Chapter 1
"Nay tara na po, alis na po tayo at baka mahuli na naman po tayo kay Aling Tising" wika ng batang si Elisha na nagmamadaling sinukbit ang bag at lumabas ng kanilang munting tahanan.
"Mauubusan na naman po tayo ng kakanin kay aling Tising" dagdag na wika pa niya.
"Nako anak, saglit lang at biglang sumakit ang tiyan ko" wika ng ina niya na nakukunot ang noo habang hawak ang tiyan nitong humihilab,malamang ay may nakain ito dahilan upang sumakit ang tiyan nito.
Sinundan niya ito hanggang sa pinto ng kanilang munting palikuran at kinausap.
"Pano na yan Nay baka maubusan na naman po tayo pag hinintay ko pa po ikaw". Wika niya na nakakunot ang noo at napapabuntong hininga.
"Ang mabuti pa anak ay ikaw na muna ang mauna kay Nanang Tising mo para di tayo maubusan" wika ng nanay niya na nasa loob ng banyo.
" Sige po Nay, magiging maayos lang po ba kayo dyan?" wika niya ng may pag-aalala.
"Oo naman anak, mukang may di maganda lang ako nakain kagabi kaya ganito ang tiyan ko. Hintayin mo na lamang ako sa 7eleven, nandoon na ko bago mag ala sais.
"Opo" sabi na lamang niya na bagaman nag-aalala sa ina ay umalis na din.
Alas singko at kalahati pa lang ng madaling araw. Madilim dilim pa pero dahil malapit lang naman ang kanyang pupuntahan ay pinayagan na rin siya ng kanyang Ina na mag-isa, tutal kilala naman na siya ng mga tao sa lugar nila dahil araw araw ay nililibot nila ng kanyang ina ang lugar na iyon upg mgtinda ng kakanin.
Iyon lamang ang kinabubuhay nilang mag-ina. Wala na siyang ama. Di niya alam ang itsura nito, pero ang sabi ng kanyang Ina ay namatay ito sa isang aksidente. Di na siya nagtatanong sa ina niya dahil nakikitaan niya ito ng lungkot tuwing pinaguusapan ang tungkol sa kanyang ama.
Gusto man niyang magpakwento ay mas ayaw niyang nakikita ang lungkot sa kanyang ina.
"Uy, Eli!" wika ng isang matinis na tawag na nagpalingon sa kanya. Bigla siyang napangiti, si Jeorge ang tanging bestfriend niya ang tumawag sa kanya.
"Uy Jeorge" wika niya sa masayang tinig. Napairap naman ito sa kanya ng makalapit sa kanya. "Georgia diba?" wika nito na medyo itinaas pa ang kilay. Napatawa siya.
Alam niya na ayaw na ayaw nito ng Jeorge ang itawag niya sa kanya kase may pusong babae ito. Lamang ay gusto niya itong asarin kaya yun ang tinatawag niya. Ngmamadali itong sumabay sa kanya sa paglakad.
"Papunta ka kay Aling Tising? tanong nito na ikinatango ko.
"Sama ako!" sabi pa nito na mas excited pa sa kanya. Napairap siya, alam niya kung bakit masayang masaya ito.
Makikita nito ang crush nito na anak ni Aling Tising.
"Yan ka na naman, sasama ka sakin para masilayan mo si Kuya Dexter. Wika niya na kunwa'y nagtatampo.
"Akala ko pa naman sasama ka kase gusto mo talaga ako samahan" dagdag pa niya habang mabilis na naglalakad.
"Ano ka ba bestie, syempre gusto talaga kita samahan pero syempre gusto ko din makita si Papa Dex, para naman makumpleto ang araw ko"
Wika nito na pinagsalikop pa ang kamay at parang ma-iihi habang nag-lalakad.
Tinawanan niya ito sa kalokohan nito.
Di tulad niya mas nakaka-angat sa buhay ang bestfriend niya. Di rin ito nakatira malapit sa mga barong barong na bahay.
Mas maganda ang bahay nito na di hamak, kung sa kanila ay pinagtapi-taping kahoy at yero, sa kanila ay masasabi mo talagang bahay.
Parehas silang nasa grade 7 sa darating na pasukan, pero mukang di siya makakapag-enroll dahil kulang sila sa pinansyal. Kaya labis ang pagsisipag nilang mag-ina para makahabol sa darating na pasukan.
" Kailangan mo makapagtapos ng pag-aaral anak, ayoko na matulad ka sa akin na walang alam. Hangga't kaya ko itataguyod ko ang pag-aaral mo kaya mag aral ka mabuti anak, yan lang ang kaya kong ipamana para sa iyo".
Ang laging bilin sa akin ng aking ina. Kaya talagang gina-galingan at sinisipagan ko ang pag-aaral ko. Gusto ko na balang araw ay mabigyan ng kaginhawaan ang aking ina.
Marami pa silang pinag-usapan ni Georgia habang papunta kay Nanang Tising. Walang tigil ang bibig nito sa kung ano anong kwento, siya naman ay masaya lamang na nakikinig at kung minsan ay nakikipagharutan din.
Nabigla na lamang siya na halos madapa siya sa paghila nito sa kanya palapit kay Nanang Tising na nakatayo sa labas at may kinakausap.
"Hi kuya Dexter!" wika ni Jeorge na medyo pinalambot ang boses at bigla na lamang siya binitiwan.
"Hello mga bata" wika nito na hinawakan sila sa ulo.
Mabait ito kagaya ni Nanang Tising at kung titignan ay talagang gwapo ito, dangan nga lamang ay hindi naman niya ito napagtutuunan ng pansin di gaya ni Jeorge na sobra ang pagkaka - crush dito.
Ngumiti lamang siya at napapailing na tinignan ang kaibigan na di na yata halos humihinga at di na yata pumipikit habang nakatingin kay Dexter. Hinatak pa niya ito para samahan kay Nanang Tising binulungan siya nito na
"Girl hayaan mo muna ako kay Papa". Kaya wala siya nagawa kundi ang lumapit kay Nanang Tising mag-isa.
"Nanang Tising magandang umaga po. Ano po ba ang pwede ko pa makuha? Tanong niya habang tinitignan isa-isang nakahantad na kakanin sa lamesa.
"Nako, kamuntikan ka ng maubusan ineng, kanina ay mayroong gustong kumuha ng lahat ng iyan, lamang ay sinabi ko na mayroong may-ari na".
Wika nito habang ipinapaabot ang basket na paglalagyan ng paninda niya.
"Ang natira na lamang ay itong kutsinta na may yema, 10 nilupak na kamote, bibingka, palitaw at itong buchi buchi"
Napabuntong hinga siya, naiisip niya na kulang ang mga iyon pero dahil nalate siya ay wala siyang magagawa.
"Sige po Nanang Tising maraming salamat po dahil pinagtabi niyo po ako". wika niya na nginitian ang matandang babae.
"O siya sige, walang anuman. At inaalala ko nga na nung isang araw ay walang natira para sa inyo kaya tinira ko talaga ito para sa iyo. Aba'y nasaan ba ang iyong Ina?" Tanong nito na lumilinga sa paligid.
"Nanakit po ang tiyan kanina kaya po ako na lang po ang pinapunta, pero magkikita po kami sa tapat ng 7eleven nana Tising" Wika niya habang nagbibilang ng perang pambayad niya dito.
Bata pa lang siya ay makikitaan na siya ng galing sa pagkakalkula at pagtitinda. Siya lagi ang nag-aalok ng tinda nila, kadalasan ang iba ay natutuwa sa kanya. Madami ang nagsasabi sa kanya na maganda siyang bata.
Kahit na siya ay nabibilad sa araw ay di gaanong nangingitim ang kanyang balat. Matangos din ang kanyang ilong sa pang karaniwan at malalantik ang pilik mata niya na may pagkabilugan. Ang kanyang buhok na pag nasisikatan ng araw ay makikita mong kulay bukayo. Ang kanyang pisngi ay namumula mula kahit wala siyang ilagay ganun din ang kanyang labi. Madalas na ipang asar sa kanya ng mga kalaro niya na siya ay anak araw na nung una ay kinaiinis niya pero sa katagalan ay di na lang niya pinapansin.
Madalas sinasabi din sa kanya na di siya anak ng Nanay niya. Kung titignan ang nanay niya ay maganda rin ito sa kabila ng kahirapan ay di matatago ng ganda nito, ngunit malaki ang pagkakaiba nila.
Ang Ina niya ay kulay bukayo ang balat dala na marahil ng pagbibilad sa araw, itim na itim din ang buhok nito na madalas ay nakatali patalikod. Balingkinitan ang katawan nito na laging nakamaong at T-shirt. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na bumagay naman dito.
Ang mga mata nito ay malalantik din at bilugan na sa tingin niya ay namana niya dito. Tuwing sasabihin ko sa kanya ang sinasabi ng mga nagiging kalaro ko na nakakaaway ko ang lagi niyang sinasabi ay
"Nakuha mo ang itsura ng iyong Ama. Ikaw ang tanging ala-ala niya sa akin. Tuwing titignan kita, siya ang nakikita ko kaya nababawasan ang lungkot ko". wika nito na ikinasasaya niya.
"Sakto na ito ineng, mag-iingat ka, kayo ng Nanay mo". Wika ni nanang Tising na nagpabalik sa aking pag-iisip.
"Maraming salamat po"
wika ko na tumalikod na at hinila si Jeorge na halos madapa dahil nakatingin pa din ito kay Dexter habang paalis.
"Bye kuya Dex, see you again"
wika nito na kumaway sa malanding paraan. Narinig pa niya ang pagtawa ni Nana Tising at ng anak niya. Napapailing na lang ako na mabilis na naglalakad.
"Sizt! wait lang! Hulas na ako sa paghila mo sakin"
wika nito na pilit kinuha ang kamay sabay labas ng maliit na salamin nito sa bulsa at naglagay ng foundation at liptint. Napairap siya.
" anong hulas e konti palang nilalakad natin? Kanina ka pa hulas habang natitig ka dun sa crush mo'. wika niya na nginisihan ito.
Nagdadabog naman ito na naupo.
"Nako sizt, gusto ko pa nga magtagal doon kaso hinila mo na ako. Malapit ko na siyang masungkit at maging papa"
anito na naghawi pa ng buhok palikod ng tenga na feeling mahaba kahit na sobrang ikli naman ng buhok nito.
"Kung di pa kita hinila paalis doon e baka kahit sa labas ng bahay ka nila tumira okay lang sayo". Pangbubuska pa niya dito.
"E ano pa nga ba bestie?, sa malamang nga ay ganon mangyare. Malay mo naman maawa siya sakin at asawahin niya ako agad" wika nito na sabay naming tinawanan.
"Wish mo lang bestie"
wika niya na naglakad na ulit patungo sa lugar kung saan sila magkikita ng Ina. Tumayo na rin ito at sumunod sa kanya.
Makaraan lamang ang ilang minuto pa ay natanawan na niya ang kanyang Ina na nagmamadali. Mag alas sais treinta na kase at para sa kanila ay tanghali na iyon.
"Nay!"
sabi niya na kumaway dito at ng makita sila ay dali daling lumapit sa kanila.
"Magandang umaga Aling Dolly"
wika ni Jeorge na nagmana pa sa nanay ko.
" Maganda ka pa sa umaga Georgia". tugon naman niya habang nakangiti.
"Ay bongga! Kaya gustong gusto kita Nanay Dolly e! Di ka marunong magsinungaling!.
Wika nito na wari mong bulate sa di mapirmi sa kinatatayuan.
"E sino ba si Nanay Dolly? Dolores ang pangalan ko"
wika ng ina niya na natutuwa sa kaibigan niya.
" Di po bagay sa iyo ang pangalan mo mas bagay ang Dolly Tita!" wika pa ulit nito na pinipilantik ang mga daliri.
"Nako, talaga ito batang ito o. Sasama ka ba sa amin maglako? tanong nito.
"Nay di sasama yan, kaya lang andito yan dahil gusto makita ang crush niyang si Kuya Dex. Diba? sabi niya na nilingon ito.
Maluwang naman na ngumiti ito at sadyang hinampas siya at pinagdikit ang dulo ng dalawang hintuturo. Nilakihan ko naman siya ng mata.
"Ang totoo niyan Tita Dolly, may inutos po ang mama sa akin. Tumakas lang po ako" wika nito na kumislap pa ang mga mata at ngumiti ng kay tamis.
"Kuu! Talagang batang ito o. O siya sige, maiwan ka na namin dyan at kami ay mahuhuli na ha. Kaya mo naman na siguro umuwi no? Sabi pa nito pagkaraan.
"Ay opo naman tita!" Ako pa ba e ako na yata pinakagala sa lugar na ito". Sabi nito na tumatawa. Pagkaraay pakembot kembot ito na naglakad pauwi.
Napapailing na lamang siya sa kaibigan habang natatawa.