Daddy mo. It's just a small misunderstanding," pagpapaliwanag niya.
Yumakap sa tuhod niya ito at tiningala siya. He has a puppy eyes look in his face as he looked up at her.
"Please, Mama, makipagbati ka na kay Daddy. Mabait siya at ngayon ko lang siya nakasama," pakiusap nito.
Matagal bago siya nakasagot sa pakiusap ng anak. "O-Okay. Mama will do it for you," she agreed.
Pagkatapos magluto ng pananghalian ni Derek ay tahimik silang nagsalong tatlo. Ngunit ramdam niyang puno ng kasiyahan at tuwa ang anak nila dahil kapiling na nito ang ama.
NANATILI si Derek sa kusina habang naghuhugas ng pinagkainan nila si Sapphire. Iniwan sila ni Drake dahil nagpaalam itong maliligo at magbibihis sa silid nito. This is the perfect timing to talk with the mother of his son.
"Ako na ang bahala rito," malamig na turan ng dalaga. "Salamat nga pala sa pagluluto ng almusal ni Drake, at para sa tanghalian nating tatlo," nahihiya nitong wika.
Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito bagkus isinandal niya ang kanyang puwet sa gilid ng kitchen counter malapit sa lababo. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at pinakatitigan si Sapphire.
"I will take Drake out for the rest of the day," nagsalita siya pagkalipas ng ilang segundo.
Napatingin sa gawi niya ang dalaga at tila inaarok ang iniisip niya. Halatang natatakot ito sa maaari niyang gawin. Lalo na ang ilayo rito ang bata.
"Don't worry. Hindi ako katulad mo na hindi ipinagpapaalam ang tungkol kay Drake," pasaring pa niya. "Look. Gusto ko lang makasama ang anak ko at i-treat siya sa mall," he even raised his voice in annoyance. Mukhang hindi pa rin naniniwala ang ekspresiyon sa mukha nito.
"O-Okay," utal nitong saad atsaka ibinalik ang atensiyon sa mga hugasin. "Go on. Basta ibalik mo siya bago magdilim," mayroon pa itong bilin.
"Why am I even asking you for consent? Ako na pala ang may hawak ng buong kustodiya sa anak natin. It should be the other way around," bago siya umalis sa kusina ay nagawa pa niyang magparinig.
Aakyat na sana siya sa ikalawang palapag ngunit nakita niya ang excited na anak. Pababa ito sa hagdan habang may hawak na toy car sa isa nitong kamay.
"Let's go, Daddy?" anyaya nito sabay hawak sa kanyang kamay.
He smiled and replied, "Yup! It's Daddy and Drake's day out!"
"Yehey!" ang masayang boses nito ay pumailanlang sa buong sala habang nagpapadyak ito at isinasayaw sa ere ang kamay na may hawak na toy car.
"Bibilhin natin ang lahat ng gusto mo," dagdag pa niya na mas lalong nagpalawak sa ngiti ng anak.
They went inside his car. He drove to the nearest mall. Una silang nagpunta sa arcade center at naglaro. Iilan ang pinili niyang laro na babagay sa edad ng anak.
Naglaro sila sa Basketball Arcade Game Machine. Dahil hindi nito abot ang mga bola at ang basket kung saan ipapasok ang bola ay kanya itong binuhat. Nagtulungan silang dalawa mula sa pabuhat ng bola at ang paghagis niyon papasok sa basket. They were lucky to score eight.
Sunod silang pumunta sa Driving Arcade Machine. Kinandong niya ito at hinayaang ito ang magkontrol sa manibela. Ginagabayan niya ito habang nagmamaneho at nakatingin sa screen kung saan nito kinokontrol ang sasakyan. He let him play four times but Drake only won once.
Huli silang nagtungo sa Whack a Mole Arcade Machine. Hinayaan lamang niyang mag-enjoy ang anak sa pagpalo sa bawat butas na nilalabasan ng mga hayop. He let him play four times again but unluckily he didn't won at all.
Lumabas sila sa arcade center at inilibre niya ito ng ice cream in a cone. Naupo sila sa indoor bench habang inuubos ang ice cream. Noong matapos sila ay pinunasan niya ang marumi at malagkit na kamay ng anak gamit ang nabili nilang wipes.
Nagpasya na silang pumunta sa toy shop at bilhin ang lahat ng mga laruang gusto ng anak. Noong masiguradong nailagay na nila ang lahat ng nagustuhan nito sa shopping cart ay nagbayad na sila at umalis sa mall.
He now drove his car on their way to his house.
"Bakit po iba itong dinaraanan natin, Daddy?" nagtanong si Drake na nakaupo sa passenger's side.
"Pupunta muna tayo saglit sa bahay ko. Kukuha ako ng mga gamit ko para manatili sa bahay ng mama for a month, right? Tulad ng pakiusap mo na samahan muna natin siya kahit isang buwan lang?" sagot niya rito.
"Oo nga po pala, dapat kukunin niyo na ako kaninang umaga. Thank you po, Daddy, kasi mabait kayo," his son had said in a very sweet voice.
After getting all his needed things, clothes and personal belongings at his place, they went straight back to Sapphire's home. Ipinasilip niya rin kanina kay Drake sa bahay niya ang kuwarto nito at natuwa siya dahil lubos nitong nagustuhan iyon.
"Hello po, Mama!" bati ng anak nila kay Sapphire noong naabutan nila itong hinihintay sila sa sala. Hinagkan nito ang ina at naglalambing na niyakap.
Samantalang siya ay abala upang ipasok ang mga pinamili nilang mga laruan kanina sa mall.
"Ang dami naman yata niyan," puna ni Sapphire sa mga binili nila.
"What my son wants, my son gets," malamig niyang tugon dito.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata niya ang rumehistrong pagkagulat sa mukha ng dalaga noong makita nito ang pinakahuli niyang ipinasok sa sala. Iyon ay ang kanyang malaking maleta at isang maliit na traveling bag.
"What are those for?" she questioned.
"I will stay here for a month as of our son's request. Kung ayaw mo naman ay madali akong kausap. Aalis ako pero isasama ko si Drake. I have full custody rights of our son, remember?" pananakot niya sa rito.
"W-Well..." hindi ito diretsong makapagsalita. "Basta sa maid's room ka tutuloy," hanggang sa nagbigay din ito ng kondisyon.
He thought for a minute before rejecting her offer. "Ayoko sa masikip na lugar. I wasn't born to stay in that kind of room. I'll stay in your room instead," pahayag niya.
"What?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Sapphire.
"Take it or Drake and I will leave now?" he asked. Naghahamon siya at alam niyang mananalo siya.
Tahimik naman ang anak nilang nakaupo sa couch at inaasikaso na lamang ang mga nakabalot na laruan.
"Fine," pagsukong sang-ayon ni Sapphire at padabog na iniwan sila sa sala.
Pinanuod niya ito habang naglalakad ito patungong kusina.
"Daddy, please, huwag kayo palagi mag-away ni Mama," narinig niya ang malungkot na boses ng anak.
Lumapit siya rito at ginulo ang buhok nito. "This will be the last one. Sorry, son," he agreed and kissed him on the forehead. Masyado niyang mahal ang anak upang hindi pagbigyan ang mga kahilingan o kagustuhan nito.