NANATILI si Kate Winslett sa kanyang hotel room buong araw. Ang kanyang sirang kotse ay naayos na rin at naibalik ng talyer sa parking area ng hotel.
Hindi niya magawang makaalis sa kanyang silid dahil medyo natakot siya na mangyari uli ang insidente kagabi na nasiraan siya ng sasakyan sa gitna ng kalsada. Paano na lang kung walang tumulong sa kanya? At isa pa wala pa siyang naiisip na bagong matinong plano para alamin kung nasaan naglalagi o tumutuloy ngayon si Derek. Tila mailap ang tadhana sa kanya.
"Nasaan ka bang lalaki ka ha?" naiinis niyang tanong sa hangin.
Umalis siya sa pagkakaupo sa sofa at nagpunta sa terasa para lumanghap ng sariwang hangin. She must say that the fresh air from the province is not bad at all. Kulang man sila sa luxurious at high-tech na kagamitan, shops, at facilities ay maganda naman ang handog na scenery at mga sariwang pagkain dito.
Marahas siyang napabuntong hininga. Napaisip siya kung bakit hindi pwedeng maging simple ang buhay. Pero alam niya rin ang kasagutan para sa kanyang sarili, iyon ay dahil hindi magawang makuntento ng isang tao. She will be honest, she's one of those people who become discontented with life. Once she experienced an extravagant lifestyle she could not help herself but find ways to maintain it.
"Just look for Derek and everything will be good again, Kate. Siya lang ang pag-asa mo ngayon para hindi ka bumalik sa mahirap mong buhay," pagkausap niya sarili para payuhan.
Pinapaunod niya ang mga ibon na lumilipad at dumadapo sa mga nakapaligid na mga puno at halaman nang may kumatok sa kanyang pinto. She went to open the door for the person outside.
" Ma'am, laundry service po. Ito na po ang mga ipinalaba ninyong mga damit," bungad sa kanya ng staff ng hotel nang mapagbuksan niya ito.
Ang small sized laundry basket na dala nito at iniabot nito sa kanya. Kinuha niya iyon at nagpasalamat.
Bumalik siya sa loob ng kanyang silid para tupiin ang mga bago niyang labang mga damit at isinilid iyon sa built-in closet. She also noticed that it was already five in the afternoon. Lumapit siya sa beside table at ginamit ang telepono para kontakin ang small diner na nasa first floor ng hotel. She ordered for her dinner.
Pagkatapos matawagan ang small diner ay naligo siya at nagpalit sa kanyang pantulog. Eksaktong natapos siyang gumayak nang dumating at ihatid ng staffs ang kanyang hapunan.
Habang abala sa pagkain ay nagpatuloy siyang mag-isip ng panibagong plano. Kung wala ngayon si Derek ay saan ito maaaring tumuloy?
"His son?" she uttered and then her eyes twinkled as they dilated in joy. "Tama! Saan pa nga ba siya pupunta kung hindi sa anak niya!" bulalas niya na animo'y nasagot ang matagal niyang palaisipan.
"Pero tagasaan ba ang batang iyon? Come to think of it? Does that mean Derek is also staying with the mother of his child?" muli niyang naisatinig ang katanungan na sumagi sa kanyang isip. "No way," naiinis niyang turan.
Hindi maaaring maagaw ng iba ang binata kung hindi mawawala sa mga palad niya ang karangyaan na tinatamasa niya ngayon. She will not let anyone take him away from her.
"Derek is mine," nanumpa siya at nilagok ang buong laman ng wine glass niya.