Chapter 35

1389 Words
SAPPHIRE WENT TO HER OFFICE. She sat in front of her desktop and started making the written agreement. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang binata o ang balitang nakita niya kanina sa social media nang buksan niya ang cellphone niya upang makipag-ugnayan sa kanyang co-workers sa Paris. She was in the kitchen at that time and was on her everyday morning routine of preparing breakfast.Hindi pa man siya nagsisimulang magluto kanina noong makita niya ang balita, nagalit siya dahil ang alam niya’y niloloko siya ni Derek sa proposal nitong liligawan siya nito hanggang mapasagot siya nito. Apektado siya nang matindi ng kanyang nagbabagang emosyon kung kaya’t nasampal niya ang binata nang makasalubong niya ito sa pinto ng kanyang silid. Iwinagayway niya sa hangin ang printed written agreement na ginawa niya. Nakasaad sa dokumento na liligawan pa rin siya nito hanggang sa totoong mapasagot siya’t magkaroon ng label ang kanilang relasyon. However, due to the false rumors spread by his ex Kate Winslett na kailangan nilang umamin sa namamagitan sa kanila at ang tungkol kay Drake. She signed it first then went out of her office. “Derek!” masaya niyang tinawag ang pangalan ng binata. Naabutan niya itong nagluluto ng ham and bacon, amoy niya ang nakakatakam na aroma ng pagpriprito nito. Ngunit mas natakam siya nang makitang walang saplot pang-itaas ang binata at tanging ang apron lamang ang gamit nito at nakapajama ito sa pang-ibabang kasuotan nito. Ang malalaking muscles nito sa braso, ang batak nitong biceps. Hindi niya namalayang napatulala siya at matamang pinanuod ang pagluluto nito. “Yes, baby?” malambing nitong tanong at mabilis siyang tinapunan nang tingin bago nito ibinalik ang atensiyon sa priniprito. “Oh? Is that the written agreement?” he asked upon noticing the piece of paper she was holding. “Y-Yeah,” utal at tipid niyang tugon habang ang mga mata’y nakapukol pa rin sa abs at biceps nito na kitang-kita sa side view nito. Hindi naman siya ganito sa ibang nagmamachohang mga kalalakihan. Nilikha ba siya ng Diyos na tanging kay Derek lamang maaattract at siyang kahinaan ng mga tuhod niya? “Hey? Sapphire? Bakit tulala ka na rityan?” nagtatakang tanong nito habang isinasalin ang mga nalutong ham at bacon sa plato na nakahanda na sa hapag kainan. “Let me just make the fried rice and then I will sign that,” binalewala rin nito ang napansin at muling nagsalita. Awtomatikong napatango siya habang sinusundan pa rin ng tingin ang bawat kilos ng binata. “Mama! Daddy!” Drake’s loud and lively voice suddenly popped behind her. Bumalik siya sa tamang huwisyo at napalingon siya sa kanyang likuran. Masayang pumasok sa kusina ang kagigising nilang unico hijo. “Baby!” she smiled widely. Dumukwang siya at ibinuka ang kanyang mga braso upang salubungin ito. Kaagad naman itong yumakap sa kanya at hinagkan siya sa pisngi. “Good morning, pretty boy. How’s your sleep?” she greeted him then asked. “Morning, son!” Derek also greeted Drake. Bumitaw sa kanilang yakapan ang anak at dumiretso ito para yakapin din si Derek. Tiningala nito ang ama at ginulo naman ng huli ang buhok ng bata. “Good morning po, Daddy. By the way, I slept good,” tumugon ito. Ang puso niya ay napuno nang kagalakan. She was filled with contentment and happiness. Ito ang pinapangarap niyang simpleng buhay. Kompleto silang tatlo at palaging masaya, walang kahit na anong pagtatalo o pag-aaway. Hindi man maganda ang mga naging una nilang pagtatagpo at komprontasyon ni Derek ngunit proud siya sa kanilang dalawa na ginagawa nilang pareho ang kanilang makakaya na huwag maapektuhan ng kahit anong negatibo si Drake. Muli siyang tumayo ng tuwid. Ang mga mata niya’y nasisiyahan pa ring nakatingin sa kanyang mag-ama. Kahit na nananabik na siya at atat sagutin ang panunuyo at panliligaw ng binata ngunit kailangan niyang tikisin ang sarili. She needs to be patient with her own feelings. Siyempre, magpapakipot muna siya. Kailangan niyang mapatunayan na sinsero at dalisay ang pagmamahal at intensiyon ni Derek sa kanya. He is her first love but he needs to prove that he is deserving for a chance and that he is her true love. Pinagsaluhan nilang tatlo ang inihandang agahan ni Derek. Masaya silang nagkuwentuhan. Ang mag-ama ay nagkaroon pa nang kasunduan na mag-aarcade bukas. AFTER THE BREAKFAST, Derek let Sapphire wash the dishes because he needs to schedule their interview with a popular talk show tonight. Samantalang dumiretso kaagad sa sala ang anak nila para manuod ng paborito nitong palabas na cartoons sa telebisyon. And he’s outside the house, in the balcony facing the garden. He dialed the number of the producer of the talk show. A few rings and he picked up his call. “Hello, Mr. Velasco?” the voice from the other line spoke. “Magandang umaga po, Sir. Ano po ang aking maipaglilingkod?” magala nitong pagbati at tanong. He has the highest percentage of shares ng investment sa Channel 2 kung saan ito nagtatrabaho, kung kaya’t he will do whatever he says to please him. “Schedule an interview of me with Boy Alvarez in his talk show ‘Tonight with Boy Alvarez’, ngayong gabi mismo. I want to give some statements and introduce my real fianceé and our son,” walang paliguy ligoy niyang saad sa pakay. “N-Ngayong gabi na, Sir?” tila alanganin ang boses na pag-uulit nito sa kanyang sinabi. “Yes. Why? Just cancel everything that is planned there and do the interview with me instead. I will give you the cheque later.” Kilala niya ang producer at alam niya kung paano ito gaganahang gawan ng paraan ang nais niya. He knows how to negotiate. “What Mr. Velasco wants, I will grant it. We will expect you tonight, Sir,” maagap nitong tugon at kinumpirma ang pagsalang niya sa talk show mamayang gabi. Ofcourse, Sapphire and their son, Drake will be joining him. Pumasok siya sa loob ng bahay at bumalik sa kusina. Naabutan niyang patapos na sa pagpupunas ng mga plato ang dalaga. Naglalambing niya itong niyakap mula sa likuran nito. Napasinghap ito dahil nagulat ito sa kanyang ginawa. “Derek, tigilan mo nga ako sa mga panggugulat mo. Muntikan ko tuloy mabitawan itong plato,” bahagya siyang pinagalitan ni Sapphire. Hindi niya ito pinansin at naglalambing itong hinagkan sa batok nito. “I already signed the written agreement,” he informed her. Tinapos nito ang ginagawa bago siya nito hinarap ngunit hinayaan nito at wala itong pagtutol sa kanyang pagkakayapos dito. “Good. That’s more I like it,” papuri nito sa kanya. He smiled and stole a kiss on her lips. Pinandilatan siya nito ng mga mata bago tinignan ang gawi ni Drake upang i-check ko nakita nito ang paghalik niya rito. Nakahinga ito ng maluwag nang masigurong nakatutok pa rin sa telebisyon ang kanilang anak. Mahina siyang pinalo sa braso nito. “You are a naughty man. Kung nakita iyon ni Drake ha?” She continued scolding him. “We are his parents. He will not think badly of it. Besides ang alam niya ay naglalambingan lang tayo rito sa gilid,” he jokingly said. Mas lalo niyang niyapos ang maliit nitong bewang. “I know you liked it too.” Kinurot siya nito sa tagiliran na pinagtawanan lamang niya. Nang tumigil ito ay hinintay niyang humupa ang kanilang biruan bago ito seryosong tinignan sa mata. “Why? You suddenly became serious,” puna nito sa kanyang ekspresiyon. “I already scheduled our interview with the talk show. So it means the three of us need to get ready now and we’ll travel to Manila to get there in time,” he announced to her the plan. “Ano pa nga bang magagawa ko? I already agreed a while back when we had our small argument,” anito. “Mauna na akong gumayak. Go get Drake ready. Para kapag natapos kaming maghanda ay ako naman ang magbabantay sa kanya habang hinihintay ka namin.” “Aye. Aye, Captain,” she replied and even did a salute. Natatawa niyang ginulo ang buhok nito bago pinakawalan ito sa kanyang pagkakayakap. “I’ll go to your room now. Maliligo pa ako,” he told her before he left her in the kitchen with an accompanying flirtatious wink that made her giggle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD