Chuo and Shibuya City, Tokyo, Japan
Five years ago (2013)
DUMIRETSO sa High Five Bar sa Chuo City, Tokyo, Japan si Derek matapos ang isang emergency board meeting. As the successor of his father's oil and gas company, Velasco '86, it's his duty to make sure it dominates the world market, to stay at the top just like other oil and gas companies in the middle east, and to avoid going bankrupt.
Nahaharap sa isang malaking problema ang kanilang kompanya. Pinagdiskusyunan sa board meeting ang biglang pagbaba ng kanilang sales. Siya ang itinuro at sinisi ng mga board members dahil hindi niya tinutukan ang marketing and sales department. The marketing and sales are not aligned that's why their sales declined for almost one month.
Nabahala ang lahat at natatakot na malugi ang Velasco '86. Kahit nasaktan siya dahil sa paninisi ng mga miyembro ay nangako siyang bibigyan ng solusyon ang malaking problema. Nakumbinsi niya ang mga ito at doon nagtapos ang pagpupulong.
Para maibsan ang stress na nararamdaman ay nagpasya siyang pumunta dito sa bar. Sa alak niya iaasa ang mga alalahanin at sama ng loob kahit ngayong gabi lang.
"Hey. Do you mind if I join you?" tanong ng isang babae sa kanya. Hindi niya namalayang lumapit ito.
Nilingon niya ito sa kanyang kanang gilid at siya'y napangisi. Sexy! Ito ang unang salita na pumasok sa kanyang isipan matapos hagurin ng tingin ang kabuuan ng estranghera. Bukod sa magandang hubog ng katawan ay hindi maikakaila ang napakaganda at nakakaakit nitong mukha.
"Please. Join me, Miss. I badly want a company," inanyayahan niya ito. Naupo naman ang dalaga sa kanyang katabing stool sa harap ng bar counter.
Hindi niya napigilang malagok lahat ang laman ng kanyang rocks glass. Nakapako ang kanyang mga mata sa estranghera at nakaramdam kaagad siya ng pag-iinit sa katawan. Ngunit habang tumatagal na nakatitig siya sa mukha nito ay nagmumukha itong pamilyar sa kanya.
"Have we met before?" he voiced out the question playing in his mind.
Natigilan ito ngunit kaagad ding ngumiti ng mapang-akit. Inilapit nito ang mukha sa kanya sabay nanghahalinang pinaglaruan ang kanyang necktie. "No. This is the first time that I have met you," she answered near his ear. That sends chills inside his bones and it is rather tickling.
"You're gorgeous," wala sa sariling namutawi ang mga salitang iyon sa kanyang mga labi.
Bumitaw at lumayo sa kanya ito. Umorder ito ng cocktail drink bago muling bumaling sa kanya.
"Not as gorgeous as you," she compliments him back.
He felt his cheeks flushed so he averted his gaze and looked in front. He called the bartender to order a martini again.
"What's your name?" she raised another question.
"Derek Velasco," he looked at her when he answered. "How about yours?" then he asked her as well.
"Sa -" she stopped talking in mid-air. She seemed to fall into a deep thought before speaking again. "It's Jasmine. Jasmine Cortez," she introduced herself. At once she reached out her hand to him.
He took her hand and shook it. Their gaze was focused and glued to each other.
"Are you working here? You don't look Japanese by the way," pag-iiba niya ng usapan matapos ang kanilang pagdadaupang palad.
"I don't work here. I'm a tourist and a Filipino citizen," diretsang sagot nito. She sipped on her drink.
"That's great! I'm half-Filipino. I hope if possible we can speak Tagalog," he suggested.
Pinagbigyan siya ng dalaga. Nag-usap sila sa lenguwaheng Tagalog dahil magkababayan naman pala sila. Magdamag silang nagkuwentuhan at nag-inuman.
"Nakarami ka na. Tama na iyan," puna nito sa kanya. Inagaw pa nito ang rocks glass sa kamay niya at inilayo iyon.
"Wait! Gusto ko pa," umangal siya at nagpumilit kahit alam niya sa sariling hindi na niya kaya. Nagdesisyon siyang tumayo at muntik mabuwal kung hindi naging maagap si Jasmine sa pag-alalay sa kanya.
"Kailangan mo nang umuwi," she advised while she still holds him and supports him as he walks. "Mag-aalas onse na ng gabi. Ihahatid na kita," pagpresenta nito.
Napahagikhik siya at nanlalabo ang mga matang binalingan ito ng tingin. "What a lucky night for me. I've met a gorgeous and caring woman," masayang pahayag niya sa nararamdaman.
"Tama na iyang pambobola mo sa akin. Saan ka nakatira? Give me your address," anito. Nakalabas na sila sa bar at kasalukuyang naglalakad patungong parking area.
"Here," iniabot niya rito ang I. D. na nadukot niya mula sa bulsa ng kanyang slack pants. Nakalagay doon ang kanyang residential address. Kinuha nito iyon mula sa kanya bago siya pinanhik sa loob ng passenger's seat ng isang sasakyan.
Sumunod itong lumulan habang binabasa ang laman ng kanyang I. D. "Ravian Palace Shoto, Shibuya, Tokyo, Japan. What an expensive home? Nakalimutan kong bilyonaryo nga pala ang kasama ko," she murmured yet he somehow heard her but he has no energy to respond anymore.
Jasmine drove him home and while they were on their way he drifted off to sleep. He only woke up after a half hour drive. She shook his shoulders to let him know that they had reached his house.
He was dizzy and staggered as he walked. This is what he got of the amount he drank. The guard and maid opened the gate and door for them to enter. He welcomed Jasmine into his home.
But something seems to be digging inside his gut so he ran to the bathroom inside his bedroom. He vomited in the toilet bowl and flushed it afterwards. After vomiting all the contents of his stomach he felt relief.
Nagpasya siyang maligo. Naghubad siya ng kanyang mga damit at pumailalim sa rumaragasang tubig mula sa shower. Noong nagsasabon siya ng katawan at mukha ay may naramdaman siyang pumulupot sa likurang bahagi ng kanyang katawan.
Mabilis niyang binanlawan ang mukha at hinarap kung sino iyon. Nagulat siya noong makitang si Jasmine ang nakayakap sa kanya.
She smirked which made him feel hot all over his body. Even his c*ck is slowly coming to life and getting hard.
"Sh*t!" he swears under his breath after seeing that she's wearing only a bra and underwear.
"I know we're both sober now. I want to give all of me to you tonight," her voice was weak but just enough for him to hear. She wants to offer herself and who is he to deny a blessing?
"Jasmine, I'm giving you a few more seconds to back off from what you want to happen," he gives her a chance to ponder.
Mas lalo nitong pinagdikit ang kanilang mga katawan habang nakatingala ito sa kanya. "Sigurado ako sa mga sinabi ko. Tanging ikaw lamang ang nais kong pagbigyan ng aking sarili."
When she said that, he didn't waste anymore time. He immediately grabbed her neck and kissed her lips that he had earlier been enticed to touch with his lips.
He smiled in the middle of their passionate kiss because he knew it was her first kiss. That's obvious. He was her first kiss, and he was so proud.
From the passionate kiss it became a hot and impulsive one. His palms began to travel over her shapely body.
He was still able to turn off the shower while he was busy kissing her. After the water stopped falling on their bodies he lifted her up. They went out of the bathroom and he carefully laid her on the bed without even interrupting their kiss. He laid on top of her and one by one he took off the rest of her coverings.
And it happened, they shared an evening full of romance and the pleasure of love making. His pride and joy increased even more after discovering that she was a virgin. The smile on his lips could not be erased as he stared at the red stain on the white bedsheet. Proof that he was the first man to have s*x with her.
They both hugged each other until they fell into a deep sleep. He never felt this contented and peaceful before, it was only now that he met this woman and lay down to sleep with her.
Later in the morning, Derek's joy last night was replaced by irritation, annoyance, and sadness after Jasmine was not by his side. She left him and everyone in his house had no idea where she went.
She left him bewildered and confused.
DEREK returns to the present from his mind's journey in the past. The night when he and Sapphire shared a hot and passionate night.
Kasalukuyang nagaganap ngayon ang pagdinig sa isinumite niyang kaso tungkol sa kung sino ang nararapat makakuha sa custody ng anak nilang si Drake. Tatlong linggo na rin ang nakakalipas matapos lumabas ang resulta ng paternity test at napatunayang siya ang biological father ng bata. Gamit ang mga galamay at tauhan niya ay nakakuha siya ng DNA sample ng anak at siyang ginamit sa ginawang paternity testing.
Malaking pera ang inilabas niya upang masiguradong mananalo siya sa custody trial na ito. Nais niyang patunayan kay Sapphire na seryoso siya sa mga iniwang babala noong nakaraang nag-usap sila sa library.
ANG PAGDINIG para sa custody trial sa pagitan nina Sapphire at Derek ay tumagal ng dalawang oras. Halos lumabas ang puso ni Sapphire mula sa kanyang dibdib sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok niyon. Ang desisyon ng korte ay ihahayag na. Lahat ng tao sa loob ng silid ay hinihintay ang anunsiyo.
"I hereby declare that full custody of Drake Vincent Arcillo will be given to Derek Jad Velasco," the judge imposed the final decree.
The judge then announced, "This court is adjourned." The sound from the judge's loud banging of the gavel on the sound block can be heard throughout the courtroom.
While the Bailiff said, "All rise." The members of the Supreme Court left earlier before the people who are involved and participated to the hearing.
Natulos sa kinauupuan si Sapphire. Tulala at hindi makausap. Mabilis na lumapit ang mga kaibigan niya sa kanya upang yakapin siya. Nagsimula ang mga itong patahanin siya sa tahimik niyang pag-iyak.
When she noticed Derek standing up and preparing to leave the courtroom she immediately approached him. She was a little out of breath due to mixed emotions and she also lost interest in her surroundings.
But all she has in her mind is that she fails to protect Drake from losing him to her side. And that was because of the heartless man in front of her now.
Awtomatikong dumapo ang palad niya sa pisngi nito. "Wala kang puso! Ako ang ina ni Drake! Ako ang nagpalaki sa kanya at nag-aruga! Wala kang karapatang ilayo siya sa akin," malakas niyang sigaw habang nagpupumiglas sa paghawak ng dalawang guwardiya sa kanyang mga braso at balikat.
"Nasilaw man sila sa pera mo pero hinding hindi mo maaalis ang karapatan ko bilang ina ng anak ko!" malakas niyang pagbitaw ng huling mga pahayag na iyon bago siya kinaladkad ng mga guwardiya ni Derek palabas.
Sinundan siya ng mga kaibigan at inalalayang makatayo. Dahil nanghihina pa rin siya at hindi alam ang gagawin ay ang mga ito na rin ang umakay sa kanya hanggang makalabas sila sa courthouse.
DINALA si Sapphire ng mga kaibigan niya sa isang coffee shop. Nahimasmasan na siya ngunit hanggang ngayon ay pinipiga ang puso niya sa pagkatalo sa kustodiya ng anak.
"Sis, mag-aalas singko na ng hapon. Kailangan mo pang sunduin si Drake. It's been almost three weeks simula noong nagkatampuhan kayo. You should go and fetch him. I'm sure that he misses you so much," pagpapagaan ni Jessibel sa kanyang loob.
Sumimsim siya sa iced coffee na in-order ng mga ito para sa kanya. Nanatili siyang tahimik at tila pinagsakluban ng langit ang mukha.
Nagbuntong hininga si Niana sabay lapit sa kanya at malambing na yumakap. "Sa dinarami rami ng lalaki sa mundo bakit ba kailangang sa isang bilyonaryong walang puso ka pa na-inlove at nagpabuntis?" anito.
"Niana iyang joke mo, hindi nakakatulong," saway ni Zendea.
"Hindi naman ako nagbibiro, nagtatanong ako," sagot ni Niana.
"Girls, stop talking about that man. Will you?" naiinis na sita naman ni Shemira sa dalawa.
"Manahimik muna tayo at hayaang mag-emote si Sapphire. Kaya naman nating kumain at magkape ng tahimik, hindi ba?" suhestiyon ni Jennifer. Sumang-ayon ang lahat.
Hindi naman siya binigo ng mga kaibigan. Hindi na siya inistorbo ng mga ito at hinayaan siyang tanggapin ang masakit na resulta ng hearing.
AFTER having coffee with her friends and composing herself they finally decided to go home. Ngayon nga ay narito siya sa bahay ng kanyang mga magulang upang sunduin si Drake.
"Mama!" tumatakbong sinalubong siya ng anak noong pumasok siya sa salas.
"O? Anak? Ngayon ka lang naparito?" nakabuntot kay Drake na tanong ng kanyang ina.
Hindi niya pinansin ang ina dahil nakatutok ang atensiyon niya sa anak. Ngumiti siya ng pilit at niyakap ito. "I've missed you so much, anak," pahayag niya at mas hinigpitan ang yakap dito.
"Ako rin po, Mama. I'm sorry po for being a bad boy to you," tugon nito at humingi rin ng tawad.
Hinaplos niya ang ulo nito atsaka hinagkan sa pisngi. "It's okay, anak. Ang mahalaga ay hindi ka na galit sa akin at uuwi na tayo sa bahay natin," masaya niyang turan pagkatapos tapusin ang kanilang yakapan.
"Apo? Maaari bang maglaro ka muna saglit sa salas? Mag-uusap lang kami ng mama mo sa kusina," nagsalita muli ang kanyang ina at nakiusap kay Drake.
"Okay po, lola," magalang nitong sagot. Mabilis siya nitong hinalikan sa mga labi bago tumatakbong umalis.
Sabay nilang tinungo ng kanyang ina ang kusina. Magkaharap silang naupo sa hapag kainan.
"Anong nangyari? Bakit ngayon mo lang nasundo ang anak mo?" panimula nito sa interogasiyon.
"Nasaan po si Papa, Ma? Ayaw ko po sanang marinig at malaman niya ang tungkol dito," pagbibigay niya ng kondisyon.
"Nasa trabaho sa bukid. Tumulong sa mga magsasaka natin na diligan ang mga palay."
"Ma, huwag sana kayong magagalit o mabibigla pero nagfile ng kaso laban sa akin si Derek two weeks ago. Tungkol iyon sa kung sino ang nararapat sa full custody kay Drake. Sinolo ko ang problema dahil ayokong madamay pa kayo o kaya malaman ito ng anak ko," madamdamin niyang kuwento. Naiyak siya at hindi niya mapigilang maalala ang naging resulta ng hearing kanina.
Inabot ng kanyang ina ang mga kamay niya at hinawakan iyon. Habang ang isa pa nitong kamay ay pinunasan ang mga luhang patuloy na umaagos sa kanyang pisngi.
"Ano ang naging hatol ng husgado?" tanong nito pagkatapos niyang huminga at tumigil sa pag-iyak.
"Ma -" naputol ang sasabihin niya dahil kailangan muna niyang huminga ng malalim at pigilang maging emosyonal muli. "I lost the custody of my son. Nanalo si Derek, and I am going crazy thinking what to do," her voice was hoarse because she was holding back her tears again.
Nabigla ito sa kanyang sinabi. "Paano nangyari iyan? Ikaw ang nanay, dapat sa iyo ang kustodiya ng anak mo hanggang sa tumuntong siya sa legal age," nangunguntrang wika nito at hindi tanggap ang naging hatol.
"Ano pa nga ba, Ma? Nakuha sa pera ng demonyong lalaking iyon ang desisyon ng hurado. Sino nga naman ang ayaw magpasilaw sa pera ng isang bilyonaryo?"
Napabuntong hininga ang ina niya bago tumingin ng may determinasyon ang mga mata sa kanya. "Hayaan mo, anak. Magsasampa tayo ng apela laban kay Derek. Hindi ako makakapayag na kunin niya at ilayo sa atin ang aking apo," ibinahagi nito ang naiisip na plano.
Nabuhayan siya ng loob. Tumayo siya sa pagkakaupo upang lapitan ang ina at yakapin ito ng mahigpit. Nakatayo siya at nakaupo pa rin ito, sa ganoong posisyon sila nagyakapan. "Salamat dahil hindi mo ako pinapabayaan, Mama." Humalik siya sa ulo nito bago isinandal ang pisngi niya sa ibabaw niyon.