Buong gabi ata akong pinagtawanan ni Clara dahil sa sinabi ko sa kanya tungkol sa nakita kong nagsasalitang ahas. Putek na yan. Kaya ayokong ikwento eh.
Kinaumagahan.
After I ate my unusual breakfast, kasama kong lumabas ng bukot ko si Bulak. Oo unusual dahil hindi pa rin ako nasasanay sa mga pagkain nila rito. Kadalasan kasi ay ang weird ng itsura pero madalas naman ay masarap ang mga ito.
If you'll ask how my stay here has been so far, well masasabi kong ibang-iba sa dating buhay ko sa dati kong mundo. Coz if we're gonna compare, obviously para akong artista dito just because 'dayo' ako or 'outlander'. Madalas nga ay nakakalimutan kong prisoner na ako sa mundong 'to dahil hindi na ko pwedeng umalis pa rito. Hays. kung ganito lang ang buhay maging prisoner sa weird na mundo, bakit pa ako tatanggi diba?
On the other hand, yung buhay ko naman sa dati kong mundo, daig pa kami ng mga daga. I just don't wanna talk about it right now dahil fresh pa sa akin ang masaklap na nangyari sa amin ng pamilya ko bago ako mapadpad sa mundong ito. Basta to sum it up, sobrang lala ng buhay namin doon. Mahirap pero masasabi kong masaya naman ako sa naging pamilya ko doon.
I wore my dark green robe bago lumabas kasama si Bulak.
Muli na naman akong sinalubong ng bati ng mga Mage na nadarananan ko. Ang iba nga sa kanila ay kakilala ko na dahil sa pagiging consistent nila.
I can hear the soft growl that Bulak is creating nang kamutin ko ang ulo nya habang naglalakad kami. Ayun kasi yung gustong-gusto nyang ginagawa ko.
"Saan kaya tayo pupunta ngayon, Bulak?" I asked her as if naiintindihan nya ko. She just looked at me na tila ba nagtatanong kung anong sinasabi ko.
"Walang magawa!" Mahinang rant ko.
Hindi ko kasi makita si Clara dahil may ipinapagawa ata si Apo Lakan. Buti na lang ay pinapayagan na nila akong gumala mag-isa. Kampante na siguro sila dahil kilala naman na ako ng mga tao rito at tanggap naman ako kahit hindi talaga ako taga rito.
Nagkalat pa rin ang magagandang mga liwanag at kulay sa paligid dahil sa naglalarong mga bata. How I wish kaya ko rin gumamit ng magic huehue.
Habang naglalakad kasama si Bulak ay hind ko talaga maiwasang i-acknowledge yung mga itsura ng taga rito.
Marami rito ang mga artistahin. Grabe naman ang genes ng mga ninuno nila. Masyadong blessed. Kahit siguro sinong mahatak kong bois dito ay pwede na. Charot.
Speaking of lalaki, nakita kong naglalakad sa hindi kalayuan ang kuya mong Scott. Bigla ko tuloy naalala yung kinuwento ni Clara about him. How dangerous that man can be.
"Scott!" Pagtawag ko rito.
Mukang hindi nya ako narinig kaya I decided na takbuhin ito. Tahimik namang nakasuod lang sa akin si Bulak.
"Hoy!" Muling pagtawag ko nang maliit na lang ang distansya namin.
Lumingon sya at binigyan ako ng "What?!" look.
Dapat magpagood boy na ko dito. Baka pag nainis 'to sa akin ay bigla na lang ako maglaho sa mundong ito.
"Uhm... Saan ka pupunta?" I asked him using a soft voice.
I saw him frowned. "Hindi." Mabilis na sabi nito at bigla akong tinalikuran.
Agad namang humabol ang lola nyo. "HOY WALA PA NGA AKONG SINASABI!" Sigaw ko.
Hindi ko ata kaya maging nice sa lalaking 'to! Hindi ko pa nga sinasabi na gusto kong sumama eh, naka-'hindi' agad sya. Hmp!
Nang magpantay na ang lakad namin, muli ko syang kinausap. Sige, Malik! Galitin mo at goodbye world ang ending mo.
"Good morning." Nakangiting bati ko rito. Saglit nya lang ako tinignan at agad ring inalis.
Aba, hindi ako pinansin. Bulong ko. Dapat nice pa rin, hehe.
Paano ba maging nice? Hindi ko talaga alam kaya nagpacute na lang ako at ngumuso.
"Kausapin mo naman ako oh, please." Kunwaring mahinhin na pakiusap ko habang nakapout pa rin. Hahaha natatawa ko sa sarili ko.
Mas lalo akong nagpacute nang tignan ako nito. This time, mas tumagal yung tingin nya na tila ba sinusuri ang mga galaw ko.
"Saan punta mo?" Nakangiting tanong ko. Syempre pacute pa rin.
Umiling lang sya. "Papunta ako sa hukbo... at hindi ka sasama." Matigas na sabi lang nya.
Napakasungit naman nito! Sila na nga lang ni Clara ang nakakainteraksyon ko sa mundong 'to ayaw pa nyang makicooperate.
Hinarangan ko ang dadaanan nya at humarap sa kanya. "Hala, pwede po ba akong sumama?" Tanong ko saka nagpuppy eyes.
Tinitigan lang ako nito kaya ngumuso ako ulit. "Gusto ko lang naman kayo makitang magtraining. Hindi ako mangungulit." Pamimilit ko habang hinihila pa ang robe nya.
Mas lalo akong lumapit. "Please?"
Nakita kong medyo lumambot ang expression nya at tinignan muna ako nito ng ilang minuto bago tumango.
"Yes!" Sigaw ko. Kaya naman heto ako ngayon. Naglalakad sa tabi nya kasama si Bulak habang ngiting tagumpay ang lola nyo.
Papunta kami sa hindi pamilyar na direksyon. Medyo kaunti na ang mga bukot dito at mukang papasok kami sa isang kakahuyan. Tama nga ako dahil pumasok nga kami sa kakahuyan.
Muli ko namang naalala yung malaking ahas na nakita ko nung nakaraan sa kabilang side ng kakahuyan.
Hindi ko napigilang isiksik ang sarili ko kay Scott nang may marinig akong kaluskos sa gilid. Hindi nya ito pinansin kaya feeling ko okay lang naman at hindi pa ako maghehello sa goodbye world powers nya.
Maya-maya pa ay literal na napasigaw ako nang bigla na lang may lumitaw na malaking nilalang sa harap namin.
Para itong oso pero may anim na paa. Maging si Scott ay naramdamang kong bahagyang nagulat sa paglitaw ng mabangis na nilalang.
"WHAT THE FREAK ANO YAN?" Gulat na sigaw ko pero mas napasigaw ako nang bigla na lang kami nitong atakihin.
Bago pa man kami makagalaw ni Scott ay napanganga ako nang bigla itong takbuhin ni Bulak at mabilis itong tinalon at binigyan ng mga kalmot.
Bulak roared nang bumaon ang mga kuko nya sa nasabing nilalang at lumabas ang mga dugo rito. Muka atang napuruhan ang nilalang na 'yon kaya dali-dali itong nanakbo palayo.
Yo, you better retreat, btch! Sigaw ko sa utak ko.
Tulala pa rin ako sa nangyari maging si Scott nang bumalik sa amin si Bulak. Para nanaman itong dambuhalang leon pero kasing amo ng maliit na kuting. Natauhan lang ako nang Ikiskis nito ang ulo nya sa akin kaya kinamot ko ito at ngumiti nang proud.
"Good job, Bulak. Ang galing mo! Saan mo natutunan yon?" Natatawang sabi ko. Narinig ko nanaman ang soft growl nya dahil sa kamot ko.
Lumingon ako kay Scott while still wearing a proud smirk. "Nakita mo 'yon? Nakita mo ang ginawa ng JIEZA ko?" Proud na sabi ko at inemphasize pa ang salitang Jieza dahil dati ay minamaliit nya lang ito.
"Reynang Jieza." He corrected at nagpatuloy na sa paglalakad na tila walang nangyari.
Natakot naman ako na baka may lumitaw na namang nilalang kaya mabilis akong humabol at tumabi sa kanya habang naglalakad.
Ilang sandali lang ay napansin kong numinipis na ang bilang ng mga puno at biglang tumambad sa akin ang malawak na kapatagan kung saan nagtetrain ang mga hukbo.
"Wow."Mahinang bulong ko nang masilayan ang different types of magic sa buong lugar.
Pero medyo naconscious ako nang mapansing pinagtitinginan kami habang ang iba ay napahinto pa sa training na ginagawa nila.
Medyo nakaramdam ako ng discomfort kaya muling sumiksik ako kay Scott. Mukang napansin nya naman 'yon kaya ibinalot nya ang isang braso nya sa balikat ko for reassurance. Nakakahiya pero bahala na.
Tinitignan lang naman ako ng mga mandirigma ng Beline. Sino ba naman ang hindi maiintimidate?
"Malik!" Napalingon ako sa likod nang may marinig akong pamilyar na boses.
Doon ko nakita si Ace, Rane, Stowne, at Lumus na kumakaway. Napangiti ako sa kanila.
"Hi guys!" Bati ko rito nang tuluyan na silang makalapit.
Naramdaman ko na medyo humigpit ang pagkakaakbay ng lalaking nasa tabi ko. Pero hindi ko na lang ito pinansin.
"Kamusta? Long time no see." Dagdag ko.
Si Ace ang sumagot. "Maayos naman, ganoon pa rin hehe. Ikaw? Balita ko may Reynang Joeza ka raw ah?" Bibong sabi nya.
Shete, nililipad pa yung grey nyang buhok.
Bago pa ako makasagot ay napalingon na ito kay Bulak. "Ito ba 'yon?" Excited na tanong nya at agad-agad pinet si Bulak. Aba, ang bulak nagpa-pet naman!
Ngumiti ako ng pagkalaki-laki. "Hmm. Bulak ang pangalan nya."
Tumingin ito saglit sa akin ngunit mabilis din namang binalik ang atensyon kay Bulak.
"Kamusta, Bulak?" Natutuwang sabi nito.
Ang cute nilang tignan. Nakangiti ako habang pinapanood sila nang lumingon sya sa akin.
"Sa pagkakaalam ko ay malakas daw ang mga kagaya ni Bulak ah? Gusto mo sanayin natin sya minsan? Kelan ka pwede?" Sunod-sunod na tanong nya. Pero bago pa man ako makasagot ay sumingit na itong lalaking katabi ko.
Umubo muna sya. "Bakit nandito pa kayo? Hindi ba dapat nag-eensayo na kayo?" Malamig na sabi nya sa apat.
Naniklop naman agad sila nang titigan sila nito.
"Sabi ko nga po." Tarantang sabi ni Ace kaya agad-agad rin silang lumayo para mag-ensayo.
Natawa na lang ako sa action nila.
"Ang cute ni Ace no?" Wala sa sariling sabi ko habang pinapanood ang apat mag-ensayo.
Nang lingunin ko si Scott ay masama pala itong nakatingin sa akin. Nangilabot ako. Shet anong ginawa ko? Good bye world na ba?
Magtatanong na sana ako nang bigla akong mapasigaw dahil may napansin ako sa may bandang gilid sa hindi kalayuan.
"Hala ang cute naman nila!" Maligalig na sabi ko habang nakaturo pa doon. Napalingon doon si Scott. "Kasali sila sa hukbo?" Tanong ko rito.
Tumango lang sya.
"Hala weh?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Mage rin sila?"
Umiling sya. "Elves sila. Dito rin sila naninirahan sa Beline. Ang kakayahan naman nila ay hindi nalalayo sa amin dahil gumagamit din sila ng mga mahika. Pero ang pinakabihasa sila ay ang pagkamit ng pana at palaso."
Napa-"Ahh..." na lang ako sa explanation nya.
Muli akong napatingin doon sa grupo ng elves na nagsasanay mamana. Kapansin-pansin ang patulis na mga tainga nila. Maliliit lang din ang mga ito na akala mo mga bata.
"Ang cute talaga!" Gigil na sabi ko.
Abala ako a panonood sa kanila. Hinahangin-hangin pa ang medyo humahaba ko nang buhok nang biglang napahiga ako sa lupa. The heck?!
Napahiga ako dahil may humila sa akin. At kung itatanong nyo kung sino, itong mokong na nasa ibabaw ko ngayon na nakadagan sa akin.
Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko may matalim na bato ang nandoon. Kay Stowne pala galing ito. Hinila ako ni Scott para makaiwas.
Siguradong butas ang katawan ko kung sakaling tumama ito sa akin. Mukang malakas na form of magic ito kaya baka tumagos lang din sa robe ko.
Nang lingunin ko si Scott na nasa ibabaw ko para sana paalisin na sya, halos mapatid ang hininga ko nang mapansing sobrang lapit pala ng muka nito sa akin. Nakatitig ito sa akin na para bang sinusuri na ang buong pagkatao ko.
Tila ba may nabubuong something na kuryente o kiliti na ewan sa dibdib ko nang nanlaban ako sa titig nya.
Shet ano ba to? Nasabi ko na ba na ang gwapo nya? Nasabi ko na ata pero uulitin ko, ang gwapo nya!