AT NIGHT, when Sebastian was about to enter Sapphire’s room where he was staying as he successfully blackmailed her. Napansin niyang nakaawang ang pinto at walang tao roon. He even checks the bathroom and it’s empty.
He wondered where Sapphire was. Tapos na silang maghapunan at nalinis na rin nito ang mga pinagkainan nila at buong kusina. Where could have she been?
Lumabas siya sa silid at naglibot sa buong bahay. Hanggang sa narating niya ang unang palapag at napahinto siya sa nakasarang pinto ng silid malapit sa sala. He heard Sapphire’s voice and she seems to be talking with someone over the phone.
“Hello, Atty. Harrith,” she greeted the person from the other line.
Upang mas mapakinggan niya ng maayos ang usapan ay idinikit niya ang kanyang taenga sa hamba ng pinto at sinandal niya ang kanyang katawan.
“Magandang gabi, Ms. Arcillo. Mabuti at napatawag kayo. Bukas na sana ako magrereport tungkol sa pag-file natin ng apela para bawiin ang kustodiya mula kay Mr. Velasco. The court has already signed and approved our appeal. Pero kailangan nating maghintay ng isang linggo o mahigit bago mabigyan ng schedule ang hearing sa pagbubukas ng kaso,” the lawyer informed Sapphire, his client.
He was grateful that the phone was put on a loudspeaker so he could hear what the matter was all about. This will be an advantage for him.
“I am impressed by how fast and efficient you work, Atty. I will look forward to the day we finally win back my full custody rights for my son,” natutuwa at puno ng paghangang pahayag ni Sapphire. Maririnig sa boses nito ang sigla at pananabik.
Nalungkot siya sa nalaman. He thought that there’s a chance for them to settle things into its right places and become a family of three. Nais niya sanang gumawa nang aksiyon para isakatuparan ang mithiin niyang ito at alam niyang siya ring pangarap ng kanilang unico hijo, ni Drake.
“I will keep you updated, Ma’am. Enjoy the rest of your night,” huling litanya ng abogado bago nawala sa kabilang linya.
After the call ended, he heard Sapphire getting up from her swivel chair and then her approaching footsteps. Kaagad siyang kumaripas ng takbo pabalik sa ikalawang palapag at medyo nahingal pa siya nang marating niya ang silid nito.
Mabilis siyang umaktong relax lang at pumipili ng kanyang susuoting pantulog mula sa kanyang traveling bag noong pumasok na sa loob ang dalaga. Hindi naman siya nito kinibo o pinansin. Dumiretso itong pumanhik sa banyo at ang sumunod niyang narinig ay ang lagaslas ng tubig mula sa shower.
Huminga siya ng malalim at dahan dahang ibinuga. It was better that she doesn’t know that he heard her conversation with her lawyer. Ibig sabihin may panahon at kalamangan siya upang makapag-isip ng paraan kung papaano sosolusyunan ang napipintong hearing para sa apela ng kampo nina Sapphire laban sa kanya. They want to successfully win back the custody of Drake from him. Hindi siya papaya na mawala pa sa kanya ang kaisa-isa niyang anak o maging ang ina nito. They will both stuck by his side now.
Habang tumatagal ay mas tumitindi ang kanyang pagnanais na pati si Sapphire ay maging kanya na rin. He wanted to own her. Alam niyang ang bilyon niyang salapi ay walang magagawa para makuha ang dalaga lalo na ang puso nito, kung kaya’t kailangan niyang makaisip ng epektibong paraan. Isang paraan na kung saan maipaparating niya sa dalaga na mas magandang mabuo silang tatlo bilang isang buo at masayang pamilya.
When he suddenly thought of taking his first step which is to ask for forgiveness then express how he feels towards her.