Seven Domains Guide:
1) BELINE
Race: Mages (1) Luminous- Ones who use good magic (2) Eclipse- Ones who use forbidden magic
Common 'higher' creatures:
· Elves- A race of pointy-eared humanoids who excel in magic and archery.
2) MONESEA
Race: Mermaid/Merman
Common 'higher' creatures:
· Kraken- Gigantic squid or octupus
· Sea serpent/Sea Dragon
3) FALIONE
Race: Dryads- A tree nymph or tree spirit. The tree that they blend with is typically oak. Dryads are extremely defensive about the tree they bond with, often willing to protect their tree to the death. When the linked tree dies, the dryad usually dies as well.
Common 'higher' creatures:
· Curupira- A forest dweller with flame-red hair who preys on poachers and greedy hunters.
· Satyr- Half-men, half-goats who were wild and lustful
· Imp- Small, mischievous creatures who liked to play pranks on people.
· Centaur- Creature with upper body of a human and the lower body and legs of a horse.
4) AREN
Race: Cyclopes- Big hairy giants with one eye. Usually live in rocky terrains and caves.
Common 'higher' creature:
· Golems- Human-like body made of clay, rock or wood.
5) FORLONE
Race: Vampires
Creature:
· Demihumans- They are often depicted as similar to humans except about half as tall.
6) KARNEV
Race: Lycanthrope- a werewolf
Creature: None
7) EREGIOND
Race: None
Creatures: Dragons
--
Chapter 4
Naalimpungatan ako nang medyo hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay may malaking bagay ang nakadagan sa akin.
"Hmp." Impit na ungol ko.
I gradually opened my eyes nang biglang gumalaw ang kung ano man ang nasa ibabaw ko.
"Wahhh!" Nalaglag ako sa kama sa sobrang gulat. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa napakalaking pusa sa kama ko.
"Ano yan?!" Nanginginig na turo ko sa malaking pusa.
Nakarinig ako ng malalakas na yabag sa labas. "Malik, anong nangyayari?" Sigaw ni Clara sa labas.
"Clara, bilis!" Nagpapanic na sigaw ko sa kanya.
Hindi pa rin ako makagalaw. Gulat at takot lang akong nakatitig sa malaking pusa na tahimik na natutulog sa kama ko.
"Kyaaaah~" Clara's scream enveloped the whole bukot nang makapasok sya. Naging dahilan naman ito upang magising ang nilalang na natutulog.
"Malik halika rito!" Muling sigaw nya.
Bago pa man ako makagalaw ay dinambahan na ako ng malaking nilalang na ito. Nakadagan ito sa akin.
Mas lalong hindi tuloy ako makagalaw. Halos mapatid na lang ang hininga ko nang ibuka nito ang kanyang bibig upang dilaan ako. Halos sakop ng bibig nito ang buong muka ko,
WAAAAAHHH!
"Tulong! Waaaahh! Tulong!" Muling nagsusumigaw ang lola mong Clara.
Bakit kaya hindi na lang nya gamitin ang magic nya at iligtas ako? Lukaret na babaeng to!
"Luka ka! Gamitan mo kaya ng magic, ano?" Sigaw ko pabalik sa ate mong Clara.
Napatigil naman ito. "Oo nga no." Natatawang sabi nya sabay kamot sa batok.
"Bilisan mo bago pa ko gawing agahan nitong pusang to!"
Nakita kong nagsalita ito sa hangin at biglang may nabuong pana at palaso doon.
Ilang salita pa ang binanggit nya at mabilis na gumalaw ang pana na parang may sariling buhay at dali-daling pinana ang dambuhalang pusa sa ibabaw ko.
Parehas gulat ang tumatak sa mga muka namin ni Clara nang makitang naputol lang ang palaso na tumama sa pusa.
"s**t, s**t, shit." Mahihinang mura ng ate mong Clara.
Putek sa tingin ko ay tuluyan na akong magiging almusal ng dambuhalang 'to.
Napapigil ako ng paghinga nang yumuko ito papunta sa akin. Pero ang ikinataka ko ay idinikit lang nito ang kanyang ulo sa aking leeg at tila ba kinikiskis ito.
Nakita kong muling nagsalita si Clara sa hangin at lumitaw naman ang isang spear. Tulad ng pana, tila ito may sariling buhay na bumulusok papunta sa dambuhalang pusa. Pero kagaya ng nauna, naputol lang din ito.
"Halaaaa! Naputol lang din! Tuloooong!" She shouted desperately.
Maya-maya lang ay nakarinig nanaman ako ng ilang yabag sa labas. Halos manlaki naman ang mga mata ko nang bigla na lang lumutang ang dambuhalang pusa.
Napatingin ako sa pinto. Nandoon na sila Apo Lakan at Scott. Mukang si Apo Lakan ang dahilan kung bakit lumutang ang pusa.
The humongous cat roared as if nanghihingi ng tulong. Nakatitig ito sa akin. Bakit naaawa ako?
Mabilis namang tumakbo si Clara para puntahan ako.
"s**t okay ka lang ba? May tapyas na ba ang tenga mo?" Nag-aalalang tanong nya. Hindi ko sya pinasin at nakipagtitigan lang ako sa dambuhalang pusa na nasa ere.
"Paano nagkaron ng ganyan sa kwarto ko?" Wala sa sariling tanong ko sa hangin.
"Hindi naman maaaring walang nakapansin dyan na pumasok dito?" Nagtatakang tanong ni Scott.
Oo nga naman. Sa laki ba naman nito?
Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako.
"NASAAN SI BULAK?" Biglaang sigaw ko. Muli akong napatingin sa dambuhalang pusa. "HUWAG MO SABIHING KINAIN NYAN?" Sabay turo doon.
Nagtaka naman si Apo Lakan. "Sinong Bulak?" Tanong nito.
"Isa hong Jieza na inuwi nya kahapon." Magalang na sagot ni Scott.
"WAAAAAAHH!" Sabay kaming napasigaw ni Clara nang biglang pakawalan ni Apo Lakan yung dambuhalang pusa.
"TULOOONG!" Sabay ulit naming sigaw na ikinatawa lang ni Apo Lakan.
"Hindi nyan kinain si Bulak." Natatawang sabi ni Apo Lakan na ikinatigil namin. "Sya si Bulak."
Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa gulat.
"HAAA? ANONG SYA SI BULAK? PAPAANO?" Mas malakas na sigaw ko.
Muling tumawa si Apo lakan.
Aba! Tignan mo tong lider ng Beline, pinagtatawanan ako.
"Hindi sya basta-basta lang Jieza. Sa tingin ko ay may dugo syang reyna kaya sya naging ganyan kalaki." Paliwanag ni Apo.
The fork? May dugo ng reyna? Si Bulak?
"True po ba?" Mabilis kong tanong.
Muli akong napatingin sa dambuhalang pusa. Muli itong nakipagtitigan sa akin at dahan-dahang lumapit. Medyo kabado pa rin ako pero mas kampante naman ako ngayon.
Nang makalapit ito, I slowly lift my right hand to pat her. Dahan-dahan naman itong yumuko at dinama ang haplos ko. Halos maiyak ako sa tuwa.
"Hala, Bulak ang laki laki mo na!" Natatawang sabi ko rito na akala mo naman ay naiintindihan nya. Niyakap ko sya at hinimas-himas ang malambot nitong balahibo.
"Ang ipinagtataka ko lamang ay papaano sya naging ganyan kalaki ng isang gabi lamang. Sa pagkakaalam ko kasi, ang pinakamabilis na paglaki ng isang reynang Jieza ay umaabot ng isang linggo kapag Dryad ang nangalaga. Hindi naman ito lalaki kapag ibang lahi na ang nag-alaga. Anong meron sa dugo ng taga ibang mundo at napalaki mo ito ng isang gabi lang?" Curious na tanong ni Apo. Hindi ko rin po gets huehue.
"Ano po yung Dryad?" Tanong kong pabalik dito.
"Isa itong lahi na naninirahan sa Domain ng Falione /fal-yown/. Sila ay mga nymph na konektado ang espiritu sa mga puno. Itinuturi nilang kaisa ang puno kung saan sila konektado dahil sa oras na mamatay ang punong iyon, mamatay rin sila. Ganoon rin ang kabaligtaran." Mahabang paliwanag ni Apo.
"Eh bakit po sila lang ang may kakayahan na magpalaki ng reynang Jieza?" Tanong ko habang yakap-yakap pa rin si Bulak.
He patiently answered. "Dahil sila ang itinuturing na lahi na pinakamalapit sa kalikasan. At kalinga ng ganoong nilalang ang kinakailangan ng reynang Jieza upang lumaki."
Napahinto ako nang bigla akong may naisip. "Papaano po kung Dryad po pala ako?"
Alam kong it sounds ridiculous pero hindi mo maitatanggi ang posibilidad. How could you explain kung papaano ko napalaki ang isang reynang Jieza eh di hamak na isa lamang akong taga ibang mundo?
Mabilis na umiling si Apo Lakan. "Hindi maaari dahil iba ang anyo nila. Isa pa, hindi pwedeng lumayo ang isang Dryad sa puno kung saan sila konektado."
Napatango na lang ako. Oo nga naman. It's just a stupid idea.
"Pero papaano po 'yon nangyari? I mean... paano ko po yan napalaki?"
"Hindi ko rin wari ang kasagutan. Maaaring may kakaiba sa lahi ng taga ibang mundo? Hindi ko rin natitiyak." Direstong sagot nya.
Hindi na lamang ako muling nagtanong pa. Ang mahalaga ay hindi pala basta-basta ang Bulak ko. Napatingin tuloy ako kay Scott at ngumisi. Binigyan ko lang sya ng ano-ka-ngayon-look. Ayaw nya pang bilhin si Bulak, ah? Hmm!
Natawa na lang ako nang malakas nang umirap ito at tumalikod na lang para lumabas.