NAGLUTO si Derek ng masasarap na seafood cuisines. Mayroong paella, calamari, at ang boiled and braised crab, lobster, mussels, clams, shrimp and corn all in one dish.
Sa veranda niya inihanda ang hapag kainan at naglagay siya ng tatlong silya. Tinawag niya ang mag-ina na abala sa panunuod ng palabas sa telebisyon sa sala.
"It's lunch time, babies!" he called them in a loud voice.
Mabilis na tumakbo palabas ang anak niya. Kaagad itong tumungo sa kanyang direksyon. Tumayo ito sa kanyang tabi at nakaharap sa mesa. Nakita niya ang paglaki ng mga mata nito at ang pagbilog ng bunganga nito, pagkamangha ang ekspresiyong nakaguhit sa mukha nito.
"Wow, Daddy! Ikaw po ang gumawa lahat niyan?" he asked in ecstatic and amazed tone.
"Oo. Ako nga," proud niyang sagot.
"Aba! Kakaiba naman palang manligaw ang isang Derek Velasco, palagi kaming binubusog ni Drake," Sapphire came into the scene and spoke. Ang pagbibiro nito ay pagpaparating sa kanya na napapansin nito ang kanyang pagpapakitang gilas.
"Ibig bang sabihin ay malaki ang tiyansa ko na mapasagot ka within this month?" panunudyo niya rito. He even wiggled his eyebrows when they glanced at each other.
"Asa ka. Maghintay ka ng isang taon," masungit itong tumugon. "Hmpf," umakto pa itong nagsusuplada bago naupo sa isang silya.
Tinulungan niyang makaupo sa katabing silya ni Sapphire si Drake atsaka siya naupo sa natitirang bakanteng upuan. Magkaharap silang tatlo sa pabilog na mesa. Nagdasal muna ang kanilang anak bago sila nagsimulang kumain.
"Let me serve the two of you," representa niya ng sarili.
Siya ang nagsalin ng paella at calamari sa bawat plato nilang tatlo. Pati ang fresh apple juice ay siya rin ang naglagay sa mga baso nila. The two started to dig in.
"Thank you, Daddy."
"Thank you, Derek."
Sabay pang nagpasalamat ang mag-ina habang may lamang pagkain ang mga bibig ng mga ito.
Napatawa siya sa naging asal ng dalawa. "Nguyain at lunukin niyo muna ang mga pagkain sa bibig niyo bago kayo magsalita. Baka mabulunan kayo," pinaalalahanan niya ang mga ito matapos siyang tumawa saglit.
"Nakakahiyang aminin na mas masarap ka pang magluto kaysa sa akin," nagsalita muli si Sapphire.
Ang mga nabalatan niyang boiled and braised seafoods na nilagay niya sa panibagong plato ay pinuwesto niya sa ibabaw ng hapag sa pagitan ng mag-ina. He also put sweet corns in each of their plates.
"I feel flattered but I don't want you to feel bad. Come on, sweetie. Masarap ka rin magluto at ang pinagkaiba lang natin ay mas marami akong alam na foreign cuisines while you are more into Pinoy dishes. You have an excellent cooking skill and I love everything that you cook for me and our son," pagpapalubag loob niya sa dalaga. Ngunit pawang katotohanan lamang ang kanyang sinabi.
"Salamat dahil palagi mong pinapagaan ang loob ko. Halos walang palya mo yata akong napapasaya simula noong nagkaayos tayo," she happily confessed.
Sapat na ang sinabi nitong iyon para tumalon ang puso niya sa tuwa. "Masaya ako kapag masaya kayong dalawa ni Drake. Let me spoil the two of you in our last day of family bonding. Maaari ba iyon?"
He saw Sapphire's cheeks turn flaming red. Does the word spoil made her blush?
"Sige. Pero noong unang araw pa natin dito sa Tagaytay na ini-spoil mo kaming mag-ina," pumayag ito sa kanyang alok.
"How about a massage for you tonight?" mapaglaro ang ngiting tanong niya rito na may kasama pang kindat. Hindi siya magsisinungaling na may pinapahiwatig siya sa kanyang tinuran.
"Derek! Kasama natin ang anak natin," sobra ang hiyang saway nito sa kanya. Napalo pa siya nito sa braso.
He just laughed out loud because of her shy and innocent reaction. Nagtataka namang nag-angat ng tingin sa kanila si Drake. Naabala ito sa pagkain kaya hindi ito sumasabat sa usapan.
"Eat more, son," bumaling siya rito at sinubuan pa ng nabalatan niyang hipon upang maibalik niya ang atensiyon nito sa pagkain.