BREAKFAST is ready. The house is clean. The flowers and plants in her yard and garden are already watered. And her working area is also organized.
Sapphire blinked momentarily as she stare at the squeaky clean home. Sino naman ang sinaniban ng kasipagan para gawin ang mga ito?
"Hi, beautiful. Good morning," Derek greeted her who came in the living room where she was standing. Niyakap siya nito mula sa likuran at naglalambing na hinagkan ang kanyang pisngi.
Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakayapos sa kanyang tiyan.
"Ikaw ba ang naglinis ng buong bahay at nagluto ng agahan?" tinanong niya ito kaagad. Hindi niya pinansin ang pagbati nito at paglalambing.
"Yes. Did you like it?" maagap itong sumagot. Maaliwalas ang mukha nito na tila proud sa ginawa ngayong umaga at isang malaking achievement na ito para rito. Masigla rin ang boses nito animo'y hindi mauubusan ng enerhiya.
"Salamat," she expressed her gratitude. Umikot siya paharap dito. Ikinunyapit niya ang kanyang mga braso palibot sa leeg nito. She tiptoed and kissed him on the side of his lips.
Nagulat ito sa kanyang biglang paghalik. Hindi makapaniwala at tulalang awtomatikong napahawak ang isa nitong palad sa gilid ng labi nito kung saan niya ito hinalikan. Nang makabawi ito ay pilyo itong ngumiti at muling ibinalik ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanyang beywang.
"Kung araw araw mo akong hahalikan ng ganito at napapasaya pa kita. Ibig sabihin araw araw na rin akong sisipaging maglinis at magluto para sa iyo," hayag nito at halatang nawiwili.
Napabuntong hininga naman siya bago ito kinutosan.
"Ouch! What was that for?" mahina nitong reaksiyon at tanong, nagtataka kung bakit biglang nagbago ang kanyang mood.
"Hindi mo dapat inaabala ang sarili mo rito sa bahay ko. Alam kong busy ka rin sa kompanya niyo ng ama mo. Oo, natutuwa ako, masaya at magaan sa loob ko na naglinis ka at nagluto para sa akin pero gawin mo lang iyon kapag marami kang libreng oras. Ayokong makaabala sa mga importanteng bagay sa buhay mo," pinagsabihan niya ito para mapaalalahanan. Naisip niya na baka siya at si Drake ang maging dahilan para mapabayaan nito ang kompanya ng pamilya nito.
"What are you talking about?" maang nitong tanong imbes na makinig sa kanyang payo. "Ikaw at si Drake ang mas importanteng bagay sa buhay ko. Mas uunahin ko kayo at ang kapakanan ninyo. Nililigawan din kita, remember?" he raised his point.
Aminado siyang kinilig siya ngunit hindi niya pinahalata.
"Nagpapasalamat ako dahil pinipili mo kaming unahin ni Drake kahit na kamakailan lang tayo nagtagpong muli at nagkasama. Ang sa akin lang, balansehin mo ang oras mo. I guess you are new to this set up, to our set up," she insisted her advice.
"Understood po, Ma'am," sumusuko itong sumang-ayon sa kanya. "Tama ka. Naninibago ako at unti-unting nasasanay pa lang na may uuwian akong matatawag kong tahanan kung nasaan ang dalawang taong pinakamamahal ko pagkatapos ng trabaho. It may have been the reason why I spent a lot more of time here rather than in my office. Kasi mas gustung gusto ko na nakakapiling ko kayo kaysa ang sandamakmak na mga papeles." He even pulled her closer and hugged her tighter.
She can't help herself anymore. She let her hands went to caress his handsome face. Her eyes were full of joy and contentment.
"Sinong mag-aakala na ikaw, ang first love ko at tanging lalaking kinababaliwan ko na hinabol habol ko noon ay maglilinis at magluluto para sa akin ngayon? Sana hindi ito panaginip," sinabi niya ang nilalaman ng puso't isipan niya.
"This is not a dream, beautiful. This is for real," he assured her in his husky and tempting voice.
Pinaglapit nito ang kanilang mga mukha hanggang sa gawaran siya nito ng isang banayad na halik. Tinanggap niya ang mga labi nito at hinayaan ang kanyang sariling namnamin ang bawat sandaling magkalapat ang labi ng isa't isa.