Chapter 20

668 Words
SAPPHIRE found herself agreeing to Derek’s lunch date. Nakaramdam siya ng konsensiya dahil mas lalo niyang napagtanto ang kamalian sa kanyang parte. Ngayon naintindihan niya ang panig nito at nadala lamang ito sa matinding emosyon dulot ng pagkasorpresa sa existence ni Drake. Naghihintay sa sala ang binata habang hinayaan siya nitong ihanda ang kanyang sarili. Kasama nito ang kanilang anak na nanunuod ng pambatang palabas sa kid’s channel. Hindi nila isasama si Drake at ihahatid nila ito mamaya sa bahay ng kanyang mga magulang para ipagkatiwala muna sa mga ito ngayong maghapon. She chose to wear a blue below the knee dress that hugs her curves and its hem flow graciously on her legs. Ang manggas nito ay abot hanggang sa itaas ng kanyang mga siko at v-neck iyon na hindi exposed ang kanyang cleavage. She put on a light make up and styled her hair in a neat ponytail. Baby blue doll shoes ang pinili niyang sapin sa paa at ipares sa kanyang dress. After she was satisfied with her get up she went downstairs. Nakuha niya ang atensiyon ng mag-ama. Nakita niya ang pagsilay ng mga ngiti sa mga labi ng kanyang anak habang si Derek ay natulala at napaawang naman ang bibig nang dumapo ang mga mata nito sa kanyang pag-entrada sa sala. Mabilis na tumakbo para salubungin siya ni Drake, niyakap nito ang kanyang mga tuhod at tumingala sa kanya. “Wow! Para kang fairy, Mama. You look so pretty po,” his astonished son complimented her with full of amazement in his voice. His eyes are even twinkling with delight. Natutuwa siya sa anak dahil palagi siya nitong pinupuri at pinaparamdam nito sa kanya kung gaano siya kaganda at kadakilang ina sa paningin nito. “Drake is right. You are not just a fairy but a gorgeous princess,” pati si Derek na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa ay nagbigay din ng komplimento. Lumapit ito sa kanilang mag-ina at mga titig nito ay nanatiling nakatuon sa kanya. Alam niyang nagkulay kamatis na sa naramdamang hindi mapigilang kilig ang magkabila niyang mga pisngi. Sinalubong niya ang mga mata ng binata. Sa isang iglap ang inis niya rito ay biglang naglaho at napalitan ng nakakakiliting sensasyon sa kanyang tiyan tulad ng kung paano siya baliw na baliw dito noon. Oh no! She knows very well that she’s in danger especially her heart that starts to skip a beat for him again. “I am lucky to have you as my date today. Thank you,” he expressed his gratitude and hold her flushing cheeks. Ang ngiti nito ay maaliwalas at tila sumasang-ayon sa mga sinabi nito. Pero ano at bakit? Ano ang nakain nito para magbago ng pakikitungo sa kanya na maging siya ay naapektuhan rin? Lumalambot na ang puso niya ulit para rito. At bakit siya nito niyaya sa lunch date? Anong meron? “Daddy. Mama. Ayaw niyo na pong mag-blink ng eyes niyo?” then suddenly their son spoke. Ito ang pumutol sa mahaba nilang titigan sa isa’t isa. She bit her lower lip and looked away first while her cheeks are still tomato red. Bahagyang natawa si Derek at ginulo nito ang buhok ng anak na nakayakap pa rin sa kanyang mga tuhod. “Silly you. Nagandahan kasi ng sobra si Daddy kay Mama kaya natagalan akong mag-blink ng eyes. What do you think? Is your Mama a fairy or a princess this time?” kinuha nito ang atensiyon ni Drake. Muling tumingala sa kanya ang anak bago sinagot ang tanong ng ama. “Both po, Daddy,” masigla nitong tugon kapagkuwan. “Ofcourse, she is,” sumang-ayon ang binata atsaka pinulot para kargahin ang anak. “Now, let’s go and head out. We will still have to drop you at your grandma and grandpa’s house para masolo ko ang maganda mong mama. Okay?” saad nito na animo’y nakikipag-areglo habang naunang naglakad palabas ng bahay. Sinundan niya ang dalawa pagkatapos masigurong naisara at nailock niya ang mga bintana at pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD