CHAPTER 1
"Enrollment"
Kimeniah Fox's PoV
"Kim!!" rinig kong sigaw ni Althea sakin mula sa malayo. Marami pang napatingin sakanya dahil sa sigaw niya.
Tinago ko ang mukha ko sa folder ng file na hawak ko dahil sa hiya. Kung pwede lang sana ay lumubog na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa hiya.
Bakit ko nga ba siya naging kaibigan?
"Kim, ano kamusta ang bakasyon? Nag enjoy ka ba sa ibang bansa? Ano bang ginawa mo roon? Saan kang lugar namasyal?," sunod sunod niyang tanong.
Ano ba naman itong si Althea, parang hindi rin siya nagbakasyon kung umasta siya. Excited pa siyang malaman kung ano ang ginawa ko samantalang nakapunta na rin naman siya sa Paris.
"Thea, nakapunta ka na rin sa Paris ha? Kung ano ang mga lugar sa Paris ayon ang pinuntahan ko," natatawa kong sabi sakanya.
Nagpatuloy na ko maglakad papunta sa registar. "Kim naman eh, nung nakaraang nakaraang taon pa yon kaya nakalimutan ko na," maktol niya pa habang naglalakad kami.
Umiling lang ako sakanya at sinagot na lang ang mga tanong niya. Para naman siyang bata na nakikinig sa kwento ko.
Ewan ko rito sa babaeng ito. Palagi na lang siyang excited sa mga ganap sa buhay ko. Samantalang mas nakakapag travel naman siya kaysa sakin.
"Ang haba naman ng pila," rinig kong inis na reklamo ng nasa likuran ko.
Sinulyapan ko siya at tinignan ang harapan at likod. Mahaba nga ang pila ngunit malapit na naman ang turn namin.
"Ang arte, akala mo naman kagandahan, ang lapit lapit na natin, doon pa nagreklamo," rinig kong ismid na bulong ni Thea.
Mahina akong natawa sakanya. Lahat na lang talaga napapansin niya at hindi pwedeng hindi siya magkomento rito.
Napailing na lang ako sakanya at mahina pa ring natatawa.
Maya maya pa ay turn na namin kaya pumasok na kami sa loob. Ibinigay ko ang documents na hawak ko roon sa babae ng hingin niya ito.
Nang matapos ako ay lumabas na ko, di pa tapos si Thea kaya naman sinenyesan ko na lang siya kanina na hihintayin ko na lamang siya sa labas.
Pagkalabas ko ay sumalubong sakin ang mga estudyanteng nagkakagulo. "Ano ba yan ate, nauna ko dito eh. Ang tagal po naming pumila rito tapos sisingit lang kayo," inis na sabi nung isa pang babae.
Mukhang jr. student siya at bago, maybe first year high school? Paano ko nalaman? Simple, ang kaaway lang naman niya ay walang iba kundi si Atarah Davis.
Atarah Davis is known at Monroe Academy. She was known as a bully. It started when she won the queen bee pageant, she's not like this before, but for some unknown reason she changed, after that pageant.
"So what? Gusto ko rito pumila eh, ayoko roon ang haba pa at mainit," maarte nitong sabi na nakataas pa ang kilay.
"Eh ate, paano naman po kami? Kanina pa rin po kami naghihintay?," mahinahon naman nung isa pang kasama ng isa pang babae.
"I don't care, don't you know me?" mataray nitong sabi, "ahhh sabagay paano niyo ko makikila ehh mukha kayong mga............." nakangisi nitong tinignan mula ulo hanggang paa ang dalawang jr. High, "mga baguhan."
"Kim, halika na," rinig kong tawag sakin ni Thea ng matapos siya. Sumenyas ako na wait lang sakanya.
Nagtataka naman niya kong tinignan kaya napabuntong hininga ako at itinuro ang pwesto ng mga estudyante na hanggang ngayon nagkakagulo pa rin.
Atarah is always a trouble maker. Palagi na lang siyang nasasangkot sa gulo. Palagi rin siyang nasa detention room dahil rito.
"Atarah," kalmado kong tawag rito ng makalapit. Lumingon naman siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Ahitin ko pa yan ehh. Akala mo naman ikinaganda niya yung pag taas niya ng kilay.
Don't get me wrong Atarah is indeed a beauty pero masama lang talaga ang ugali nito.
"What Kim, makikialam ka? FYI hindi pa nagsisimula ang klase kaya wag kang magpaka vice president dito," mahaba niyang sabi.
Wala pa nga kong sinasabi andami niya ng sinabi. Haystt, Atarah will always be Atarah.
"Yeah, maybe you're right, I don't have a responsibility now, but as you can see mali ang ginagawa mo at bilang kapwa estudyante pwede rin kitang patigilin," mahinahon kong sagot sakanya.
"Don't interfere on my business Kim," mariin niyang ganti.
Seryoso ko siyang tinignan at binaling ang tingin sa dalawang jr. high student, nginitian ko sila at sinenyesan na lumapit.
"Pagkatapos ni ateng nakakulay black sumunod na kayo sakanya ah. Wag mo ng pansinin tong malditang to," sabay turo kay Atarah na ngayon ay inis akong tinignan. "ako ng bahala sakanya," dagdag ko pa.
Sununod naman sakin ang dalawa kaya pagkatapos nung naka black ay turn na nilang pumasok sa loob.
Tinignan ko muli si Atarah, masama pa rin ang mga matang nakatingin sakin. "Atarah, enrollment palang nambubully ka na, pumila ka ng maayos mula sa likuran kung ayaw mong mapahiya pa rito," nakangisi kong ani rito.
"I'll make you suffer, Fox, just f*****g wait," she hissed na nginisihan ko lang. Inis at nagdadabog naman itong umalis sa harapan ko at pumila mula sa likuran.
Tumalikod na rin ako sa mga estudyante na nagbubulungan at dumiretso kay Althea na ngayon ay nakangisi na.
Nang aasar niya kong tinignan, "hero yarn?" natatawa niya sabi sabay kunyapit sa kanang braso ko.
Umiling lang ako sakanya na lalo niyang ikinatawa.
"You hate attention pero dahil sa pagiging mabait mo sa iba ay marami kang nahahakot na atensyon," naiiling nitong sabi.
"I don't hate attention, Thea. Ayoko sa maraming attention but it doesn't mean that I hate it," mahinahon kong sagot rito. "Also I'll persue Fashion design, may inaalok si Ate Ezra sakin sa Manila, it's a modelling agency, para daw hanggat maaga ay makilala nako," dagdag ko rito.
Ate Ezra is Kuya Lincoln's wife. She's a model kagaya ng pinsan kong si Callista.
Callista in her young age, is already modelling a different brands. They even chase Callista here in the province, but knowing Callista, she will reject it.
Callista loves the province of El Nido. Lahat naman kaming magpipinsan eh. Dito na kasi kami halos lumaki, at dito mas peaceful ang buhay hindi katulad sa manila na masiyadong polluted.
Mas gusto niyang manirahan rito sa probinsya kaysa sa Manila kaya marami siyang denedecline na photoshoot. Ang reason niya palagi samin ay, "I'm studying here, also I just pursue modelling because of money, dagdag income, ayokong umasa sa pera ng magulang ko," yan ang lagi niyang sagot samin.
"Oh eh bakit hindi mo kunin, inalok ka na naman pala ni Ate Ezra eh," biglang sabi ni Thea na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
"Ayoko magtatapos muna ko rito ng college bago pumunta ng manila at sumabak roon," sagot ko habang umiiling ng mariin.
Nang makalabas kami ay agad na pumarada sa harapan namin ang itim na TOYOTA SUV na pagmamay ari naming mga Fox.
"Gusto mo sumabay na lang?," tanong ko kay Thea, wala pa kasi ang kanyang sundo.
"Wag na, parating na din si Kuya Waldo," sagot niya habang sumisilip sa phone niya.
Tumango ako sakanya at nagpaalam. Pumasok na rin ako sa SUV at nakita si Mang Hernand sa harap.
Mang Hernand are one of our drivers. Madalas siya ang naghahatid sundo sakin. Ayaw pa kasi nila akong pagamitin ng kotse kahit na kaya ko naman na.
Tsaka na raw ako magdrive pag 18 na ako at may lisensya. Pinabayaan ko na dahil malapit na rin naman akong mag 18. This year na din yon, onting hintay lang.
Binati ko si Mang Hernand ng maayos na kong nakasakay sa SUV at binati niya rin ako pabalik.
Habang nasa byahe ay nakatulog ako dahil sa pagod at init kanina. Nagising lamang ako ng gisingin ako ni Mang Hernand at sinabing narito na kami sa mansyon ng mga Fox.
"Ate Avy, ano ba ang gulo mo naman eh. Kayo may gusto ng horror tapos ako itong nilalamutak niyo!!" rinig kong reklamo ni Callisto pagpasok ko ng mansyon.
"Ayon si Kuya El oh! Bakit ako lang ba ang nilalamutak mo," dagdag pa nito.
"Anong ako? Nananahimik ako rito ahh, subukan mong lumapit ate Avy," sagot naman ni Elrod na naka amba ng unan.
"Ano ba naman kayo!! Ansama niyo sakin," rinig kong reklamo ni ng kapatid ko sakanila.
"Ehem," tawag kong pansin sakanila.
Sabay sabay naman silang lumingon sakin. Nang makita ako ng kapatid ko ay dali dali itong tumayo at nagtungo sakin.
"Ateeeee Kimmmmm sila oh, inaaway ako!!!," sumbong nito sakin ng makalapit.
Napailing lang ako sakanya bago sumagot, "Avy, ikaw ang bunso sa ating magkakapatid, pero mas matanda ka sa mga kasama mong yan kaya wag kang parang bata," sagot ko rito.
"Ate naman!!" sigaw nito sakin ng maglakad ako palayo sakanya.
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, "Don't be a spoiled brat, Avy," sabi ko sakanya, ngumuso lang siya sakin at tumango.
Binati ko ang dalawa at tinanong kung bakit sila lang at wala si Callista. Napag alaman ko na nasa library daw ito at nagbabasa ng kung ano roon.
Nagpatuloy nako umakyat pagkatapos noon. Nang makarating sa pinto ng kwarto ko ay binuksan ko ito.
Pagkasara na pagkasara ng pinto ko ay nilock ko na ito at deretsong nahiga sa kama.
Binuksan ko ang phone ko at bumungad sakin ang chat ni Thea.
From: Thea❤️
Bili tayo bukas ng school supplies?
Binasa ko ito at nagreply ng simpleng "sige," pagkatapos noon ay pinatay ko na ang phone ko at tumayo dumiretso ko sa banyo at naligo.
Pagkatapos ko maligo ay pinatuyo ko lamang ang aking buhok tsaka nagbihis ng pambahay. Bumaba na rin ako pagkatapos.
Nang bunaba ako ay wala na sila sa sala, sigurado akong nasa dining na silang lahat dahil anong oras na rin pala.
Dinning Hall........
Pagkarating ko roon ay naabutan ko silang kumpleto. Lumapit ako kay Don Ambrose at Donya Imelda, ang lolo't lola ko.
Humalik ako sa kaniyang pisngi at dumiretso sa tabi ni Avy. Kami kami lang ang narito ang mga iba naming pinsan ay nasa Manila.
Ang mga magulang naman namin ay nasa ibang bansa o nasa Manila para sa business namin.
Ang pwesto namin ngayon ay ganto, si Lolo Ambrose sa punong upuan habang nasa kanan niya namang bahagi ang aming napakagandang lola, katabi naman ni lola si Callisto na ang katabi ay ang kapatid na si Callista.
Sa kaliwang bahagi naman ni Lolo Ambrose ay si Elrod na katabi ko at si Avy naman na nasa kabilang gilid ko.
Oo, kami lang pito ang narito. Siguro nagtataka kayo kung bakit sa dami rami ng angkan namin ay kami lang ang narito.
Gaya ng sabi ko kanina ang magulang namin at ang pinsan ay nasa manila o ibang bansa para sa business.
"Tayo'y kumain na," sambit ni lolo na bakas ang otoridad sakanyang boses. Tahimik naman kaming kumain. Ganito kami tuwing nakain tahimik pwera na lang kung may pag uusapang seryoso.
Katulad ngayon, "Kimeniah, wala ka bang balak na mag Manila?," tanong sakin ni Lolo.
Napanguso ako sakanya at nilunok muna ang kinakain ko bago magsalita, "pinapaalis niyo na po ba ko rito?," nagtatampo kong tanong sakanya na ikinatawa nilang lahat.
"Hindi sa ganon apo," natatawang sagot naman niya habang mahina pa ring tumatawa. "Ang akin lang ay sayang ang offer na ibinigay sayo ng iyong ate Ezra, maaari ka namang mag aral pa rin dito katulad ni Cally kung ayaw mo sa Manila," dagdag nito.
Tumango ako sakanya at sumagot, "pag iisipan ko po lolo, gusto ko po kasing mag focus sa study ko ng walang ibang prinoproblema, ngunit susubukan ko po," mahinahon kong sagot rito bago nagpatuloy kumain.
"Oh Ate Ezra, gave you an offer?," curious na tanong sakin ni Callista.
Tumango ako sakanya, "yeah"
"That's good ate Kimeniah, If you accept the offer, just tell me, I'll help you too," mahinhing sagot nito sakin habang matamis na nakangiti.
Sinuklian ko ang ngiti niya at tumango bago sumang ayon.
Nang matapos ang dinner ay dumiretso na ko sa kwarto ko at nagpahinga.
Pagkahiga na pagkahiga ko ay agad akong nakatulog dahil sa pagod........