ANOTHER day has come, alas otso ng umaga bumangon at gumayak si Kate Winslett. Nagbihis siya at nagcheck out sa hotel. Pinaarangkada niya ulit ang kanyang kotse sa daan para puntahan na ngayon si Derek.
Narating niya ang entrance papasok sa subdivision kung saan nakatira ang binata. Inihinto niya kaagad ang kanyang sasakyan dahil hinarang siya ng mga guwardiya.
“Saan ang punta ninyo, Ma’am?” tanong ng isa sa kanila pagkatapos kumatok ng tatlong beses sa bintana sa kanyang gawi.
Napairap siya sa hangin at naiinis na nagbuntong hininga. “Nuisances!” sigaw niya sa mahina at tanging siya ang makakarinig na boses. Nakalimutan niyang may mga asungot pa palang security guards na kailangan niyang malusotan para makapasok sa tirahan ng dating nobyo.
Kinalma niya ang sarili bago ibinaba ang bintana para mapagbuksan ang guwardiya na naghihintay sa kanyang sagot. Ngumiti siya ng pilit na halos pumikit ang kanyang mga mata.
“Good morning po, Kuya,” she first greeted the guard and smiled again with all her upper teeth showing. “Dadalawin ko po sana si Mr. Derek Velasco,” sinabi niya ang kanyang sadya.
“Kaano ano po kayo ni Sir Derek, Ma’am?” muli itong nagtanong at hindi man lang tinablan sa pagpapa-cute niya.
“I’m his girlfriend po. Galing pa po ako sa Manila kaya if you could please let me in so I can surprise him already,” apurado ang tonong pahayag niya.
Napakamot sa ulo ang kausap niya na tila nag-aalangan at hindi kuntento sa kanyang relasyon sa residente nila sa loob ng subdivision. “Naku! Pasensiya na po, Ma’am pero hindi ka po namin puwedeng papasukin na lang basta. Kailangan po muna nating ipaalam ito kay Sir Derek para hindi po kami mapagalitan,” tumanggi ito sa kanyang demand.
Naalarma siya nang senyasan nito ang mga kasamahan sa loob ng guard house. “Paki-inform si Mr. Derek Velasco!” sigaw pa nitong utos. “May dadalaw sa kanya galing Manila. Girlfriend niya raw,” dagdag pa nito.
“Anong pangalan?” pasigaw na tanong naman ng kasama nito na nakita niyang nahawak na sa handset ng telepono.
She gasped and her eyes were bulging as she was surprised that they will think of calling Derek to inform her presence. Sh*t. She cursed inside her head.
“Ma’am, puwede po ba naming makuha ang pangalan ninyo? Iinform lang po namin si Sir Derek para maconfirm po na magkakilala kayo,” bumaling muli sa kanya ang guwardiya.
Ibinuka niya ang bibig para sagutin ito ngunit walang ni isang katagang nabigkas niya. Natulala siya at ang utak niya ay naabala sa pag-iisip ng gagawin. She knows very well that Derek hates liars and people taking advantage of a situation.
“Ma’am? Ayos ka lang po?” untag ng guwardiya at kumaway pa sa harap ng kanyang mga mata na siyang dahilan para mapakurap kurap siya.
“Kailangan po ba talaga ninyong tawagan siya? Please naman, Kuya o. Promise! Hindi ako gagawa ng masama. Sosorpresahin ko lang siya,” she tried to use her persuasion and negotiation method. Sana ay umobra.
Napailing ang guwardiya at umistrikto ang ekspresiyon sa mukha. Tila hindi na ito natutuwa sa kanyang pagiging mapilit.
“Huwag naman po sana kayong makulit, Ma’am. Ginagawa po namin ang aming trabaho ng maayos at ayaw po naming matanggal sa trabaho dahil lang hinayaan namin kayong makapasok na hindi allowed or wala sa list of expected visitors ng mga residente sa loob,” pagtanggi nito at nagpaliwanag pa.
Nangangati ang paa niya at gustung gusto niyang tapakan ang accelerator pedal ng kanyang sasakyan at banggain na lang ang gate para tuluyan na siyang makapasok.
“Naiintindihan ko po kayo, Kuya,” lumungkot ang boses niyang tugon. Inalis niya ang tingin dito at tumingin ng diretso sa mataas na gate. Ang harang na iyan at ang mga asungot na guwardiya na lang ang balakid para matagumpay niyang mapuntahan si Derek.
“Ano po, Ma’am? Sasabihin pa po ba namin kay Mr. Velasco ang pagdalaw ninyo o hindi na lang kayo tutuloy?” after a moment, the guard on her window side asked again.
“Aabangan ko na lang po ang paglabas niya,” sagot niya na walang kaamor amor at nanatiling nakatutok sa harap ang mga mata niya.
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito. Pinasibad niya ang kanyang kotse at ipinarada iyon sa lilim ng malaking puno hindi kalayuan sa guard house.
Habang nakatambay para maghintay sa paglabas ng binata ay kumalam ang kanyang sikmura. Doon niya naalalang hindi pa pala siya nakakapag-agahan. Ramdam niya ang gutom ngunit hindi niya magawang umalis sapagkat mas kailangang matiyempuhan niyang lumabas si Derek at nang sa ganoon ay masundan niya ito.
Ang kanyang focus ay nanatiling nakaobserba sa mga tao at mga sasakyan na palabas at paloob sa subdivision kung kaya’t hindi niya namalayang kumatok muli ang guwardiya sa bintana sa gilid niya. Walang kagana ganang pinagbuksan niya ito.
“Ah. Ma’am tinawagan po naming si Mr. Velasco at pinapaalam niya na hindi siya puwedeng tumanggap ng bisita ngayon sa bahay niya kasi wala siya ngayon dito. Huwag din kayong mag-alala dahil hindi namin sinabi na balak niyo sanang dumalaw na girlfriend niya,” pagbibigay alam nito.
Her heart sank upon hearing the bad news. Hindi pumapanig sa kanya ang kanyang mga plano! I am annoyed as hell!
“At saan naman daw siya nagpunta?” mataray niyang kuwestiyon.
“Iyon po ang hindi namin alam. Pasensiya na po,” maagap nitong tugon bago nagpaalam at bumalik muli sa guard house.
Nang mawala ang kausap ay kaagad nag-init ang ulo niya.
“Arghhh!!!” she roared in annoyance as she hit the stirring wheel with her hands and she shook her head because of frustration. “Ano bang klaseng kamalasan ito? I can’t go back to Manila without reconciling with him. Hindi magiging sapat ang kita ko bilang isang model para bayaran lahat ng utang ko. Atsaka paano na ang mga luho ko?” parang baliw na pagkausap niya sa sarili kapagkuwan.