ALAS SIYETE ng gabi umuwi sina Sapphire at kanyang anak. Sa bahay ng kanyang mga magulang kasi sila naghapunang mag-ina. Natuwa ang kanyang ama noong madatnan siya nito pagkauwi nito galing bukid.
Nag-iisang anak siya kung kaya't sila ni Drake ang kasiyahan ng mga ito. Maraming pinagdaanan ang kanilang pamilya. Salat sila sa buhay noon at naghihikahos ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi siya masuportahan ng mga magulang sa mga pangarap niya. Nagsumikap siya at ngayo'y naiahon sila sa kahirapan.
Pagdating nilang mag-ina sa sariling bahay ay inutusan niya ang anak na maligo at magpalit ng damit pantulog. Sinunod siya nito habang siya ay pumasok muna sa kanyang working and sewing room na katabi lamang ng kanyang silid.
Binuksan niya ang Desktop atsaka nagtungo sa kanyang e-mail. Tumambad sa kanya ang napakaraming mensahe galing sa pinagtatrabahuan niyang fashion boutique at magazine agency. Lahat sila ay humihingi ng updates tungkol sa mga susunod niyang ilalabas na desinyo sa publiko.
Kahit umuwi siya dito sa Pilipinas at nagdesisyong maging hands on mother ay hindi siya tumigil sa pagtatrabaho. Nagkaroon ng agreement sa pagitan niya at ng mga kompanyang kanyang pinagtatrabahuan na maaari siyang mag-work from home.
Kailangan lamang niyang mag-comply sa itatalagang deadlines ng mga ito. Ipapasa niya ang kanyang mga designs for evaluations hanggang mapili ang final designs. Ang mga napili ng mga evaluators ang susundin niyang disenyo para tahiin at gawing mga bagong damit na ilalabas nila sa merkado.
Nagdesisyon siyang ipagpatuloy bukas ang kanyang trabaho. Kailangan niya ng sapat na tulog ngayong gabi dahil nakatitiyak siyang ilang araw siyang magpupuyat sa mga susunod na gabi para habulin ang deadline.
Kinabukasan, maaga siyang bumangon at nagluto ng agahan. Nais niyang handa na ang almusal ng kanyang anak dahil hindi na niya ito maaasikaso mamaya kapag nagsimula na siyang magtrabaho. Kinain niya ang parte niya sa kanyang niluto bago siya naligo at nagpalit. Pagkatapos ay nagtungo na siya sa kanyang working and sewing room.
Three hours had passed, tons of crumpled papers were scattered on the floor of her working area, and she only finished four designs on that span of time.
"I really can't focus at all," she mumbled to herself. Sa katunayan, hindi niya magawang ituon ang buong atensiyon at pansin sa trabaho dahil hindi mawaglit sa isipan niya na anumang oras ay maaaring dumating si Derek para kunin si Drake mula sa kanya. Aaminin niyang sobra ang kaba, at takot na nararamdaman niya kahit noong kahapon pa.
"Good morning, Mama," malakas ang boses ng bibo niyang anak noong batiin siya nito. Lumingon siya sa pintuan at nakita itong nakadungaw sa likod ng hindi gaanong nakabukas na pinto.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Lumapit siya rito upang yakapin at gawaran ng mabilis na halik sa ulo.
"Good morning din, anak," she greeted her little gentleman back. "Kumusta ang tulog mo?" kapagkuwan ay nagtanong siya.
"Maayos po ang tulog ko, Mama. Nagugutom na nga po ako e," sumagot ito at nagreklamo sa kumakalam na sikmura. Sadyang malakas kumain ito na kanyang ikinakatuwa.
"Nakahanda na ang almusal mo sa dining kitchen, anak. Puntahan mo na lang doon at tanggalin ang takip," she gave him instructions.
Yumakap ito sa tuhod niya at tumingala sa kanya. "Thank you po, Mama. Pupunta na po ako sa kusina," malambing nitong tugon bago bumitaw at akmang aalis.
"Oh? By the way, did you brush your teeth, and tidy up your bed?" pinigilan niya ito saglit noong maalala ang ilang katanungan para rito.
"Ofcourse, I did po," maagap nitong sagot at ngumiti pa na animo'y proud sa sariling maliit na accomplishment.
"Good job, anak," papuri niya. "Sige na, tumuloy ka na sa kusina at kumain. You can go to your playroom afterwards so you can get yourself entertained," mayroon pa siyang huling habilin bago ito hinayaang tuluyang umalis.
"Yes po!" narinig niya ang sigaw nito bilang sagot nang nakalayo na ito sa kanya.
She went back to work immediately as soon as her son left to eat his breakfast. Sumisilip siya saglit sa kanyang cellphone upang tignan ang oras. Noong sumapit ang alas dyis y kinse ay tumigil siya sa trabaho.
Nagtungo siya sa kusina at nagluto ng tanghalian. Kasabay ng pagluluto ay isiningit niyang hugasan ang mga pinagkainan nila kaninang agahan.
Saktong natapos niyang lutuin ang tinolang manok, at tortang talong noong bumaba si Drake mula sa playroom nito. Ang kanin ang nauna niyang naluto at naihain na sa hapag kainan. Inayos niya ang kanilang mesa at tumulong pa ang anak niya.
"Wow! These are my favorites!" masayang bulalas pa nito noong makita ang mga niluto niyang ulam.
"I might cook your favorite adobo, and sinigang tomorrow too," masigla niyang anunsiyo.
Mas lalong nanabik at nanlaki ang mga mata nito. "Thank you po, Mama! You are really the best!"
"You're always welcome, my baby boy," nanggigigil niyang turan at kinurot pa ang pisngi ng anak. "Maupo ka na at kumain na tayo," iminuwestra niya ang upuan at kaagad siya nitong sinunod.
Magkaharap silang dalawa at nananghalian. Puno sila ng tawanan at kuwentuhan habang masayang pinagsaluhan ang simpleng pagkaing kanyang inihanda sa araw na ito.
Tulad ng kanilang nakagawian, bumalik sa playroom nito si Drake habang siya ay maiiwan sa kusina upang maglinis ng kanilang mesa at pinagkainan. Pagkatapos ay papanhik uli siya sa kanyang working room para magpatuloy sa naudlot na trabaho.
Nasanay silang mag-ina sa ganitong buhay at set up. Ngunit mukhang magbabago ang lahat sa oras na kunin at ilayo na mula sa kanya ni Derek ang nag-iisang anak.
Masuwerte siya sa pagkakaroon ng isang masunurin, mabait, magalang, matalino, at napakaguwapong anak. Sa musmos nitong edad ay natuto itong sumabay sa agos ng kanyang busy, at hectic schedules. Ngunit sinisiguro niyang mababalanse niya ang oras bilang isang fashion designer at isang ina.
THE CLOCK ticks three in the afternoon. It means it's time for her to give her son his snacks. He went out of her working space again to go to the kitchen. She prepared fresh orange juice on a tall glass, and his Doritos Nacho Cheese chips on a bowl.
Pinuntahan niya ang playroom ng anak. Kumatok siya at pinagbuksan siya nito. She gave him his snacks on a tray.
"Have these for your break time, baby. Then bring the glass, bowl and tray back to the kitchen sink after you ate. Okay?" binilin niya ito habang maingat nitong kinukuha sa kanya ang iniaabot.
"Got it po, Mama," magalang nitong sagot.
"That's my good boy," she praised him and even kissed him on his forehead. "Babalik lang ako sa trabaho. You know where to find me when you need something," nagpaalam siya at pababa sa unang palapag noong tumunog ang doorbell sa labas ng kanilang gate.
Kumunot ang kanyang noo dahil wala siyang maalalang inaasahang bisita ngayong araw. Dumiretso siya nang lakad palabas ng kanilang tahanan at pagbuksan ang mga taong kanina pa nagpapatunog sa doorbell.
"Girls?!" nakamulagat at gulat niyang bulalas noong malaman kung sino ang kanyang mga bisita. Walang iba kundi ang kanyang mga naggagandahang limang kaibigan.
"Surprise, bessy!" sabay sabay na turan ng mga ito. Their voices are both in high pitch and loud!
Napatakip siya sa kanyang taenga at hinayaang magsipasok ang mga ito. "Nasa playroom niya ang inaanak niyo," naalala niyang sabihin bago tuluyang pumasok sa sala ang lima.
Huli siyang pumanhik pabalik sa kanyang bahay dahil isinara pa niya ang gate. Nadatnan niya ang limang mga kaibigang prenteng nakaupo sa mga sofa roon.
"Actually!" malakas ang boses na binasag ni Niana ang ilang segundong paghahari ng katahimikan sa pagitan nilang anim. "We came here to check on you and cheer you up," hayag nito sa pakay ng pagpunta ng mga ito at pagdalaw.
"Gusto naming pagaanin ang loob mo dahil tiyak na mahirap tanggapin ang pagkatalo mo sa kustodiya ng inaanak namin kay Derek," sumunod na nagsalita si Zendea.
"How do you feel right now? How about Drake? Hindi na ba siya nagtatampo sa iyo?" punung puno ng pag-aalala at concern sa tono ni Jennifer nang sunud sunod itong magtanong.
Nagbuntong hininga siya bago naupo sa tabi ni Shemira. Naluluha siyang ngumiti sa mga kaibigan. Ang puso niya ay lubos na nagagalak sa mga taong patuloy siyang sinusuportahan lalo na sa mga pagkakataong lugmok siya. Tulad lamang nitong dinadala niya ngayong problema, ang pagkatalo ng kustodiya niya sa anak at nakuha lamang ni Derek gamit ang kapangyarihang taglay ng pera.
"Mahal na mahal ko ang anak ko at isipin ko lang na malalayo na siya sa akin ay hindi na kaya ng puso ko. Kaya kung tatanungin niyo kung kumusta ang pakiramdam ko! Definitely not fine would be the answer," nagsimula niyang ilabas ang bigat na dinadala. Ilang butil ng luha ang nalaglag at nagpatuloy siya sa pagsagot sa mga tanong ng kaibigan. "The thought of Derek just unexpectedly barging in to our home and snatching my son away from me. That shatters me and my whole life for sure! Nagkaayos lang kami ni Drake kahapon kaya hangga't kaya ko ay ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para umaktong maayos sa harap niya. But I'm not gonna lie, I'm honestly nervous and in fear that any time without any warning, Derek might come to get my son," aniya at gamit ang daliri ay pinunasan niya ang luhang naglandas sa kanyang pisngi.
She saw how her friends get emotional as well. Nadala ang mga ito sa kanyang mga sinabi. Shemira even pulled her gently and gave her a tight hug. That made her feel a little better.
"Napakahirap ng sitwasyon mo ngayon, bessy," malungkot na komento ni Jessibel. Her eyes looking at her has glint of pity. "I just hope Derek would somehow cool down and think of his cruel actions," dagdag pa nito sa sinabi.
"I don't think that man would ever think of Sapphire's feelings?" masungit namang turan ni Shemira. Bumaling ito sa kanya at pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib nito. "Ang tulad ni Derek na bato ang puso ay kailanman hindi makakaramdam ng simpatya sa mga tao sa paligid niya. A selfish man!" panghuhusga pa nito sa binata.
Nagbuntong hininga siya at hinaplos ang balikat nito upang pakalmahin. Naiintindihan niyang labis din itong nasasaktan sa tuwing nasasaktan silang mga taong importante rito. Shemira is the toughest in their circle of friends but when it comes to the people who she cares the most, she's as soft as a marshmallow.
"Have you ever think of a solution to stop Derek from taking your baby boy?" Jennifer popped a question after sometime of awkward silence.
Bubuka na sana ang kanyang bibig para sumagot noong sumingit si Niana.
"What about you seduce him?!" nakamulagat at nakaturo pa si Niana sa gawi niya. It seems though her advise is brilliant enough to solve this case.
"That's a great idea!" Zendea, who is sitting next to Niana, exclaimed and agreed to what the latter had said. "Kapag nagtagumpay kang akitin siya ay ayain mo na siyang magpakasal. If you are married to him then there's no way he can take Drake away from you," she added.
Napatampal sa noo si Shemira. Nararamdaman niyang nagtitimpi ito sa inis sa naging payo ng dalawa. To break the growing intensity between her friends, she immediately spoke.
"There's no need for that, Niana and Zendea," turan niya. "My mother and I will file an appeal to the court. Ilalaban namin ito para mabawi ko pabalik ang custody sa anak ko," ibinahagi niya sa mga ito ang naging usapan nila ng kanyang ina at kung ano ang napagdesisyonan nilang paraan para maibalik ang karapatan kay Drake.
"Magiging mahirap iyan for sure. Knowing that Derek has a lot of money and he has power to pull some strings," isang negatibong opinyon ay nagmula kay Jessibel.
"Mas madali lang gawin itong payo namin ni Niana, di ba? Seduce him and then asked him to marry you," pagpaparinig naman ni Zendea.
"I totally agree with you, bes," Niana supported Zendea and they even did a high five.
Nakita niya ang pag-irap ni Shemira, palatandaan na malapit na itong maubusan ng pasensiya.
She cleared her throat and faced her friends. "Niana, Zendea, and Jessibel, I'm really sorry but taking this case into a legal way is the best thing to do. Alam naman natin na simula't sapul ay wala nang pagtingin sa akin si Derek. Ang pang-aakit at pag-aalok ng kasal sa kanya ay tiyak na hindi uubra," malumanay niyang saad.
"You did it once, right?" Niana asked.
Napakunot siya ng noo dahil hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.
"What Niana means is that you already seduced him before, right? Kaya nga nabuo si Drake e. So what's hard for you to do that again?" nilinaw ni Zendea ang naging tanong ni Niana.
Napatulala siya sa hangin at hindi kaagad nakaimik.
"You know what? Let's just have some snacks and a movie marathon? Para kahit papaano mailihis tayo sa problemang ito," Jennifer rescued them all as she suggested a better thing to do. "Nagpunta tayo rito para damayan si Sapphire, hindi ba? Kaya naman girls, let's just leave this topic for now," pagpapaalala pa nito sa pakay ng mga ito.
"I agree to that," mabilis at tipid na pagsang-ayon ni Shemira.
Nauna siyang tumayo para magtungo sa kusina. Nagsisunuran ang kanyang mga kaibigan at masaya silang anim na gumawa ng snacks. After making their snacks, they came back to the living room for a movie marathon.