Chapter 1

2487 Words
NAGISING si Sapphire dahil sa kung sinong lundag nang lundag sa kanyang kama. Nagmulat siya ng kanyang mga mata. Napangiti siya bago hinuli at niyakap ang istorbong iyon. "Yehey! Gising na si Mama!" masayang bulalas ng yakap niyang bata. "Good morning, Mama," yumakap ito pabalik sa kanya sabay halik sa kanyang noo. Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti kung kaya't nanggigil siya. Pinugpog niya nang halik sa mukha ang kanyang anak. "Ew! Hindi ka pa nag-toothbrush, Mama!" reklamo nito. "Ay? Hindi good boy ang ganiyan. Ang bango ko nga e,"pagtatanggol niya sa sarili. Kiniliti niya ito at sobrang lakas nang halakhak nito habang pilit iwinawaksi ang kanyang mga kamay. This four year-old boy is her son. He is none other than Drake Vincent Arcillo. "Hahaha! Mama, tama na please! Hahaha!" pakiusap nito kaya tumigil na siya sa pangingiliti rito. Ginawaran niya ito ng halik sa pisngi sa huling pagkakataon. Matapos ang harutan nilang mag-ina ay bumaba sila sa kusina. Nagsepilyo muna siya upang hindi na magreklamo ang kanyang anak. Magkatulong silang dalawa na nagluto ng kanilang agahan. Sa nakalipas na limang taon mula noong dumating sa buhay niya si Drake ay wala na siyang mahihiling pa. Wala siyang pakialam sa babaero nitong ama. Kahit sabihing baliw na baliw siya sa lalaking iyon. Natapos silang mag-agahan kaya inutusan niya ang anak na maligo at maghanda. Naghugas muna siya ng mga pinagkainan nila bago siya naligo at nagbihis. Magtatatlong taon na rin mula noong bumalik siya kasama si Drake dito sa probinsiya nila sa Pilipinas. Halos dalawang taon silang nanirahang mag-ina sa Paris dahil sa kanyang karera sa Fashion Industry. Isinakripisyo niya ang namamayagpag na propesiyon bilang isang Fashion Designer upang ibigay ang kanyang buong atensiyon sa anak. Ngayong araw nga ay magdiriwang ang paaralan kung saan siya nagtapos ng high school. Ipagdiriwang nila ngayong 2018 ang 37th Foundation Day at Alumni Homecoming. Masaya siya dahil magkikita kita na naman sila ng mga batchmates niya. Lalo pa't nasasabik rin siyang makita muli ang mga matatalik niyang kaibigan mula highschool magpahanggang ngayon. Ilang buwan ring nawalan sila ng mga komunikasyon. Sa eskwelahang din iyon nag-aral at nagtapos ng sekondarya ang ama ng kanyang anak. Ngunit kompiyansa siyang hindi ito dadalo dahil sa nakalipas na dalawang taong nagdiwang ang paaralan nila at palagian silang mag-ina upang dumalo ay hindi ito sumipot. Balita niya nasa Japan pa rin ito at mukhang walang balak o walang oras bumalik ng Pilipinas. "Mama! I'm ready!" pasigaw na tawag ni Drake sa kanya. Naku! Mukhang naiinip na naman siguro ang anak niya sa paghihintay na matapos siyang magbihis. Binilisan niya ang mga kilos at kaagad bumaba sa sala para hindi mag-alburoto ang kanina pa excited niyang anak. "Pasensiya kung pinaghintay ka ni Mama, anak. Halika na sa garahe at baka ma-late tayo," humingi siya nang paumanhin atsaka ito tinawag. Sinigurado niyang nai-lock niya lahat ng pintuan sa kanilang bahay bago sila lumabas at nagtungo sa garahe. Naunang sumakay sa passenger's side ang anak niya. Inilagay muna niya sa backseat ang mga gamit na dadalhin nila bago siya sumakay sa driver's seat. Binuhay niya ang makina at pinausad ang sasakyan. Inilabas niya sa garahe ang kotse at pinatigil iyon sa harapan ng gate. Gamit ang remote control ng gate ay binuksan niya iyon upang mailabas niya ang sasakyan. Pagkatapos mailabas ang sasakyan ginamit niyang muli ang remote control upang isara ang kanilang gate. Pinausad niya ang kotse sa katamtamang bilis lamang nang pagmamaneho. Kulang na isang oras ang magiging biyahe nila upang marating ang kanilang destinasyon. Malayo ang bahay na kanyang nabili sa eskwelahan kung saan siya nag-aral noon. Ang bahay ng kanyang mga magulang kung saan dati siyang nakatira ang mas malapit doon ngunit mas pinili pa rin niyang bumukod silang mag-ina. Sa kadahilanang magkapareho ng barangay kung saan nakatira ang kanyang mga magulang at ang ama ni Drake. Naalala niyang nagtanong sa kanya noong mag-aapat na taong gulang ang kanyang anak. Itinanong nito kung sino at nasaan ang ama nito. Ang tanging sagot na ibinigay niya ay wala na ito at matagal na itong patay. Nanlumo at nanlamig sa kanya ang anak noon dahil sa nalaman nitong impormasyon. Kahit naaawa siya sa anak ay wala siyang ibang pagpipilian. Sa kanyang labis na kagustuhang mailayo si Drake sa sarili nitong ama ay kailangan niyang maging mahigpit dito at magsinungaling. MAAGANG gumising si Derek dahil mayroon siyang event na kailangang daluhan. Magdiriwang ang St. Antoninus Institute, kung saan siya nag-aral ng elementarya hanggang sekondarya, ng ika-37th na foundation day at alumni homecoming nito. Kararating lamang niya noong isang araw dito sa Pilipinas galing Japan. Sa unang pagkakataon mula noong lumipad at tumira siya sa Japan ay ngayon lamang siya makakadalo sa nasabing pagdaraos. Tapos na siyang gumayak at kasalukuyang nag-aagahan siya sa kusina kasama ang mga katulong. Isang bahay ang binili niya sa subdivision malapit sa barangay kung saan siya dating nakatira. Nais niyang bumukod ng tirahan at humiwalay sa kanyang magulang. Sa edad niyang dalawampu't anim ay nararapat lamang na nakadepende siya sa sarili. "Saan po ang lakad ninyo ngayon, Senyorito?" tanong ng isa sa tatlong kasambahay, si Manang Dolor. "Dadalo po ako ngayon sa gaganaping pagdiriwang ng eskwelahan kung saan ako nagtapos ng elementarya at sekondarya, Manang. First time ko pong pupunta at excited na ako," sagot niya habang naglalagay ng scrambled eggs at toasted bread sa kanyang plato. "Tiyak na matutuwa ang mga dati niyong guro pati ang dating mga kaklase't kaibigan ninyo na makita kayo, Senyorito," komento naman ni Manang Elen. "Maganda po itong desisyon ninyong magbakasyon at bigyan ng oras ang inyong sarili," hayag ni Manang Olga habang inilalapag nito ang tinimplang kape para sa kanya sa mesa sa gilid ng kanyang kaliwang kamay. "Siyangapala, salamat po at bumisita kayo rito sa aking bahay upang ako ay asikasuhin. Alam kong marami kayong naiwang trabaho sa mansiyon ni Dad," naalala niyang pasalamatan ang tatlong kasambahay. Hindi niya talaga kinuha ang mga ito upang maging katulong sa kanyang bahay. Ang mga ito ang nagrepresentang pumarito at isakripisyo ang mga gampaning naiwan saglit sa mansiyon ng kanyang magulang. Mula pagkabata ay napalapit na siya sa mga ito kaya kung ituring siya'y parang isang tunay na anak. Nagkuwentuhan sila habang nag-aalmusal. Pagkatapos ng agahan ay nagpaalam siya sa mga itong pupunta na siya sa dadaluhang pagdiriwang. Dumating siya sa eskwelahan, at pumarada muna sa malawak na parking lot. Habang naglalakad patungong event hall ay may biglang umakbay sa kanya. Kaagad niyang nilingon ang gumawa niyon at laking tuwa niya noong makilalang si Vernon iyon. Isa sa kanyang limang mga matatalik na kaibigan noong hayskul. "Vernon? Bro?" bulalas niya at hinila ito upang yakapin. Tumawa ng mahina ang kaibigan sabay yakap pabalik sa kanya. Tinapik pa nito ang kanyang likod. "Kumusta na, Velasco?" tanong nito noong matapos silang magyakapan. Nagpatuloy na rin silang maglakad. "Ayos lang naman. Halos ilang buwan din na madalang tayong makapagkamustahan. Sobrang naging abala tayo sa kanya kanya nating mga buhay," sagot niya rito. "Sinabi mo pa. Minsan ay nakaka-stress na rin ang tambak na trabaho," pagsang-ayon nito sa kanya. Nagbuntong hininga pa ito. "How about you? Kumusta na rin?" naalala niyang itanong. "Heto, stress nga sa trabaho at pressured sa pagmamadali ng Daddy at Mommy na gumawa na ako ng sarili kong pamilya," halata ang magkahalong lungkot at inis sa boses nito. Tinapik niya ito sa balikat upang pagaanin ang loob. "Come on, bro! Let your parents be. Ganiyan talaga sila dahil ayaw nilang tumanda kang mag-isa at walang mag-aalaga sa iyo," payo niya rito. He tried to cheer him up. Hindi siya nabigo dahil rumehistro ang ngiti sa labi nito. Muli siya nitong inakbayan habang patuloy nilang tinutumbok ang daan patungong event hall. Isang hallway na lang ang kanilang lalakarin at mararating na rin nila ang destinasyon. "Thanks, bro. You never fail to bring positive vibe," he thanked him as they enter the big wide hall. Nakita nilang halos malapit ng mapuno sa loob at marami pa rin ang nagsisidatingan. May sumalubong sa kanilang event organizers at tinanong kung anong batch sila. Sinagot nila ang mga ito. May binigay sa kanilang bottled water at papel na naglalaman ng mga gaganapin sa programa. Pagkatapos ay inihatid sila ng isa sa mga staffs patungong designated area depende sa batch kung saan sila nabibilang. Pareho silang natuwa ni Vernon noong sinalubong sila ng tatlo pa nilang mga matatalik na kaibigan noon. Sina Ryan, Trace, at Paolo. Si Howard ang napansin nilang wala. "Derek! Vernon!" nagagalak na bulalas ni Paolo sa pangalan nilang mga bagong dating. Sinunggaban pa sila nito ng isang mahigpit na yakap. Hanggang sa lumapit rin ang dalawa pa at sumama sa group hug. Tumagal lamang iyon ng ilang segundo. Isa isa silang bumitaw sa yakap at naupo sa mga bakanteng upuang nakapalibot sa round table. "Akalain niyo iyon? Ako pa rin ang pinakaguwapo sa ating anim," biro ni Ryan na ikinaismid ng mga kaibigan nila habang siya ay tinawanan ito. "Ang sabihin mo hanggang ngayon ay overconfident ka pa rin," Trace objected sabay bato ng hawak nitong bottled water kay Ryan. Nasalo naman iyon ng huli, binuksan at ininom ang laman na tubig. "Where's Howard by the way?" nagtanong siya upang mailihis ang usapan. "He went to the comfort room to pee," sagot ni Paolo. "O? Nandiyan na pala siya!" turan ni Ryan atsaka may itinuro sa kanilang likuran habang abala itong isinasara ang takip ng ininuman nitong bottled water. Sabay sabay silang apat na lumingon sa itinuturo nito. Nakita naman nila ang papalapit nilang kaibigan at kulang sa kanilang lima, si Howard. "Why is he carrying a kid? Is that supposed to be his son?" pagtataka ni Trace. "Oh my gosh! No way!" bulalas nina Vernon at Ryan. "The kid is too cute to be his son," pahayag ni Paolo sa naisip. Siya ay nanatiling tahimik at bumaling din ang kanyang mga mata sa bitbit na bata ng kanilang kaibigan. Hinintay nila itong tuluyang makalapit. "What's up, everyone?" masiglang bati ni Howard sa kanila. "Who's that kid?" walang paliguy ligoy na tanong ni Ryan. "Ah? This kid?" anito sabay ipinakalong nito sa kanya ang buhat na bata. Nais niya sanang magreklamo ngunit pinigilan niya ang sarili dahil baka magtampo ang bata. "He is Derek's son," sagot nito at animo'y sigurado sa sinasabi. Walang halong biro o pag-aalinlangan. "What?!" bulalas nilang lima. Maski siya ay nagulat sa sinabi nito. Paanong nagkaroon siya ng anak na wala man lang siyang kaide-ideya? Napakaimposible. "Velasco! What's the meaning of this?" baling kaagad ni Ryan sa kanya. "Oo nga? Hindi mo man lang sinabi sa aming may pamilya ka na pala?" pagkuwestiyon din ni Vernon. "Wait! Hold up," umiiling niyang hayag atsaka itinaas ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko. "First of all, this is not my son. Second, I still don't have my own family. And lastly, you might be pranking me this time," he defend himself. Kumunot ang noo ni Howard at laglag ang pangang pinakatitigan siya. "What do you take me for? A liar?" he raised his voice. Nasaktan ang damdamin nito sa kanyang paratang. "Hey! Calm down, bro," pagpapakalma ni Trace dito sabay haplos sa likod nito. "Linawin mo muna kasi Howard kung paano mo nasabing anak ni Derek ang bata," suhestiyon pa nito. "Nadatnan ko sa labas ng comfort room iyang bata kanina at umiiyak. Mukhang naliligaw. And then I asked his name, he said it was Drake. I thought it was Derek's son because their names are sounds like and he looks the younger version of him," paliwanag nito atsaka siya itinuro sa katapusan ng pagsasalita nito. Namilog ang kanyang mga mata. "What a lame reason. Porke't kamukha at kahawig ko ang pangalan ay anak ko agad? Mukhang na-miss mo lang ako ng sobra, kaibigan," nagbuntong hininga siya at tinapik sa balikat si Howard. "Tama nga naman si Derek, bro. This kid might be someone else's child. Ginulat mo pa kami sa mali mong impormasyon," saad ni Ryan na nakahinga nang maluwag. "Kinuha mo iyang bata without his parent's consent. Makasuhan ka sana ng kidnapping," pananakot ni Paolo rito. "Nag-iisa lang siya kanina noong makita ko. Hindi naman gaanong nagsasalita, so I brought him with me. Konsensiya ko pa kung may ibang masamang nangyari diyan," pinagtanggol ni Howard ang sarili. Hindi talaga ito magpapaapi. The competitive one in their circle of friends. "Drake! Anak?" isang nag-aalalang boses ang tumawag sa kalong niyang bata. "Mama!" tawag pabalik ng bata sa papalapit na babae. Tumalon ito mula sa pagkakaupo sa kanyang mga hita at tumakbo patungo sa kausap. Napalingon silang anim sa babaeng tinutukoy nito. His eyes immediately went owl and his jaw dropped when he saw the woman. "Jasmine," he called out for her. Nakita niyang nabigla at nagulat ito noong makita rin siya. Napalitan ng blangkong ekspresiyon ang kanyang gulat na mukha. Siya ay tumayo upang lapitan ang mag-ina ngunit maagap na binuhat ng babae ang anak nito at akmang aalis sa kinaroroonan nila. Mabuti at mabilis niyang nahigit ang siko nito dahilan upang hindi ito matuloy sa pagtakbo. "We need to talk!" mariin ang naging tono ng kanyang pananalita at nasa katamtamang lakas ang boses. "Bitawan mo ang Mama ko," the kid commanded him as he punch his hands which is holding his mother's elbow. "What are you doing to Sapphire?" takang tanong ni Trace. Hindi niya namalayan ang paglapit ng kaibigan sa kanyang tabi. Kumulo ang kanyang dugo matapos malaman kung sino talaga ang kaharap. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at rumehistro sa mga mata niya ang nag-aalab sa apoy na galit. Nakita niyang nabahala ang babae at nagpumiglas sa pagkakahawak niya rito. "All this time, I thought you're Jasmine Cortez. Ilang taon mo akong niloko sa pekeng pangalan. Bakit, Sapphire Arcillo? Bakit mo nagawang magtago sa akin?" puno ng galit ang boses niya habang kinukuwestiyon ito. "Bro, stop it. You're making a scene. Nakuha niyo ang buong atensiyon ng mga tao," anas sa kanya ni Vernon at umaasang mapatigil siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso ngunit hindi niya ito tinapunan nang pansin. "You will talk to me or I will use my power to get Drake and me to a paternity test?" tinakot niya si Sapphire but he let her choose. Hindi nito pinatagal ang pagpili. Sinalubong nito ang kanyang mga mata bago nagbigay ng sagot. "Okay. Let's talk." "Sapphire?" humahangos na tawag ng mga kadarating nitong kaibigan. Mukhang nakiisa ang mga ito sa paghahanap sa naliligaw nitong anak. "Please take care of my son for awhile. Mag-uusap lang kami ni Mr. Velasco," bumaling si Sapphire sa mga kaibigan at hinayaang kunin ng mga ito si Drake. "I'll be back later, anak," bilin nito sa bata bago bumaling sa kanya. Wala siyang sinayang na oras. Marahas niya itong hinila palabas ng hall. Hinigpitan din niya ang pagkakahawak dito upang hindi makatakas. He remembered that his first meeting with her in Japan, as Jasmine, was also the last time because she ran away from him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD