THE SUN is shining brightly at the sky. Maagang sumilip at sumikat ang araw.
Nakapag-almusal na si Sapphire at ang kanyang mag-ama. Nagpaalam si Derek at naunang umalis dahil marami itong aasikasuhing trabaho sa opisina nito. Mukhang hindi nito ma-eenjoy ang bakasyon nito kung sumisingit pa rin ang responsibilidad nito bilang bagong may-ari ng kompanya ng pamilya ng mga ito.
Gumayak naman silang mag-ina. Isinama niya ang kanyang anak para kitain si Atty. Harrith. She will formally cancel the appeal she filed in the court. She already talked about it with her lawyer last night and she was instructed to go to the court with him today to dismiss it.
“Mama, ano pong gagawin natin ditto?” her son asked while pointing at the courthouse.
Pinatay muna niya ang makina ng kanyang kotse bago ito sinagot. “May icacancel lang na argument si Mama.”
“Okay po,” tumatango si Drake na tinanggap nito ang kanyang sagot.
They went inside the courthouse and approached her lawyer sitting in the waiting area.
“Huwag kang mag-iingay, baby, ha? Pagagalitan tayo rito if you are noisy or disruptive,” naalala niyang abisuhan ang anak sa paanas na boses.
“Yes po, Mama,” bumulong din ito nang tumugon.
“Good boy,” she complimented him in still a low voice.
“Good morning, Ma’am,” sinalubong sila ni Atty. Harrith at bumati. He extended his hand to her to offer a handshake.
“Good morning din po, attorney,” she greeted back with a calm smile. Tinanggap niya ang palad nito para makipagkamay.
Pagkatapos ng kanilang kamayan ay iminuwestra nito ang bukas na pinto papasok sa opisina ng clerk of superior court. Nag-usap silang tatlo habang tahimik na nakaupo sa kanyang tabi ang anak niya. Walang gaanong nabanggit tungkol sa apela na kanyang isinumite. Patungkol lahat ang diskusyon sa kanyang pagkansela rito. Maganda na iyon para hindi malaman ni Drake na tungkol sa kustodiya nito ang usapin.
Hindi nagtagal ang proseso. Nagpasalamat siya sa kanyang abogado at sa clerk na umasikaso sa kanila. Umalis sila ni Drake at nagpa-iwan si Atty. Harrith dahil ito na ang maghahandle sa iba pang kailangang gawin.
Mula sa korte ay dumiretso silang mag-ina sa grocery store sa mall. They have to buy for their groceries and needed stuffs at home.
Tinutulungan siya ng kanyang anak sa pagtutulak ng shopping cart. Nailista rin niya ang mga kailangan nilang bilhin at iyon ang kanilang sinusundan. Hinahayaan naman niyang kumuha at magdagdag ang anak niya kung may magustuhan ito.
They went straight home after buying groceries. Tinulungan din siya ng kanyang anak na iligpit, iayos at itabi ang kanilang mga pinamili sa tamang paglalagyan. Pagkatapos ay nagluto na rin sila ng tanghalian.
“What’s up, beautiful people,” masiglang bungad ni Derek na sumulpot sa entrada ng kusina. Kadarating lang nito at masaya pang nakabuka ang mga braso nito na tila nag-aaya ng yakap.
Drake went to hug his father’s knees. Tinapos naman niya ang paghahain sa hapag kainan bago siya lumapit sa mag-ama niya at niyakap si Derek. She felt happy and complete.
Ngayon ay masasabi niyang ang maging isang pamilya silang tatlo ang kanyang nais makamtan. She’s done sacrificing her happiness and love for her career. This time, she should choose what her heart beats and yearning for.