Chapter 30

895 Words
THE FRESH smell of Tagaytay lake and the greens surrounding the villa brings cozy atmosphere. The relaxing view of Taal volcano adds more beauty to the place. "Wow! Look, Daddy," Drake exclaimed pointing at the sky where migratory birds are seen flying. "Ang ganda po panoorin." Derek went to approach his son standing in front of the railings of his villa's veranda. Samantalang nasa loob ng silid at nagpapahinga si Sapphire mula sa mahaba nilang biyahe. "You love my surprise?" tanong niya rito sabay akbay. Magkasama nilang pinanuod ang papalayong mga ibon hanggang sa paglubog ng araw. "Yes po, Daddy. I love here. It's cold and maganda po ang view," tugon nito at tumingala pa sa kanya. "Sa province kasi natin ay walang volcano. Kaya po I love seeing this Taal volcano for the first time," he even added. Muli itong tumingin pabalik sa bulkan at sa lawa. "When you grow up, you can go anywhere you want. I will buy many properties around the country so that it will not be hard for you to find a place to stay. I suggest that you visit all the wonderful places here in the Philippines before going to other countries. Okay?" nagbigay naman siya ng payo. "I will remember that po kapag lumaki na ako. Pero maraming pera po ang kailangan ko, right Daddy?" masunurin itong bata at palaging sumasang-ayon sa lahat ng kanyang sasabihin. Natutuwa rin siya dahil sa kuryosidad nito sa murang edad at ang kusa nitong matuto. "Indeed. Magastos ang pamamasyal at pagbiyahe sa iba't ibang lugar. I will teach you how to be thrifty and smart in handling money. So don't worry much about it, son." Tulad nang nakasanayan niya ay ginulo niya ang buhok nito. Hindi ito umangal at halatang natutuwa ito sa kanyang ginagawa. Alam niyang uhaw ito ng ilang taon sa pag-aaruga at pagmamahal ng isang ama. And here he is now. He will never neglect him or Sapphire. It was a matter of misunderstanding in the past between them as his parents. It's time that they all make it up with the wasted time. Sisiguraduhin niyang magiging isa silang masayang pamilya. "Thank you, Daddy. You are spoiling me a lot. Kapag nalaman ito ni Mama, tiyak na pagagalitan ka niya," nagsalita ulit ito at binalaan pa siya. Natawa siya ng bahagya. Bumalik siya sa pagkakaakbay dito. Nakatanaw na naman silang pareho sa lawa at sa dumidilim na kalangitan. "Hindi naman siya magagalit kung walang magsusumbong," pagpaparinig niya. "Maliban na lang kung balak mong ibuking tayo." "Ofcourse hindi po, Daddy. Magkakampi kaya tayo," tumatawang sagot nito atsaka siniko siya ng bahagya. "That's great. Nagkakaunawaan naman pala tayo. I got your back and you got my back. That's a father and son duo," he winked at his son. Narinig nila ang pagbukas ng glass door mula sa loob. Sabay silang napalingong mag-ama sa gawing iyon. Iniluwa ng pintuan ang humihikab na si Sapphire. Ngayon lang nila napansin na binuksan na nito ang lahat ng mga ilaw. Maliwanag na ang buong villa sa gitna ng madilim na kapaligiran sa may kakahuyan. He bought this property just yesterday as he planned to take his son and Sapphire out for a family date. "How long will we stay here?" Sapphire asked as she walked near them. Binuhat nito ang anak at tumayo sa kanyang tabi sabay harap sa kanya. "One week. Or do you have important things to do back in Ilocos Sur?" he answered and raised some query. "Medyo matagal ang isang linggo. Kailangan nating bumalik agad sa bahay after a few days dahil dapat matapos kong gawin at tahiin lahat ng final designs na ipapadala ko sa Paris sa susunod na buwan. Ang mga designs na irarampa sa fashion show na ako ang ibinidang fashion designer ng kompanya na pingatatrabahuan ko pa rin hanggang ngayon," alanganin ito sa plano niyang isang linggo at nagpaliwanag ito kung bakit. "Are you making all your designs alone?" he asked another question. "Oo, ako lang mag-isa. Kulang ako sa budget kaya mahihirapan akong kumuha ng assistants kahit sabihing kakailanganin ko lang sila sa maikling panahon," sagot nito. "Huwag kang mag-alala. I will hire your needed assistants and buy you your own studio building. Ayokong mahirapan ka sa trabaho mo," he offered a help. "And maybe a three days stay here will be fine. Tama ka, masyadong mahaba ang one week kung pareho tayong abala sa trabaho natin." Hindi ito makapaniwalang napatulala sa kanya. Nakaawang ang mga labi nito at ilang segundong natahimik. Nagsalita ito matapos makabawi. "Are you serious? Alam kong bilyon ang pera mo pero masyado ka naman yatang galante para gastusan ako ng malaki?" she's still in disbelief. "I'm serious," diretso niyang tugon at seryoso rin pati ang kanyang mukha. Nais niyang iparating na lahat ng kanyang bibitawang pangako sa kanilang mag-ina ay pawang totoo sa kanyang loob. "Are you planning to refuse my offer? Once na tumanggi ka ay hindi mo na ulit mababalikan ang alok ko," panghahamon niya. "At sinong nagsabing tatanggi ako? Tinanong ko lang kung sigurado ka," pilosopo nito saad sabay pisil sa kanyang ilong. "Ako rin po, Mama. Pinch my nose too," sumabat sa usapan si Drake. Kinuha pa nito ang mga daliri ni Sapphire na nakapisil pa rin sa kanyang ilong at dinala iyon sa sarili nitong ilong. Nagtawanan sila ng dalaga sa inakto ng kanilang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD