Chapter 24

880 Words
PAGKATAPOS ng lunch date nila Derek at Sapphire ay umuwi rin sila agad. Sinundo nila sa bahay ng mga magulang ni Sapphire ang kanilang anak bago tumuloy sa tahanan ng dalaga. Hindi siya bumaba sa kanyang kotse nang makaibis ang mag-ina. Nagtaka si Sapphire at dumungaw ito sa kanyang bintana. He lowered down the windshield to talk to her. "I'll just go get the documents for Drake's custody at my house. Huwag kang mag-alala. Babalik din ako kaagad," nagpaalam siya rito sabay pisil sa ilong nito. She smiled and nodded. "Sige. Mag-ingat ka. Ipagluluto ko kayo ng masarap na meryenda," maagap pa nitong saad. "I'm still full from our lunch meal but I'll be back immediately if it's you who will make the snacks," he assured her. Ginantihan niya ang matamis nitong ngiti. "You should go now or else you might be back late," payo nito atsaka umalis sa pagkakadungaw sa bintana. Umayos ito ng tayo at lumayo sa kanyang sasakyan. "If I may request banana cue. Will you make it for me?" naalala niyang sabihin. He was some kind of craving for that sweet snack. "Oo naman. Banana cue lang pala e," mabilis nitong sagot upang pagbigyan ang kanyang hiling na pagkain. "Thank you, beautiful," pasasalamat niya rito na may kasama pang kindat. Nakita niya ang pamumula ng mga pisngi nito sa kanyang ginawa. He was amused how he has that effect on her. Hanggang ngayon hindi pa rin naaalis ang kilig nito sa kanya. Ibig sabihin malaki ang tiyansa niya na makuha ang matamis nitong oo para pakasalan siya at mabuo ang kanilang pamilya. Ngunit bigla itong napasimangot noong marinig ang pigil niyang munting halakhak. He can't help it because he was so carried away by how cute she looks like whenever her cheeks blush. Ibinalik niya ang pagkakasara ng kanyang windshield at nagmaneho. Binaybay niya ang daan patungo sa kanyang tirahan sa kalapit na subdivision sa kung saan ang lokasyon ng bahay ng mag-ina. Narating niya ang subdivision at pinapasok siya kaagad ng mga guwardiya pagkatapos siyang makilala ng mga ito. He entered his house and went inside his room. He opened the vault inside his closet and took his needed document. Bumalik siya sa kanyang kotse. Inilagay niya sa ibabaw ng passenger's seat ang brown envelope na naglalaman ng papeles na nagsasaad na legal niyang pag-aari ang kustodiya ni Drake. He was on his way back to Sapphire's place and he was on the middle of the road when he noticed a red car following him. Nanliit ang kanyang mga mata at kaagad siyang nakaramdam ng inis. Pamilyar sa kanya ang sasakyan kaya pinakatitigan niya iyon ng mabuti sa side-view mirror. "Kate Winslett," naiinis niyang anas sa pangalan ng kanyang ex-girlfriend. Kinabig niya ang kanyang manibela para itabi ang kotse niya sa gilid ng daan. Hindi siya nagkamali nang sumunod ang pulang kotse at huminto rin sa kung nasaan siya. Lumabas sa sasakyan si Kate at nasisiyahan itong lumapit sa kanya. She even hugged him. Maagap niya itong naitulak ng may katamtamang lakas. Ang mukha niya ay walang kaamor amor o bahid ng kasabikan na makita itong muli. "Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" diretsahan niyang tanong. Ang masaya nitong mukha ay napalitan ng pagkabigla. Bahagyang lumaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Ang nakaawang nitong mga labi ay nagawa nitong isara makaraan ng ilang segundo. "Why are you acting cold?" she asked back without even answering his questions first. Mas lalo siyang nairita. He looked at the time on his wristwatch. Sh*t! It's already 4:30 pm. Ang banana cue niya! Sapphire must be waiting to serve it to him and he can't wait to taste it already. "Just get straight to the point. Marami akong importanteng gagawin," malamig pa rin ang boses na turan niya. Halata rin sa kanyang tono ang pagmamadali at pag-aapura. Lumungkot ang mukha nito at tila namatay ang masayahin nitong awra kanina. "Babalik na lang ako sa Manila. It seems like we are hopeless to get back together," saad nito sa walang ganang boses. Ang pahayag nito ay tila kabaliktaran sa kinikilos nito. She looks reluctant to get back inside her car. Alam niyang nais lang nitong kunin ang kanyang simpatya. "Yes. You better go back to the city because we were never getting back together. Hindi na kita ginugulo o inaabala kaya sana ganoon din ang gawin mo para sa akin. Leave me alone," muli siyang nagbitaw ng pahayag at akmang papasok sa kanyang sasakyan nang pigilan siya nito. She grabbed him by his arm and pulled him that stopped him from walking. "Hindi na kita guguluhin sa isang kondisyon —kung makikipagkita ka sa akin bukas. Gusto ko ng maayos na closure." Determinado ang mga tingin nitong nakapukol sa kanya. Kilala niya ang ganitong asal nito. She badly needs something from him. Hindi siya uto-uto ngunit gusto niya ring lubayan na siya nito. "Fine. Bukas, alas nuwebe ng umaga sa cafeteria malapit sa subdivision," pumayag siya at siya ang nagtakda ng oras at lugar kung saan sila magtatagpo. Binitawan na siya nito at hinayaan pagkatapos. He immediately went back to his car and drove off. Nasasabik na siya kay Sapphire at sa banana cue niya, pareho nilang paborito ni Drake iyon at baka ubusin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD