Chapter 25

765 Words
HINIHINTAY ni Sapphire ang pagbabalik ni Derek sa may garahe. Ilang minuto lamang silang nagkahiwalay ng binata ay nananabik na siyang makita itong muli. Narinig niya ang pagpasok ng sasakyan nito at pumarada ito sa garahe sa tabi ng kanyang kotse. Umibis sa sasakyan si Derek na kaagad niyang sinalubong. Niyakap niya ito sa sobrang tuwa. Hindi na siya magpapapigil sa kanyang nararamdaman dahil nagtapat na ito kanina ng pag-ibig sa kanya. Ano pang mawawala kung subukan niyang papasukin ulit ito sa kanyang puso. Alam rin niya sa sarili niya na ito lamang ang tanging lalaking bumihag sa kanya at wala ng iba. “Hey, beautiful,” marahan nitong bati sa kanya. Ginulo pa nito ang kanyang buhok at hinawakan siya sa beywang habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa leeg nito. “Na-miss mo ako agad?” nanunudyo pa nitong tanong. Ngumiti siya at tumango bilang sagot. “Naihanda ko na rin ang request mong banana cue. Tapos na kaming magmeryenda ni Drake at naglalaro na siya ngayon sa kanyang playroom,” she even informed him. Tumiim ang titig nito sa kanya na nagpatayo sa balahibo niya sa katawan. That look seems to be longing for something. Nakagat niya ang ibabang labi at bahagyang lumayo rito. Hindi pa siya handa na bigyan ng kapatid si Drake. Isa pa nililigawan pa lang siya ni Derek at naalala niyang dapat ay magpakipot siya para malaman kung hanggang saan ang paghihintay ng binata. She wants him to prove that he has pure intentions to her and to their family. “Akala ko kinain na lahat ni Drake at hindi na ako tinirhan,” natatawang biro nito. Nawala na ang nananabik nitong titig at bumalik ang ekspresiyon nito sa pagiging maaliwalas. “Siyangapala, heto ang dokumento sa custody ko kay Drake. Keep it,” hayag nito kapagkuwan sabay abot ng hawak nitong brown envelope. Kinuha niya iyon at tinignan ang laman sa loob para kumpirmahin kung totoo ang sinasabi nito. It was true, the document was indeed Derek’s claim for the custody of their son. “Bakit mo binibigay sa akin ito?” hindi niya napigilang itanong dahil sa kuryosidad. “Because I am letting you to do whatever you want to do with it. You can even burn it down. Gusto ko lang na ilabas mo lahat ng galit mo sa akin at maaari mong gawin iyon diyan sa dokumentong iyan,” sagot nito na direkta sa punto. “I-Ilabas ang galit ko sa iyo?” wala sa sariling pag-uulit niya sa sinabi ng binata. Tumango ito at lumapit sa kanya para hawakan ang kanyang pisngi. He leaned down and kissed her forehead. Nabigla siya at hindi siya nakareact kaagad. Lalo tuloy siyang kinilig. Kahit anong gawin nito ay kikiligin pa rin siya maliban na lang noong inagrabyado siya nito para maipanalo ang kustodiya ni Drake laban sa kanya. Napatawad na niya ito sa ginawa nitong iyon ngunit mahirap kalimutan. “Hindi na ako galit sa iyo. It was all a misunderstanding from both sides and we already cleared it out during our lunch date, right? Para saan pa para sunugin ko ito kung ibabalik mo rin naman ang kustodiya ni Drake sa akin kapag pumayag na akong maikasal sa iyo?” she also gave her point. Sinabi niya ang nilalaman ng isipan niya. “Thank you for forgiving me. You are really the best. Tama lang na pinigil ko ang sarili ko noong mga bata tayo na umamin ng tunay kong nararadaman sa iyo. Baka nasira ko ang future mo at ang pagtupad mo sa mga pangarap mo. Look at you now, you became a successful fashion designer. Believe me when I say that if I confessed to you in our early years, I could have gotten you pregnant and we got married in our immature age. I honestly can’t get enough of you whenever you are around,” mahaba nitong pahayag at nilawakan ang pagpapaliwanag kung bakit itinataboy siya nito noon. Akala niya dahil iyon sa mahirap ang kanyang pamilya at pangit siya. “How about now? Are you tempted by me?” nang-aakit ang boses niyang tanong. Bigla siyang naging pilya at pinaglandas pa ang kanyang hintuturo sa sensuwal nitong mga labi. “Are you serious right now? Because I can forget the banana cue and bring you to your room instead,” he responded in his husky voice. He took her playful banter seriously. Napamulagat siya dahil sa ginawang kapilyahan. Hindi niya alam na seseryosohin iyon ng binata. She immediately ran inside the house while laughing loudly as Derek chase after her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD