Chapter 2

2152 Words
TAKOT at kaba ang lumukob sa buong pagkatao ni Sapphire habang hinihila siya ni Derek. Pinapili siya ng binata noong aksidente silang magtagpo kanina sa bulwagan kung mag-uusap sila o magkakaroon ng paternity test. She chooses to talk with him because she doesn't want him to know that he is Drake's father. Noong dumating kasi sila dito sa eskwelahan ay biglang nawala sa kanyang paningin ang anak niya. Naging abala siya sa pakikipagkumustahan sa mga kaibigan, at mga dating guro. Alam niyang naging pabaya siya. And it is not an acceptable reason that she has been busy and lost in other people's company. Hindi niya lubos akalain na ang grupo nina Derek ang nakahanap dito. That's how she accidentally meet her first love again after five years. Ito ang araw na kanyang kinatatakutan. Ang araw kung saan magtatagpo ang kanyang mag-ama. Bumaling ang mga mata niya sa binata. Ganoon pa rin ito, walang pinagbago. Guwapo, mayaman, at babaero. Hindi lingid sa publiko ang pagiging babaero nito hanggang ngayon batay sa mga balitang papalit palit ito ng mga karelasyon. "Saan mo ba ako dadalhin?" pasigaw siyang nagtanong. "Dito!" sagot nito at hinila siya papasok sa loob ng library. Walang tao sa silid at tahimik. Mabilis nitong isinara at ni-lock ang pinto bago binitawan ang kanyang siko. Minasahe niya kaagad ang parteng iyon ng katawan dahil sa pangangalay at pananakit dulot ng mahigpit at marahas na paghawak ni Derek. Nadagdagan ang takot niya noong magsalubong ang mga tingin nilang dalawa. Ramdam niya ang sobrang galit nito sa kanya. Madilim ang anyo nito at parang gustong pumatay ng kahit sino. "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi ikaw ang babaeng nakilala ko sa High Five Bar five years ago!" paghahamon nito sa kanya. Halata ang gigil sa boses nito dahil pinipigilan nitong sumabog sa nagbabagang emosiyon. Hindi pa rin natitinag ang nag-aapoy sa galit nitong mga mata. Napayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin pa ang tingin nito. "Your silence means it's you! You faked your name as Jasmine Cortez?" pahayag nito matapos niyang hindi sagutin ang paratang. He even laughed sarcastically before talking again. "I want to applaud the deception you did to me. How many years have you driven me crazy to find someone who doesn't even exist." "S-Sorry," nanginginig sa takot niyang paghingi ng tawad. Naiiyak na siya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nanatili siyang nakayuko kaya hindi niya alam ang naging reaksiyon nito. "Sorry? Will that make up for the lost and wasted time? It won't take back to the night when I met you in Japan and before you ran away! If it weren't for Trace, I wouldn't know that your name isn't Jasmine Cortez. All this time she was just you, my great stalker before. Sapphire Arcillo," mahaba nitong litanya at tumaas ang boses nito dulot ng sobrang galit na hindi nito kayang itago pa. "That very day when I woke up and you were not by my side. I almost went crazy finding you! Do you know that?" dadag nitong paglalabas ng hinanakit. "P-Please. Calm down," pakiusap niya atsaka nag-angat muli ng tingin dito. Hilam ang kanyang mga mata sa pag-iyak dahil sa sitwasyong matagal niyang iniiwasan. Kahit labag sa kalooban ay lumuhod siya sa harapan ng binata. Kung kailangang magmakaawa siya ay gagawin niya huwag lamang nitong maisip na alamin kung sino ang ama ni Drake. "I am very sorry. Wala akong masamang intensiyon sa iyo noong gabing iyon at ang pagpapakilala ko sa ibang pangalan. Please, forgive me," umiiyak niyang pagsusumamo. Niyakap niya ito sa tuhod habang patuloy siyang tumatangis. "No! My plan to have Drake and I take the paternity test will carry on. I know that a liar like you will continue to hide the truth," mariing wika nito at binawi ang tuhod mula sa kanyang pagkakayakap. Natigilan siya at hindi nakaimik. Hindi ito maaari! Ayaw niyang malaman nito ang katotohanan. Magkakagulo lamang at malaki ang posibilidad na mawala sa kanya ang anak. "No... That's not happening," she was a little out of breath whispering to herself. Matalim niyang tinitigan ito. Wala sa kanila ang gustong magpatalo. Tumayo siya at pinagbabayo ito ng suntok sa dibdib. "Bawiin mo ang sinabi mo! You f*cker! Huwag na huwag mo akong tatakutin!" hindi niya napigilang sigawan ito at ilabas ang kanyang saloobin. Hinawakan siya nito sa magkabilang palapulsuhan upang mapahinto sa ginagawa niyang pagsuntok dito. "If I can prove to be Drake's father then get ready. I will take him from you the way I know. I'm not just joking and scaring you because I'm really going to do that," babala pa nito bago siya itulak at bitawan. Nauna itong umalis. Naiwan siyang tulala at paulit-ulit na iniisip ang mga huli nitong sinabi. NAHIHIYANG bumalik si Sapphire sa event hall matapos ang agaw atensiyong eksena nila ni Derek doon. Pinadalhan na lamang niya ang mga kaibigan ng mensahe sa kanilang group chat upang dalhin ang anak niya sa parking lot. Doon siya maghihintay at diretso silang uuwing mag-ina. "O? Anong nangyari sa pag-uusap niyo?" naunang nagtanong si Shemira matapos nilang dumating sa kanyang kinaroroonan. Hinayaan niyang dalhin muna ni Jessibel si Drake sa loob ng kotse. Noong sila na lamang magkakaibigan ang nagkukumpulan tsaka siya sumagot. "Galit na galit si Derek sa ginawa kong pagpeke ng pangalan ko five years ago noong magkita kami sa Japan," panimula niya sa pagkukuwento. "Desidido rin siyang sumailalim sila ni Drake sa paternity test. He even warned me that he will take my son away from me if the test will come out positive," laglag ang balikat at malungkot niyang hayag. They gasped when they heard what happened. Lahat silang limang mga kaibigan niya ay niyakap siya. Nagpapakita na hindi siya pababayaan ng mga ito. "That is unexpected, Sapphire," malungkot na komento ni Zendea. "Ito ang isang patunay na kahit anong pilit mong iwasan ang katotohanan ay kusa itong gagawa ng paraan. Wala tayong kamalay malay na dadalo pala sa araw na ito si Derek," nagbigay din ng opinyon si Niana. Hinahaplos nito ang kanyang likod at nakahilig ang ulo nito sa kanyang balikat. "It means that this is the right time for you to tell the truth. Unahin mo kay Drake na aminin ang lahat. Nakikiusap ako, Sapphire," Jennifer gave her a wise advice. Nagbuntong hininga siya at ngumiti sa mga kaibigan. "Thank you for being here, girls. Don't worry, sasabihin ko sa inaanak ninyo ang katotohanan mamaya pagkauwi namin sa bahay," aniya. Tinanggap niya ang payo na ibinigay ni Jennifer. Nagpasya siyang magpaalam sa mga ito at pumasok sa loob ng sasakyan. Pinaandar niya iyon at mabagal na pinausad. Ayaw niyang makauwi kaagad silang mag-ina dahil iniiwasan niyang sabihin sa anak ang katotohanan. Tinapunan niya ito ng tingin sa passenger's side. Abala itong kumakain ng burger at umiinom ng chocolate drink. Ibinalik niya agad ang atensiyon sa daan at nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Hanggang sa tuluyan nilang narating ang kanilang bahay at nakatulog sa biyahe si Drake. Noong maiparada niya sa garahe ang kotse ay nauna siyang lumabas. Binuksan niya ang pintuan sa gawi ng kanyang anak at binuhat ito. Pumasok sila sa loob ng bahay. Iniakyat niya ito sa kuwarto nito at maayos na inihiga sa kama. Nahiga rin siya at nagpasyang tabihan ito sa pagtulog. DEREK returns to the hall when he has finished expressing his hatred and pain to Sapphire. Wala siyang pakialam sa mga taong naroon kahit hanggang ngayon ay ang ginawa niyang eksena ang laman ng mga usapan. "Bro, easy lang. Alam kong masakit ang ginawang panloloko sa iyo ni Sapphire but you should know first what pushed her to do that," payo sa kanya ni Paolo noong makabalik siya sa upuan kanina. "Para saan pa? Para lokohin uli ako at dagdagan ang kasinungalingan niya?" sarkastiko niyang turan. Nagbuntong hininga si Ryan. Tumayo ito at padabog na ibinagsak ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Lumikha iyon ng malakas na tunog. Maraming atensiyon na naman ang nakuha nila dahil sa ginawa nito. "Mabuti pa ay umalis na tayo rito. Nasira lamang ang dapat ay masayang usapan natin. Let's go and have fun in my place," nagyaya si Ryan. Pumayag sila at sabay sabay silang umalis ng bulwagan. Pagdating nila sa bahay ni Ryan ay kaagad silang dumiretso sa mini bar. Naghanda naman ng pulutan ang iba bago sumunod sa kanila. Alam nilang maaga pa upang magtunggaan ngunit naiintindihan niya. Nais siyang damayan ng mga kaibigan sa paraang nakagawian nila. Sa tuwing may mabigat na dinadalang problema ang isa sa kanila ay idinadaan nila iyon sa inuman at masayang kwentuhan. He is thankful that they are here to give him support today. Kahit papaano gumaan ang kanyang pakiramdam at nakalimutan niya ang pagkamuhi kay Sapphire. Sa kabilang banda, ang isipan niya ay nanatiling nakatuon sa kanyang planong mapasailalim sila ni Drake sa isang paternity test. He is determined to know the truth. NAKATULUGAN ni Sapphire ang paghiga sa tabi ng nahihimbing na anak. Noong magmulat siya ng mga mata ay napabalikwas siya nang bangon. Nakita niya ang anak na nasa tabi pa rin niya at nakatingin lamang sa kanya. "Mama? Did that man hurt you?" nagtanong ito agad. Nakuha niyang si Derek ang tinutukoy nito. "No, anak. Hindi niya ako sinaktan. Nag-usap lang kami," sagot niya. Umayos siya nang upo atsaka niya binuhat ang anak upang kalungin. "Who's that man, Mama? Bakit sabi ng friend niya na he is my father?" muli itong nagbigay ng katanungan. Ito ang tanong na kailangang sagutin niya ng buong katotohanan. Namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Labag sa kalooban niya ang gagawing pag-amin. "Anak, I'm sorry. I'm sorry if I lied to you," nanginginig ang kanyang boses matapos magsalita. Nagtatakang tumingin ito sa kanya. Makikita sa musmos nitong mga mata ang pagkalito. "Mama, what's the matter? Don't cry please, you're making me cry too," may pag-aalala sa tinig nito. Napasimangot ito at kumunot ang mukha para pigilan ang sarili na umiyak. "His friend is telling the truth, anak. That man is Derek Velasco and he is your father," sa wakas ay naamin niya ang pinakatatagong sekreto dito. Ang pinipigil nilang mga luha ay tuluyang bumuhos. "You lied to me, Mama! Sabi mo patay na siya pero he is alive pala," he shouted while crying loudly. She knew that her lie will break his heart. Tumalon ito paalis ng kama at tumakbo palabas. Kaagad niya itong hinabol ngunit huli na siya. Nakapasok na ito sa loob ng kanyang silid. Pabagsak nitong isinara ang pintuan at ni-lock iyon. "Drake! Listen to me. I can explain," she pleaded while banging the door. Her son didn't respond to her. Nanlulumo siyang napaupo sa sahig habang patuloy na umiiyak. Kailangan niyang bigyan ang kanyang anak ng puwang upang makapag-isip. "Anak? Sapphire? Bakit ka umiiyak diyan?" sumulpot bigla ang kanyang ina. Paakyat ito sa ikalawang palapag at nadatnan siya nito sa ganoong lagay. Hindi niya alam na bibisita ito ngayong araw. Tumayo siya at tumakbo upang yakapin ito. "Ma, sorry. Derek and Drake accidentally met awhile ago. I had to tell my son the truth and he hates me now," pagsusumbong niya sa ina. Napabuntong hininga ito atsaka hinaplos ang kanyang likod. "Hindi ka kinamumuhian ng anak mo. Maaaring nagtatampo lamang siya sa iyo ngayon dahil sa ginawa mong pagtatago ng katotohanan sa kanya," pagpapaintindi nito sa kanyang pahayag. "What should I do? Baka hindi na siya lumabas sa kuwarto ko. Hindi siya dapat malipasan ng gutom o kaya baka may masama siyang gawin sa sarili niya," puno ng pag-aalalang turan niya. Bumitaw siya sa ina at muling kumatok sa pinto upang palabasin si Drake. "Anak, lumabas ka na diyan. Please. Mag-eexplain ako." Lumapit sa kanya ang kanyang ina at hinawakan siya sa balikat. Huminto siya sa pagkatok at pagtawag sa pangalan ng anak. "Ipag-empake mo ng ilang gamit ang apo ko. Kukunin ko muna siya sa bahay upang magpalipas ng sama ng loob. Sige na," utos sa kanya nito na sinunod niya. Matapos niyang mag-empake ay nakita niyang nakayakap at nagtatago ang anak niya sa likod ng lola nito. Nalungkot siya sa naging asal ng anak. "Mangungumusta sana ako sa inyo. Hindi ko naman akalaing ganito ang aking madadatnan. Palipasin niyo muna ang inyong mga sama ng loob. Ako muna ang bahala sa apo ko," wika ng ina niya bago kinuha mula sa kanya ang traveling bag na pinaglagyan niya ng mga gamit ni Drake. "Mag-ingat ka at alagaan mo ang sarili mo, anak," bilin pa nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang panuorin ang pag-alis ng mga ito. Umaasa siyang hindi aabot ng isang linggo ang pagkawalay nilang mag-ina. Hindi niya kaya iyon. Ang anak niya ang naging buhay at lakas niya. Losing him was her greatest fear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD