DEREK IS FUMING MAD! He called his lawyer and ordered him to file a defamation case against Kate Winslett, and the entertainment company of the social media and newspaper who took to online platforms the false rumors of his upcoming wedding with Kate! There are also attached pictures of the two of them when they had their final talk, referred to as closure, in the cafeteria.
He just woke up and was bombarded by congratulatory messages from his friends and other close acquaintances about the sudden spread of rumors that he is getting married. He discovered that it was all over the socmed and news.
As soon as he got out of the room, a slap from Sapphire met his face. “Sinungaling! Manloloko!” singhal nito na halu halo ang emosyon, galit, nasasaktan at naiiyak.
Hinawakan niya ito kaagad sa magkabilang balikat upang pigilan ang pag-alis nito sa kanyang harapan. Nagsusumamo niya itong tinignan diretso sa mga mata. “Calm down, Sapphire. Please. Wala akong alam sa kasinungalingang pinagsasabi ni Kate sa social media o maging sa newspapers. I swear,” he tried to beg her to listen to him.
“Bitawan mo ‘ko, Derek!” tila bingi nitong pahayag at nagpupumiglas mula sa kanyang pagkahawak dito. “Huwag mo na akong lokohin pa! Patuloy mo lang binibilog ang ulo ko porke’t alam mong mahal kita at baliw na baliw ako sa iyo,” she expressed how hurt she is right now because of the false news.
“Sapphire. Maniwala ka. Wala akong balak pakasalan si Kate. Gawa gawa lamang ng babaeng iyon ang mga balitang iyan. Trust me. I beg you. I will never marry anyone else but you,” he kept on begging. Maski siya ay nakaramdam ng bigat sa dibdib. He hates seeing Sapphire in pain or to start being distant towards him again. Ang boses niya ay garalgal na sa pigil na mga luhang nais kumawala sa kanyang mga mata.
Tumigil ito sa pagpupumiglas at napaupo ito sa sahig habang humihikbi. “Why do you keep on hurting me, Derek? Why? I only keep on choosing to love you pero bakit ganoon? Hindi mo ako magawang mahalin ng buo?” She questioned his intentions and love for her between her cries.
“Hush now, baby. Please,” pagpapatahan niya rito. Lumuhod siya para magkapantay sila ng dalaga at mahagkan niya nang marahan ang noo nito. Hinawi niya ang mga nakatabing na buhok sa mukha nito at hinawakan ang magkabila nitong pisngi. “Let’s clear this fake news, baby. Let’s announce to the world our relationship and introduce Drake as well,” he suggested and he’s hopeful with her cooperation.
Nag-angat ito nang tingin sa kanya. “H-How?” bahagyang humihingal nitong tanong. Ang mga mata nito ay nanunubig pa rin, mga luhang nais pa ring patuloy na kumawala.
“First of all, I am very sorry for hurting you. This is not what I wanted,” he persuaded her. Malumanay na ang kanyang boses. Hinaplos niya ang pisngi nito at sinalubong ang bawat titig nito na tuliro pa rin.
“At anong relasyon ang iaanunsiyo natin sa publiko e hindi pa nga kita sinasagot?” sikmat nito kapagkuwan. Mukhang rumehistro na rito ang nauna niyang sinabi.
He slightly heaved a shallow sigh. “Sapphire do you love me as much as I honestly love you?” he asked.
Napatango ito. “O-Oo. Pero sabi mo liligawan mo ako hanggang mapasagot mo ako.” Her voice sounded innocent and a bit calm this time.
“Yes, I know, baby,” he replied and smiled. “But let’s announce to the world our love for each other and I will clear all the false rumors, my ex Kate, kept on spreading around the news. Trust me, I will still continue courting you. Everyday showing how much I adore and care for you. Nagkakasundo pa lang tayo at ayokong sirain kung anuman itong nasimulan natin nang dahil lang sa mga walang katotohanang balita na magpapakasal ako sa ibang babae, worst kay Kate pa,” mahaba ang kaniyang naging litanya.
Suminghot ito at nagpunas ng basang mukha dulot nang pag-iyak kanina. “Okay. Payag ako. Pero in one condition, gawan natin ito ng written agreement. I just want to make sure,” anito.
“Sure,” mabilis niyang sagot. Pinakawalan ng mga palad niya ang mga pisngi nito at bahagya siyang lumayo rito. “Go on and make the written agreement. Bring it to me when we need to sign it.”
Her facial expression displayed astonishment. “Are you for real?” hindi makapaniwalang tanong nito.
Ginulo niya ang buhok nito as he finds her cute. “Yes. Hihintayin kita sa kusina at ihahanda ko ang breakfast nating tatlo. Go wake up Drake as well.” Lumawak ang kanyang ngiti sa mga labi at naging masigla’t masaya ang boses niya.
“Sigurado ka talagang kagagawan lamang ng kahibangan ni Kate sa iyo itong mga balitang ito?” bumalik sa pekeng balita ang katanungan nito. She’s still not trusting him fully.
He pinched her nose and kissed her forehead again. “Oo, hibang talaga ang Kate na iyon. Sapphire, alam niya simula’t sapol pa lang noong nasa dating stage kami na wala akong balak maikasal sa kahit na sino. Unless it’s you. I was waiting for you. So please stop overthinking about it. Tonight, malilinawan ang madla. I will schedule an interview with a talk show so we can release our statements,” pagpapanatag niya sa loob nito.
“I keep on trusting you over and over again,” sumusukong hayag nito at nagpakawala ng buntong hininga. “Sana huwag mo akong sasaktan pa ulit.”
“Go make that written agreement now, baby. Then wake up Drake after. I will get our breakfast ready,” muli niya itong inutusan sa naglalambing na boses. Seryoso niyang tinatandaan ang huli nitong sinabi. May plano na siya kung paano tapusin at klaruhin ang mga pinagkakalat na balita ni Kate.
Tumayo si Sapphire at nagtungo sa opisina nito. Sumupil ang isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Excited na siyang ipaalam sa buong mundo, as the talk show will be broadcasted locally and internationally, that he’s now building his own family – unexpectedly yet perfectly destined for the three of them. Panatag na siyang ang dati niyang lihim na iniibig na babae ay siyang makakatuluyan niya. Whether she’s her old self as Sapphire, his ugly stalker, or Jasmine that he met from a bar five years ago. The most important thing, he was able to tell his side of the story that he never hated her when they were kids, he was just jealous of the other young boys before surrounding her. And now, she’s the mother of their first child, their son Drake.
Hindi siya makakapayag na si Kate ang sisira sa namumuong malalim na relasyon sa kanila ni Sapphire. Ang pasensiya niya rito ay naubos na. It is time for her to pay for spreading false information, isama pa ang mga kasabwat nitong kompanya na pumapayag sa nais nitong pagpapakalat ng kanilang nalalapit na kasal na hindi naman totoo.