"MARRY you?" wala sa sariling inulit ni Sapphire ang tanong ni Derek.
"That's the only condition," sagot nito habang ang mga mata nito ay nakatuon sa kanilang mga labi na ilang dangkal na lamang ang pagitan.
She pushed him away. Padabog siyang bumalik sa kanyang upuan. Hindi niya ito magawang tignan muli.
"Why did you push me?" inis nitong tanong at naupo rin pabalik.
"Ginagamit mong pain ang kustodiya ng anak natin para pwersahin akong pakasalan ka. Akala mo ay hindi ko alam kung gaano ka katuso. Sabihin mo nga sa akin kung ano ba talaga ang plano mo ha?" imbes na sagutin ang tanong nito ay bumuwelta siya. Maski ang boses niya ay tumaas dahil sa iritasyon.
She heard him sigh again. Nilingon niya ito at nakita niya ang lumungkot nitong mukha. Teka? Bakit pabago bago ang mood nito? Galit na galit ito sa kanya kamakailan noong malaman ang tungkol kay Drake tapos ngayon nagtapat ito ng tunay na nararamdaman sa kanya tapos may marriage deal pang alok.
"Hindi ka talaga naniniwala na dalisay ang intensiyon ko?" he asked back in a somber tone.
"Paano nga ako maniniwala e alam naman natin na mayroon kang hidden agenda?" patuloy pa rin niyang bintang.
"Ano ang basehan mo na may hidden agenda ako? You can just tell me what you want me to do to prove that I'm serious," kuwestiyon nito at mungkahi.
Saglit siyang napaisip sa huli nitong sinabi.
"To prove that you are serious about giving back the full custody of Drake to me and you have no hidden agenda of your marriage proposal then you have to court me first," she finally gave her response.
"Court you? You mean, liligawan kita?" hindi makapaniwalang tanong nito. Disbelief is written all over his face.
"Oo," maagap niyang tugon. Nagtaas pa siya ng baba at naghahamong sinalubong ang tingin nito. "Bakit hindi mo kaya? Ibig sabihin hindi ka talaga seryoso."
"No," dumagundong ang malakas nitong boses at napatayo pa ito. "Ofcourse, I'm serious. Gusto kong mabuo tayong tatlo bilang isang masayang pamilya," he blurted out.
That caught her off guard. Napatulala siya at nakita niya ang determinasyon sa buo nitong mukha. So he's not really playing around?
"Kahit na wala sa bokabularyo ko ang panliligaw ay gagawin ko para maniwala ka lang. Ngunit huwag ka ring magsisinungaling pa ulit sa akin dahil nagtapat na ako ng nararamdaman ko sa iyo," saad pa nito.
Nag-init ang bawat sulok ng kanyang pisngi. Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na ang lalaking kinahuhumalingan niya dati ang naghahabol sa kanya ngayon. Para mabuo sila bilang isang pamilya. Hindi ba siya nananaginip?
"Pero hindi ba't kalat na sa buong bansa ang balitang ikakasal ka kay Kate Winslett? Sa model mong girlfriend? Baka naman nagpropose ka sa akin para takbuhan siya pagkatapos ay tatakbuhan mo rin ako?" she raised another suspicion.
"I already told you that I broke up with her. Tapos na kami at alam niya na wala akong balak pakasalan siya. Isa pa, she's been milking me with millions of money when we were together. It's time for her to stand on her own and manage money wisely," walang bahid ng kasinungalingan nitong saad.
"So it's a deal. Ligawan mo ako hanggang sa mapaniwala mo ako na totoo ka sa nararamdaman mo sa akin. Since we both know now each other's mistakes," pumayag siya sa kasunduan. She extended her arms to him and opened her hands holding the small box he gave her awhile ago. "Sa ngayon, isuot mo muna sa akin itong kuwintas na ito," nasisiyahan niyang utos.
Nakangiting napailing naman ang binata atsaka kinuha ang kahon sa kanya. Tumayo ito at naglakad papunta sa kanyang likuran. Isinuot nito ang kuwintas at ibinalik sa kanya ang kahon.
"Happy?" tipid nitong tanong sabay dungaw sa kanyang mukha. Ramdam na naman niya ang kilig sa buo niyang katawan, ganito siya karupok pagdating sa lalaking ito.
"Very," she answered sparingly with a satisfied and amused smile.