Chapter 26

726 Words
IT WAS exactly nine in the morning when Derek came in the cafeteria where he will be meeting with Kate Winslett. Nakita niya ang pagtayo nito matapos niyang ilibot ang paningin sa buong silid. The woman even smiled and waved her hand to him. Hindi niya binago ang blangkong ekspresiyon sa kanyang mukha. Naglakad siya papunta sa inoukupang table for two ni Kate. Naupo siya sa upuan na nakalaan sa kanya at nakaharap dito. Ang mga ngiti nito ay hindi pa rin napapalis habang nakatitig sa kanya. That smile of hers seems like she saw him as her last hope. He knows Kate more than anybody else. “How much?” he asked. Hindi na siya nagpaliguy pa. Alam niyang tungkol sa pera ang dinadala nitong problema ngayon. Kilala niya ang ugali nito at kung gaano ito nasisilaw sa mararangyang bagay lalo na kapag pera pa ang usapan. Nabigla ito sa kanyang naging tanong. Napaawang ang labi nito at natagalan bago makabawi. Kinakabahan itong muling ngumiti. She extended her arms to reach her hands on his hands then hold it. Naglalambing nitong hinimas ang kanyang kamay. He clearly shows signs of being annoyed. Dumilim ang kanyang mga mata at nagtaas siya ng isang kilay. Binawi niya ang kamay niyang hawak nito at pinagkrus ang mga braso niya sa harap ng kanyang dibdib. Naiilang nitong binawi rin ang kamay nito na naiwang nakapatong sa mesa atsaka nito itinago iyon sa ilalim ng table cloth. She became tensed and agitated. Mukhang natunugan nito na nasa bad mood siya at mahihirapan itong kumbinsihin siya na pagbigyan ang hihilingin nito. “Don’t waste my time. Will you?” naiinis siyang nagsalita. “Kung alam ko lang na isa kang desperada ay hindi na sana kita hinayaang maging girlfriend ko. Ang hirap mong itaboy kahit na hiwalay na tayo. Hindi ba’t alam mo naman sa simula pa lang ng relasyon natin ay pure negotiations lang iyon? You will be my trophy girlfriend so that the other clingy girls will stop pestering me and I have you as my date whenever I have to attend galas and parties. In exchange for that I gave you all the luxuries and money. Remember that agreement?” pinaalala niya rito ang kanilang deal bago sila umoo sa relasyon nila dati. “I-I know. I remember that agreement. Hindi ko lang lubos akalain na masisira iyon dahil lang sa biglang pagsulpot ng anak mo na parang kabute,” tumugon ito at hindi man lang nag-isip bago nagbigay ng pahayag. That pissed him off. Napatayo siya at malakas na naibagsak ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Gumawa iyon ng ingay at nakakuha ng maraming atensiyon mula sa kapwa nila customers sa loob ng cafeteria. Bumalandra ang takot sa buong pagmumukha ni Kate. Malalaki ang mga mata nitong nakatingala sa kanya at pigil nito ang hininga. “Sinasabi mo ba sa akin na ikaw dapat ang pinili ko at hindi ang anak ko?” dumagundong ang kanyang boses sa kontroladong tinig. “O-Ofcourse not,” nagawa pa nitong sumagot. “Ang gusto ko lang iparating ay sana naisipan mong balansehin ang oras mo sa anak mo at sa akin,” bawi nito sa unang sinabi. Sarkastiko siyang napangisi. “Kahit binalanse ko pa ang oras ko sa inyong dalawa ay hihiwalayan pa rin kita dahil sa inilabas mong fake news sa media na ikakasal na tayo. Idagdag mo pa na napuno na ako sa pangit mong pag-uugali,” he spoke nothing but the truth. Naduro pa niya ito sa sobrang inis. “Gusto ko lang sanang subukan kung nagbago ang isip mo at baka gusto mong ikasal tayo. I just made the first step so it will not be hard for you,” she still justified her mistake. Lalo siyang nauubusan ng pasensiya na kausapin ito. “Dinamay mo sa usapan ang anak ko. Do you think pakikinggan pa kita sa mga alibis mo? Between you and my son, you know better who I will choose,” that was his last statement before storming out the place. He drove off to his company building to start his day at work. Akala niya ay makakapagpahinga siya matapos siyang magdesisyon na magbakasyon dito sa Pilipinas. But it was not the case, isang malaking kompanya ang pag-aari ng kanyang pamilya at kailangan niyang patakbuhin at asikasuhin ng walang pagpapabaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD