Chapter 16

790 Words
MAAGANG nagtungo sa malapit na gym si Derek para magwork out. Pagkatapos ng isa at kalahating oras na ginugol niya sa workout routine ay nagpasya rin siyang bumalik sa bahay ni Sapphire. Tulog pa ang mag-ina nang umalis siya kanina. He was on his way to the parking lot and about to get inside his car when the landline of the guard house of the subdivision where he lives here in Ilocos Sur called. Kumunot ang kanyang noo at nagtaka siya kung bakit siya kinontak ng mga ito. He answered their call as not to keep them waiting. “Hello po, Manong?” bungad niya sa caller na guwardiya. “Hello, Sir Derek. Magandang umaga po. Napatawag po kami para magtanong kung available po ba kayong tumanggap ng bisita ngayong araw?” tanong ng nasa kabilang linya na pamilyar ang boses sa kanya bilang isa sa mga security gaurds sa subdivision. “Hindi po, Manong e. Pakisabi na lang kung may maghanap sa akin na gusto akong puntahan sa bahay na wala ako riyan ngayon. Mayroon akong importanteng ginagawa, masyadong personal at hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal bago ako makabalik diyan. Ayoko rin pong magpaistorbo. Salamat,” mahaba niyang pahayag. “Ganoon po ba, Sir?” tila alanganin at dismayadong turan ng guwardiya. Magsasalita pa sana siya ngunit maagap itong sumingit. “Sige po. Ingat po kayo,” tanging nasabi nito at pinatay ang tawag. Ipinagpalagay na lamang niya na baka ang kanyang mga kaibigan o mga kasambahay sa mansion ng kanyang ama ang nais bumisita sa kanya ngayon. Naisip niyang siya na ang mismong dadalaw sa mga ito kapag magkaroon siya ng sapat na bakanteng oras. For the meantime, he wants to give all his attention and time to his son and to find ways how to reconcile with Sapphire. Sa bawat araw na lumipas na magkasama sila sa iisang bubong ay mas nag-uumigting ang pagnanais niyang mabuo sila bilang isang masayang pamilya. Nakita at naranasan naman niya kung gaano kaalaga at ka-family oriented ang dalaga. Nagpatuloy siya sa pagsakay sa kanyang kotse at bumiyahe pabalik sa tirahan ni Sapphire. Pagpasok pa lang niya sa sala ay sinalubong na siya ng mabangong amoy ng nalulutong pagkain. Palaging ganito ang kanyang umaga sa ilang araw na pananatili niya rito. Pakiramdam niya tuloy ay napabayaan niya ang healthy diet para sa pinapanatiling fit body dahil sa nakakatakam at masasarap na pagkaing inihahanda ni Sapphire. She’s a good cook or he must say she’s good at everything she does. “Daddy!” sumulpot sa kanyang harapan at masigla siyang binate ni Drake. Nakayakap na ito sa kanyang tuhod at nakatingala pa sa kanya. “Good morning po. Saan ka po galing?” his son asked. Ginulo niya ang buhok nito at bahagyang pinisil sa pisngi. “I went to work out at a nearby gym, son,” he immediately replied. He bent down slightly to pick him up and carried him on his arms. “How’s your sleep?” naglalambing niyang tanong sabay nanggigigil na hinagkan ito sa pisngi. “My sleep is okay po. I dreamed of dinosaurs. Rawr!” masaya nitong tugon at nag-roar pa na may kasamang gesture na kamay malapit sa kanyang mukha bago ito tumawa dahil sa kalokohan. “Then do you want dinosaurs toys?” muli niyang tanong at nginitian lamang ang ginawa nitong roar sa kanyang mukha. He even wiggled his eyebrows indicating that he will give him whatever he wants if he will just tell him now. Lumapad ang ngiti nito at mabilis na inilapit ang bunganga nito sa kanyang taenga. “Yes, Daddy. Gusto ko po ng dinosaur toys pero don’t tell Mama, she will scold us kasi ang dami ko na raw laruan,” pabulong nitong turan na agad niyang ikinangisi. Sapphire is teaching their son how to be thrifty when he has him, his billionaire father? “I got you, son. Mamaya,” pabulong niyang wika at kinindatan ito. Bata pa lang ang anak niya ay nakikinita niyang namamana na nito ang kaniyang pagiging maloko. “Ano ang binubulong bulong niyo riyan?” pagalit na untag sa kanilang mag-ama ni Sapphire. Nakapameywang pa ito at diretsong nakatingin sa kanilang gawi. “Kanina ko pa kayo tinatawag para kumain. Hala! Sumunod na kayo rito sa hapag kung hindi mapapalo ko kayo pareho sa puwet,” babala pa nito sa istriktong boses. “Yes, Mommy. Spank me,” natatawa at pahabol niyang sigaw bago pa makabalik sa kusina ang dalaga. “Derek! Isa! Huwag sa harap ng bata!” asik nito na naiinis at nilingon siyang muli para pandilatan. He just laughed out loud and went to the dining room passing through her while still carrying their son who looks clueless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD