HINDI basta susuko si Kate Winslett kahit matapos siyang ipahiya at ipagtabuyan ni Derek sa cafeteria five days ago. Wala siyang balak bumalik sa Manila hangga’t hindi nakakahanap ng paraan kung paano sila magkakabalikan ng binata. That’s her goal and she cannot just leave without fulfilling that or else her life will be a living hell again for being poor.
Kailangan niyang isakatuparan ang mga naisip na mga panibagong plano. Ang kanyang natitirang pera ay hindi na magkakasya kung mananatili pa siya rito sa probinsiya ng isang linggo.
Isang panibagong umaga. Maaga siyang gumayak at nagmaneho muli papunta sa subdivision kung saan nakatira si Derek. Ilang araw na siyang pabalik balik dito upang tiyempuhan ang sasakyan nito. Halos limang araw na ngunit hindi pa rin niya ito namamataan. Napakapasensiyosa niya para balik balikan ang tirahan nito at hintayin na bigla na lang itong lumitaw ng walang kasiguraduhan.
She parked near the entrance gate. She was leaning on her stirring wheel as she gave a keen eye to the people getting in and out of the subdivision. She was tapping her fingers of both her hands on each side of the stirring wheel but she stopped when her sight caught the car of Derek.
“Gotcha!” she happily murmured. Ang kanyang mga tingin ay nakatutok sa sasakyan nito na papasok sa loob ng gate.
Matiyaga siyang naghintay sa muling paglitaw ng kotse nito. It took two hours when she saw his car exiting the subdivision. She immediately started her engine and drove to follow him. Ginawa niya ang kanyang makakaya upang hindi magpahalata na sinusundan niya ito. She was thankful when he finally parked in a fine dining restaurant. Susunod na rin sana siyang pumarada sa tabi ng sasakyan nito nang magkasunod niyang nakita ang pag-ibis nito at ng isang hindi niya kilalang babae. Isang bata ang pinagbuksan ni Derek ng pinto sa backseat ng kotse nito at binuhat pa iyon. Could they be his son and the mother of the kid?
Natutop niya ang kanyang bibig. Nabigla siya at hindi makapaniwala sa nakikita. Inakbayan ng binata ang babae at magkasama ang tatlo na animo’y isang masayang pamilya na pumasok sa kainan.
“No!” malakas niyang sigaw at nagwala sa manibela. She roared in annoyance. “This can’t be!”
Tumigil lamang siya sa pagwawala at pagngingitngit sa inis nang marinig niya ang magkakasunod na busina ng mga sasakyang nasa likuran niya.
“Oo! Ito na. Paparada na po!” she shouted again even though the drivers behind her would not be able to hear her.
She parked to the opposite direction of Derek’s car. Eksaktong natapat siya sa table kung saan nakaupo ang tatlo para kumain ng agahan. Binaba niya ang windshield ng kanyang bintana. Isinuot niya ang kayang itim na prada sunglasses at ipinagpatuloy na manmanan ang binata at ang mga kasama nito.
Nakita niya kung gaano kasaya ang binata at kaalaga ito sa dalawa, ang hinuha niya ay ang anak nito at ang ina ng bata. Jealousy rose from the deepest part of her being. Derek never showed her that kind of genuine care and affection before. Ngayon niya lang nakita ang side na ito ng binata. Ano ang kulang at mali sa kanya para ipagpalit siya nito sa pipitsuging mag-inang iyan? It was obvious that she’s prettier and has a nicer body than that of the mother of his child!
“That wench!” bulong niya habang ang naninindak na mga mata niya ay nakapako sa babaeng kasama ni Derek. “Hindi ka nga nakalahati sa ganda ko pero may gana kang maging masaya at makipaglandian sa lalaking dapat ay akin?” malamig niyang turan, puno ng pait ang mga salitang binitawan niya. Para siyang baliw na kausap ang sarili at ang hangin.
Iniangat niyang muli at sinarado ang kanyang windshield. She took off her prada sunglasses and drove away from the place. Sasabog ang puso niya sa selos kapag patuloy niyang pagmamasdan ang tatlo.