"DADDY where are we going? Bakit hindi natin kasama si Mama?" Drake asked Derek who's busy driving.
Nasa passenger's side ang anak niya at abala itong kumakain ng cookies. Naghahabol ng deadline sa trabaho si Sapphire kaya naisipan niyang huwag itong abalahin. Inaya niya ang anak nila para mamasyal ulit sa labas. Gusto niya itong dalhin sa puntod ng lola nito, ang yumao niyang ina.
"Dadalawin natin ang Mommy ko. Tsaka busy ngayon ang mama mo kaya tayo munang dalawa ang pupunta. Okay, son?" tugon niya rito na bahagya lamang tinapunan ng sulyap.
"Okay po, Daddy. Understood!" he was quick to respond.
It didn't take long when they reached the memorial park. He parked his car then went out to assist his son out of the passenger's seat. Nakabuntot ito sa kanya habang bumaling siya patungo sa backseat ng kanyang sasakyan para kunin ang isang basket ng red roses and daisies, his mother's favorite flowers.
Nagtungo na silang mag-ama kung saan nakahimlay ang yumao nitong abuela. Maingat niyang inilapag sa tabi ng lapida ang dala nilang bulaklak. Si Drake naman ay nakahawak sa laylayan ng suot niyang kamesita at inosenteng nakatitig sa libingan ng kanyang ina.
"Nasaan po si lola, Daddy? Akala ko po ba imemeet natin siya?" tiningala siya nito para tanungin.
Malungkot siyang ngumiti. Sinulyapan niya ang anak atsaka inakbayan.
"She's already in heaven, son. Kaya hindi mo siya mamemeet in person. I can only introduce her to you here in her graveyard," naluluha niyang sagot.
Mabilis na muling dumako ang mga mata nito sa lapida ng kanyang ina. Napagtanto nito ang kanyang sinabi.
"So, lola is already under that stone?" he raised another question and pointed his finger to the tombstone.
He nodded. "Yes. She's peacefully sleeping under that stone. Nakakalungkot at nakakadismaya na hindi mo man lang siya nakilala ng personal. Sigurado akong sobra siyang matutuwa na magkaroon ng apo."
Drake then waved his hand on the tombstone. He seems greeting someone. "Hello po, lola. I am happy to meet you po kahit na nasa heaven na kayo. Sana po pinapanuod niyo kami dito sa ibaba. Protect us po, lola and please help my Daddy and Mama to finally stop fighting," nagsimula itong kausapin ang abuela nito. Hindi nito alintana na kausap nito ay bato at hangin.
"Thank you, son," he uttered and leaned down to kiss his head. "Tiyak na napasaya mo ng sobra ang lola mo," dagdag pa niyang saad.
"Talaga, Daddy? Edi dadalawin natin si lola palagi para pasayahin siya?" awtomatikong lumingon ito sa kanya at kumikislap sa tuwa ang mga mata nito.
"You bring joy to everyone, Drake. Remember that," nauna niyang sinabi. Nais niyang iparating sa anak na isa itong source of happiness sa kanilang pamilya at maaaring sa ibang tao sa hinaharap. "Siyempre naman, hahanap tayo ng panahon para magawa nating panaka nakang dalawin ang lola mo," he also agreed to his plan — to visit his mother's graveyard from time to time to make her happy.
"Dapat dalhin din natin si Mama next time po," he also suggested.
"Ofcourse, son. We should bring your lovely mama the next time we visit," sinang-ayunan niya ulit ito.
"Yehey! Edi lola will bless us to be a one happy family kung lahat tayong tatlo nina mama ay pupunta dito soon," he rejoiced. Napapalakpak pa ito sabay hayag sa inaasam nitong mabuo sila bilang isang pamilya.
"Me and your mama wants the three of us to become a one happy family too. Pero it take time and patience, son. You need to understand that. Okay?" kinuha niya ang tiyansa para palakasin ang pag-asang mayroon ito. Pinaliwanag niya rin na kailangan nila ng sapat na oras at mahabang pasensiya.
"Okay po, Daddy!" mas nagningning ang ngiti nito nang sumagot ito at may kasama pang thumbs up.