Chapter 17

925 Words
SOBRA ang inis na napasigaw si Kate Winslett at nagpipigil sa galit na umibis siya sa kanyang sasakyan. She roared even more when she saw the wheel on the left front of her car was flat. “Fvck you! Sh*t!” she cursed hard and loud as she kicked the flat tire. Wala rin siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga taong dumaraan dahil sa ginawa niyang eksena. Inabot siya ng hapon sa paghihintay kay Derek sa subdivision. Kahit sinabi ng mga guwardiya na wala ito roon ay umasa siyang uuwi ito ngayong araw ngunit bigo siya. Sa kamalas malasan pa ng kaniyang buhay ay nasiraan pa siya ng gulong sa gitna ng daan pabalik sa hotel na tinuluyan niya kagabi. Mabuti at nagawa pa niyang itabi ang kanyang kotse para hindi siya makaharang sa ibang mga biyahero. Nag-init ang bawat sulok ng kanyang mga mata at napatampal ang dalawa niyang palad sa kanyang noo dahil halu halo ang inis, frustration at pagkadismaya na nararamdaman niya. Bakit kailangang humantong pa sa ganitong sitwasyon ang akala niya’y umaangat na niyang buhay? Why does her life have to go back downhill? Sa buong buhay niya na puro hirap at pasakit ang kanyang dinanas ay nag-asam siyang balang araw ay makamtam ang pangarap na maging mayaman. Ngayong naranasan niya ang saya na kahit papaano matamasa iyon ay wala siyang balak na pakawalan pa iyon. Hinding hindi siya papayag na muling bumalik sa buhay na maranasang muli na kailangan niyang magutom ng isang linggo upang manatiling buhay. Surviving life for her in her younger years allowed her to experience starvation for a week. How cruel it is to live in this kind of world? Life is unfair and unjust indeed, each of us lives differently from others and sometimes we don’t have a choice. Kinontrol niya ang kanyang emosyon pati ang mga namumuong mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Napameywang siya at napatulala sa sirang gulong ng sasakya niya. “It’s just a flat tire, Kate. Do not be overdramatic,” she scolds herself. Nag-isip siya ng paraan lalo pa’t nalalapit ng magdilim at ayaw niyang abutin ng magdamag sa kalsada na estranghero sa kanya at hindi niya kabisado. She can’t give up now especially that she’s close to Derek. She has to remember that enable for her not to get discouraged. Tila naawa ang langit kahit papaano sa kalagayan niya at mayroong humintong sasakyan sa tabi ng kanyang kotse. Nakita niyang family van ito at lulan sa loob ang ang magkakaanak na mukhang galing sa pamamasyal. “Ayos ka lang ba, Miss?” tanong ng driver na hinuha niya ay ang padre de pamilya. Hindi na niya nagawa pang itago ang lungkot. Ang mga labi niya ay bumusangot at naluluhang parang bata na tumingin sa huminto sa kanya. “Sira po ang gulong ng kotse ko,” maagap siyang nagbigay ng tugon. “Naku! Tulungan mo naman ang kawawang dalaga at mukhang hindi tagarito sa ating probinsiya. Tawagan mo ang malapit na talyer ng kumpare mo, Papa,” narinig niyang udyok ng ginang na nasa passenger’s side. Ito marahil ang asawa ng driver. Nilingon ng driver ang misis nito. “Oo nga. Saglit at bababa ako para tignan ang kanyang gulong,” turan nito bago umibis sa sasakyan nito at nagtungo sa harap ng kanyang kotse. He checked her flat tire while taking his phone out of his pocket. Tumipa ito sa aparato bago ilapit iyon sa taenga nito. Then she heard the dialed rings. She silently thanked God for rescuing her even though she’s a great sinner, which she knows very well. She’ll not deny it. “Sandali lang, Miss at kinokontak ko pa ang kumpare ko na may talyer diyan sa malapit. Hindi ako eksperto sa pagpapalit ng gulong o maski sana yung goma niya. Mas mabuti na lang na mga may alam sa bagay na ito ang tawagin natin para mabusisi ng maigi,” pagkausap ng driver sa kanya. Hindi na siya naiinis o naiiyak, awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi dahil may mabubuting loob para alokin siya ng tulong. “Sige po. Salamat po dahil naisip ninyo akong hintuan para alamin ang sitwasyon ko,” she happily expressed her appreciation. Kinse minutos ang lumipas matapos makontak ng driver ang malapit na talyer. Dumating ang mga tauhan ng nasabing repair shop at maski mismong may-ari ng shop ay sumama para tignan ang kanyang kotse. Nag-usap muna ang shop owner at ang kaibigan nitong driver na siyang huminto para tulungan siya. Pagkatapos masiyasat ang sira ng sasakyan niya ay ipinaliwanag ng mga ito sa kanya ang gagawing pagsasaayos at sabutin iyon hanggang bukas. Ibigsabihin kailangang hilahin ng dalang truck ng mga taga-talyer ang kotse niya patungo sa shop ng mga ito para ayusin. Kapag naayos na ay tsaka raw nila dadalhin sa kanyang lugar. Ibinigay niya ang address ng hotel kung saan siya tumuloy kagabi at balak niyang tuluyan din ngayon. She also added to the information her name and contact number. After the negotiation and the shop took her car with them, the driver and his family offered to take her to the hotel. She accepted their generous and kind offer as she needed it much. Hindi ito ang oras para mag-inarte siya at humanap ng taxi. She thanked the family who helped her after they dropped her off the hotel building. She checked in the hotel and she only has her emergency bagpack and her wallet that she took from her car as it was towed to the repair shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD