Chapter 6 | Wait, what?

2125 Words
"Ayan na, nagkamalay na." "Didilat na yan!"  "Okay na ba sya?" Nakapikit pa ako ay dinig na dinig ko na ang bunganga ni Clara. "Hmm.." Mahinang ungol ko dahil sa sarap at gaan ng pakiramdam ko. Dito lang ata ako sa Lankan nakakakuha ng full at good sleep.  The moment I opened my eyes, muka na ni ate mong Clara ang sumalubong sa akin. "HOMAYGHAD! BUHAY KA!" OA na sigaw nito. I almost rolled my eyes into another dimension, I swear.  "OA ka, sis?" Natatawang sabi ko sa kanya sabay upo.  Nagtaka ako nang makitang nandito rin ngayon si Apo Lakan at Scott. "Ano pong nangyari?" I asked curiously. Bigla namang tumabi sa akin si Bulak upang umunan sa binti ko. Napakalaking nilalang pero parang maliit na kuting kung umasta haha.  Lumapit naman sa akin si Apo Lakan. "Natagpuan ka ni Scott sa kakahuyan na walang malay noong nangunguha kayo ng kahoy. Ano bang nangyari sa iyo?" Takang tanong nya sa akin. Doon nagflashback ang lahat ng nangyari. MAY NAGSASALITANG AHAS! Hindi ko alam kung ikukwento ko na nahimatay ako dahil sa gulat sa nagsasalitang ahas na kasing pantay na ng ibang puno sa gubat ang laki. Baka kasi pagtawanan lang nila ko, pft. Baka normal lang pala makaencounter ng nagsasalitang hayop dito sa mundong 'to, nawindang lang talaga ako.  Sa huli, I decided na huwag na lang ikwento.  "Uhm... baka po sa pagod lang? hehe." Pagsisinungaling ko.  "Tss. Sabi kasing huwag na."  Narinig kong bumubulong pa si Scott sa tabi pero hindi ko naman maintindihan kaya hindi ko na lang din pinansin.  Tumango si Apo Lakan. "Kamusta na pakiramdam mo?"  I just sincerely smiled. "Maayos na po. Salamat po." Napasilip ako sa maliit na siwang sa bukot ko at napansin kong medyo padilim na.  The freak? Halong buong araw akong walang malay? "Mabuti naman. Oh sige. Mauna na kami ni Scott. May kailangan pa kaming asikasuhin sa hukbo." Pagpapaalam ni Apo Lakan. Medyo nahiya naman ako nang very slight dahil inaabala ko lang naman ang matataas na tao sa mundong 'to. "Sure po. Pasensya na po sa abala."  Nang makaalis sila ay dali-dali ko nang hinila si Clara palabas ng bukot ko para ayaing kumain. Iniwan ko na lamang si Bulak dahil nakatulog na nga ito. Wala naman itong ginagawa maghapon kundi ang matulog.  Nakarating kami sa isang maliit na kainan. Para itong tagpi-tagping karenderya pero decent naman tignan. Habang kinakain ang hindi ko alam na pagkain (para itong soup na hindi ko gets ang mga sangkap pero masarap naman kaya kebs na), kung ano-ano pa ang napagkwentuhan namin ng ate mong Clara. "Halos lahat talaga ng taga Beline ay takot don." Patungkol nya kay Scott. "Pano ba naman, fifteen years ago ay may umatake rito na mga Lycanthropes. Sobrang daming Mages ang nasawi sa labanang iyon." Dagdag pa nya. "Lycanthropes? Ano yon? Saka anong connect ni Scott don?" Takang tanong ko. "Lycanthropes, sila yung lahi na kayang mag-anyong kagaya natin pero kaya rin maging parang isang mabangis na malaking aso. Ang sabi ay umatake sila dahil naauubos na ang mga ibang nilalang sa Domain ng Karnev kung saan sila naninirahan na maaari nilang kainin. Isa pa ay nais din nilang manguha ng mga alipin mula sa lahi namin." Mahabang paliwanag nya. Nakakatakot naman pala ang mga yon. Ang sabi pa nya ay tinawag ang digmaan na 'yon bilang 'Pagkamulat' dahil nang matapos ang digmaan ay wala nang inaksaya ang mga Mage upang magpalakas ng hukbo upang hindi na maulit ang nangyari. Parang isang malaking paradigm shift kumbaga.  Nagpatuloy pa ang ate mong Clara. "Tapos ito nga ang eksena ni Ginoong Scott." Natigil ang aking pag-iisip tungkol sa nasabing digmaan nang muli syang magsalita. "Anim na taong gulang pa lang sya non. Ang sabi ay napabilang ang kanyang mga magulang sa bilang ng mga nasawi sa digmaan. Kakaiba siguro ang epekto nito sa kanya kaya kahit sa edad na anim ay lumusob ito sa harap ng digmaan. Doon nasaksihan ng lahat ang kakaibang kapangyarihan nya.  Kumokontrol sya ng kadiliman na parang anino na hindi ko mawari. Basta ang alam ko ay kahit anong buhay ang madikitan nito ay maglalaho na parang bula. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o ano dahil kapag naiimagine ko ang eksena ay nakakatuwa talaga.  Isipin mo! Sa edad na anim ay para syang batang nagwawala dahil hindi nabilhan ng gustong laruan sa gitna ng digmaan, tapos kabaligtaran naman ay sobrang lakas ng tagalay nitong kapangyarihan.  Akalain mo sa isang iglap ay mabilis na nabawasan ang bilang ng mga kalaban dahil sa kanya. May kakaunting Mage ang nadamay sa ginawa nya subalit hindi maipagkakaila na sya ang dahilan upang malampasan ng Beline ang digmaang iyon." Halos mabulunan ako nang marinig ang mahabang kwento ni Clara.  What the freak? Six years old natalo ang buong grupo ng mga kalaban? Plus, tiyak na hindi pa sya bihasa sa paggamit ng kapangyarihan nya non. Now I know kung bakit halos lahat ay tumitiklop sa kanya. I think dapat na rin akong matakot, shet.  Kung susumahin ang mga taon ay 21 or 22 years old na sya ngayon. Four or five years nga ang tanda nya sa akin dahil 17 ako ngayon.  Shet, napakabata nya namang pinuno ng hukbo? Ganon ba sya kalakas? "Grabe, halimaw pala sya." Wala sa sariling komento ko.  Natawa naman si Clara. "Mismo. Bilib nga ako sa 'yo at nasasagot-sagot mo sya at hindi ka pa naglalaho ngayon eh."  Literal na nasamid ako. "Malay ko bang ganon pala sya." I pouted. "So ayon nga, mula non ay si Apo Lakan na ang nangalaga sa kanya. Batid kasi nila na delikado ang kapangyarihan nito kaya sya na mismo ang nagsanay dito. Mas lalo pa syang lumakas nang magawa nyang makontrol ng maayos ang kapangyarihan nya. Kaya naman hindi nagtagal ay naging lider na sya ng hukbo." Pagpapatuloy nya. Umurong ata bigla ang dila ko. Doon ko lang narealize na hindi pala basta-basta ang Scott na yon! Marami pa kaming napagkwentuhan kabilang na ang iba't ibang nilalang sa mundo nila. "May unicorn ba dito?" Seryosong tanong ko. Malay ko ba. I love unicorns kaya.  I saw her na parang nag-iisip. "Hmm... sa pagkakaalam ko ay meron." Halos manlaki ang mga mata ko sa tuwa.  "Pero sa pagkakaalam ko ulit ay dati lang. Wala nang buhay na unicorn ngayon." Pinal na sabi nya na ikinalungkot ko.  Wah? Extinct, ganern? "Anong nangyari?" Curious na tanong ko. Sayang naman! Akala ko ay matutupad na ang pangarap ko na makasakay sa unicorn. Hays. Pero infer ha, alam nya ang unicorn. So may mutual din pala ang mundo ko dati sa mundo na ito kahit papaano.  "Ang sabi kasi sa mga makalumang libro ay naubos ang mga unicorn dahil marami ang nagha-hunt sa mga ito. Pinaniniwalaan kasi na sa pamamagitan ng pag-inom sa dugo nito, magagawa nitong magamot ang kahit anong sakit. Kahit gaano pa ito kalala." She explained. So may magical healing power pala ang dugo ng isang unicorn? Hindi ko alam yun ah. Keep up naman sa dati kong mundo! Search your facts. Tho, nakakalungkot lang na naabuso ang mga ito. Pati ba naman sa mundong 'to ay may trash na way of living ang mga nilalang dito. Sadt. "Posible rin palang maubos ang uri ng nilalang sa mundo na ito? Samin kasi ay napakarami na ring hayop ang naextinct dahil sa kapabayaan ng mga tao." Malungkot na sabi ko.  She just nod. "Oo naman. Kagaya na lang ng Roc. Isa itong uri ng sobrang laking ibon. Sa laki nito ay kaya nitong bumuhat ng dalawang elepante nang magkasabay." What the freak? Anong kalseng nilalang yon? Pero wait- "May elepante dito?" Maligalig natanong ko. "Yung malaki? Na may mahabang ilong na sumisipsip ng tubig?" Weird na pagsasalarawan ko hahaha. Tumango lang sya. Waaaah! May mga normal naman pa lang nilalang dito! I mean... normal para sa akin. "Naubos ang Roc dahil maraming lahi ang takot dito dahil sa angkin nitong lakas kaya naman ang ilan ay nagtulong-tulong upang ubusin ang mga nilalang na ito. Masyado naman silang malaki kaya hindi sila makapagtago at madali silang makita." Shet nakakalungkot naman. Masyado akong naintriga sa mundo nila kaya nagtanong pa ako. I think I have to read books na about their world.  "Ang isa pang wala na ngayon ay ang mga Hippogriff. Ang harapang bahagi nito ay tila ba isang agila at ang huli naman ay tila sa kabayo." She explained. Napansin kong agila at kabayo ang ginamit nyang reference. I think ang ibang hayop sa mundo natin ay meron din naman pala dito. Sadyang hindi lang siguro ako nakakalibot pa kaya hindi ko alam. "Naubos sila dahil naging in demand daw ang nilalang na ito dati. Mahirap silang mapadami pero sobrang convenient daw nito alagaan kapag napaamo mo. Likas na mabangis daw kasi ito. Sobrang bilis din mapahimpapawid man o sa lupa."  "Pero ang alam mo ang pinakanakalulungkot sa lahat? Nang maglaho rin ang isang lahi." Nakuha non ang atensyon ko. "Dati kasi ay pito ang lahat ng lahi kabilang na ang Mage pero ngayon ay naging anim na lang nang maubos ang lahi ng mga Fairy." Malungkot na kwento nya. Nangunot ang noo ko. Posible na maextinct ang isang lahi? Isipin nyo na naging extinct ang mga Pilipino. Ganoon ka-insane yung idea. "Paanong nangyari yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.  "Ang sabi dati pa man ay marami na ang nang-aalipin ng mga Fairy. Bukod kasi angking ganda at tikas ng mga nilalang na ito, likas din na malalakas ang mga ito. Kung magtataka kung bakit sila naubos kung malakas naman sila, ayun ay sa kadahilanang para sa kanila ay labag sa prinsipyo nila ang makasakit ng kahit anong nilalang. Ganoon sila kababait at kapupuro. Kaya kahit nasasaktan na sila ay hindi sila nanlalaban. Nakasurvive sila ng napakatagal na panahon dahil sa lahat ng lahi, siguro sila ang pinaka gusto at minahal ng kahit anong nilalang. Walang lahi ang may gustong umatake sa kanila dahil siguro ay hindi maaatim ng kahit anong konsensya nila na saktan ang pinakapurong nilalang sa mundong ito." Mahabang lithanya nya. Tumango-tango na lang ako at nagpatuloy sa pakikinig. Para akong estudyante na nakikinig sa history teacher ko haha. "Nakakalungkot lang na may mga nilalang pa rin ang palihim na gumagamit ng mga Fairy bilang pansariling interes. Mula noon ay paunti na nang paunti ang bilang nila. At lubusan silang naapektuhan nang sumiklab ang ikalimang pandaigdigang digmaan. Dahil nga hindi sila lumalaban kahit ba kaya nilang kontrolin ang kalikasan, ayon.  Sa pagtatapos ng digmaang iyon, doon din natuldukan ang lahi nila. Marami ang nalungkot at nagsisi dahil ang itinuturing pinakamagaganda at pinakapurong nilalang sa mundong ito ay hindi na muling masisilayan pa." Halos mangiyak-ngiyak na pagkukwento ni Clara. "Kahit hindi ko sila naabutan dahil sobrang tagal na ng panahon na iyon, naapektuhan pa rin ako dahil sa lubos na panghihinayang." Dagdag pa nya at palihim na pinunasan ang kumawalang luha sa mata nya. "Ang sad naman non." Apektadong sabi ko. Grabe kung gaano kabrutal ang history sa mundo natin ay parang ganon din ang sa kanila. Tumango ang ate mong Clara bilang pagsang-ayon. "Ngayon ay mga Dryad na lamang ang lahi na naninirahan sa Domain ng Falione kung saan dati nakatira ang mga Fairy."  Napahinto ako nang biglang may nagpop-up na tanong sa utak ko. "Clara..." Pagtawag ko rito. Tumingin ito sa akin at nag-antay ng sasabihin ko. "Tutal pinag-uusapan naman na natin ang mga nilalang dito... curious lang ako if may mga nagsasalitang hayop ba dito? Like... uhm... nagsasalitang ahas, parang ganon." Nauutal na tanong ko dahil pinag-iisipan ko mabuti ang mga salitang gagamitin ko. Ayokong malaman nya yung nangyari kahapon no. Nakakahiya. Nakita kong parang nag-isip syang muli. "Uhm... sa kasalukuyang tala ay wala naman." Maikli nyang sagot.  Literal na napa-"What?" ako sa gulat. Di ko ineexpect yun no. Ang buong akala ko ay normal lang yon dito kaya hindi ko sinabi sa kanila na nahimatay ako sa gulat nang makakita ng nagsasalitang ahas. "Gaano ka naman nakasisigurado?" Muling tanong ko. Natawa sya. "Una, dito ata ako ipinanganak at sa 17 years of existence ko rito ay wala pa akong naeencounter na ganon. Pangalawa, mahilig akong magbasa at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababasang ganyan. At ikahuli, Nagsasalitang ahas? Okay ka lang ba?" Natatawa pa ring sabi nya. Tinitigan ko sya kung nagbibiro ba sya pero mukang walang bakas ng pagbibiro ang muka nya. Napatulala ako ng ilang segundo.  Shet? Ano yung nakita ko kahapon? Ano yon, ha? Ano yon?! Naghahallucinate lang ba ako dahil hindi pa rin maabsorb ng katawan ko ang mga pangyayari dito kaya nakakakita at nakakarinig ako ng kung ano-ano?  "Pero nakakita nga ako ng nagsasalitang ahas kahapon."  Wala sa sariling sabi ko sa hangin bago nagpakawala ng napakalaas ng tawa si Clara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD